Kahit sino ka pa man, kahit ano pa man ang kasarian mo, you have the right to LOVE and to be LOVED. :)
Thursday, January 27, 2011
MODIFATE (2)- A Storical Conversation
ISang maikling 2nd chapter... sorry medyo maikli... panget kasi pag inextend ko pa... basta I'll just post the next chapter ASAP... sana magustuhan nyo ang 2nd chapter....
Watch out for the coming Chapters... :)
SALAMAT SA LAHAT ng sumubaybay ng 1st chapter.... :) thank you.. thank you... thank you....
_____________________________________________________________________________________
"Writers share their stories to impart their knowledge... to share their great imagination... but to inspire is their number one mission"
Ikinuwento ko sakanya ang Love for Life, yung storya ko tungkol sa isang photographer na nainlove sa isa sa mga models nya, photographer na nagngangalang Kevin na sobrang dami ng bisyo, at isang tao lang ang nakapagbago sakanya, si Karl, isang model na may cancer, na nagpaliwanang kay Kevin na sobrang halaga ng buhay, na kailangan I treasure yung buhay kasi isa lang yan eh, when you die wala ng second chances katulad sa mga video games, then Karl died in the end, leaving Kevin with the lesson na
“Di mo kailangan na meron kang malubhang sakit para marealize mo how wonderfull life is… it’s a gift from God na dapat mong pangalagaan”
Pagkatapos ko magkwento sakanya, agad lang syang ngumiti saakin at nakikita ko na gusto nya na lumuha kahit papaano
“Hoy Bino! Okay ka lang… ilabas mo yan…” sabi ko sakanya
“Tangek! Na touch lang ako…” sagot nya
“Adik! Iyakin!” sabi ko sakanya
“Hindi naman, I just like your stories, like yung sa Light Rail Love? Yung Mico pareho yung pangalan nila, and fate brought them together” sabi nya
“Oo nga! Hehe, nababasa mo na pala yung ibang mga story ko” pangiti kong sagot sakanya
“Hahaha! Thank you ah, for the great sotries” pasalamat nya sakin
“Thank you… for reading it… Sige nga kung alam mo, anong story yung mag pinsan pala sila sa dulo, then they set a new rule on love by loving each other ” tanong ko sakanya
“Hmmmm… alam ko yan… The Write One yan best” sabi ni Arvin
“Haha, nice, halatang nabasa na lahat ng nandun” sabi ko sakanya
“There was this another story about sa ulan, yung kay Jed tsaka kay Robi? Tama ba? Yung nagparealize sakanya na the rain is one of the best creations of God, then that was also tragic ah, namatay si Jed if I;m not mistaken, because of Heart failure?” sabi ni Arvin sakin
“Oo nga, that was Let It Fall… ganun talaga ang buhay….” Sagot ko sakanya “…kaya nga dapat habang maaga… sabihin mo na sa taong mahal mo na ganun yung nararamdaman mo… di kasi natin alam baka isang araw… bawiin na sila ng Diyos satin” dagdag ko
“Oo nga…” sagot nya sakin “By the way, meron pa kong ibang stories na hindi nababasa sa blog mo eh, na gusto ko rin basahin” sabi nya sakin
“Alin dun sa mga yun?” tanong ko sakanya
“Ahhhhmmm… alam ko madami pa ako hindi nabasa dun eh, ano paba yung mga di ko nasabi sa’yo?” tanong ni Arvin sakin
“Ahhhm… The Latter Phrases, Reverie, Discernego, The Letters, at yung SBLS Blends na pinagsama sama yung 2 main characters ng story, andun ba yung gusto mong basahin?” tanong ko sakanya
“Ahhh, Reverie ata yun, nasiumulan ko yung part one, and then, nung nag second part na, hindi ko na sya natapos, the story was pretty harsh, kawawa si Lance, and naawa din ako dun sa lalaking nananaginip na nagkakatotoo, ang hirap para sakanya yung baluktutin yung tadhanda” sabi ni Arvin sakin
“Wow! Andami mo narin palang nabasa sa mga works ko, salamat Arvin…” pasalamat ko sakanya
“Oo naman! Btw! Are you writing anything new ngayon?” tanong nya saakin
Acctually, as of now I’m writing a story about two brothers who got separated nung bata pa sila, and naging sila ng hindi nila alam na sila pala yung magkapatid, and at the end mamatay yung bida, syemrpre, ipinangalan ko kay Ron, kasi nabibwisit ako sakanya, patayin ko nga sa isa sa mga stories ko, Hahaha, just kidding
“Ahhhm, pag natapos ko na sya, I’ll tell you okay?” sabi ko kay Arvin
“Sabi mo yan ah?” sabi nya sakin
“Oo” maikli kong sagot sakanya
Maya maya lang din, pagkatapos ng mga kwentuhan, ay nakatulog na kami ni Arvin, magpahinga dahil maaga kami bukas, dun kami mag tatrabaho sa shoot ng company nila Ron, lintek na yan, mababanas nanaman ako bukas pag nakita ko yung pagmumuka nung Ron nay un. Ahhhh.. okay lang kasama ko naman si Arvin, ayos na sakin na may kasama akong tumawa pag nabibwisit na ako kay Ron.
“Malapit na….. parating na….. Nandyan na….. Humanda ka na……”
“KKKRRRRRRRRRRRRRRRRRRINNNNNNNNNNNGGGGG”
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock na naiset ko ng alas 6 ng umaga, pawis na pawis nanaman akong nagising dahil nanaman sa kaparehong panaginip na halos gabi gabi ay binubulabog ako. Malamig ang Aricon pero iba parin ang pawis na nialalbas ng katawan ko, maya maya lang ay nagising narin si Arvin, mukang masarap ang gising nya, nagulat sya saakin ng makitang pawis na pawis ako pagkagising ko
“Best! Pawis na pawis ka! Nag-Tikol ka no?” makulit nyang tanong sakin
“Gago! Adik ka talaga, hindi…. Basta best… basta!” sagot ko sakanya
“Oh? Ayos ka lang? Tara? Ready na tayo malayo pa byahe” sabi nya sakin
Agad naman kaming nag-ayos para makapunta narin sa area ng photoshoot nila Ron, hay! Ligo, bihis muli ng all white naming uniform, baba ng condominium, sakay sa kotse, punta sa trabaho, ngumiti para maganada ang pagsalubong sa araw na darating.
On the way sa area ng shoot, I was driving, nasa front passenger’s seat si Arvin and he was smiling while he was holding his phone
“Oh! What’s with the big smile? Hehehe” tanong ko sakanya
“Wala! I just followed kung ano sinabi mo sakin” sagot nya sakin
I was shocked for a minute or so, let me guess, sinabi nya na sa taong mahal nya, na mahal nya nga ito? Okay, sige na sige na
“Ahhhh” yun lang nasabi ko sakanya
“I told her na I like her” sabi nya saakin
“Her? Babae?” tanong ko sakanya
“Oo! There was this girl who makes me smile everyday, basta, and hindi ko masabi sabi sakanya, kasi hindi pa kami nag mi-meet in person, hayaan mo pag nagkita kami, I’ll show her to you” masaya nyang sabi saakin
Ouch! May iba pala talaga syang gusto, how I wish lahat ng mga kulitan, at lokohan namen araw araw is true, pero talaga palang hindi, in love ang bestfriend ko sa isang babae, what can I do? What will I do? Siguro it’s best if I would just be happy for him, because I’m sure he’s happy with that girl
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment