Kahit sino ka pa man, kahit ano pa man ang kasarian mo, you have the right to LOVE and to be LOVED. :)
Wednesday, October 20, 2010
SBLS Blends- LET IT FALL ON THE LOVE FOR REVERIE (2)
Salamat sa magandang FEEDBACK sa mga REPOSTS and sa bagong story nato, kaya naisip ko i extend ko yung story, more than 4 parts na to :) hehehe, ito po yung second part sana magustuhan nyo
sa mga gusto po ako i-follow sa blog at FB eto po
BLOG: gabrielfsd.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com
_____________________________________________________________________________________
(BEEP…BEEP….BEEP….BEEP)
Nagising si Karl sakto sa pag alarma ng alarm clock nya sa kwarto, para narin makapaghanda ng mga gagamitin nya para sa nakatakdang photoshoot ng araw na iyon
Naghanda ng mga gamit nya, inilagay na sa bag nya si Jeff, at bumaba para kumain ng agahan para may lakas sya sa buong araw. Nagtext ang ibang mga models nan a handle nya na at nagulat sya sa pag welcome ng mga ito sa kanya
“Sir Kevs! Welcome back po sa company, exited na po ako sa shoot naten mamaya, sige po Sir Kevs, see you later” text ng isang model na babae na si Aimee
Pagkatapos kumain ng agahan ay agad na umakyat si Kevin para makapag handa narin para sa maaga nyang flight papuntang Palawan.
Pagkatapos magbihis ay agad nilisan ni Kevin ang condo nya at nag taxi na papuntang airport. Maaga dumating si Kevin, kaya’t nagtingin tingin muna sya sa paligid, namali ng mga pwede nyang ibaon sa loob ng eroplano, at nang malapit na ang oras ng flight nya ay tumungo na sya sa waiting area, habang papunta sya dun ay bigla nalang may napsigaw na lalaki samay likuran nya napalingon sya at tila nagka bunggo at natapunan ng kape yung isa
“Tsk tsk tsk… di kasi nagiingat oh! Mga tao talaga” mahina nyang bulong sa sarili
Nag lakad sya papasok ng sasakyang eroplano at umupo na sya sa dapat nyang upuan, mag isa lang sya ng maya maya may isang lalaking nakatingin samay upuan sa tabi nya at tila nahihiya na pausugin sya para makadaan, agad tinanong ni Kevin ang lalaki kung kanya ang upuan na nasa tabi nya
“Dito ba yung upuan mo Pare?” tanong ni Kevin
“Oo, okay lang ba… padaan po sana” sagot ng lalaki, tumayo si Kevin at pinadaan muna ang lalaki para makaupo sya “Salamat po” sabi ni lalaki
“Po? Bakit may ganun, di ako sanay” sagot ni Kevin sakanya
“Pag galang lang po”
“Haha! Ganun? Kevin nalang okay?” pakilala ni Kevin sa katabi
_____________________________________________________________________________________
“Hindi….” Daing ni Drei habang natutulog, “Hindi…” mukang nananaginip nanaman si Andrei, pumasok si JAely sa kwarto nga upang gisingin na rin ang kaibigan dahil ngayon ang araw ng pagpunta nila sa Palawan
“Bespren!” sabay alog ni Jaely sa natutulog na si Drei “Mukang nananaginip ka nanaman ha?”
Mabilis na dumilat ang mata ni Andrei at mabilis na tumayo sa kinahihigaan
“Are you okay Andrei?” Tanong ni Jaely sa kaibigan
“That was weird! Sobrang weird Jae!” sagot ni Drei
“Ano ba yun? Ano napanaginipan mo” tanong muli ni Jaely, kitang kita sa mga mata ni Drei ang takot na dulot ng panaginip nya sakanya
“Basta! Isang kotse, may mga taong sumisigaw, hindi malinaw, hindi ko alam kung anong nagyayari! Jaely ang sama ng pakiramdam ko sa pagpunta natin ng Palawan” sabi ni Andrei
“Drei, kung ano man ang mangyayari, mangyayari diba? Ikaw pa mismo nagsabi nyan!” sagot ni Jaely sakanya
Naligo na si Andrei at habang nasa C.R. sya ay kitang kita parin ang pangamba sa muka ni Drei, iniisip nya kung ano ang tunay na laman ng panaginip nya. At bakit Malabo ang buong panaginip nya, iba sa lahat ng mga napapanaginipan nya.
Dumating sila sa NAIA ng alas 11 ng umaga para narin sa 11:30 nilang flight papuntang Palawan. Late! As in super late na yun kasi marami pang che che bureche bago ka maka board sa eroplano
Nagmamadali silang dalawa ni Jealy at habang umiinom ng kape at naka tingin si Drei sa cellphone nya para tignan kung mayroon syang text message, bigla nalang siyang nabunggo ng isang lalaking mabilis ding naglalakad at natapon bigla ang kape na hawak hawak ni Drei sa lalaking kabangga
“I’m sorry po” sabi ni Drei
“Shit! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!” masungit na sagot ng lalaki sakanya
“Sorry po talaga” paumanhin ulit ni Drei sa lalaki.
