Saturday, October 30, 2010

SUPER LUNA- Epilouge




Nagising si Kalion matapos ang pagkawala ng mga sumpa ng mga Grospe

“Anak, nawala na ang mga sumpa sa mga Grospe, nasagot na ang katanungan mo” sabi ni Mama

“Sino sya?” tanong ni Kalion

“Siya si Joseph, kapatid mo!” sabi ni Mama

“Matagal ko nang nasagot ang katanungan na iyon Ina! Matagal na, sino ang nakatanggal ng sumpa ina? Sino?” tarantang tanong ni Kalion

“Si Joseph anak” sagot ng ina ko


Biglang napatingin si Kalion sa akin at parang nagiba ang tingin


“Lumayo ka samin! Lumayo ka!” sigaw saakin ni Kalion

“Anak, bakit mo siya ginaganyan, kapatid mo sya” sigaw ni mama sakanya

“Basta Ina, palayuin mo yan dito” sigaw ni Kalion

Nang hindi ako gumagalaw ay agad akong hinatak ni Kalion at kinaladkad palabas ng komunidad ng mga Kaspyan at kasunod naming ang mga Kaspyan na nagtataka sa mga nangyayari

“Anak, Kalion, tama na! Anak!” sigaw ni Mama habang nagmamakaawa sa kapatid kong bitawan ako

“Hindi mo naiintindihan Ina!” sagot ni Kalion “ganyang ganyang ang nangyari dati, ganyang ganyan, nasagot ko lahat ng mga katanungan ko, kung papaano ililigtas ang mga Grospe sa sumpa, kasi si Kat, si Kat ina! Ginawa nilang Grospe, kaya nalaman ko na mga normal silang tao na minalas na madapuan ng sumpa, kaya’t gumawa ako ng paraan para maisalba sila”

“Ano ba tong sinasabi mo ha? Hindi ko maintindihan” sabi ng ina habang nakatulala lang ako sakanilang dalawa at magisa sa gitna ng daan habang pinapakinggan ang sinasabi ng kapatid ko

“Si Grospidio! Ang tanging Grospe lang talaga, o ang nagbuo sa mga Grospe, ang nagbigay ng sumpa sa mga tao, ay naglagay lamang ng isang paraan para mawala ang sumpa, iyon ay ang tunay na pagibig sa isang Grospe at isang Kaspyan, at alam nya na hindi mangyayari yun kasi magkagalit ang parehong panig sa isa’t isa kaya hindi nya naisip na mangyayari ang bagay na iyon. At iyun ang ginawa ko, patuloy ko lang minahal si Kat kahit naging Grospe sya, sinamahan ko sya hanggang sa mawala ang sumpa sakanya” sabi ni Kalion

“Oh! Eh ano, bakit mo ginaganito ang kapatid mo” sigaw ng ina

“Kasi kaakibat ng pagkawala ng sumpa sa lahat ng mga Grospe ay ang sumpa sa Kaspyan na nagtanggal ng sumpa sa lahat ng kaalyado nya. Ina! Kahit anong oras mababalot ng sumpa si Joseph! Kahit anong oras kukunin na siya ni Grospidio, iyun ang kapalit ng pagsalba sa mga tao!” maiyak iyak na sabi ni Kalion

Kumulog ng malakas at nabalot ng itim na ulap ang kalangitan



At tanggap ko na ang mangyayaring kasunod. Basta ang mahalaga, ligtas na si Eros sa ngayon

Ang panalangin ko nalang bago mangyari ang dapat mangyari, ay sana maging mapayapa din ang lahat sa huli

Nakaisip ako ng paraan kahit sa mga huling sandali

“Kalion” sigaw ko sa aking kapatid “Ilabas mo ang kahit sinong elemento na nasasaiyo” sabi ko

“bakit” tanong ni Kalion


“basta!” sigaw ko habang lalo pang lumalakas ang hangin at nakikita ko na ang pababang dilim mula sa kaitaasan

“Sige” sagot nya… tinawag ni Kalion si Heat, ang apoy na phoenix

“patayin mo ko” sigaw ko kay Kalion

“Hindi” sabi ni Kalion

“Patayin mo ako! Iyun lang ang paraan” sagot ko

“Anak… wag” sigaw ni Ina saakin “Wag”

“Sige na Kalion, para ito sa ikabubuti ng lahat” mas malakas kong sigaw sa kanya “Sige na bilisan mo andyan na sya” dagdag ko pa

“Kahit ayoko, para sa lahat to!” sagot ni Kalion “Heat! Blaze of Eternity! Paliyabin mo ang buong katawan nya”

Agad na bumulusok saakin ang apoy na nanggaling kay Heat at habang nasusunog ako ay nakangiti parin ako. Tinignan ko ang kapatid ko at si Mama at Papa ko sa huling pagkakataon, at hiniling ko nalang ang kaligtasan para kay Eros, na gustong gusto ko Makita pero hindi na pwede. Nasunog nga ang buong katawan ko ngunit hindi kalian man masusunog ang puso ko. Ang puso ko na handing magtanggol…. Hanggang sa huli…. kahit kapalit pa nito ay ang sariling buhay ko…


















“Joseph” namulat ang mga mata ko sa narinig ko, pagtingin ko sa paligid ay hindi ko alam kung nasaan na ako “Nasaan ako” tanong ko sa lalaking nakatalikod na hindi kalayuan saakin












“Maligayang pagdating Joseph, ako si Grospidio, at ikaw ang tutupad sa mga adhikain ko”

(END)

1 comment:

  1. wow,
    1st, i know that'll be a fantasy, but you surprised me how you mixed bisexuality here, or the other way around, mas kinilig ako sa scenes ni Lucas kasama si Trence kaysa kay Eros
    2nd, ok naman yung exposure ng mga characters maliban kay Trence, noong sumama siyang nagpunta sa Earth, actually nag-expect ako na hindi naman niya matutulungan talaga si Lucas, nag-expect ako ng ibang exposure niya, though na-expose nga siya pero parang nakulangan ako. at yung kay Kalion, bumawi naman siya sa epilouge, hindi maganda yung entry niya pero nakabawi sa last part,
    3rd, sa kwento, merong mga typo errors. at yung kabuuan, siempre bitin yung last part. compressed yung mga eksena pero nabigyan mo ng justice,
    nice job, ang galing,

    ReplyDelete