Wednesday, October 20, 2010

SBLS Blends- LET IT FALL ON THE LOVE FOR REVERIE (5)




Salamat sa mga nagbabasa at sa mga nangaaway na habaan ko ang chapter, tapos ko na yung kwento kaso inuunte unte ko na lang yung upload pero dahil makulet kayo, sige dadagdagan ko pa! :)

kay kuya Earl, BX, Half, ADIK, Mama D at sa mga anonymous na iba dyan na nagbabasa, maraming salamat... :) thank you thank you sige na nga dadagdagan ko na. :) mga 8 CHAPTERS na sya.... hahah joke sige tignan ko kung ilan pa maiisisiksik ko




_____________________________________________________________________________________

“Andrei! Dito ako samay place kung saan kami nag shoot kanina! Ready naba kayo ni Jaely?” tanong ni Kevin sa text

“Si Jaely kasama mga barkada nya eh, ako lang nandito sa room” reply ni Drei

“Oh! Tara okay lang yan! Wala din kasi magawa dito eh, okay lang ban a tayong dalawa lang” reply muli ni Kevin

Since malapit lang naman ang lugar kung nasaan si Kevin, bumaba nalang si Andrei at pinuntahan si Kevin, habang papalapit si Drei ay hindi nya mapigilan mabighani s aka gwapuhang taglay ni Kevin, hindi nya mapigilang ngumiti habang papalapit sya ditto

“Andrei! Over here” sigaw ni Kevin kay Drei

“Sorry wala si Jaely eh, okay lang ba?” sagot ni drei

“Okay lang yun, tara ano gusto mo pagkain? Pinoy? Italian? Chinese?” tanong ni Kevin

“Kahit saan! Haha” sagot ni Drei

Kumain silang dalawa sa isang Chinese restaurant kasi mahilig sa dumplings at siomai itong si Kevin, at nagka kwentuhan sila habang kumakain, kung bakit sila nasa Palawan, ayun, kinwento ni Drei na nanalo si Jaely ng trip to Palawan at siya ang napiling isama, batid pa din ang saya sa muka ng dalawa at mukang tuwang tuwa sila na magkasama sila, hindi mapigilan ang pag sulyap sulyap ni Drei sa mga mata ni Kevin kapag hindi ito nakatingin at kitang kita na iba ang ngiti na lumalabas sakanya pag tinitignan nya si Kevin

Pagkatapos nila kumain ay naglakad lakad sila samay beach para narin magpahangin, hanggang makakita sila ng isang pwedeng maupuan para magkausap, hindi narin napansin ni Drei ang oras at ang pangako ni Jaely na susunod ito, sa sobrang aliw na ibinibigay ni Kevin sakanya

“Ahhhm, kamusta nga pala yung shoot nyo kanina?” tanong ni Drei

“Okay naman! Maayos, tsaka masaya, matagal din ako nawala sa pag pipicture eh, nagpahinga” sagot ni Kevin

“Bakit?” tanong ni Drei

“Basta” sagot ni Kevin

“Ahhh! May naalala lang ako nung sinabi mong model kanina, nung nasa eroplano tayo, may kaibigan kasi ako dati na model, eh, namatay narin sya, pero alam ko dito din sya nagtatrabaho sa kumpanya nyo” sabi ni Drei

“Oh! Baka kilala ko! Ano pangalan?” tanong ni Kevin

“Karl Ervin Roxas, barkada lang, acctualy barkada sya ni Kuya…” kitang kita ang gulat sa mga mata ni Kevin, ng marinig nya ang sinabi ni Drei, how the hell, small world nga naman, yung ex ni Kevin na si Karl, kilala pala nitong si Drei patuloy parin sa pagsasalita ni Drei at hindi nya napansin na nakatulala na si Kevin sa may dagat “…hindi nga ako nakapunta sa burol o kahit nung sa libing kasi nasa probinsya kami nun nila Daddy eh”… nang mapansin ni Drei na nakatulala ito. “Hoy Kevin okay ka lang?” tanong ni Drei

“Okay lang, may naalala lang ako” sabi ni Kevin

“Umiiyak ka ba?” napansin kasi ni Drei na may mga luha na nanggagaling sa mga mata ni Kevin

“Nope, naalala ko lang si Karl, oo kilala ko sya, magaling yun, mabait, kaya lang, kinuha agad eh” sagot ni Kevin

“No Way! Ikaw yung Kevin na yun?” tanong ni Drei

“Anong Kevin nay un?” tanong ni Kevin

“May nakwento si Karl sakin dati pa, siguro yun yung huli nyang BF bago sya mamatay, mahal na mahal nya daw, and nahihirapan daw sya sabihin sakanya yung sakit nya. Alam ko nay un long before, pero akala ko makakyan nyang labanan. Sorry, baka hindi ikaw yun” paumanhin ni Drei

“Ako yun” sagot ni Kevin sakanya

Gulat din si Drei na malaman na si Kevin pala yung kinukwento sakanya ng namayapang kaibigan, at gulat din nya na bisexual din pala itong si Kevin, kasi sa totoo lang, si Kevin ay sobrang lalaking lalaki kumilos, at hindi mo mahahalatang bi hanggang di mo lubusang nakikilala

“I’m sorry” paumunhin muli ni Drei

“Okay lang! namimiss ko na yung mokong nayun, alam mo ba, sya dahilan kung bakit ibang iba na ako ngayon?” sagot ni Kevin habang may mga luha paring bumabagsak sa mga mata nya

“Mabait talaga kasi yun si Karl” sabi ni Drei. Nagiisip si Drei kung io-open nya ba kay Kevin ang tungkol kay Lance, ang namatay nya naring BF dahil sa aksidente sa kotse. Nahihiya sya sabihin pero hii na mapigilan ang mga luha nya habang nakikita nya si Kevin na umiyak at nalaman nya na pareho pala sila ng sitwasyon, iniwan ng mga mahal nila dahil panahon na ng mga ito. “Ako din Kevin, kakamatay lang din ng taong minahal ko ng sobra, nagbago din sakin, ng sobra, si Lance” sabi ni Drei

“Huh?” laking gulat din ni Kevin ng malaman nya na bi din pala si Drei, at pareho sila ng pinagdadaanan. “So Bi ka din?” tanong nito kay Drei

“Oo! Bakit may reklamo ka?” tanong din ni Drei

“Wala! Hirap no pag mahal na mahal mo yung tao tapos iiwanan ka nya” sabi ni Kevin

“Mahirap man ikwento pero Oo, kahit ginawa mo na lahat para iligtas sila” malungkot na sagot ni Drei

“Drei, I’m sorry kung nag eemo ako ah” sabi ni Kevin

“Ano ka ba Kevs, okay lang yun! Tara gusto mo uminom? Treat ko naman this time” aya ni Drei sa kaibigan

Naginom ang dalawa sa malapit na bar samay beach at naglabasan ng mga sama ng loob, nagkwentuhan ng mga naging karanasan, sa mga nawala nilang mahal sa buhay, sa mga minahan pa nilang iba, basta iba ang gabing iyun para sakanilang dalawa. Ang bilis lumipas ng oras, kitang lasing na lasing na si Kevin, pati nadin naman si Drei kaya’t nagpasya na silang umuwi. Napansin nila na pareho sila ng hotel na tinutunton kaya;t nagulat silang dalawa

“Dito ka din ban aka check in Calvin?” tanong ni Andrei

“Oo! Dito din, Kevin Drei KEVIN! Lasing” sagot ni Kevin

“Hindi ako lasing ah” sagot ni Andrei

Nagkulitan ang dalawa at napansin nila na nasa parehong floor din pala ang mga kwarto nila. Hindi napasin ni Drei sa sobrang kalasingan na ibang kwarto ang pinapasukan nya

“Hoy Lasing, kwarto ko yan” sigaw ni Kevin

Pagtakbo nya sa kwarto nya ay nakita nya na bumagsak na si Drei sa lapag dala nadin ng sobrang alak na nainom

“Drei… .Dreii…. Gising” sabay alog ni Kevin sa kaibigan ngunit hindi ito magising. Hindi alam ni Kevin kung saan ang kwarto ni Drei para maihataid niya ito kaya’t nagpasya nalang sya na ihiga na ang kaibigan sa kama nya at sa sofa nalang sya matutulog

