Monday, May 21, 2012

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 7



“Change is never easy, you fight to hold on, and you fight to let go”

_________________________________________________________________________________

Nung mga hapon na ay nagpaalam na din saakin si Arvin, kailangan nya na din kasi umuwi nung mga oras na iyun, kailangan pa sya ng Maynila.

“Alis na ko ah?” tanong nya saakin

“Oo naman! Sige lang! salamat ulet” sagot ko sakanya

Humawak lang sya sa pisngi ko at sabay pisil nya at sabay lumapit ang mukha nya saakin at idinikit ang mga labi nya sa may lugar kung saan lagi nya ako hinahalikan bago kami maghiwalay ng landas.

“Haha! Sige bye na” paalam nya saakin

“Ingat! Salamat ulet” paalam ko sakanya

Paglayo nya sa mukha ko ay nagulat nalang ako bigla biglaan at mabilis nyang inilapit ang mukha nya saakin at idinikit nya yung mga labi nya sa labi ko.

Putangina, I wanted to turn away sana, kaso I don’t know why my head’s just staying still and just tolerating every move that Arvin is making. He was kissing me na para bang it was the last time na makikita nya ako, tipong pupunta na sa ibang bansa. The last time I felt that kiss was when we were in Subic at ako yung mismong nagpumilit na humalik sakanya kasi ayoko syang pakawalan nun. Ngayon ko lang ulet natikman yung halik nya. Ngayon ko lang ulet naramdaman yung pakiramdam na may humalik sayong taong mahal ka talaga.Ewan ko ba, halos 5 minuto lang yata ako nakapikit at dinaramdam ko lang yung bawat lipat ng labi nya. Napadilat nalang ako nung napatigil sya at unti unting lumayo at dahan dahan lang dumilat at tumitig sakin sabay bigay ng pamatay nyang ngiti na lagi nyang ginagamit saakin. Ngumiti nalang din akong pabalik sakanya, he was smiling like hell, as in, yung tipong ngingiti tapos makikita mong pinipigil yung ngiti nya, sobrang cute! Ewan ko ba! AYAN NANAMAN AKO! HOY GAB NGA!!!! GAAAB!!! GIIIISSSSSIIIINNNNG!!!!!

He then raised his hand and waved goodbye. Habang naglalakad sya papalabas ng bahay eh tumitingin tingin sya palikod hindi ko alam kung bakit, para nga syang tanga, pero ang cute lang, bago sya pumasok sa kotse, tumitig muna sya saakin ng malalim at halos ilang minuto lang syang nakatayo sa gilid ng pintuan ng kotse nya at nakatingin lang saakin, nang papasok na sya eh bigla syang bumulong sa hangin habang nakatitig saakin, na halatang halata ang mga katagang “I LOVE YOU GAB” sa pagbulong nya.

He was still looking at me while he was driving away, parang ulol nga syang nakangiti lang sa akin the whole time na nandun sya sa kotse nya at kahit nung paalis na sya. SHET NAMAN! Eto nanaman ako, wag na! ayoko na ng ganito, ayoko na talaga….
Umalis sya, pumasok lang ako sa kwarto, iniisip ko lang sa sarili ko, ano kaya kung nahuhulog na nga ako sakanya? Anong gagawin ko? Paano ko pipigilan yung sarili ko, ayoko na kasi eh. Ayoko na.

Lagi nalang ganito eh! Lagi kong sinasabi sa sarili ko na ayoko na! pero lagi naman akong hindi bumibitaw. After that kiss, I felt guilty for nothing, I know Sojeph won’t care, but I still got this feeling na kami padin kahit hindi na, na para bang I am cheating on him even though wala na kami, at wala na talaga sya pakialam sa kung ano man yung ginagawa ko sa ngayon. Pero what the fuck! What the hell! Bakit ganito yung nararamdaman ko? BAKET? Tanong ko lang sa sarili ko, bakit kaya?

Days past, it was just texting and phonecalls from Arvin, and weird to say, wala akong nararamdam after the realization moment ko after naming mag kiss. Wala talaga, WALA! My bestfriend’s even asking me like every minute of the day na aminin ko na sakanya, kasi sabi nya alam ko namang magagalit sya pero sana lang aminin ko, PERO WALA TALAGA EH! WALA! Hindi kami! At hindi magiging kami ulet! Naka set na sa utak ko yun! Kasi ang tinatak ko lang sa isip ko, I am not falling for this guy again, kasi ayoko na maramdaman yung ganitong pakiramdam ng hindi stable yung emotions ko, na alam ko na I’m longing for someone to love me. Maybe when I feel this pag maayos yung lagay ko, yun siguro yung time na masasabi ko na, OO nga ano? Mahal ko pa pala talaga sya! Pero ang alam ko lang sa sarili ko, I still love this guy na nakapagiba ng perception ko about love. Etong taong nagpapangiti saakin araw araw dati, gigisng ako to receive a text from this guy at mapapangiti nya na ako. We never saw each other yet, kasi ayaw ng panahon, ayaw ng lahat, HINDI KO ALAM KUNG BAKIT EVERYTIME NA MAGPAPLAN AKO MAKASAMA SYA LAGING MAY SAGABAL! LAGING MAY PANIRA! Ang alam ko lang, at ang assurance ko lang sakanya, eh kasi nga we have a mutual close friend to assure each other’s real.

Sojeph? He was the one I was talking about. Less than 2 years nya din ako napasaya. And honestly hanggang ngayon? He is still making me smile kahit na alam kong may iba na syang mahal, hindi ko alam kung bakit ganito yung takbo ng utak ko, basta ang alam ko lang, hindi ko pa sya ma let go, kahit sinabi nya na sakin na TAMA NA! Hindi ko padin magawang tumigil, pero ang pinakakinagulat ko, hindi ko na pinaglalaban.

Alam ko sa sarili ko na pag nagmahal ako, kahit ano gagawin ko just to fight for that love that I have, pero bakit sakanya hindi ko na sya magawang ipaglaban, siguro kasi nga HINDI NA AKO MAHAL! May mahal na ngang iba diba? BAKIT? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, hindi ko alam kung bakit sya nagsawa sakin. Hindi ko na mapaglaban yung sarili ko, kasi napakalayo ko para gawin yun, at may iba ng laman dun sa puso nya. Ayoko ng maging sagabal sa kung ano man yung sayang nararamdaman nya.

