Friday, March 25, 2011

Frames of Time (1)- The Sex Scandal



It's been quite a while na rin since I last posted a story here, and hindi ko natapos kasi na reformat nanaman yung laptop and ayun, nawala nanaman yung 5 chapters na kasunod... tinamad na ako! lalo na di din naman ako makapagsulat kasi halos every minute katext sya, pero ewan pag single ako, lintek, lagi akong nagsusulat! Pero sana magustuhan nyo po, matagal ko narin tong naisip and sa wakas naisulat ko na rin sya... supposed to be, Short story lang sya, or yung SBLS, pero medyo humaba yata ng kaunti, kaya ginawa kong 3 parts. SANA MAGUSTUHAN NYO ANG MAIKLING SIMULA na ito! and dapat saturday pa yung post, pero since 3 parts simulan ko na ngayon :) hehehe

BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FACEBOOK: gabifad@yahoo.com
_____________________________________________________________________________________



“Solutions are formulated by the letters Y, O and U. Yesterday is done, Overcome today and Unite your senses to be ready for tomorrow” -K.G.F.

“Hindi na kita mahal! What the fuck! Wag ka ng makikipagusap sakin… stop calling me love…. Stop! Hindi na kita mahal! You are gross! Salaula ka! Hindi ko kailangan ng mga kasinungalingan mo” he shouted as if he wanted to lift the table beside him and throw it as hard as he can towards me

Speechless…..


Nakatitig lang ako sa kawalan, umiiyak, habang galit na galit sya at sumisigaw sa harapan ko. His eyes, I’ve never seen those eyes like that before, I know nasasabi lang nya yung mga bagay na yan kasi nasasaktan sya, and the worst, ako yung dahilan kung bakit nasasaktan sya, but eventually yung mga mata nya nayun, nagbago nung nakita nya na pulang pula na yung mga mata ko, kanina pa ako umiiyak, he probably didn’t notice sa sobrang galit nya, pero nung nakita nya yun, yung mga mata nyang punong puno ng galit, biglang umamo, na parang nakakita ng matandang babaeng sinaksak ng mga adik sa daan.

Iyak, iyun lang ang nagawa ko, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kasi alam kong mali ako! Kahit na hindi ko alam na ganun ang nangyari, mali parin, kasi nga mali! MALI! Ang tanga tanga ko. Napasandal nalang ako sa isang haligi ng kwarto ko, napaupo, nakakaawang nilalang, parang ako pa ang kawawa, pero ang totoo, mas nakakaawa sya, masakit yung nangyari kasi mahal nya ako, mahal ko rin, sya.

Hindi ko alam na may mga ganung klase pa palang tao na ibibigay mo lahat ng tiwala mo, makipaginuman buong gabi kasi alam mo na safe ka kapag sya ang kasama mo, wala syang katarantaduhang gagawin sa’yo. Matutulog sa bahay nila, kasi kaibigan na ang turingan nyo, pero ano? Pag mahimbing na ang tulog mo at alam nyang wala ka ng lakas kahit para idilat lang ang mga mata mo, ano? Ilalabas ang digicam? Huhubarin ang suot mong damit? At pagmumukaing gustong gusto mo ang ginagawa nyo? Ikakalat sa buong school nyo na para bang ako pa yung bottom, ako pa yung nagpaIYOT, ako pa yung pumilit na IYUTIN nya ako! Shit! Bakit nauso pa ba ang scandal?

Marahan lang syang lumakad papalapit saakin, dala ang mata nyang kanina’y galit na galit pero ngayon ay mas maamo pa sa nagmamakaawang pusa.

“Ian… paano mo nagawa yun? Ha? Ang sakit eh, ang sakit sakit oh!” sabi nya saakin

I pulled myself together, kinuha ko lahat ng kapal ng mukha sa pamamagitan ng pag hugot ng lakas galing sa malamig na tiles kung saan ako’y nakaupo at para makatingin ako sa mga mata nya, para mahawakan ko sya.

“Pong, hindi ko ginusto yun… maniwala ka naman saakin oh! Popong maniwala ka naman sakin… mahal na mahal kita” nagmamakaawa kong sabi sakanya

“Ian, hindi ko alam, hindi ko alam! Ayoko muna maniwala sa kahit na sino! Pagod na ako! Please, wag muna tayo mag usap, PLEASE” umiiyak syang tumayo, naglakad papalayo, isinara ang pinto ng kwarto ko, at simula nung araw na iyun, nasira na ang buhay ko

Tuwing papasok ako sa eskwelahan, lahat ng tao ay nakatingin saakin, alam ko na alam nila na ako ang nasa video, sa laki ng unibersidad na pinagaaralan ko, biruin mo, halos lahat yata ng tao dun, may kopya na! ganyang kagaling ang teknolohiya ngayon, Bluetooth! Palagay sa Flashdrive! Papasa sa MMS, upload sa Pornsites, I download na din, ganyan ka lupet ang mundo, isang napakaliit na maling galaw, malaking dagok agad ang kapalit.

