Kahit sino ka pa man, kahit ano pa man ang kasarian mo, you have the right to LOVE and to be LOVED. :)
Thursday, October 28, 2010
SUPER LUNA (4)- Ang Kaspillo
Eto magkasunod na yung update, since 4 days naman ako di nakaupdate, :) hay, thanks sa lahat ng mga bumabasa and sorry ulet kung late post :) This Chapter tapos na lahat ng flashbacks... ayan na!
Follow me on my Blog and add me on FB
FB: gabifad@yahoo.com
BLOG: gabrielfads.blogspot.com
_____________________________________________________________________________________
At ang lahat ng iyun ang mga ala alang hinding hindi ko makakalimutan.
Eto ako ngayon, papunta na ng Kaspilla para malaman ang mga kailangan kong malaman, mabigat man sa kalooban ko pumunta duon, wala akong magawa, eto ang itinakda para saakin. Pag dating ko duon ay namangha ako sa itsura ng lugar, ibang iba sa mundong kinalakihan ko, ibang iba sa itsura na inaakala ko, isang magandang paraiso kung saan marami ang nagsasanay para lumakas, isang paraiso kung saan lahat ay abala para balang araw ay maipagtanggol ang mga Kaspyan.
“Maligayang pagdatin sa Kaspillo Lucas, aking anak” laking gulat ko na tawagin akong anak ng lalaking sumalubong sakin. Siya pala ang tunay kong ama na si Helios
“Joseph nalang po itawag nyo sakin, hindi po kasi ako sanay ng Lucas” sagot ko sakanya
“Aba’y dapat masanay ka na, kasi dapat kang kilalanin dito anak” sabi nya sakin sabay pabulong na sinabi “Siguro naman nasabi na ng Nanay Sophia mo na ikaw ang huling tagapagligtas” sabay kindat saakin
“Okay na po talaga yung Joseph para sakin” mahinhin kong sagot sa aking ama
“Kung iyun ang nais mo, pero Lucas padin ang itatawag ko saiyo” sagot nya saakin
Nagsimula ang ensayo ko kasama ang aking itay, itinuro nya saakin ang mga pinakasimpleng bagay na kailangan ko malaman, tulad ng martial arts, at iba ibang uri ng self defense. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Eros habang tumutulo ang mga pawis ko sa katawan. Naalala ko nung huli naming kita, yung sinabi nya sakin na mahal nya din ako, kaya nga’t ginagawa ko lahat dito sa Kaspillo para makabalik ako agad sa mundo. Halos dalawang linggo din ako nagsasanay kasama si Tatay Helios at sa tingin ko naman ay nakukuha ko naman lahat ng tinuturo nya
“Anak! Bukas papakilala ko naman sa’yo si Trence, sya yung magtuturo sa’yo ng mga Mahika at Salamangka.” Sabi ni Tatay Helios
“Wow! Parang magic? Ganun bay un ‘tay?” tanong ko sakanya
“Oo nga ganun nga anak! Wag ka masyado exited. Hindi madali matuto ng mahika” sabi niya
Nang matapos ang araw ay iniisip ko si Eros, ang nagawa ko na lang, ibulong ang pangalan nya at magdasal sa kaitaasan para sa kanyang kaligtasan.
“Lord, ingatan nyo po lagi si Eros, mahal na mahal ko po siya” dalangin ko sa may kapal habang naiisip ko kung ano na nga kaya ang nagyayari kay Eros ngayon
Then silence prevailed….
Nagising ako kinabukasan sa gising sakin ng isang alagad ni Tatay Helios
“Sir, pinapagising na po kayo ni Sir Helios” sabi ng lalaki
“Sige po pakisabi susunod na ako” sagot ko sa lalaki, habang papaplayo ang lalaki iba ang tingin nya sa mga palad ko ng nakita nya ang apat na marka dito, agad ko sya tinanong kung bakit
“Bakit po kuya? May problema pa po ba?” tanong ko sakanya
“Wala na po Sir, di lang po ako makapaniwala na pagkatapos ng 15 taon, nandito na po ang huling tagapagligtas, at ang tanging itinakda para makontrol ang apat na elemento ng Kaspyan” sagot nya sabay ngiti at paalam saakin.