Pagkatulog ni Kevin at pagkalipas ng mga ilang oras tumayo si Drei sa kama at parang wala parin sa katinuan nito, napansin ni Kevin na tumayo si Drei kaya’t tinanong nya kung okay lang ito

“Drei, saan ka punta?” tanong ni Kevin, hindi ito nakapagsalita nguni bigla nalang ito lumuhod samay harapan ng hinihigaan ni Kevin. Sabay tumayo si Kevin para tignan kung ayus lang ang kaibigan

“Okay ka lang ba Andrei?” tanong ni Kevin

Inilapit ni Drei ang muka nit okay Kevin at hindi alam ni Kevin kung ano ang gagawin niya nagulat nalang sya ng idinikit ni Andrei ang mga labi nya kay Kevin, bumigay si Kevin dahil sa tamis ng mga labi ni Andrei, nuong hinalikan ni Drei ang leeg ni Kevin ay hindi mapigilan ni Kevin na umugol sa sarap, ngunit naisip nito na mali ang ginagawa nya, hindi pwede kahit gusuhin nya, kasi wala sa tamang pagiisip ang kaibigan, kaya’t pinigilan nya ito at walang nagawa si Andrei, kung hindi palihis na lumabas ng kwarto at dumeretso sa kwarto nya

Kinabukasan pagkagising ni Rob ay agad nyang tinext ang binigay na number ni Kevin sakanya

“Sir Kevin? Gising ka na ba? Breakfast Sir?” tanong nito sa text

Sakto naman na pagdating ng text nya ay nagising si Kevin

“Yup Yup! I’ll just get dressed up Robi, hintayin mo nalang ako sa ground floor” reply ni Kevin

Habang nagaayos si Kevin ay naisip nya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Drei kagabi. Hindi nya alam kung tama ba na hinalikan nya din pabalik si Drei basta alam nya na tama na pinigilan nya kung ano man ang dapat na magyayari kagabi

Pagkatapos magbihis ay agad bumaba si Kevin sa ground floor kung saan naghihintay sakanya si Rob. Pagdating naman ni Rob ay isang malaking ngiti ang ipinasalubong nya dito

“Good Morning Sir Kevin” bati ni Rob

“Adik! Kevin nalang wag na lagyan ng Sir” sagot ni Kevin

“Saan tayo breakfast Kevin?” tanong ni Rob

“Kahit saan basta may bacon” sagot ni Kevin sabay tawa ng malakas

Habang umoorder sila sa kakainan nila ay saktong nandoon rin pala sila Jaely at Andrei para mag agahan. Napansin ni Jaely si Kevin kaya’t agad niya ito nilapitan

“Good Morning Kuya Kevs” bati ni Jaely

“Uy Jaely! How was last night?Enjoy ba?” tanong ni Kevin

“OO naman po! Ehhhhh! Kayo? Ni Drei? Kagabi? Kamusta?” tanung ni Jaely

“Di pa ba nakwento ni Drei? Masaya naman” sagot ni Kevin. Batid na hindi nagsasalita si Drei kahit nandoon sya sa may tabi lang ni Jaely “Goodmorning Andrei” bati ni Kevin sakanya

“Goodmorning din po” sagot ni Andrei, pagharap ni Rob sa dalawa ay nagulat ang mag bestfriend na si Rob ang kasama nila, ang nasa isip nila, si Rob ang masunit na natapunan nila ng kape sa may airport

“Kuya! Kayo po yung sa airport no? Sorry nga po pala ulet” paumanhin ni Andrei

“Ai! Iyun ba? Okay lang yun! Medyo bad day lang nagpatong patong pero okay na yun” sagot ni Rob

“Ah kayo yung nasa likuran ko nun na nagkabanggaan hahaha” sabi ni Kevin

Umupo nalang din sila Jaely sa upuan nila Kevin at sabay sila nagagahan, pansin parin ang pananahimik ni Andrei at maya maya lamang ay nagpaalam ito na gagamit muna ng CR sinundan sya ni Kevin dahil nadin sa nag aalala ito sakanya

“Andrei, okay ka lang ba? Kanina ka pa di nagsasalita” tanong ni Kevin


(Itutuloy...)

No comments:

Post a Comment