Wednesday, October 6, 2010

SBLS Blends- LET IT FALL ON THE LOVE FOR REVERIE (1)




Salamat sa lahat ng nakipag puyatan sa akin kaninang madaling araw and kagabi, :) Thanks Mama D, bx_35 and earl of dubai, yung iba rin na nagbabasa agad after ko palang ma post yung story, thanks ng madami guys.

WARNING: para maintindihan ng maayos ang istorya, basahin ang mga sumusunod:
1.SBLS- Short Bisexual Love Stories- LOVE FOR LIFE
2.SBLS- Short Bisexual Love Stories- LET IT FALL
3.SBLS- Short Bisexual Love Stories- REVERIE

This is a combination of the 3 stories, para mas maapreciate mo yung story :) basahin nyo po yung mga prequels nila :)

SA DAMI NG MGA RE-POST ko kagabi, SA WAKAS ITO FIRST POST PALANG :) Bagong story po ito sana magustuhan nyo

_____________________________________________________________________________________



“When God takes away something from you, expect something better and bolder in return”


“I miss you Karl” Isang malamig na bulong ni Kevin sa hagin habang tinitignan ang mga ala ala nila ni Karl sa knayang camera


“Magiingat ka sa langit Lance” ang lumabas sa mga labi ni Andrei habang napapanaginipan nya si Lance na nakayakap sa kanya


“As long as I can still see and feel the rain, you will still be here in my heart Jed” sabi ni Robi habang hawak nya ang iniwang pendant ni Jed sakanya bago sya kunin ng maykapal

3 different people, 3 different lives, 3 different stories, but with only 1 reason for their miseries.

_____________________________________________________________________________________
“Have you changed your mind yet son? About photography? Walang magagawa sa buhay mo yan anak” isang mensaheng iniwan ng Mama ni Kevin sa voice mail nya

Nang marinig ni Kevin ang mensahe ng ina, napailing nalang sya at sinabi sa sarili “This is what I want, and no one can stop me from taking pictures, this is m passion”

Siksik ang schedule ni Kevin dahil sa mga naka schedule nyang photoshoots, pero simula nung nawala si Karl, halos hindi nya na sinisipot lahat ng mga naka schedule nyang shoots, ayan! Nabadtrip ang kumpanya, hanggang sa pinabayaan nalang sya, at pinagpahinga, pero sinabihan na welcome padin syang bumalik anytime he wants to

“Kaibigang Jeff, balik tayo sa nakagawian” at sabay ngiti ni Kevin sa bestfriend nyang DSLR camera na si Jeff

Bumalik si Kevin sa clothing company na dati nya ding pinagtatrabahuhan at ayun! Hinihintay lang talaga sya bumalik

“It’s been what, 4 months already, ready ka na ba ulet Kevs?” sabi ng boss nila

“Oo nga po Boss Chito! Hirap po mawala sa ganitong linya, nakakmiss talaga” sabay tango ni Kevin kay Boss Chito

“We have a lot of new models for your lenses to take care of Mr. Kevin Galvez” dagdag pa ng boss nya

“Exiting Sir, Can’t wait to start, by the way, kelan nga po pala yung schedule ko for my first shoot comeback?”

“Tomorrow at 2 pm, sa Palawan ang assignment mo! Nature kasi ang theme for this season, be there on time, here’s your plane ticket to Palawan, allowance, and nandun na lahat ng staff, kaw nalang hinihintay”

Gulat ni Kevin at sa pagbalik nya, isang malaking assignment agad ang ibinigay sakanya.

_____________________________________________________________________________________

Naabutan ni Jaely si Drei na nakatunganga lang sa may labas ng bahay nila at kitang-kita na malalim ang iniisip nito

“Hoy Besprend! Okay ka lang ba? Sino iniisip mo? Si Lance?” tanong ni Jaely

“Can you blame me bespren? Miss na miss ko na si Lance” sagot ni Andrei

Si Andrei, isang batang kakaiba, lahat ng panaginip nya ay nagkakatotoo, as in lahat, di man alintana kung kalian ito mangyayari, basta ito ay mangyayari’t mangyayari. Hawak ni Lance ang Dream book nya habang nakaupo samay upuan sa labas ng bahay nila, agad inagaw ni Jaely ang dream book at binuksan nya ito (ang dreambook ni Andrei ay ang libro nya na kung saan lahat ng napapanaginipan nya ay isinusulat nya) pagbukas ni Jaely ng libro ay nagulat sya ng nakita nya ang napanag inipan ni Andrei bago pa man din sya dumating sa bahay nila Andrei