Pagpasok ko ng Education Building kung saan nandoon ang unang klase ko para sa araw na iyun, kahit saan ka lumingon may makikita kang mga taong walang pakialam kung nakakasakit na sila ng tao, sa kaliwa mo, mga lalaking nagtatawanan at nakatitig sa’yo, sa kanan mo, mga baklang nagpaparinig, inuulet ulet ang bumentang “shet! ang sakit, ahhh” na ni hindi ko alam na nasabi ko pala, ang mga bulungbulungan sa aking likuran, na obvious naman na ako ang pinaguusapan, at ang mga taong makakasalubong ko, na simula paa hanggang ulo kung makatitig saakin. Bakit ganun ang buhay? Ako na ang biktima, ako pa ang masama, ako pa ang napansin ng lahat, pero yung hayop na baklang gago na nagvideo saamin, nasaan sya? Pinaniniwala na nilasing ko sya para makipag sex saakin! PUTANGINA NYA! Mamatay na sya! Gago sya! Gumuho sana building kung nasaan sya ngayon! FUCK!

Period 1, Mga Panitikang Pilipino, kahit sarili kong prof. mukhang may video na rin, at ang mas malupet, professor sya, may pinagaralan na, lisensyadong tao, pero hindi alam ang ibig sabihin ng mga katagang “Empathy”

“Ginoong Quidones, maari mo bang ilahad sa klaseng ito ang mga pagbabago sa buhay mo simula ng bumenta ang bidyo mo sabuong unibersidad” sabi ng hayop na prof. nay un sabay tawa ng malakas at nagdugtong “Isang biro lang, pasensya ka na! sikat ka kasi, kaya’t tinitingala ka ng iba” dagdag pa nya

Kung ganito lang din pala ang kasikatan, di bale na lang, ayoko ng sumikat, mas gugustuhin ko na simpleng tao lang ako, simpleng tao kasama ang taong pinakamamahal ko, Popong, Paul Jerson, nasaan ka na? nasaan ka kung kalian kailangang kailangan kita. Mga magulang ko? Natatakot ako na malaman nila to, buti na lang at nasa probinsya sila at malayo, kung hindi ay baka pati sila ay sabihan ako ng kung ano anong masasakit pang bagay, hindi ko na kakayanin

Ang masalimuot kong mundo…. Bow

Period 2. Biochemistry, ang klaseng puro kemikal, sa teacher kong bading, baka pati sya lalo akong sabunin. Dumating ang professor namin, agad syang tumingin sa paligid, na tila ba may hinahanap, at nang makita ako ay agad syang dumeretso sa upuan sa harap at umupo.

“Okay class, today we are going to have an experiment regarding our previous lab lesson, chemical chains and reactants, so Mr. Cruz and Ms. Kabatin, kindly get our supplies from the Chemistry lab equipments room, here’s the request forms” sabi nya

Kung ano anong mga kemikal ang pinagpapapasabog ng mga kaklase ko, na parang ako lang at ang buhay ko, pinagsama ang kasinungalingan at kahayupan, sumabog na! wala na… Wala na…. sira na ang buhay ko… parang tinapay na inamag, dagang nakain ng pusa, cellphone na sira ang flex at ribbon, laptop na walang charger, electric fan na walang elesi, kotseng walang gulong, TV na wala namang antenna, motor na walang manibela, titing baog, kiking walang butas, to sum it all up, buhay ko…… na wala ng kwenta.

“Ok, that’s all for today class. Yung mga in-assign ko na ibalik ang mga lab equipments ha?, Mr. Quidones and Ms. Derima, please do your jobs now”

Ibabalik ko nga pala ang mga gamit na ito, ano kaya kung ibagsak ko ang halos 30 bote ng kemikal na to, sasabog din kaya ito na parang buhay ko? Haha, hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko, basta parang tanga lang ako na nakatitig ng diretso, dala ang mga kemikal na ito, pabalik sa pinagkuhanan ng klase namin.

Napatingin ako sa mga bote sa aking harapan, naisip ko na ano kaya kung isaboy ko to sa mukha ng gagong bading nay un na nag video sa akin, ano kaya kung ipainom ko sakanya yung mga ito! Makokonsensya ba sya sa ginawa nya? Pag nasira ko na ang mukha nya! Paghihiganti ba ang solusyon? Hindi siguro, paano nilang lahat makakalimutan ang mga nangyari? Paano kung magpakamatay nalang kaya ako…

Sa tanang buhay ko hindi ko pa naisipan magpakamatay….