As of this day that I am writing this, It has been 10 days since he told me to stop. Maybe not 10 days pag na publish ko na to. Pero 10 days as of now na sinusulat ko to

Sampung araw na pala akong wala sa tali, parang aso na pinakawalan na pero nagiikot padin na walang alam kung paano mabubuhay magisa lalo na kung wala yung taong nagalaga sakanya, nakakasama ng mga lumang kaibigang aso sa labas pero hinahanap padin ang amo nya, parang asong palaboy na walang nagmamayari, sampung araw nagiisip kung paano ba mabubuhay na wala sya. Kasi sinanay ka nya na lagi lang syang nandyan, magpapakain, magpapainom, hihimasin ka, papaliguan, pero ngayon, wala, gusgusin ka nalang na aso na palibot libot kung saan saan, hindi naghahanap ng bagong magaalaga, pero gustong gustong bumalik sa may-ari, pero hindi alam kung paano. Siguro nga natahulan ko sya sa mga oras na wala sa lugar, na wala sa mood, siguro nga nakagat ko sya ng napakadaming beses na para malaman kung kaya nya ba itolerate yung mga matatalim kong ngipin kahit alam nya na masakit. Ngayong huling kagat nya, siguro nasaktan na sya ng sobra, kaya hindi na kinaya, o baka nakahanap na sya ng mas magandang aso, na hindi sya tatahulan sa mga oras na hindi tama, na hindi sya kakagatin kahit anong galit ng aso na iyun. Na hindi sya iiwan sa kahit anong problema man ang harapin nya.

Napakapangit na metaphor oo! Ikumpara ba naman ang sarili sa aso. Pero may point naman siguro ako. Sana.

Nag activate ako ng FB ko isang lingo pagkatapos ng lahat ng mga pag eemo ko sa kwarto ko, matapos lahat ng luhang nalabas ko. Mga oras na yun gusto ko sana ipaglaban, gusto ko sana sya kausapin, kasi kahit anong udyok sakin ng lahat ng tao sa paligid ko, wala eh, mahal ko padin sya, Sobrang mahal ko padin sya.

Online sya, Online ako. WALA! I asked before I even opened my facebook, sabi ko. Please Lord, isang sign lang, isang sign lang, status or anything, kahit mauna lang sya mag message sakin okay na, kasi alam nyang namimiss ko sya. Kahit anong makita ko, I will really try to win him back.

After a few hours wala padin, papansin sa status, kasi nakikita ko na online sya, but still doesn’t seem to care. I thought to myself, I know him naman kahit papaano and throughout the course na kami, alam ko naman paminsan kung paano nagwowork yung utak nya. Is he waiting for me to message him? Or am I assuming again na he’s waiting for me to message him.

As usual. Hindi ko din natiis.

“Goodmorning po” sabi ko

He replied a few minutes after “Kagulat naman, when did you reactivated?” tanong nya

“Kanina lang po” sagot ko

“Ahhh, gnun ba. Musta na? sensya kung di naka reply agad, nanunuod ako ng Fairy Tail eh” sagot nya saakin

Di naman sya ganun katagal nagreply pero wala lang, natuwa ako sa message nya, na iyan nanaman ako, assuming nanaman! Pero napapangiti ako eh, bakit ba?

We did catched up with each other. About sa kung anong nangyayari sakanya, about sa work na inaaplyan nya, about everything siguro except the guy that he loves right now. Ewan ko ba? I am dying to type “SOJEPH MAHAL NA MAHAL PADIN KITA” sa chatbox pero I just can’t seem to. I don’t know why, natatakot? No! Bakit ako matatakot? BAKIT?

Siguro natatakot nga ako, pero hindi sa ma reject nanaman pero natatakot ako na baka naawa lang sya sakin, o baka makasira pa ako ng relasyon nila nung bago nya. EWAN KO BA? Hindi ako ganitong tao, kasi pag mahal ko yung isang tao, ipaglalaban ko sya alam ko sa sarili ko yun. Pero bakit ganun? Hindi ko masabi sakanya kung ano ba talaga yung nararamdaman ko, kahit ayaw na ng lahat ng tao sa paligid ko HINDI KO PADIN SYA MAKALIMUTAN! HINDI PADIN.

After that wala na. Eto nanaman ako, balik nanaman sa pagiging emo ko. Walang magawa, wala ng mailuha, nalabas ko yata lahat eh.

DEACT. for the Nth time

I just don't find facebook useful for me anymore. I got my phone here, nandito na ulet naman yung laptop ko para makasama kong magsulat ng mga stories ko, may mga tao pa akong napapasaya kahit papaano sa mga binabasa nila dito, mabigyan ko ang sila ng kaunting aliw masaya na ako. So hindi lang lang naman facebook ang way para maka communicate ako, madaming madaming ways pa. :) I'm vying for a fresh start, Palit number nalang muna ulet, buti may 30 pesos pa ako :))

Saturday, May 19, 2012

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 6


 

“Don't let past relationships ruin your future happiness, scars remind us of where we've been, not where we are going”

________________________________________________________________________________

Wash up, I was smiling the whole time while nakatayo sa loob ng shower area, ewan ko ba kung bakit ganun nalamang yung ngiti ko nung mga oras na yun.

After washed up I went out and saw Arvin, still wearing the same shirt, same shorts, and still with the same old sleeping face of him na alalang alala ko pa dati nung lagi ko pa sya katabi matulog, iba na lang siguro yung pakiramdam ngayon, kasi magkaibigan nalang kami. Ayan sya, tulog na tulog na at kulang nalang eh maghilik sa sobrang lasing, hahaha, parang di naman ako kilala, alak lang pala, patibayan pala ang gusto nya eh, edi ibibigay ko

I wore my shirt, put on my brief and boxers then dahan dahang humiga sa kama. Napatingin lang ako sakanya nung mga oras na yun. Looking at that same face that I was seeing couple of years ago, bigla nalang akong nalungkot na isipin sa nasayang naming samahan dati. Bakit kaya ginagawa sakin ng tadhana to, bakit pilit nya binabalik tong mga bagay na to sakin, bakit kahit pilit ko kalimutan yung mga bagay na naging parte naming ni Arvin dati eh hindi ko makalimutan.

Hindi ko na napansin na unti unti ko na palang nailalapit ang kamay ko sa pisngi nya, hindi ko alam kung bakit, basta bigla ko nalang naisipang hawakan ulit yung mainit nyang pisngi na dati eh bago matulog eh pinipisil ko at pagkagising sa umaga eh yun agad ang una kong tinitignan sakanya. Ng medyo tumagal ng nakahawak ako sa mukha nya ay bigla syang napagalaw at bigla ko nalang tinanggal ang kamay ko at baka magising ko pa sya dahil sa pagkagigil ko sa pisngi nya.

Ewan ko ba, basta ang alam ko ng mga oras na iyun, ay napikit ako na nakangiti ako. Nakalimutan pansamantala ang bigat na dinadala ko sa loob ko

……….

I woke up na wala na si Arvin sa tabi ko, naghanap agad ako ng sulat nya, o kahit text man lang na nagpaalam, pero wala, baka siguro hindi na sya nakapagpaalam dahil sa himbing ng tulog ko.

Napaisip tuloy ako, kasi everytime umaalis sya kikiss lang sya sa bandang cheeks ko near my eyes, bago man lang sya umalis, kahit nung hindi na kami, laging bago kami maghiwalay eh naging habit nya nan a humalik samay upper part ng pisngi ko. Haaaay, medyo lumungkot ako ng mga oras na yun. Siguro dahil di man lang sya nakapagpaalam ng maayos saakin.

Napatingin ako bigla sa orasan at bigla nalang din napatayo sa kama ko, alas 10 na pala, hindi ko pa napapainom ng gamot si lola ko, hindi ko pa din napapakain, sigurado ako na umalis na kaninang umaga pa si pinsan ko para sa trabaho nya.