“No way John Andrei, napanaginipan mo to? As in?” gulat ni Jaely

“Alin?” tanong ni Drei

Ng biglang nag ring ang cellphone ni Jaely

“Hello Ma’am, Is this Ms. Jaely Roqueta?” sabi ng babae sa telepono

“Yes ito nga po” sagot ni Jaely

“Congratulations po Ma’am kayo po yung maswerte naming Grand prize winner ng trip to 2 for Palawan, bali ma’am 3 days and 2 night po doon, all expenses are covered po and you can claim your prize dito po sa main office ng Gerbin Enterprises, sa Quezon city po, just bring 2 valid IDs po”

“Okay! Thank you po” sagot ni Jaely na malaki padin ang gulat sa mga nangyayari, pagkababa ng telepono ay agad tumingin si Jaely kay Drei

“Iyun bespren, iyun talaga, ang bilis ano ba yan, bespren, trip to Palawan oh!” kulit ni Jaely kay Andrei

“Congrats” sabi ni Drei, habang nakasibangot at batid na si Lance padin ang nasa isip nya

“Alam ko na bespren, ikaw nalang yung kasama ko sa Palawan, para naman mawala yang ka-emohan mo dyan sa katawan”
Agad kinuha ni Jaely at Ni Andrei ang ticket nila sa office ng nasabing kumapanya, at nag desisyon umalis mismo kinabukasan gawa ng sembreak din naman nila at sa susunod na linggo ay balik ulit sila sa eskwelahan.

_____________________________________________________________________________________

Patak ng mga ulan na nangaling sa langit ang gumising kay Rob.

“hayyy! Umuulan nanaman, I miss you Jed, I love you,” bulong ni Rob sa hangin at sabay pagtulo ng mga luha nya sa mata

Isang taon na rin ang nakakaraan nung namatay sa cancer si Jed, naka graduate na si Rob ng Chemical Engineering pero hindi padin nya malimutan si Jed, ang taong nagpakilala sakanya sa ulan, at ang masarap na pakiramdam pag dumadampi ito sa kanyang balat. Sabay himas ni Rob sa pendant sa kwintas nya na bigay ni Jed sakanya at naalala nya ang sinabi sakanya ni Jed “pag naalala mo ko, hawakan mo lang yan, parang nasa tabi mo lang din ako”

Wala pang makuhang trabaho si Rob na nasa linya ng tinapos nyang kurso pero marami na syang na-applyan sa ibang bansa at sa Maynila, kaya’t ginugugol nya ang oras nya sa pag momodel, na kuha kasi syang model nung ipinan laban sya ng College department nila sa Inter-institute sa It’s a ramp, isang modeling competition at pinalad naman na si Robi ang nanalo sa kompetisyon

“Rob anak, kumain ka na! tanghali na oh! Bangon na dyan” sigaw ng nanay niya sa nakahilata pa nyang katawan sa kama

Umuulan nanaman, kaya’t pagkatapos kumain, lumabas si Rob para mag pa-ulan at alalahanin ang mga magagndang ala-ala nilang dalawa ni Jed pag nag tatampisaw sila sa ulan. Habang naliligo sya ay natatabingan nalang ng mga patak ng ulan ang mga luha na dumadaloy sa mga mata nya, at and presenya ng ulan na lang ang nagtatakip sa nararamdaman nya.

“Anak may tawag ka sa telepono, si Sir Mike daw, baka eto na yung hinihintay mo” sigaw nanaman ng nanay nya habang tinatawag ang Anak na nagpapaulan sa labasan ng bahay nila

“Ano ba naman anak? Nagpapaulan ka nanaman! Magkakasakit ka nanaman nyan! Magbihis ka pagkatapos mo kausapin yung Sir Mike na yun ah” paalala ng nanay nya sakanya

“Yes Sir mike?” sagot ni Rob sa telepono

“Have you packed your things? For tomorrow” sabi ni Sir Mike

(nakalimutan ni Rob na may shoot pala sila nung araw nay un kaya’t nagpalusot nalang ito)

“Opo Sir Mike actually, exited na nga po, see you tomorrow nalang po” sagot ni Rob

“Okay! 2 pm ah? Sharp, bye”



(To Be Continued)

2 comments:

  1. Wow new story to... Nung binasa ko to, biglang bumalik lahat ng stories nung mga bida. Ngayon ko lang narealize na pinagsama-sama din yung titles nung tatlo. Galing mo Idol Gab! :DD

    ReplyDelete
  2. Ang galing mo talaga Gabriel!!! Kailan mo ba ako pakakasalan? hahaha

    ReplyDelete