Wednesday, October 20, 2010

SBLS Blends- LET IT FALL ON THE LOVE FOR REVERIE (4)



Thanks guys sa mga sumusubaybay, baka gang 7 parts lang din magawa ko dito! :) pero than ksa sa mga bumabasa

BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com

_____________________________________________________________________________________
Dumating na ang mag-bestfriend sa hotel na tutuluyan nila at nagayos nan g mga gamit nila. Habang nagaayos, hindi parin mataggal ang mga ngiti sa labi ni Andrei.

“Bestfriend Lunch tayo, gutom na gutom na ako” aya ni Andrei sa kaibigan

“Sige wait, tapusin ko lang yung mga ginagawa ko” sagot ni Jaely

Lumabas sila para mag lakad lakad at maghanap narin ng makakainan, mag aalas 3 nadin nun ng makakita si Jaely ng photoshoot samay beach area ng tinutuluyan nilang resort

“Bestfriend, tignan mo yun oh! Pag aralan mo na yan, mag apply ka ng model dun kay cute” kulit ni Jaely sa besfriend

“Shit!” sabi ni Drei

“Oh bakit?” tanong ni Jealy, pagtingin ni Jaely sa di kalayuang shoot ay nakita nya si Kevin na nakaupo sa isang tabi at wari’y nagtitingin ng mga pictures sa hawak nitong camera. “Shit nga bestfriend!” dagdag nito

“Siya yun diba?” tanong ni Andrei

“Oo bestfriend hindi ako bulag, tara bilis puntahan natin” hinahatak ni Jaely ang kaibigan papalapit kay Kevin kahit hiyang hiya lumapit si Andrei dun. Paglapit ay agad kinulit ni Jaely si Kevin “Hiiiiiiiii” masiglang bati ni Jaely kay Kevin

“Uyyy! Nandito din pala kayo, laki ng Palawan dito din pala tayo magkikita, upo kayo oh!” sabi ni Kevin habang nakangiti ito sa dalawa

“Wow naman, Photographer na photographer ang dating ah” kulit ni Jaely kay Kevin

Hindi maiwasang tignan ni Andrei ang walang suot na T-shirt na si Kevin at tila natulala na ito duon

“Andrei! It’s so nice to see you here” sabi ni Kevin kay Andrei

Biglang nawala ang titig ni Andrei sa katawan ni Kevin “Ahhh, Oo nga eh, ahhm, buti naman ditto din kayo” sabi ni Drei sabay tapik kay Jaely at bulong “Gutom na ko bestfriend” sabi pa nito

“Ai Kuya Kevin, ahhm kain lang po muna kami ni Jaely, kasi di pa kami nagluluch eh” sabi ni Drei

“Kumain ka na po ba? Sama ka kuya gusto mo?” aya ni Jaely kay Kevin

“Ai! Kumain na ko eh, tsaka hanggang 5 pa yung shoot eh, Gusto nyo labas nalang tayo mamayang gabi, treat ko! Okay lang ba yun?” imbita ni Kevin sa dalawa

“Oh sure, kuya! Eto number ni Drei, text mo kami dyan, haha” makulit na sabi ni Jaely “Bye kuya see you later” paalam ni Jaely

“Sige Kevin, mamaya nalang” paalam ni Andrei

Nung makalayo layo na ang dalawa ay tinignan ni Andrei ng masama si Jaely

“Oh! Bakit nakatitig ka sakin best? Crush mo ko?” piyong tanong ni Jaely

“Adik ka! Adik ka talaga! Nakakahiya dun sa tao, binigay mo pa number ko! Ano k aba best! Ahhhhhh” galit na sabi ni Andrei

“Hmmmm! If I know! Hahaha tara ayun masarap dun, tara best bilis” sabi ni Jaely sabay takbo papunta sa restaurant na tinuro nya

Umorder ang dalawa ng makakain at pagkatapos ay umupo na sila, habang naghihintay ng pagkain ay may biglang tumapik sa likod ni Jaely, paglingon ni Jaely ay nakita nya ang mga dating kaibigan nuong sya ay highschool palang. Nagpaalam si Jaely na kakausapin nya muna ang mga na-miss na high school friends at iniwan nya muna si Andrei sa upuan nila

“Anak nakaalis ka na ba dyan sa Airport?” tanong ng Mama ni Rob sakanya

“Hindi pa nga Mama eh, 5 pa yung flight, patay ako kay Sir Mike nito, gagawan ko nalang ng paraan” sagot nito sa ina

Dumating ang alas 5 ng hapon at maayos naming nakasakay si Rob sa eroplano papuntang Palawan. Pagkadating ni Rob ay agad syang nag check in sa hotel na tutuluyan nya, pagaakyat nya ay bigla nalang nahulog ang isang bag na dala nya, sa sobrang dami ng mga dala dala nya

“Eto po oh!” abot ng isang lalaki sakanya

“Salamat” sagot ni Rob, nuong papaalis na sya ay bigla nyang narinig ang lalaking nagsalita

“Sir Mike? Yes! Si Kevin poi to yung photographer po from Yosdale” nuong narinig ni Rob ang mga sinabi ng lalaki ay agad nya itong sinigawan

“Kuya! Wait lang po, wait lang, pwede po kita makausap mamaya nyo nap o kausapin si Sir Mike” naintriga si Kevin sa sinabi ni Rob kaya’t nagpaalam muna sya kay Sir Mike at ibinaba nya muna ang telepono

“Hindi po ako nakaabot kanina sa shoot kayo po pala yung photographer” sabi ni Rob

“Ah, ikaw pala yung kulang, I was just about to tell Sir Mike, and oh ano ba pwede natin gawin? Are you free tomorrow? Kahit ako na yung bahala mag edit sa mga group shots, sa solo shots wala namang problema” sagot ni Kevin

“Thank you kuya! Thank you po talaga” sagot ni Rob

“Kuya ka dyan! Kevin nalang okay na siguro yun” pakilala ni Kevin

“Robi po!” pakilala ni Rob kay Kevin

“Ah, oh sige Rob, here’s my number text mo nalang ako bukas” sagot ni Kevin
“Wait Kevin, nag dinner ka na ba? Treat na po kita, just so I could say thank you” anyaya ni Rob.

“Ahhhm, may lakad kasi ako eh, may mga kasama ako, bukas nalang breakfast if you want, treat kita ng breakfast” anyaya ni Kevin

Naghanda na si Kevin para kumain ng dinner sa labas, si Jaely at si Drei, nag ayos na din para sa dinner nila with Kevin

“Best friend, may problema, hala!” malungkot na balita ni Jaely

“Ano yun?” tanong ni Drei

“Yung mga barkada ko nung Highschool inaaya ako, eh uuwi na sila bukas, paano yun best! Hmmmmm, alam mo naman tagal ko na sila di nakakasama” paawa ni Jaely sa kaibigan

“Hala! Iiwan mo ko kasama yung Kevin? Nyek! Bestfriend Ika-cancel ko to!” sagot ni Drei

“hahabol ako sainyo promise” sabi ni Jaely

“Hahabol? Tapos mamaya, wala naman” sabi ni Drei

“PROMISE bestpren, PRAMIS!” sabay ngiti ni Jaely sa kaibigan

Umalis na si Jealy kasama ang mga kaibigan at hinihintay nalang ni Drei ang text ni Kevin sakanya, sobrang ngiti parin ang nasa muka ni Drei pero nagaalala sya kung paano niya kakausapin si Kevin, ng wala si Jaely, nahihiya siya, kasi parang may iba syang nararamdaman dito, inihanda nya nalang ang sarili nya sa kung ano man ang mangyari nung gabing iyun.


(To be continued...)

No comments:

Post a Comment