Wednesday, January 12, 2011

FOUL CONSPIRACY (1)- The Lies



Thank you sa lahat ng mga bumasa sa Fresh Start.... this is another chapter of my life.... Thank you sa lahat ng na iinspire ko sa mga literary works ko, and thank you so much sa mga nakaka appreciate sa mga sinusulat ko... salamat salamat

Here's a short 1st chapter of the story.. enjoy guys!

_____________________________________________________________________________________


Do you believe in Love at First Sight?

…Hindi? Parehas tayo, kasi hindi naman nararamdaman ang Love visually, it’s felt through the heart.

Sabi ko nga sa Kanya “Para ka kamong hangin!.... I don’t see you pero ang alam ko is kailangan kita para mabuhay ako” Korni?... Pero totoo….

Ever felt na isang text palang ng isang tao sa’yo, like a simple “Good Morning” makes your whole day, lalo na pag narinig mo yung boses nya, it’s like you’re gonna faint sa sobrang kilig

“What does not Kill you makes you stronger”

Sabi nga nila pag na broken hearted ka, para kang namatay. Pero hindi! Buhay ka! It did not kill you rather it will be a life lesson to you to be better on the coming relationships na ma encounter mo pa.

Sinong humatak sa’yo nung nakahandusay ka sa lapag and you are crying over someone who does not care anymore? Ako? Hindi nya ako hinatak! Umupo sya sa tabi ko, comforted me, and sabay kaming tumayo para harapin ang bagong buhay…

Sya ang nagdala ng salitang “MOVE ON” sa buhay ko

But will it last kung nagsimula ka sa isang kasinungalingan?

Will real love cover all the lies behind? Kaya mo bang itago sa kanya ang mga kasinunganan mo at alam mo na ang kapalit nito ay ang pagkawala nya?

Will you risk love for the truth?

_____________________________________________________________________________________


October 10, 2010: “Kilala mo ba si Chase? Close ka’yo?”

That was the first message that I sent to Sojeph, ang nakita ko lang mutual friend sa FB is si Chase, so sabi ko ang cute naman ng batang ‘to, my intention was not to flirt (medyo lang) but just to ask permission to use his picture for my new story, yung Super Luna…, I got a reply after 3 days…

October 13,2010: “Yap. Tropa ko, naging Dormate din for a month why?”

Seriously, ewan ko kung bakit feel ko ang saya nag reply sya, mukang snob kasi, pero usually naman sa mga first impressions ko laging mali, so sabi ko hehehe nagreply sya.. ang arte ko… haha

And ang kulet nung mga next messages, ang kulet nya kausap, pero na enjoy ko naman yung messaging namin sa FB

One message I gave him my number, at deadma lang… naisip ko lang, baka sakaling pwede ko syang gawing bi

Tropa kasi sya ni Chase (you guys know him) bestfriend ko, and ang sabi nga sakin ni Chase through text

“ULOL! Straight yan wag mo tuhugin” sabi nya

Damn! Ano ko manunuhog? Di naman ako nakikipag landian, nakikipagkwentuhan lang

STUBBORN ASS! I did everything para ibaling yung usapan namin sa number nya pero hindi mapunta punta dun! Wala lang bakit ba? Ang cute nya, I want to get his number, gusto ko sya makausap, hirap kasi sa FB, pag log out tapos nag reply, next OL pa mababasa.

I texted Chase kasi hindi ko nga makuha number nya through the messages

“Hoy Chase, ano number ni Sojeph?” tanong ko

“At Bakit?” reply nya

“Wala lang may tatanong ako about sa kanya, kailangan sa story bilis”

“Wait, papaalam ko muna”

After mga 10 minutes or so….

“Ako daw bahala kung ibibigay ko! Ayoko nga ibigay! Tuhugin mo pa tropa ko! Sakanya mo hingin malandi! Hahaha”

I just want to be friends and nothing more than that.. yun lang yung gusto ko until one dare changed the whole situation….

“Chase! Sige na bigay mo na number nya! Please” I texted chase

“Hindi nga pwede tsaka magagalit sakin yun, ikaw manguha!” sagot nya

“PLLEAAASSSSEE! Just want to befriend with him” sagot ko

“Gabriel, kilala kita, alam ko gusto mo sya! Hindi mo makukuha yun, Straight yun Gab! Straight!!!! STRAIGHT!” sagot nya sakin

“No, I just want to be friends with him” Sagot ko sakanya

“Asa!!!! Ayiiii! Crush nya si Sojeph! Sige nga pag naging kayo bibigay ko katawan ko! Hahaha” sabi nya

“Ahhh ganun? Seryoso yan?” tanong ko sakanya

“Pre! 100% sure! Sumakay ka pa! kahit lumungad ka ng dugo hindi mo magiging boyfriend yun” sabi ni Chase sakin

“Watch me! Sabi mo ha? Katawan mo? Hahaha” pabirong sagot ko sakanya

“Hahaha! Ulol! Hindi pwede! Joke lang yun” sagot nya

“Sige! Pag napasagot ko sya? Tayo na?” sabi ko kay Chase

“Oo! Sige kung kaya mo!” sagot nya

I really like Chase, dati pa, sa Fresh start palang na story ko, na naging kami ng 1 month, sobrang saya ko na, naisip ko that time, kung mapapasagot ko si Sojeph, then Chase would be mine, all mine… (Demonic Laugh!) hala! Ang sama ko, pero alam ko kasi when Chase promises me something, he would really grant it, kaya inisip ko nalang, this would be my chance to have Chase in my life.

“Oh! Bigay mo na sakin yung number” kulit kong muli kay Chase

“Ayoko! Maging dahilan pa yun ng pagsuko ko sa pagkalalaki ko! Ikaw gumawa ng paraan para makuha mo” sagot nya sakin

After 2 days I got a new message from Sojeph sa Facebook ko, and it was his number, nice

NOW I CAN START MY PLAN….

1 comment:

  1. hi po kuya.... wala pa po ba itong kasunod hehehe more power po and GOD BLESS ^^

    ReplyDelete