Tumango nalang ang lalaki at umalis na silang dalawa ni Jaely para narin makaabot sa flight na hinhabol nila
Sakto ang pagdating ng dalawa sa waiting area kaya’t pagdating nila ay nag bo-board na ang ibang mga pasahero. Pagtingin ni Jaely sa ticket nila ay magkaiba ang seat number nilang dalawa ni Andrei
“Bespren, mukang hindi tayo magkatabi ah” sabi ni Jaely
“Okay lang yan bespren! Libre naman to eh, haha” sagot ni Andrei
Pagpasok nila ay tumpak hindi nga magkatabi ang mag bestfriend, Umupo na sila sa mga upuan nila at pagdating ni Andrei sa uupuan nya ay isang lalaking maputi, gwapo at matanggkad ang katabi nya at nauna ng umupo sakanya. Nahihiya syang umupo dahil nadin nasamay bintana ang uupuan nya kaya’t nahiya syang magpasintabi, ng biglang nagsalita ang lalaki
“Dito ba yung upuan mo Pare?” sabi ng lalaki
“Oo, okay lang ba… padaan po sana” sagot ni Andrei, tumayo ang lalaki at pinadaan muna si Andrei para makaupo sya “Salamat po” sabi ni Drei
“Po? Bakit may ganun, di ako sanay”
“Pag galang lang po”
“Haha ganun? Kevin nalang! Okay?” pakilala ng katabi nyang lalaki sakanya
_____________________________________________________________________________________
“Shit! Alas 10:00 na!” nagising si Rob ng alas 10:00 ng umaga, di nya alam kung anong gagawin dahil 11:30 ang flight nya papunta sa Palawan
“Anak? Anong oras nga pala ang flight mo?” tanong ng nanay nya sakanya
“Ngayon na Ma! Late na nga po ako!” sabi ni Rob sa kayang ina
“Maligo ka na anak, igagawa nalang kita ng babaunin mo para on the way ka nalang kumain okay?” sabi ng inay nya
Mabilis na naligo si Rob at nagbihis at agad na nagmadali pagkababa, nakalimutan nyang isuot yung kwintas nya na may pendant na bigay ni Jed sakanya. Pagsakay nya sa taxi at medyo nakakalayo na, duon nya lamang naisip yung kwintas. “Shit! Yung kiwntas ko” daing nya sa taxi, hindi kasi sya umaalis ng hindi niya iyun suot kasi para sakanya iyun si Jed, at kapag suot nya yun, kasama nya lang si Jed ng kahit saan sya mapunta.
TRAFFIC! Sobrang traffic ng araw na iyun papuntang airport, bumper to bumper kung bumper to bumper
Nagaalala na si Rob at baka hindi sya umabot sa flight nya at sakto pa na tumawag si Sir Mike sa kanya
“Robi? Nasan ka na? make sure you won’t miss your flight” sabi ni Sir Mike
“Opo! Sir Mike, on the way na po ako sa airport” sagot ni Rob
“On the way palang sa airport!!?? it’s already 10:50 Rob! Late na late ka na! 11:30 ang flight mo!” galit na sabi ni Sir mike
“Sir Mike eto na po malapit nap o talaga, I’ll see you nalang po sa Palawan low bat. Na po ako” sagot ni Robi sabaya baba sa telepono dahil na rin sa pag ka badtrip
Dumating si Rob ng mga bandang 11:05 sa airport at kailangan nya na agad dumertso sa waiting area, nagmamadali sya papasok at sa sobrang pagmamadali nya, isang lalaking may dalang kape ang nakabunggo sakanya dahil nadin hindi ito nakatingin sa dinadaanan
“I’m sorry po” sabi ng lalaking nakatapon ng kape sa damit ni Rob
“Shit! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!” masungit na sagot ni Rob sa lalaki
“Sorry po talaga” paumanhin ulit ng lalaki
Tumango nalang si Rob para matapos nadin at wala nanaman syang magagawa
“Fuck talaga tong araw na to! Malas” sabi ni Rob sa sarili
Mabilis syang naghanap ng Restroom para nadin makapag palit ng damit at buti na nga lang ay may dala syang pamalit.
Pagkatapos magpalit ay nag spray muna sya ng pabango para hindi sya mangamoy kape sa eroplano
Nagmadali sya papunta ng waiting area ngunit sakto sa pagdating nya ay pagalis nan g eroplanong dapat ay sasakyan nya
“Wh…. The Fuck!” sigaw nya habang nakikitang ready na mag take off ang eroplano
Naiwan si Rob sa airport at halos masira na ang utak nya sa kamalasan na nangyayari sakanya. Nagtanong sya sa mga tao na nasa airport, ipinaliwanan nya ang nagyari at buti naman ay mayroong paalis na kaparehas na eroplano kaso nga lang ay gabi pa ang alis nito, pinili parin nyang bumyahe para narin makagawa sya ng paraan. Naghintay lang si Rob sa airport hanggang dumating ang oras ng pag alis nya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment