Wednesday, October 20, 2010

SBLS Blends- LET IT FALL ON THE LOVE FOR REVERIE (3)





Di ko mapigilan ipost... o ayan na nga... :) hahaha

BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com
_____________________________________________________________________________________

“Andrei nga po pala” sagot ni Andrei kay Kevin

Pagkatapos magpakilala ay nag take off na ang eroplanong kanilang sinasakyan at maya maya ay nakaramdam ng antok si Andrei.

Nakatulog si Drei sa byahe at dahil sa impluwensya nito pati si Kevin na katabi nya ay nakatulog narin. Pagkatapos ng tatlumpong minute ay nagising si Kevin dahil parang may dinadaing ang katabi nya.

Mga salitang di mainitdihan ang lumalabas sa bibig ni Drei, kaya’t agad ginising ni Kevin si Drei

“Pards! Okay ka lang ba?” tanong ni Kevs habang bahagya nyang inaalog si Drei.

“Hindi… ahhhh” sigaw ni Drei habang inaalog sya ni Kevin

“Are you okay?” tanong ni Kevin sakanya

“Oo, okay lang ako, sorry” sagot niya

“Mukang, masama yung napapanaginipan mo ah” sabi ni Kevin

“Medyo lang naman, pero okay lang yun” sagot ni drei

Napanaginipan nanaman ni Drei yung malabaong panaginip nya na hindi nya malaman kung ano ang ibig sabihin, basta magulo, Malabo, hindi mainitindihan an gustong iparating.

“Okay ka na ba? Medyo napahaba idlip ah, mga ilang minute pa nasa babaan na tayo” sabi ni Kevin kay Drei

Nang malapit na sila sa takdang babaan ay nagapaalam na si Kevin kay Andrei at ganoon din naman ang ginawa ni Drei.

“Ingat sa pupuntahan nyo Drei ah” paalala ni Kevin

“Salamat, salamat din sa pag gising sa bangungot ko kanina, haha” sagot ni drei

“By the way, do you model Andrei?” tanong ni Kevs

“Ai hindi po, hindi ako magaling sa ganyan” sagot ni Andrei

“Kasi ang ganda ng pagkabuilt ng katawan mo pang model” sabi ni Kevin

“Paano mo naman nalaman?” tanong ni Drei

“Photographer kasi ako, bali pupunta ako ng palawan para sa photoshoot ng company namen” sabi ni Kevin. Nagulat si Drei kasi gusto matuto nito manguha ng mga magagandang larawan kaya’t hindi ito nakapagsalita “Oo nga pala, if ever gusto mong mag-model eto number ko, text mo ko, I’ll back you up sa company namen” dagdag pa ni Kevin

“Naku salamat po, salamat talaga” ang sabi ni drei habang nakangiti kay Kevin

“You know what you remind me of one of my models” sinabi ni Kevin habang nakatitig kay Drei

“Ah ganun po ba? Pogi din parang ako?” tanong ni Drei sabay halakhak ng malakas

“Haha, baliw, hindi, kasi mabait, halos kamuka mo, medyo mas matanda nga lang sayo ng kaunti, sige na nga, oo, gwapo rin parang ikaw!” sagot ni Kevin habang pinipigilan ngumiti kay Drei

“Edi makakasama mo sya sa photoshoot nyo?” usisa ni Drei

“Hindi nga eh” sagot ni Kevs

“ah! Busy? Nasa ibang company na? ahhhm, ayaw nya?” tanong ulet ni Drei

“Hindi, wala na kasi sya… namatay na” sagot ni Kevs habang pinipigilan nyang bumagsak ang mga luha nya, pag tingin nya kay Drei ay parang namumula ang mata nito.

“Are you okay Andrei?” tanong ni Kevin

“Oo may naalala lang ako, pero okay na ako” sagot ni Andrei

Dumating na sila sa babaan kaya’t nagpaalam na sila sa isa’t isa, at sabay ngiti nalang ni Kevin kay Andrei

“AANNNDDDREII! Text mo ko kung gusto mo mag model ah!” sigaw ni Kevin sa papalyong mag bestfriend

Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ni Kevin at nagtataka din si Jaely sa ngiti na pinapakita ni Andrei habang naglalakad sila

“Bespren, ngayon ko lang ulet nakita yung mga ngiting ganyan ah, bakit?” tanong ni Jealy sa bestfriend nyang si Andrei

“Wala best, masaya lang na nandito na tayo” sagot ni drei

“talaga lang ah” mataray na sagot ni Jaely sabay tawa “Ang cute nung katabi mo kanina sa plane, gwapo nya ah” dagdag pa ni Jaely

“Kinukuha nga akong model eh bestfriend, photographer sya ng isang kumpanya! Basta text ko daw sya” sabi ni Andrei


“Oh! Extra income din yan bestfriend, sige na accept mo na yung offer ni cute

(to be continued...)

No comments:

Post a Comment