Mabilis akong lumabas para mapainom ang gamot kay lola, at para makapagpakain na din naman. Ng papapalapit ako sa kwarto kung nasaan ang aking lola ay laking gulat ko na naririnig ko ang tawa ni lola ko. Matagal ko ng hindi naririnig na masaya si lola ko, siguro ay nanonood ng palabas sa telebisyon na napatawa nalang sya.

Mas nagulat ako ng pagkabukas ko ng kwarto ay nakita ko si Arvin na nakaupo sa tabi ng lola ko at nakahawak sa mga kulubot nitong kamay at yung ngiti ni Lola ko nung mga oras na yun. PRICELESS. Sobrang PRICELESS, gusto ko na nga mapaluha right there and then pero naisip ko baka naman isipin nila baliw ako, bigla nalang akong luluha sa harap nila

“Vin! Kala ko umuwi ka na?” tanong ko sakanya

“Hindi, di naman ako uuwi ng di ako nagpapaalam, para kang bago ng bago” sagot nya “naisip ko na din dalawin muna si lola bago ako umalis, hinihintay kasi kita magising, eh nakita ko na may schedule ng meds dito, pinainom ko na din si lola, pinakain ko na din kanina” sabi nya

Gusto ko tuloy mapanganga nung mga oras na yun kasi sa totoo lang, mahirap pakainin si lola ko, hindi basta basta sumusubo nalang, kasi nahihirapan na din siya lumunok pa minsan, nakita ko na ubos na ubos yung nasa plato na nasa gilid ng kama nya.

“La! Mukhang naubos nyo pagkain nyo ngayong” nakangiti kong papuri sa aking lola

Kita kong hirap na din magsalita si lola pero pinipilit nya magsalita

“Etong.. si… pogi…. Makulet…” natatawang nahihirapang sabi ng lola ko

Ewan ko ba kung bakit ngiting ngiti si lola ko noon, basta yung mga moment na yun eh priceless talaga para saakin.

“Sige na…. pogi,,, at kumain na… kayo ni apo” nakangiti paring sabi ni lola ko

Pagkatapos nuon eh humalik si Arvin sa noo ni lola ko at niyakap nya ito at sobrang sweet nya nung mga time na yung kay lola, ewan ko, nagpapa impress yata si loko. Pagkatapos eh lumabas na din kami para makakain na kami ng agahang dalawa. Habang naghahanda ako ng kakainin naming eh hindi ko matiis itanong sakanya kung paano nya napangiti ang lola ko ng ganun

“Saya ni lola ngayon ah, ano ginawa mo dun? Jinoke joke mo ano?” tanong ko kay Arvin

“Hindi” sagot nya

“eh ano ginawa m okay lola?” tanong kong muli sakanya

“Syempre una nagpakilala muna ako, tapos eh sabi ko sakanya habang tulog ka pa eh ako muna mag aalaga sakanya, tapos medyo kinuwentuhan ko habang sinusubuan ko sya, para di nya napapansin na kumakain na sya kasi nakatutok lang siya sa sinasabi ko sakanya” sagot ni Arvin

“Salamat ah” nakangiti kong pasalamat kay Arvin

“Ano ka ba? Si Lola yan, mahal mo yan, kaya mahal ko din yan” sagot nya sakin

Awwwwwww…. Napakasweet talaga nitong mokong na to. Pero seryoso, napahanga nya ako sa ginawa nya kay lola ko

“Salamat, kala ko kasi umalis ka na” sabi ko sakanya

“Wag ka nga thank you ng thank you dyan Gabriel” sagot nya saakin

“Bakit lakas makatawa ni lola kanina?” seryoso kong tanong

“Sinabi ko kasi na mahal ko yung apo nya” sagot ni Arvin

Natahimik naman akong bigla at parang napaisip kung binibiro lang ba ako nito o seryoso to sa mga pinagssabi nya saakin.

“Parang tanga, Seryoso?” medyo kunwareng naiinis kong tanong sakanya

“Oo, bakit? Eh kung sa mahal talaga kita eh” seryoso nya namang sagot saakin

“Arvin nga!!!” naiinis kong sagot sakanya “iyun lang tatawanan agad ni lola?” pasunod ko pang tanong sakanya

“Oo nga! Sabi pa nga nya, paano daw yun, eh pareho tayong lalaki” sabi ni Arvin “Ang sabi ko lang sakanya eh ang pagmamahal naman po lola, wala pong pinipili yan, babae ka man, lalaki, straight o bi, karapatan mo yun” sagot nya saakin sabay halkhak ng malakas

“Oy! Patented yung quote na yan ah” sabi ko sakanya

Oo nga pala, kung titingin kayo sa header ng blog ko, iyun ang tagline ko. Kasi naman diba? kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, kahit ano kasarian mo, you do have the utmost right to love, kasi hindi naman namimili ng gender ang love eh, basta alam mo na mahal mo sya, MAHAL MO SYA!

“Ni rephrase ko na nga para di ako makasuhan” sagot ni Arvin

“Kahit na, buong thought akin din” sagot ko sakanya

“Ano po ba yung ikakaso mo sakin Mr. San Agustin?” tanong nya saakin “Possession of illegal Love and Obsession?” dagdag nya pa

“tarantado ka talaga” patawa kong sagot sakanya

Hindi ko nalang pinapahalata sakanya na kilig na kilig na ako sa mga pinagsasasabi nya saakin. Hay nako Arvin, bumabalik na masyado lahat yung pakiramdam ko, TAMA NA! Ayoko na ng ganito…


(Itutuloy...)

Wednesday, May 16, 2012

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 5



“Destiny is not a matter of chance, it is a matter of choice; it is not a thing to be waited for, it is a thing to be achieved."
_______________________________________________________________________________


After 30 minutes lang kaming nakatahimik, tingin tingin sa mga phone namin, habang tumutugtog yung “LOVE UNCOMPROMISED” in Jason Castro, ewan ko, medyo may pagka sexy kasi yung tone nung boses ni Jason dun, tapos yung lyrics pa eh, “I’ll make you up and then I’ll dress you down, and I’m gonna kiss you all over this time” na minsan natatawa ako nung mga times na may nangyayari samin ni Arvin, ang pangit na iyun yung mga naalala ko nung mga oras nay un, pero ewan ko ba kay Jason Castro, bad influence. Hahahaha, reggae na, bad influence pa.

After nung mga mag-iisang oras na and nakak 7 bottles na nga din ako eh tumayo nalang bigla si Arvin, and nagpaalam sya saakin

“I have to go Gab, thanks” paalam nya saakin

Gabi na! lasing pa sya, what I was really expecting is dito sya matulog. HINDI PARA MAKASEX ko sya, pero para safe sya, baka mamaya kung mapaano pa yan, Manila pa uuwi tapos lasing na lasing. Medyo malayo.