… Ngayon lang

Para akong tanga na nakangisi habang nakatayo lamang sa gilid ng hallway, parang adik na nakatitig sa mga kemikal na bitbit bitbit ko, hindi ko alam kung bakit parang inaakit ako ng mga ito na kuhanin ko sila at itago…

BAKIT…


Hindi ko rin alam

Kinuha ko ang may limang bote sa mga hawak hawak kong malaking lalagyan, inilagay sa bag ko ang mga ito, at dumeretso sa Chem. Lab equipments room para isauli ang mga natira pa… at sabay nagmadali agad na lumabas at lumayo sa kwartong iyun. Parang adik na naghahanap ng tagong lugar.

Ano ba itong ginagawa ko, ang tanging nasa isip ko lang, gusto ko inumin ang limang boteng kemikal na nakuha ko. Kailangan kong mawala sa mundo, hindi ko na kaya, kailangan ko na tapusin ang lahat, mas madali mamatay kaysa habang buhay kong takbuhan ang mga nakakita saakin sa video na iyun, mas gugustuhin kong mamatay kesa malaman ng mga magulang ko na nagpaiyot ako sa video, malaman sa buong lugar naming na paiyutin ako, ayoko na… AYOKO NA! Gusto ko ng magpakamatay.

Nadaan ako sa isang storage room sa eskwelahan namin, na hindi binubuksan ng mga janitor, kasi ay mayroon ng storage room sa bawa’t building at bawat palapag nito, kaya’t halos hindi na ginagamit ang maliit na storage room na ito, siguro naman ay hindi ako makikita ng kahit sino dito, siguro ay makikita nalang ako pag binuksang muli ito ng mga janitor, sana pagkatapos nan g ilang araw, para wala ng makapagdala saakin sa hospital, sana ay mamatay na ako pagkainom ko sa mga nakaklason na kemikal na ito, sana mawala na ako sa mundo, kasabay ng pagkawala ko ay ang pagkabura sa isipan ng lahat ang nangyaring kagaguhan ng buhay ko. Sana matapos na ang lahat ng ito. Pagkapasok ko sa loob ay isinarado ko ang pinto ng storage, umupo sa isang gilid tinakpan ang sarili ko ng nakita kong mga kahong nandoon, sabay hablot ng mga bote sa bag ko.

Habang binubuksan ko ang pang-unang bote ay naiisip ko ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko, ang mga kamag anak ko, ang mga malalapit saakin… At si Popong…

Tumulo nalang ang mga luha ko at dahan dahan kong inilapit ang butas ng bote sa mga labi ko, nakapikit ako habang unti unti kong itinataas ang bote para bumagsak ang likido na nasa ilalim nito, hindi ko alam kung bakit wala akong kahit anong nalalasahan, manhid na ang mga tastebuds ko, hindi ko alam, binuksan ko pa ang 4 na bote at ininom pa ang mga ito, hangang hindi ko na alam na unti unti na palang lumalabo ang mga paningin ko at unti unti na akong hinahatak ng sahig pababa,na parang nilalamon ako ng lapag, hanggang nagitim na lamang ang lahat.



(……………………….)


Nagising ako ng para bang nakatulog lang ako ng ilang oras, ano to? Humihiwalay na ba ang kaluluwa ko sa aking kawatan…

Parang hindi naman!

Sana nakikita ko na nakahiga parin ang katawan ko sa lapag, Shit! Ano ito? Hindi umepekto yung mga hayop na kemikal na ininom ko sa katawan ko? Napakalakas naman yata ng resistensya ko para kayanin ang mga kalason lason na mga kemikal na iyon.

Lumabas ako sa storage room kung saan ako naroroon, at pagbukas ko ng pintuan ay mataas parin ang araw, ngunit pag tingin ko sa paligid ay bakit wala na ang lahat ng mga estudyanteng nandito? Nasuspend ang klase? At bakit parang nagiba ang itsura ng ibang parte ng eskwelahan namin? Dala ba to ng halusinasyon ko sa paginom ko ng mga kemikal na iyun.

(itutuloy...)

Wednesday, March 23, 2011

SBLS presents FRAMES OF TIME



I am back sa wakas! :)

see you here on BOL and sa blog ko www.gabrielfads.blogspot.com on saturday, March 26, 2011, 9:00 pm! :)

Short Bisexual Love Stories: FRAMES OF TIME, sana magustuhan nyo, and sana abangan nyo :)