Sunday, October 24, 2010

SUPER LUNA (1)- Ang Pagkatuklas




This is the 1st chapter of Super Luna, sana subaybayan nyo, nakaka 4 chapters palang ako huhuhu, hehe, pero pinagpaptuloy ko pa rin, di ko mapigilan magsulat eh :) thanks guys and enjoy

sa mga gusto ako i follow sa blog ko and i-add sa FB eto po

FB:gabifad@yahoo.com
BLOG: gabrielfads.blogspot.com

_____________________________________________________________________________________


“Helios, wag mo iwanan si Lucas dyan, HELIOS” sigaw ni Sophia nung iniwan ni Helios ang sanggol na si Lucas sa harap ng isang malaking bahay na nadaanan nila sa pagtakbo ni Sophia

“Mas ligtas sya dyan Sophia, papaano pag nahabol tayo ng mga Grospe?” sagot ni Helios

“Wala syang kalaban laban Helios” sagot ni Sophia

“Iniwan ko sakanya ang sagradong bato ng Luna, hindi sya malalapitan ng mga Grospe” sagot ni Helios

-------------------------------------------------------------------------------------

“Aba! Bakit may bata dito, Honey! May bata dito sa labas ng bahay natin” sabi ni Elison, ang asawa ni Asya na may ari ng bahay

“Baka eto na yung hiniling natin sa diyos Elison” sagot ni Asya

Limang taon na magasawa sina Elison at Asya ngunit kahit isang anak ay hindi sila makagawa. Naisip nila na marahil eto na ang sagot ng Diyos sa lahat ng mga hiling nila…. Ang Kaspyan na magiging huling tagapagligtas ng mga tao at Kaspyan laban sa mga Grospe

“Salamat panginoon” sigaw ni Elison sa kalangitan habang hawak hawak ang iniwang batang si Lucas “Simula sa araw na ito ikaw na si Joseph, si Joseph, ang matagal na naming hinihintay na anak” sabi ni Elison habang nakatitig sa sanggol na hawak nito

At dito nagbago ang buhay ni Lucas, o ngayon ay mas kilalala nang si Joseph


Alalang alala ko ng unang beses kong nalaman na iba ako sakanila…. Hindi ako katulad ng mga kalaro ko sa eskwelahan. Hindi ako tulad nilang mabilis masaktan… hindi ako tulad nilang…


NORMAL


“Anak naman! Gumising kana!” sigaw ng aking ina saakin “Malelate ka na sa school oh! First day mo!” dagdag pa ni Mama

“Opo gigising na po” masunuring sagot ko

Unang araw ng pagiging ganap kong estudyante sa Elementarya, galing ako sa ibang eskwelahan, hindi ko kilala lahat ng mga mukang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit pag pasok ko ng silid aralan ay pinag tatawanan nila ako, hindi ko alam kung bakit walang ni isang pumansin sakin kundi ang isang bata rin na pinagtatawan nila, si Eros, walang mali sa itsura ko, wala din naman akong nakikitang mali sa itsura ni Eros, bakit nila kami pinagtatawan

Nagsimula na ang unang klase namin ng habang masipag akong nagsusulat ng lahat ng mga ipanasulat ng aming guro, ay hindi parin ako tinitigilan ng mga bagong kaklase ko, binabato ng mga papel na binilog, pero pinalaki ako ng maayos nila Mama at Papa, at sinabi nila sakin na huwag ako papatol sa mga salbahe, kasi magiging salbahe din ako kapag pumatol ako.

Pinipigilan ko lang ang sarili ko sa kung ano ang maaring magawa ko sakanila, ayoko manakit ng iba at hindi din naman ako sumbungero, basta tinitiis ko lang lahat ng ginagawa nila, inisip ko nalang na mapapagod din ang mga iyan. Ngunit pagkatapos nila ako inisin ay isinusunod nila si Eros, mahina ang pampigil ko kapag may nakikita akong ibang taong inaagrabyado kahit wala naming ginagawa ang taong iyun. Bago pa ako sumabog ay tumigil na sila sa pangiinis kay Eros, Buti naman, sabi ko nuon, kung hindi ay hindi ko napigilan ang sarili ko.

Sabi ko nalang sa sarili ko, Makita ko ulit na nananakit sila ng iba MAKIKITA NILA YUNG HINAHANAP NILA!

Natapos ang klase at papalabas na ako ng iskwelanhang unang araw palang ay isinumpa ko na. Nakita kong pinagkakatuwaan nila ang isang bata na nung papalapit ako ay si Eros, naalala kong muli ang sabi ng mga magulang ko, tumulong ako sa mga taong naagwabyado, kasi walang taong pinanganak para pagkatuwaan at gawing laruan lang, kundi ipinangak sila na may sari sariling misyon sa mundong ito.

“Tigilan nyo nga siya!” sigaw ko sa aking mga salbaheng kaklase

“Sino ka ba ha? Eh kakalipat mo palang dito ang yabang mo na!” sagot ng isang kaklase ko

“Hindi tama yang ginagawa nyo” sagot ko sakanila

Mabilis na tumakbo papalapit sakin ang lalaking nakasagutan ko at mukang inaambahan ako, wala akong ginawa kundi isangga ang mga kamay ko, at laking gulat ko na kusa kong inihagip sakanya ito at hindi normal ang kinalagyan nya pagkatapos, siguro kung susukatin mo ay mga tatlong dipa sya tumalsik sa pagkakahagip ko sakanya. At naisip ko sa sarili ko

WALANG BATANG PITONG TAONG GULANG ANG MAKAKAGAWA NA PATALSIKIN ANG ISA PA NA MAS MALAKI PA SAKANYA NG ISANG GANUN LANG.

Wala akong magawa ngunit simula nung araw na iyun ay isipin kung bakit ganuon na lamang ang nangyari. Agad nagtakbuhan ang mga kasama ng lalaki at naiwang nakahandusay sa lapag si Eros at nakaupo, hindi matulungan ang sarili

Agad ko syang hinatak at nagpasalamat sakin at siniguro ko sakanya na walang ibang mananakit sakanya

“Simula ngayon, kaibigan na tayo, at kung sinong mangaaway sayo, lagot sila sakin!” sabi ko sakanya habang nakaakbay ang isang kamay ko sa mga balikat nya.

“Salamat Joseph ah! Tinulungan mo ako sa kanila, Thank you! Tsaka, simula ngayon, ikaw na bestfriend ko” sagot ni Eros saakin

Simula nung araw na iyun naging bestfriend ko si Eros, kapag pumapasok kami sa loob ng silid aralan, walang kumikibo, lahat nakatahimik, hindi ko nga alam, nawala ng parang bula ang nahagip kong umaaway kay Eros, hindi na siyang muli nagpakita sa eskwelahan namin.

Hindi padin ako makapaniwala nung mga oras na iyun kung anong lakas ang lumabas sakin nung tumilapon ang salbahe kong kaklase sa isang hagipan ko laman, na kung iisipin mo rin ay hindi hamak na mas malaki saakin, kahit na pareho lang kaming pitong taong gulang, mas malaki sya at mas mabigat, kaya’t nung araw nay un, alam ko na hindi normal ang nangyari.

Saan ako dadalin ng mga bagong natuklasan ko sa sarili ko. Simula nung araw na iyun, tumatak na sa isipan ko na hindi nga ako isang normal na tao!


(to be continued...)

2 comments:

  1. weeeh... parang smallville..hehehe galing naman ng deconstruction version na ito

    jayson

    ReplyDelete
  2. bukas naman ang next chapter

    ReplyDelete