“Seryoso? Uuwi ka pa?” tanong ko sakanya

“Ahhh, wala lang, I just want to go home, para hindi nadin ako makaistorbo dito sayo” parang tanga nyang sagot saakin

Ay nako nga Arvin nagpapaawa nanaman ang loko! If I know gusto nya lang pilitin sya

“Magstay ka na please? Baka mapaano ka oh” sagot ko naman sakanya

“Wag na, I can drive, I really gotta to go” sabi pa nya na parang groggy na ang boses

Amp! Pa hard to get naman masyado ngayon to! Nako pag may nangyari pa dito sa lokong to ako pa may kasalanan.

“ARVIN! Wag nga matigas yung ulo mo! Baka mapaano ka sa daan” sabi ko sakanya na medyo mataas na yung boses

He the looked to his right and he looked disappointed at that moment then bigla ulet syang humarap saakin na nakita ko na naiinis sya

“GAB KAYA KO YUNG SARILI KO! UUWI NA AKO” galit nyang sigaw sakin

Sabay talikod at lumakad papalayo sakin…

“Hon…” mahina kong tawag sakanya. I really don’t know kung bakit ko sya tinawag na ganun that time, siguro para lang mapakalma ko yung emosyon nya, pero ewan, I had no intentions whatsoever na tawagin sya ng ganun, basta, siguro sa sobrang gusto ko na kumalma sya at making saakin, napahinto naman sya sa kinakatayuan nya at bigla nalang yumuko ang ulo nya at tumingin sya saakin. “Wag kana umalis Vin….. please?” makaawa ko sakanya “Ayokong may mangyari sa’yong masama” dag dag ko pa

Bigla nalang syang naglakad papalapit saakin at niyakap nya ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong intension na o ang ibig sabihin nya sa yakap nya na iyun.

“Wag mo naman ako pagisipin lalo Gab, I just want to know kasi eh” he told me

“Hindi ko kasi alam… yun yung totoo Vin” sagot ko sakanya

“Basta, just know that andito lang ako pag kailangan mo ako” a sweet reaply from him

“Thank you”

I remembered him being like that nung una naming kilala, bumabalik nanaman yung dating Arvin na una kong nakilala, na nawala simula nung naging kami. Ewan ko ba, namimiss ko tuloy sya nung bestfriend ko palang sya, pero alam ko naman na mahirap na ibalik yung mga times na yun, kasi nalamatan na, pero sana lang, maibalik ko yung mga panahon na masaya kami sa isa’t isa sa mga simpleng bagay bagay na gusto namin.

After that talk we finished the remaining bottles, and then we just laugh at those times na mga naalala namin back when we were in college. After Drinking, I had this great smile, I forgot about my problems that moment, bukas nalang yang mga lintek na problemang yan, basta nag enjoy ako sa gabing ito, at di ko hahayaang masira ng kahit sino ang gabing ito.

(itutuloy…)

CHAT

I activated my FB to check what's happening... Actually waiting for a chat from him... pero wala eh, kaya ako na ang nauna...


I don't know what to do.... :( I don't KNOW!!!! FUCK !!!!
PLEASE STOP MY FINGERS FROM TYPING THESE NONSENSE :( NO MORE, TAMA NA GABI! NASASAKTAN KA NANAMAN NG HINDI MO ALAM!!!!!!!!! :(

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 4



Isang maikling Chapter IV para sa lahat

“Second chances do come your way. Like trains, they arrive and depart regularly. Recognizing the ones that matter is the trick”

______________________________________________________________________________

Habang nagpapaliwanag si Arvin saakin tungkol sa mga bagay na dating nangyari ay nakatitig lang ako sakanya, hindi ko alam kung anong sinasabi nya, walang pumapasok saaking impormasyon nung mga oras na iyun. Nakatitig kay Arvin, luhaan, walang marinig kundi ang baso ng alak na tinatawag ako, “Inumin mo ako Gab” iyun lang ang nadidinig ko, walang iba, hindi ko alam kung bakit ganun nalamang ang nangyari saakin nung mga panahong iyun. Isang bagay lang ang nagbalik saakin ng presensya sa mundo, pagkatapos inumin ang isang punong bote ng Redhorse, sabay kong nadinig ang sinabi ni Arvin na

“Gab, I’m sorry for hurting you a million times, but please believe me that I still love you, up until this moment na sinasabi ko to”

I was shock to hear that, hindi ko padin alam kung ano ang iisipin ko sa mga bagay na pinagsasasabi nya saakin. Gusto kong isipin na totoo nga siguro yung mga sinasabi nya, o epekto lang ba to ng pagkasawi ko sa isang taong mahal na mahal ko padin. Hindi ko alam, kasi ang lagi ko nga sinasabi, when you love, hindi pwedeng dalawa yan, siguro hindi love yung sa isa, it could be another thing, basta hindi pwedeng magmahal ng dalawang tao ng sabay. HINDI!

“Gab……” mahinang bulong ni Arvin “Can we try this again?” dagdag nya

SHET NAMAN! Hindi ko alam yung isasagot ko, kahit nga yung nararamdam ko para kay Arvin hindi ko alam eh, ang alam ko lang, hanggang sa mga oras na iyun, masakit padin yung samin ng huli ko.

“Arvin, di ko alam….” Sagot ko sakanya

“Hindi mo na ako mahal?” tanong nya sakin

“HINDI KO ALAM” pasigaw kong sagot sakanya

Clouded, that is how I would describe my mind at that moment. FUCKED UP pwede na rin.

As I looked towards his way, bigla nalang nagiba yung aura nya, napatigil sya sa pagsasalita, biglang lumugkot yung itsura nya, nakayuko lang sya, hawak yung bote ng redhorse, with his right arm on left shoulders. What is he thinking as of the moment, I have no clue. Basta bigla syang tumahimik.

Uminom lang ako hanggang sa magsalita na syang muli. Pero hindi padin sya nagsasalita siguro ay may 30 minuto na ang nakararaan. Hanggang sa hindi ko na kinaya at ako na mismo ang humingi ng paumanhin sakanya

“Sorry Arvin” sabi ko sakanya

“Ha? Bakit?” tanong nya sakin ng mahina nya pading boses at malungkot na mukha

“Kasi alam kong ilang milyong beses na din kitang nasaktan” paliwanag ko

“Remember what you told me dati? Na I am worth every pain na nararamdaman mo? Ganun din ako ngayon gab, you are worth every pain na nararamdam ko, sobrang worth it” sagot nya

“How did I became worth it?” tanong ko sakanya

“Kasi dati minahal mo ko ng walang doubt, na hindi ko pinahalagahan, na hindi ko pinansin, pero minahal mo padin ako, hanggang sa napagod ka na siguro, pero I still remained special para sayo, you know ano nalang yung pinaghahawakan ko ngayon? Yung friendship natin. You are worth it kasi you are very forgiving, you are worth it kasi pag nagmahal ka todo, you are worth it because you are so special para sakin” sabi nya

I felt at that moment na parang ang sakit din pala ng pinagdaan niya, akala ko dati wala man lang sya kahit konting sakit na nararamdaman, pero ngayon, ilang years na yung nakalipas after ng break-up namin, I was so surprised na sabihin nya sakin yung mga bagay na yun. Na ilang taon nya din ako sinubukang i-win back, sigur nawalan lang sya ng chance nung napunta na ako kay Sojeph.