Nagbihis na ako para makapagsimula na din ng ensayo ko sa araw na iyon, pagkatapos ko magbihis ay agad akong bumaba at habang papalapit ako kay Tatay Helios, may nakatalikod syang kausap, hindi ko alam kung sino
“Oh ayan na pala yung anak ko, Lucas anak tara dito” sigaw niya habang papalapit ako sakanya
Tumingin bigla sa likod nya ang lalaki para tignan ako, shet! Pagtingin nya sa likod, sobrang gwapo nya, at halos may hawig kay Eros, kaya’t naisip ko tuloy si Eros nuong tumingin sya saakin.
“Anak! Eto si Trence, sya ang magtuturo sa’yo ng mga magic at spells” sabi ni Itay, pareho lang kaming tahimik ni Trence, hindi ko alam kung bakit nakatitig lang din sya saakin. Hindi ko maalis ang mga mata ko sakanya, ng bigla syang lumingon papalayo
“Nako! Sir Helios, mukang mahina itong anak nyo, Titig palang ang ginagawa ko, nagpapadala na sya” sabi nung lintek na Trence nayun.
Sinasabi ko na nga ba, hindi titig may gusto yung ginawa nya sakin, ngunit isa din pala iyun sa mga kapangyarihan nya.
Nagsimula na ang training ko sakanya at sinigurado ko na hindi ako magpapadala sa gwapo nyang muka at yummy nyang katawan (ano ba yung nasabi ko) basta focus! Focus!
“Patingin ako ng mga palad mo Lucas” sabi ni Trence sakin. Pagkatapos ko ipakita ang mga palad ko ay agad syang namangha sa apat na bilog na marka na nakita nya “WOW!” iyun lamang ang nasabi nya
“Bakit Trence?” tanong ko sakanya
“Wala, nagulat lang ako na totoo pala na may isang nakatakdang Kaspyan na kaya kontrolin ang apat na elemento ng mga Kaspyan.
“Hindi ko nga alam kung papaano” sabi ko sakanya
“Kaya nga andito ako diba? Tuturuan kita. Ang ibig ko sabihin kanina ay walang may ibang kakayahan na patirahin ang mga espirito sa katawan nila at gamitin, ikaw lang Lucas” at bigla nanaman nadaan ang mga mata ko sa mga mata nya, at sobrang sarap tumingin sa mga mata nya, pero nilabanan ko, alam ko na pagsubok nya lang iyun para sakin. Inilihis ko ang titig ko at bigla syang ngumiti saakin at sinabing “Magaling Lucas”
“Alam mo ba kating kati ako palabasin itong apat na to nung pinapatay ng isang Grospe ang mga umampon sakin. Pinatay nila ang Mama Asya at Daddy Elison ko” sabi ko kay Trence
“Ganun ba? Hindi kasi sila basta basta lalabas, mayroon silang sari-sariling paraan kung papaano sila tatawagin” sabi nya saakin.. “Eto tignan mo ilahad mo ang kamay mo at sabihin mo …” sabay tumingin sya ng malalim sa mga mata ko at sinabi ang mga kakaibang katagan na kung normal kang tao ay sasabihin mo ay jologs ang mga ito, pang pokemon o mga anime freaks kung baga. “Kailangan mo sauluhin ito kasi hindi ka pwede magkamali kahit ni isang salita lang, eto at eto lang ang makakapag palabas sa kanila sa katawan mo. Ilalahad mo ang mga kamay mo at isisigaw mo..
“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka…. at tawagin mo ang isa sa mga apat na nilalang na magsisilbi sa’yo”
Si Altas, ang apoy na lobo, siya ang pinakamalakas na lobo sa mundo nila, napakatapang nya, kapag tinawag mo sya wala syang kahit anong laban na uurungan.
Pwede mo ding tawagin si Krisha, ang reyna ng mga sirena, sa kapangyarihan ng tubig at hiyelo mo maasahan si Krisha, matalino si Krisha at hindi basta basta sumusuko
Pangatlo ay si Galdium, ang pinaka tusong agila sa lahat ng mga kasama nya. Matalino din si Galdium, alam nya ang dapat gawin, at kaya ka rin nya dalin sa iba’t ibang lugar, maari kang sumakay sakanya. Parang si Krishia, kahit anong parte ng tubig dadalin ka nya kung kailangan.
At ang huli, si Ertia, ang pinakamalakas na diwatang lupa, hawak nya lahat ng kapangyarihan ng isang diwata, madami syang kayang gawin kaya tawagin mo sya pag kailangan mo sya.
“Ngayon subukan mo silang tawagin” sabi ni Trence habang nakatitig parin saakin
Kinabahan ako kasi ngayon ko lang ito gagawin, naalala ko na huli ko silang nakita nung labingdalawang taong gulang pa lamang ako, sa camping namin, nung unang beses na pumasok sila sa loob ng katawan ko.
“Sige na wag ka matakot, sundin mo lang yung mga sinabi ko ,sige ilahad mo ang mga kamay mo” sabi pa nya habang kinakabahan parin ako sa gagawin ko
Inilahad ko na ang mga kamay ko at sinunod lahat ng itinuro nya saakin. Sumigaw ako ng sobrang lakas na halos madinig ito sa buong Kaspillo
“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Altas” sabay na lumiyab ang mga kamay ko at unti unti unting bumalot ang apoy sa aking katawan. Habang nagliliyab ang buong katawan ko ay unti unting may mga apoy na pumoporma na palang lobo at papalayo sa katawan ko, di katagalan ay nabuo mula sa apoy sa katawan ko si Altas ang apoy na lobo
“ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo Master?” tanong ni Altas na kitang kita na nakalabas ang mga pangil at handa nang lumaban
“Puksain mo si Trence… hahaha” pabiro kong sabi kay Altas, susunggab na si Altas na tila hindi nakakaintindi ng biro “Altas, nagibibro lang ako” kitang kita na nakasalag na si Trence at nakatingin ng masama sa akin
“Hangal ka ba Lucas? Papatayin talaga ako nyan kapag inutusan mo sya, hindi nakakaintindi yan ng biro” pagalit na sigaw ni Trence
“Relax, sorry, pasensya na talaga” sabi ko sakanya sabay paawa na gamit ang mga mata ko
“Ngayon bahala ka kung papaano mo maibabalik yan sa katawan mo” sabay sabi sakin ni Trence
“Uy! Trence joke lang, sige na tulungan mo na ko ibalik to
“Ayoko” pagmamatigas na sagot nito
“Sige na please! Please naman o” pangungulit kong sabi
“Sige, pero may kapalit ‘to ah Lucas” sabi ni Trencel
“Oo… sige sige, kahit ano!.. sige na sorry na” paumanhin ko ulet kay Trence
“Sige tutulungan kita pero, sakin ka matutulog mamayang gabi” pilyong sagot ni Trence
“Ano? Trence bading ka ba?” sabi k okay Trence
“Hindi ako bading, bisexual ako, malaki kaibahan nun, tsaka bakit may problem aka bas a mga bakla?” pagalit na sabi ni Trence
“Wala” maikling sagot ko sakanya
“Kasi ang mga bakla, kahit ganun sila, wala naman silang ginagawang masama, pinili lang nila kung saan sila masaya, hindi sila dapat ginaganun kasi wala naman silang naagrabyadong tao, wala silang pinapatay, wala silang inaapakang ibang tao” paliwanag ni Trence
“Alam ko Trence, wala akong problema sa kanila, bi ako Trence, hindi kita tinanong kanina kung bading ka dahil may problema ako sa mga bading, ang bilis mo kasi! Yung lang yun” sagot ko sakanya nakita ko ang gulat sa mga mata ni Trence kasi alam ko na nagbibiro lang siya kanina tungkol sa pagtulog naming na magkasama, pero ganito ang reaction ko.
“Edi maganda, hindi ako mahihirapan sa’yo” sagot pa nya sakin. Lumapit sya sakin at dahan dahan niyang nilapit ang mga labi nya saakin. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ngunit naisip ko si Eros
Hahalikan ko na ba to o magiging tapat ako sa taong pinakamamahal ko,hala...... :(
(to be continued...)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haizt!
ReplyDeletebitin, jeje.
ang kulit nung part na pinasugod nya kay Trence si Altas. KEWL!
adik, dito na ako magko-comment,
ReplyDeletesobrang tawa ko sa training ni Lucas kay Trence,
at ang galing ng pagkaka-sulat, as usual, ang lawak ng imahinasyon,