Kahit sino ka pa man, kahit ano pa man ang kasarian mo, you have the right to LOVE and to be LOVED. :)
Saturday, January 15, 2011
FRAGMENTED 2/3- The Huge Comeback
This is the 2nd to hte 3rd chapter of Fragmented.. .salamat sa mga nag comments dun sa 1st part... sana magustuhan nyo ang 2nd chapter.... 2morrow I will post the final chapter... salamat salamat
At salahat ng naghihintay ng Chapter 2 ng Foul Conspiracy... pag pasensyahan nyo po muna guys... di ko pa kayan gisulat yung mga next parts... ayoko na nasasaktan ko sya... nabasa nya yung 1st part and I think nasaktan ko na sya.... so Siguro pag kaya nya na and kaya ko na din...
_____________________________________________________________________________________
Mabilis akong nagpaalam kay Ron at kay Jacob na lasing na lasing, sobrang exited akong makita ang kuya ko, for 19 years, nawala sya, mabilis naman akong lumabas ng bahay nila, hinatid ako ni Ron sa labas para maghintay ng taxi
“What’s the rush by the way?” tanong ni Ron sakin
“Ahhh, si kuya ko kasi umuwi eh, basta mahabang kwento, next time I’ll tell you okay?” sagot ko sakanya
“Ahhh, sorry nga pala kung di kita mahahatid ah, wala kasing kasama si Jacob dito eh!” sabi nya
“No! No! okay lang yun, okay lang talaga yun, basta ngayon kailangan ko lang umuwi saamin” sabi ko sakanya
“Sorry din kanina” malungkot na sabi nya
“Ha? Saan?” tanong ko sakanya
“Para dito” sagot nya sakin sabay bigla nyang hinawakan ang batok ko at mabilis nyang inilapit ang mukha nya saakin, dinikit nya ang ilong nya sa ilong ko at pumikit sya, hindi na ako nag alinlangan na ipikit din ang mga mata ko at dinama ko nalang ang pagdikit ng mga labi nya sabi ko. Biglang parang ayoko na umuwi pero kailangan eh, Ron nga! Wag ganyan. Hahaha Shit habang nakadikit yung labi nya sakin at nakahawak sya sa likod ng ulo ko at para bang sinisigurado na hindi ko ilalayo ang mukha ko sakanya. Sobrang sarap nya humalik, siguro kung nasa loob lang kami ng bahay, kanina ko pa tinanggal yung suot nyang T-shirt tapos basta! Hahaha, ang sexy sexy nya, at pagkatapos ng masarap nyang halik ay unti unti nya naring tinanggal ang kamay nya sa pagkakahawak saakin at lumayo ng dahan dahan sa mga labi ko
“Sorry” sabi nya saakin
“What? Why? Ginusto ko rin yun, no need to say sorry” sagot ko sakanya
Ng eto na may bakanteng taxi nan a dumaan samay harap ng bahay nila Jacob
“Oh pano ba yan? See you next time?” paalam ko sakanya
“Pwede bang bukas yung next time na yun?” tanong nya saakin
“Eh di see you tomorrow” nakangiti kong paalam sakanya habang binubuksan ko ang pintuan ng taxing sasakyan ko. “Tama na yung tingin, baka matunaw ako, di mo na ako makita bukas” sabi ko sakanya
He then just smiled at me and he waved his hand para magpaalam. Pagpasok ko sat axi ay parang weirdong weirdo ang itsura ng taxi driver, siguro ay sa pagkakalandian naming ni Ron bago ako sumakay sakanya
PAKI MO MANONG? Hahahaha gusto ko sana sabihin ganun pero baka hindi ako ihatid pauwi kaya ayun, nagpahatid nalang ako sa bahay naming at inisip ko na hinihintay na ako ni Kuya Darwyn sa bahay namin, syet! Kahit ngayon hindi parin nag si-sink in sakin na nasa bahay na naming si Kuya Darwyn, Fuck! Sobrang exited ko na makarating sa bahay namin. For 19 years, andito na yung oras na pinaka hihintay hintay ko. Hayyy….
Maya maya ay nasa bahay narin ako, bayad sa taxi driver at ngiti, kasi makikita ko narin ang kapatid ko na matagal na nawalay sakin
Dahan dahan akong pumasok sa bahay namin, kinakabahan, hindi ko alam kung anong reaction yung ipapakita k okay kuya pag nakita ko sya, hehe, ayoko umiyak sa harap nya, basta hindi ko alam, ngingiti nalng ako pag nakita ko sya, syempre yayakapin ko si kuya ko! Hayyy…. Ayan na….. Ayan na….. Ayan na…..
(Ikot ng doorknob sa pintuan namin)
Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa mata ko ang isang lalaking medyo matipuno ang katawan, kamukang kamuka ni Daddy ko, Gwapong gwapo parang ako, at napahinto sya at tumingin sya saakin. Sabi ko hindi ako iiyak eh, pero hindi ko napigilan umiyak, biglang may isang mahinang bulong na lumabas sa aking bibig
“Kuya ko….”
Agad akong lumapit sakanya, at niyakap ko sya habang tumutulo ang mga luha ko
“Kuyaaaa!... Kuya…. Nandito ka na” masayang sabi ko sakanya habang hindi ko parin mapigilan ang mga luha ko na tumulo
“Oh! Kamusta ka na Dave?” tanong nya saakin
Sa boses palang nya lalong lumakas ang agos ng mga luha ko. Putangina! Si kuya ko, si kuya ko nandito na.
Pagkatapos ay itinanggal nya na ang pagkakayap ko sakanya at tinapik nya ang likuran ko
“Oh paano? Papahinga na muna si kuya ah? Pagod na ako eh” sabi nya saakin
“Kuya, namiss kita” masayang sabi ko sakanya
“Syempre, ikaw din, namiss kita” sabi ng kuya ko saakin
Pumasok na si Kuya ko sa kwarto at ako ay uminom na muna ng tubig para palitan ang mga luhang lumabas saakin, at maya maya ay papasok narin ako sa kwarto naming dalawa.
Naligo narin muna ako para kahit papano ay mapreskuhan naman ako bago ako matulog, alas 10 pa naman ang pasok ko bukas, kaya’t medyo mahaba haba pa ang tulog ko nito, mas masarap na tulog ngayong katabi ko na si kuya ko.
Tunignan ko muna si kuya ko bago ako tuluyang humiga at magpahinga na. Ang sabi ko lang sa sarili ko, Salamat, salamat God! Thank you for bringing my brother back to us, salamat.
Exited na ako bukas, ang dami dami kong tanong na gusto kong malaman, basta sobrang dami, pag gising ko bukas, bagong araw yun para sa pamilya ko, I never thought na magiging ganito kasaya ulet ako, sobrang saya ko.
Maya maya rin ay nakatulog narin ako, at sobrang panatag ng isip ko sa pagtulog kong iyun.
Pagdilat ko ng mata ko ay agad akong tumingin sa tabi ko at wala na ang kuya ko sa tabi ko, an gaga siguro nagising, exited na maka catch up, tumayo na ako para makalabas ng kwarto at makapag hilamos muna ng muka para makapaghanda narin sa pagpasok ko sa trabaho, paglabas ko ay napansin ko na si Mama lang ang nandun at nagluluto at syempre namasada naman si tatay ng trycicle nya
“Ma? Nasan po si Kuya?” tanong ko kay Mama
“Ahhh… umalis… may pinuntahan lang… baka mamaya pa daw ang balik nya” sagot ng Mama ko saakin
“Ahhh ganun po ba? Kakamustahin ko lang sana bago ako pumasok sa trabaho” sagot ko kay Mama
Miss na miss ko na yung kuya ko umalis pa! Hmp! It’s okay! At least nandyan na sya habang buhay, alam ko na kung ano yung itsura nya ngayon, ibang iba na sya kung ikukumpara ko dati na lagi kaming may baid ng tsokolate sa may gilid ng mga labi naming kakakain ng Tsoko-Stik at punong puno ng mantsa ang mga sando na suot namin kakakain ng Chocobot.