“Arvin, sorry, alam mo naman na katatapos lang nung samin ni Sojeph diba?” pa safe kong sagot sakanya, ewan ko ba kung bakit pinipigilan ko muna yung sarili ko nung mga oras na yun. Pero aaminin ko, I still feel something for him, maybe nawala lahat nung nakilala ko si Sojeph, pero bumalik lahat after ko maramdaman yung mga bagay na sinabi nya sakin nung mga oras na yun.

“Naalala mo pa dati?.... yung hinihintay ko na maging ready ka to get in a relationship with me?” tanong yan sakin

“Oo naman” maiyak iyak ko ng sagot sakanya

“Ganun ulet… I’ll wait Gab, I’ll wait” malungkot nyang sabi saakin

“Paano yung someone special mo ngayon? Paano yung ka room mate mo na gusto ka? Yung lalaking sinasabi mo na gusto mo dati? Diba nga tinatanong mo ko dati kung kaya ko na ba na wala ka? Kasi gusto mo na I pursue yung taong nagpapasaya sayo dati? Pano sila Arvin?” seryosong itsura ko habang nagtatanong sakanya

“I tried to love them, katulad nung binigay ko sa’yo dati, pero iba ka Gab, hindi ko alam kung anong pinakain mo sakin, bakit hanggang ngayon di ko sila kayang mahalin katulad ng nakasanayan kong pagmamahal sayo dati. Ikaw lang kasi lagi hinahanap ko Gab eh, ikaw lang” sagot nya sakin.

-Moment of silence-

Oo na naparami ng anghel ang dumadaan sa gitna naming kanina pa, ano ba yan? Shot, sige lang, gusto ko malasing nung mga oras na yun, titignan ko kung gaano pa katibay yung emotions ko pag lasing na ako. Usually kasi when I’m drunk, madami akong nasasabi na mas totoo kesa sa mga sinasabi ko pag wala ako sa impluwensya ng alcohol! Tangina tong si Arvin eh, ang lakas makapag pa emo lalo ng gabi ko…
(itutuloy…)

Monday, May 14, 2012

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 3







“Chances are for people who don’t dwell in the past. You know yourself better now, give a chance, fall again, but just be careful this time, you felt the love again because it’s real, have a child-like faith and mature obedience and everything will go smooth…. follow your heart”
________________________________________________________________________________

“Sorry Gab” paulet ulet nya lang sinasabi sakin yung mga salitang yan

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa plano nyang paghalik ulet sakin. Hindi ko alam kung makakatingin pa ba ako sakanya after what he’ve done. What I’m feeling as of that moment is weird, parang naiinis kung bakit nya ginawa yun, and at the same time naiinis kung bakit hindi ko sinubukan para nalaman ko kung meron pa ba talaga. Right there I texted my bestfriend and asked for help about the situation. Alam ko magagalit sya sakin kung sasabihin ko nanaman sakanya na we are having this thing with Arvin nanaman, hindi nya naman kasi gusto si Arvin para saakin, pero alam mo yun, kahit na ano gawin ko, sya makakaintindi sakin about this things eh, kaya kinulet ko sya kahit alam kong nasa graveyard shift sya ng duty nya that time.

“Excuse me, I just have to make a phonecall” sabi ko kay Arvin

After that I stood up and went straight to my room… Opened my phonebook and called Chase

“Hello”

“Chase”

“Oh”

“Nadito Si Arvin”

“Ano ginagawa dyan”

“We’re drinking”

“Ahhh, okay, may duty ako, baka mahuli ako dito”

“Mabilis lang to”

“Oh? Baket?”

“Nagpaparamdam nanaman si Arvin”

“Ayan ka nanaman eh Gab”

“Di ko nga alam kung ano gagawin ko eh”

“Gusto mo  ba yung pinaparamdam nya”

“Hindi ko alam”

“Alam mo, kung yung pakiramdam mo eh nakakapagpangiti sayo sa mga problema mo ngayon, enjoy those feeling, pero be careful, that might be a test to you ng buhay mo, with an emotion like that right now, baka you’re just longing for someone to make you feel loved, HOY! Madami kaming nandito para iparamdam sayo yun, assess the situation well Gabriel, and wag mong gawing rason yan para saktan ulit sarili mo”

“Thanks, o sige na! at baka makaistorbo pa ako sa mga pasyente nyo dyan sa ER, madami ba pasyente?”

“Madami, kaya sige na, I will text you alright? I love you best”

After that I felt so good, ayoko nadin istorbohin sya sa duty nya, alam ko naman na busy sya, and alam ko ang ineepect nyang ishare ko  those moments eh tungkol kay Sojeph, he was wrong, but he was partially right, kasi after I dropped the call eh I shared everything to him na nangyari samin ni sojeph and yung mga napagusapan namin.

After that I went back sa gilid ng bahay and the first thing I noticed is Arvin’s eyes, it was a bit reddish and alam ko yung mga ganyang mata eh tatlong hinga nalang iiyak na, eh ano pa nga ba? Edi lumambot yung puso ko. Nilapitan ko nalang sya to comfort him

“Heeh I shared everything to him na nangyari samin ni sojeph and yung mga napagusapan namin.

After that I went back sa gilid ng bahay and the first thing I noticed is Arvin’s eyes, it was a bit reddish and alam ko yung mga ganyang mata eh tatlong hinga nalang iiyak na, eh ano pa nga ba? Edi lumambot yung puso ko. Nilapitan ko nalang sya to comfort him

“Hey, what’s wrong?” tanong ko sakanya

He just looked straight to my eyes and prangkahan nyang itinanong

“Talagang wala na ba Gab?” tanong nya sakin

“Wala na alin?” medyo paligoy kong sagot

“Ako….” Malungkot at mahina nyang ibinulong

“Ikaw?...” pabalik kong tanong

“Ako…… para sa’yo”

SHET! Hindi ko alam kung ano isasagot ko that moment, my head’s confused over what’s the next thing to answer, pero after a while eh I my brain did all the talking, pero ewan, sobrang safe ng mga safe ng mga sagot ko sakanya

“Ikaw? A close friend, mahalaga ka para sakin” sagot ko sakanya

“Mahal mo pa ba ako?” pahabol nya pa

Tangina naman! Ayan ka nanaman eh Arvin! Ayoko na!!!!!!!! Ayoko na nga ba? O dahil natatakot nanaman ako, na baka masaktan ulet, na hindi magwork, na iwan nya ulet ako?

“Anong tanong bay an Arvin, syempre, mahal kita…… as a very close friend of mine” safe ko nanamang sagot

“Gab naman….” Reklamo nya

“Baket?” tanong ko sakanya

“Wala na ba yung dating hon ko?” bigla nyang sinabi

Shet ka talaga Arvin kahit kalian! Hindi ko talaga alam kung bakit para bang nawala nanaman ako sa ulirat, everytime naririnig ko yung word na “HON” na nanggagaling sa bibig nya, hindi ko alam kung bakit ba naiinis ako, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko Alam.

Bigla nalang syang lumapit lalo sakin at niyakap nya ako, na para bang wala ng bukas kung makayakap, he was going near my ears, and then finally he whispered

“Naalala ko nung una kitang nakita sa FEU Gab, that moment na una kang nag message sa Friendster ko nun, the time na papasok ako sa school para makita ka, yung kakain tayo ng champ sa jolibee, yung mga oras na nakatambay lang ako sa apartment mo and masaya na ako kahit wala tayong ginagawa basta ikaw yung kasama ko, naalala ko lahat yun, yung graduation mo, yung unang yakap mo sakin, yung unang kiss natin, yung unang nakatabi kita sa kama, lahat yun Gab naalala ko pa. Lahat yun, pati yung mga x-bf mo na pilit kong sinisiksik yung sarili ko wag lang maging kayo kasi mahal na mahal padin kita hanggang ngayon”

Natulala lang ako habang sinasabi nya yung mga bagay na yun. I was like FUCK! Pero the last things na sinabi nya bigla akong natauhan, bigla kong naisip itanong sakanya kung bakit nga ba? Ayaw nya ba talaga ako mainlove sa iba? Selfish intentions nya ba talaga yun? GUSTO KO MALAMAN

“Arvin, ayaw mob a ako magka bf ng iba?” tanong ko sakanya

“Ayoko…” yun lang yung sagot nya sakin

“Bakit? Ayaw mo akong sumaya?” tanong ko sakanya habang unti unti nadin akong naluluha sa mga pinagsasabi nya at mga pinagsasasabi ko

“Gusto kita sumaya, pero sa sobrang selfish ko, hindi kita mabitawan, kasi alam kong ako yung nanakit sayo, pero hindi ko magawang bumalik sayo kasi everytime na babalik ako may nakakapagpasaya na sayong iba” sabi nya

“Eh kasi nga ang sakit eh…. Ang sakit nung iwanan mo ako dahil lang shinare ko sa mundo kung gaano ako ka proud na ikaw yung boyfriend ko nun” yun lang ang nasagot ko habang im catching my breath, umiiyak na, na hindi ko alam kung bakit, nasasaktan? Hindi, siguro dahil hanggang ngayon iba padin yung impact sakin nung mga FIRSTS ko.

Oo nga pala, if uninformed kayo or haven’t read my past 2 stories, the reason why we broke up is dahil may nag comment sa FB nya kung sya daw ba yung Arvin sa story na ENTRANCE EXAM, which happened 3 months after ma approve nung story sa BiOutLoud, he is not out, he is so masculine, sobrang straight kung titignan mo, pero pag nakilala mo na, ibang storya na yun. We broke up kasi sabi nya bakit ko pa daw kailangan I share sa mundo yung story namin, EH KASI NGA PROUD AKO SA ISTORYA NAMING DALAWA, yun lang yun. Pero he took it in a negative way.

“Gab! Pinagsisihan ko lahat yun, pinagsisihan ko na lahat yun, itinapon ko lahat pero gusting gusto pa kita, mahal na mahal padin kita hanggang ngayon, I tried to flirt with others, pero iba eh, ikaw lagi yung hinahanap ko”

Those were the things that made me cry more, kasi yan din yung sabi sakin ni Sojeph, ngayon, hindi ko alam kung ano pa yung mararamdaman ko, kasi ganung ganun din yung pakiramdam k okay Sojeph, na parang kahit anong gawin ko nung nagbreak kami, I tried to like other guys pero wala eh, si Sojeph lang, parehas kay Arvin dati, parang I was trying to find others pero si Arvin padin, not until dumating si Sojeph sa buhay ko at nabago lahat ng paningin ko, lahat ng naramdaman ko kay Arvin nandun, my full loyalty, my time, my perceptions on love, Sojeph got it. It’s just weird na ngayon si Arvin yung nagsasabi sakin nito.

WELCOME TO MY COMPLICATED LIFE Putangina diba?

(itutuloy....)

Sunday, May 13, 2012

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 2




“The only time you run out of chances is when you stop taking them”

______________________________________________________________________________

“Gab?” sabi ni Arvin with his soft voice

I just bluntly stared at him for 10 seconds or so, I just hugged him and I muttered “thank you”

The smile I saw with Arvin at those moments are just precious, those were the smiles that I saw 8 years ago, those were the same “makalaglag-brief” smiles of him. Yeah! I forgot about the whole situation for a while. Just seeing one of my closest friends na ex ko din, the reason of me being a bisexual, his smile just made me realize I am not physically alone in this sorrowful shit of mine.

I pulled him up to his feet, smiled at him and asked him to have a drink at our place

“Sure” yun lang ang sinagot nya. We went to his car and drove to a nearby store and bought some liquors and drove straight home para makapag chill sandali.

When we got home, we headed to my room to change clothes, and just take a bath before drinking, that moment nakita nya nanaman akong nakahubad at pinagnasahan

“Laki talaga katawan ng hon ko” sabi nya

Habang nakatalikod, bigla nalang nanlaki yung mata ko sa narinig ko, Hon? Syota? Kapal ng mukha ah, seriously at that moment, hindi padin bumabalik sakin yung feelings, may unting weirdness pa pag tatawagin nya akong ganun, pero knowing him, I know it was just a joke

“Ano tawag mo sakin?” tanong ko sakaya

“Hon” sagot nya

“Hon? Syota mo ko?” patawa kong tanong sakanya

“Haaayyy…. How I wish” sagot nya

Ayan nanaman sya, weird, lagi nalang syang ganyan, pero this time it was different, kasi sinasabi nya sakin yun na alam nyang wala ng someone special sakin. I haven’t told you guys yet, Arvin is a RELATIONSHIP-WRECKER kind of guy. Pag alam nyang may someone special ako, pupunta agad sya sakin and try to win my heart back, iyun lang yung isang bagay na hindi ko maintindihan sakanya dati, na kung bakit pag alam nyang magkakaroon ako ng bago, pipigilan nya lagi, gusto nya walang iba, parang ganun, I don’t understand, minsan nga naiisip ko, kung ayaw nya ba ako sumaya, o hanggang ngayon ba nandyan padin yung feelings, hindi nawala, pareho lang kaming natatakot I admit sa mga sarili naming na kaya pa naming ayusin, wala lang chances kasi pareho kaming nag iba ng direction.

Isa lang naman yung taong naging ka relasyon ko na hindi nya kinayang pigilan ako, yun nga si Sojeph, sa sobrang mahal ko yung taong yun, pinaglaban ko yung feelings ko sakanya, realizing Arvin is not important in the picture, kasi I’m happy being with Sojeph alone. Pero I remembered how he cried to me that moment na sinabi ko sakanya na hindi ko kayang iwan si Sojeph for him and how I love Sojeph more than how I loved him in the past, that is the only moment na nakita ko sya na ganun naging kalungkot sa harap ko, na parang habang mabigat yung pakiramdam nya sa harap ko, umiiyak, eh ramdam na ramdan ko yung bawat luhang bumabagsak sa mga mata nya. Ewan ko.

“How you wish? Ganun? Di na pwede uy, pag ex, ex na, you had your chance Arvin, tama na yun” sabi ko, kahit na ang bigat sa loob kong sabihin sakanya, ewan ko, yun ang nasabi ko.

“Ahhhh, I was joking Gab, wag mo seryosohin” sagot nya

Conversation ended, we were both silent inside the four corners of my room, I just took my towel, went to the shower room, and freshened myself up. After that, paglabas ko eh nakita ko sya na nakapikit na

Medyo naiba yung mood ko at that moment, I remember going out of the room only saying na “tara na” in a soft voice.

“Pahiram ako shirt” pagpigil nya sakin sa paglabas ko

“Kuha ka dyan, tapos sunod ka nalang sa labas” sagot ko sakanya

Kinuha ko yung ice dispenser, got tongs, 2 glasses and kuha ng dalawang sausage sa cabinet, at lumulutang yung isip ko sa sinabi nya kanina. What if Arvin’s serious, what if gusto nya nga ako makabalikan? What if he really wishes that? Malay ko ba kung anong pakay nya kung bakit sya nandito ngayon, ewan ko! Basta ang alam ko lang hindi na tama na balikan ko pa sya, the same way na hindi na tama kung ipupursue ko pa yung last relationship ko. Nasaktan na ako once, I would not be dumb enough to fight again, kung sila na mismo ang nagsabi sakin na wala na ngang chance. I am never the cause of break-ups from my relationships, I may have been asking for it, pero hindi ko kaya panindigan, sasabihin kong “ayoko na”, “tama na to” pero after some days, or even just a day without those past realtionships of mine eh ako mismo yung gagawa ng paraan para magkabalikan kami. Pero pag sakanila na nanggaling yung mga salitang yun, hindi ko alam kung bakit sa sarili ko iba na yung dating, parang hindi na talaga, ayoko na din kasi sya na mismo yung nagsabi sakin na ayaw nya na.

Palabas na ako ang I saw Arvin, going out of my room, wearing a shirt that he gave to me as a gift nung first mothsary namin, na nasa pinakatagong parte ng cabinet na lalagyan ng mga damit ko.

“Naalala mo to Gabi?” tanong nya sakin

Patay malisya ko nalang sinagot yung tanong nya “Ha? Anong meron sa shirt na yan?” tanong ko sakanya

“Hindi mo na talaga naalala?” tanong nya sakin

“Hindi talaga Arvin, ay nako! Tara na, matutunaw yung yelo” iyun nalamang ang naisagot ko sakanya

I just fastly walked out of the house papunta sa kubo sa gilid ng bahay. I opened the lights and nilagay lahat ng mga dalahin ko samay table. Pagdating ni Arvin eh medyo naiba yata ang mood nya. I just sat down and took a bottle of beer at binuksan, poured it out sa baso, nilagyan ng yelo at sumandal nalang sa isang parte ng kubo.

Ang tahimik, nanibago ako, kasi hindi ganyan si Arvin pag kasama ko sya, never was there a moment na pareho kaming tahimik, lalo na sya, except nalang sa mga oras na magkagalit kami. Wala na akong nagawa and I broke the silence

“Tahimik mo yata Arvin?” tanong ko sakanya

Napatingin nalang sya saakin at ngumiti nalang sya sakin.

“May problema ka ba?” tanong kong muli

“You really don’t remember this shirt?” tanong nya sakin with his lament face

Ahhhhhhhhhhhhhhhhh…….. nako naman! Hanggang ngayon pala eh iyung lintik na Tshirt padin na yun yung sinisibangot sibangot nya. Okay! If he wants to know… okay…. Naalala ko pa!!! alalang alala ko pa yung mga ngiti ko nung mga oras na binigay mo yan, o kahit na yung mga oras na suot ko dati yan, ikaw lang naalala ko, kahit hanggang ngayon, na halos hindi ko na sya masuot dahil medyo maikli na sya, pero everytime suot ko sya, lagi lang si Arvin yung naalala ko. Naalala ko pa na proud sya kasi binili nya yun sa ipon nyang allowance, lalo pa’t may kamahalan ang tshirt na iyun, dahil sa Topman nya pa binili and mga estudyante palang kami nung mga oras na yun, sobrang tipid nya sa allowance just to buy me a gift nung unang monthsary namin.

“Alam ko yan Arvin, it was your gift for me nung unang monthsary natin dati, you bought it with your own allowance, and you gave it to me nung nasa Jolibee tayo kumakain ng Champ tapos umiinom ng Pineapple juice, ano? Gusto mo sabihin ko pa kung ano suot mo nun, kung ano style ng buhok mo at kung anong saya ko nung mga oras na yun? Gusto mo” mahaba kong sagot sakanya na medyo naiinis na

Bigla syang napangiti at parang gusto ng matawa sakin, naka ngiti na parang asong ulol

“Sige nga sabihin mo sakin kung anong naalala mo nun” sagot nya

“Ayyy nako nga Arvin” painis kong sagot sakanya

Ahhhhhhhhh, naiinis ako nung mga oras na yun, joke, hindi ko alam, kinikilig ata ako, what the fuck, I just came from a sad ending of a story eto nanaman ako, what the hell ba Arvin? What the HELL BA? Gusto nya malaman edi sige, bago pa nya matapos yung tanong nya na cut ko na sya

“Hindi mo lang naaala……”

“You are wearing a black polo na checkered na may buttons na parang metal na kung ano, that is your favorite polo that time, your hair is brushed up, yun yung mga oras na first time ko nakita yung buhok mo na ganun yung ayos, you just arrived nung mga oras na yun galing sa Cavite kasi pinauwi ka ni Mama mo pagkatapos ng klase natin kasi nga may ipapabigay sya sayo sa tita mo, pakiramdam ko nung mga oras na yun? SOBRANG SAYA!! Kasi ikaw yung kasama ko, kasi sa simpleng dinner, na kumpleto mo yung araw ko” I uttered

He was just smiling at me the whole time na sinasabi ko yun, then bigla syang napakamot ng ulo

“Ikaw na….” papuri nyang sabi sakin…. “You really remembered all of this..” dagdag nya

“Yup” maikling sagot ko sakanya. In your face Arvin, akala ko nakalimutan mo na, magaling kaya ako sa mga ganyang gabay, kala mo ah

“Eh eto naalala mo pa” bigla nyang sabi, at bigla syang lumapit sakin at hinawakan yung mukha ko at unti unti lumapit sa mukha ko to kiss me

NO!

A BIG NO!! I would not let him kiss me again. Iniiwas ko ang mga labi ko sakanya, I removed his hand from my face at hindi naman sya nagpumilit, he just turned away and went back to his seat sa tapat ko.

“Sorry” sabi nya sakin

Hindi ako makapagsalita nung mga oras na yun…. What I felt was just awkward… What the hell talaga Arvin, ano nanaman ba yung problema mo saakin, bakit ganyan nanaman yung pinaparamdam mo sakin, bakit? BAKIT????? BAKIT????

(Itutuloy...)

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 1



“Most of the time, you just have to hold your head up high, think straight, blink away all the tears, accept things as they are and say good-bye. Always appreciate what still remains and just look forward for what's opt to come. A lot more surprises awaits you.

Yan ang advice sakin ng bestfriend ko, original yan, kasi nga naman diba? how would you cope up sa mga bagay bagay if you’re not letting yourself move on. Think straight, wag mong iyakan, accept things as they are, at lastly, mag move on teh!

_____________________________________________________________________________________

Wala Na. Yung lang yung hinihintay kong sabihin nya sakin para itigil ko na yung kahangalan ko sa patuloy na pagmamahal ko padin sakanya kahit na may iba na syang mahal. And I’m glad nakuha ko yun, ayoko mag move on hanggang hindi nanggagaling sakanyang wala na nga.

Most of you don’t know me, siguro may ilan ilan dyan na nakakakilala sakin bilang si K.G.F., ako si Gabriel San Agustin, 23, TANGA, Hangal, and trying to move on to the next chapters of my life.

I walked the streets of Lucena after that message na sinabi nya sakin na “I don’t know kung kaya ko pa ibalik lahat ng pagmamahal natin dati”

Oo nga pala ano? Pakilala ulet ako? Ako si Gabriel, 23, brokenhearted, almost 2 years na sanang masaya sa piling nya, pero walang nangyayari samin kundi lagi nalang away, selosan, iyakan, kaya ang naisip ko, itigil na, pero hindi ko pala kaya, everytime makikipag break ako sakanya, babalik at babalik padin ako sakanya. Ang sabi ko nga sakanya eh “I will only stop loving you pag pagod ka na sakin, kaya sabihin mo lang sakin kung STOP na, para may cue ako sa sarili ko na tama na nga.” And the moment he told me to “STOP” na nga siguro, I almost died sobbing, I was stopping my tears from falling, pero hindi ko mapigilan, I am trying my best to still send him a happy message that I’m okay, that I’m gonna do well. Niloloko ko yung sarili ko at that moment. Pero ewan ko, ayokong maramdaman nya na malungkot ako dahil ayaw nya na, gusto ko alam nya na masaya ako sa kung anong naging desisyon nya, kasi nga mahal ko sya, at irerespeto ko kung ano ba talaga yung gusto nyang gawin

I was walking the streets of Lucena, mga mata kong parang bilasang isda sa palengke na nagluluha pa, my muscles feel weak, with my head titled downwards, still sobbing, habang tumutugtog ang Chasing Cars sa cellphone ko at nakatodo ang ingay na dumadaloy sa mga earphones ko.

What I’m feeling? hurt, pinagpalit, pero sabi ko, eh masaya nga ako pag masaya sya diba? these debate on my mind keeped on until makarating ako sa isang park na medyo malayo na sa bahay namin. Umupo sa isang swing, pinunasan ang luha, tumingin sa buwan at pumikit nalamang

Next time na alam ko, bigla nalang may tumabi sakin at hinawakan ako samay balikat ko

“Gab?” sabi ng boses

Binuksan ko ang mata ko at na surpresa ako ng nakita ko ang isang kaibigan

“Ano ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya

“Pupuntahan ka sana, pero nakita na kita” sabi nya

“Paano mo nalaman na ako to?” tanong ko

“Sa Laki ng panga mo, at yung damit mong suot, alam ko na ikaw yan” sabi nya

Oo nga pala, malaki nga pala yung panga ko inaamin ko, masarap daw isigang sabi ng iba, pero proud ako dyan, dagdag appeal kaya yan. Nagulat ako ng makita ko si Arvin ng mga oras na yun, alam kong wala akong makakapitan sa mga oras na yun kung hindi si Kuya ko, si Chase, Carla,  o si Ivan na nasa ibat-ibang panig ng Pilipinas, nakasarado pa ang cellphone ko kasi ayoko maka receive ng kahit anong text mula sa kahit sino, malayo sila saakin, kaya’t iba nalang yung ngiti ko ng makita ko na kahit papaano eh saktong binigyan ako ni God ng makakausap ng mga panahon na iyon.

“Anong probema?” tanong ni Arvin

“Huh? Wala” sagot ko

“Hoy! Ex-boyfriend mo ko gago, alam ko pag may problema ka o wala, kahit itago mo yang luha mo, alam ko may nararamdaman kang iba dyan” sabi pa nya

Nagiisip nga ako nung mga oras na yung kung sasabihin ko ba kay Arvin lahat, o itatago ko muna sa sarili ko, seriously, hindi ko alam.

“Ewan ko Arvin, nasasaktan nanaman ako ng walang dahilan” sagot ko sakanya

“Oh baket nanaman?” tanong nya

“Tanga ng ex-boyfriend mo eh” sabi ko sakanya

“Eh minahal mo nga ako eh, tanga ka nga” sabi nya

Arvin’s always like that, alam ko na masakit sya magsalita pero palabiro lang sya, that same moment na sinabi nya yun, napangiti nalang ako bigla, hindi ko alam kung bakit.

Si Arvin nga pala, sya yung rason kung bakit naing bisexual ako, you may have known him from my previous stories, pero sya lang naman yung taong nakalimutan ko dahil dun sa huling taong minahal ko, lupet no? lahat ng nakarelasyon ko, sinubukan ni Arvin akong agawin ulet sakanila, dun sa huli ko lang na boyfriend hindi kinaya, iba yung pagmamahal ko dun eh. Kahit ganun kalaki yung tyan nya o kahit pwede ng tatakan yung eyebags nya, mahal na mahal ko yun. Pero wala na eh, hindi na pwede, kasi wala namang pupuntahan.

“Alam ko na” sabi nya

“Sige nga? I elaborate mo sakin kung ano yung reason? Pakipaliwanag sakin kung bakit? Pakisabi sakin kung anong mali ko? Kung anong problema sakin?”



Napatingin lang sya sakin, I saw that sad eyes na lagi ko nakikita sakanya pag alam ko na nasasaktan sya. And I felt like everything went back to where it started. I don’t know. What I feel is hindi na tama kung paulit ulit nalang akong ma fall sakanya. I just got hurt, tama na muna to, wag mo naman ako pahirapan buhay! Wag na si Arvin, ayoko muna. Nagpatay malisya nalang ako sa mga maamo nyang mata at sa gwapo nyang mukha kahit naka sad-look pa sya

“Is it over?” sabi nya



.....




“Oo” maikli kong sagot sakanya





He kneeled down near to the swing na inuupuan ko, he hugged me kahit alam nya na madaming taong makakakita, dadaan o manghuhusga na may dalawang lalaking nagyayakapan sa isang park, pero ginawa nya. Bigla nalang akong napangiti, hindi ko alam, matagal ko na din syang di nayayakap, alam ko na pag lasing ako eh pinagtitripan nya ako, pero never pa nya ako ulet niyakap ng ganito na hindi ako lasing, at ng maraming tao sa paligid.

“Why are you hugging me?” tanong ko kay Arvin

Then nag let go sya and sabi nya








“Sorry”






Nag flash back bigla sakin nung unang beses nya ako niyakap after ng graduation ko nung highschool! It felt like that, all the moments we shared bumalik lahat saakin, pero sana hindi yung feelings, I don’t want to get messed up again, I don’t want to fall for him again.

(itutuloy....)