Wala akong magawa, basta pagkatapos ng trabaho ay didiretso nalang ako pauwi para makasama ko si kuya ko. Naghanda na ako para sa trabaho at maya maya ay umalis narin saamin para hindi ako ma late
Pagdating ko sa trabaho ay ayan na si Jacob, kitang kita ang hang-over sa mukha nya
“Jacob! Ano pre? Ayos ka na?” tanong ko sakanya
“Oo pre! Pucha, sakit parin ulo ko! Hahaha” sagot nya saakin
“Ayos lang yan! Oh? Ano nangyari sainyo ni Ron nung nawala ako?” tanong ko sakanya
“Eh ayun, nasuka pa nga ako kagabi nakakahiya, si tropapipz pa yung naglinis, pero ayun umuwi na sya kaninang alas 8 ng umaga, may photoshoot pa daw sya mamayang ala una” paliwanag sakin ni Jacob “Teka Dave? Bakit nga pala nawala ka kagabi?” dagdag nyang tanong
“Pre! Hindi ka maniniwala dito! Si Kuya ko! Umuwi na samin! Kasama ko sya kagabi” masaya kong balita kay Jacob
“Oh? Talaga pre? Nice Nice! Ayos!” masaya nya ring sagot sakin
“Kaya nga eh, basta sobrang saya ng araw na ‘to pre” sabi ko sakanya
Oo nga pala, alam naman ni Jacob ang pinakatatagong sikreto ko kaya’t biniro nya ako tungkol kay Ron
“Pare! Tinamaan yata si Tropa ko sa’yo” pangtitrip na sabi ni Jacob
“Ha? Si Ron?” tanong ko sakanya
“Wag ka na magkaila, kinwento sakin ni Ron, sarap mo daw humalik! Hahaha” pangiinis na sabi nya
“Putakte! Paano mo nalaman yun?” tanong ko sakanya
“Hindi pre, kahit lasing ako nakakatayo naman ako nun no! nakita ko kayo nag hahalikan sa labas ng bahay, nagising kasi ako wala kayong dalawa, ayun pagtingin ko sa bintana, naghahalikan kayo, biruin mo! Pati pala si Ron bisexual, ngayon ko lang nalaman yun ah” sabi nya saakin
“Best, sa tingin ko in love ako kay Ron, pero pre, ang hirap I balance ng oras ko ngayon, kailangan ko makasama si kuya ko, matagal ko na di makasama yun, parang di ako ready para sa relationship ngayon, kasi nakatuon yung atensyon ko sa kuya ko sa ngayon, alam mo naman eh pre diba?” sagot ko sakanya
“Ay nako Dave, ikaw din! Si kuya mo, habang buhay nandyan na yan, kahit sabihin natin na matagal sya nawala, at least nandyan na diba? Eh si Ron? Sa tingin mo nandyan din sya habang buhay para sa’yo?” payo nya saakin
“Eh! Basta! I don’t think I’m ready, kailangan kong maka catch up sa kapatid ko” sagot k okay Ron
Pagkatapos ng trabaho ko ay agad akong nagpaalam kay Jacob na uuwi na ako. Paglabas ng office, at paglabas ng station compound ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay namin.
Habang nasa gitna naman ako ng biyahe pauwi ay may unknown number na nagtext saakin
“Hey! I’m on my way na dyan, I miss you, wait for me ah? –Ron”
Oh Shit! Oo nga pala may usapan kami ni Ron ngayon, pero I have to go home kaya’t nag sorry muna ako sakanya, na hindi kami makakapagkita ngayon
“Ron, sorry! May gagawin ako sa bahay eh, okay lang ba kung bukas na lang?” sagot ko sakanya sa text
“Ahhhh! Namiss lang naman kita eh, kahit sandali lang? please?” makaawa nya saakin
“Ron! Bukas nalang okay? Basta may gagawin pa ako!” sagot ko sakanya
Pagdating ko sa bahay ay agad kong hinanap si Kuya pero wala parin sya
“Nasaan daw po ba sya?” tanong ko kay Mama
“Hindi ko rin alam Anak, hintayin mo nalang maya maya nandyan na yun” sagot ng Mama ko saakin
Hinintay ko nalang dumating ang kuya ko pero hanggang mag hahating gabi na ay wala parin sya, alas 8 ng gabi dumating ako sa bahay, hanggang ngayon wala parin sya, hay! Namimiss ko lang naman sya eh, maya maya ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa sofa at isang pagsarado ng pinto ang gumising sakin. Pagtingin ko sa pintuan naming ay si kuya ko na mukhang lasing na lasing.
“Kuya? San ka galing?” tanong ko sakanya
“Ahhhh… ddiiyaan lang ssaaa ano! Sa mga tropa shhyat Shhyat lang naman” lasing na lasing na sagot nya sakin
“Ahhh ganun ba? Oh sige kuya pahinga ka na! alas tres na din pala ng madaling araw, nakatulog na ako kakahintay sa’yo” sabi ko sakanya
Hayyyy… di ko nanaman nakausap si Kuya ko, tapos si Ron, hindi ko na rin naka meet ngayon, hay! Ano ba yan, pero may bukas pa, iyun nalang ang sinabi ko sa sarili ko
Pagkagising ko sa umaga ay tulog parin si Kuya ko, nahihiya naman akong gisingin sya para lang makipag kwentuhan, kaya’t agad narin ako nagbihis dahil kailangan ko ring pumasok sa trabaho, I’m sure na paguwi ko mamaya, makakapagkwentuhan narin kami ng kuya ko.
Pagdating ko ng office ay naunahan nanaman ako ni Bestfriend Jacob.
“Oh! Pare ang lungkot lungkot ng text sakin kagabi ni Ron ah, hinahanap ka nya eh” ang sabi sakin ni Jacob
“Ahhh, sorry naman kamo, baka bukas ko nalang din sya makausap, kasi hindi ko nakasama si kuya ko kahapon eh, kaya ayuntext ko nalang na bukas nalang ulit kami magkita kasi kailangan ko talaga maka catch up sa kapatid ko” sabi k okay Jacob
“Oh sige, ikaw bahala” sabi niya
Maaga ko nang tinext si Ron para hindi na sya magabalang pumunta dito mamaya para sunduin ako
“Ron, Sorry talaga, hindi ulet tayo pwede magkita mamaya, diretso bahay ako eh, sorry ah” sabi ko through text
Maya maya ay nagreply narin sya
“Huh? Bakit??? I really really miss you… Please, kahit lunch nalang? Mamaya? O kaya bago ka umuwi dinner? Please?” kulit niya sa text
“Gustuhin man kitang makita, walang wala kaming ka oras oras ni Jacob, maraming pinpagawa ngayon sa office eh, sorry talaga, maybe tomorrow? Hindi na ako mag pa promise, baka ma break ko nanaman” sagot ko sakanya
“Ganun po ba?.... Okay po…. Dave… I Love you”
Putangina! Bigla akong kinilig sa text nya na yun… whoa! Ibang iba yung pakiramdam, parang nabuhayan ako ng loob, basta, parang gusto ko sya makita right at this moment para halikan ko sya, pero sabi ko nga, hindi pwede, maraming trabaho ngayon, yung lunch break namin, at dinner ipapabili nalang sa mga errand runners sa studio at sa studio na kami kakain, hayyyy! I really want to see him, pero hindi pwede. Basta, I seset ko nam na bukas kailangan magkita kami
Mga 6 ng gabi, 1 hour before naming mag out sa work, isang text galing kay Ron ang na receive ko
“Dave, Jacob? Nasaan kayo? Natatakot ako! May sumusunod sakin, nasaan kayo nandito ako sa ministop sa loob ng compound ng station, pero nandito din sya natatakot talaga ako hindi sya umaalis, sinusundan nya ako”
Ano nangyayari kay Ron? Nagpapapansin ba ‘to o seryoso?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment