Friday, January 14, 2011

FRAGMENTED 1/3- my life, my mission



Rest muna ako sa Foul Conspiracy.... medyo hindi talaga ako comfortable isulat yun right now... kasi hanggang ngayon nadadala padin ako ng emotions ko sakanya. Basta

This is a story na pinaisipan ko ng ilang araw, kasi parang inisip ko na paano kaya kung maka encounter ako ng ganito s a buhay ko, ano kaya ang gagawin ko. This story is for all of you... thank you for all the support guys...

Hope you'll like Fragmeted... This will have 3 chapters kaya sana magustuhan nyo...

:) Here's Chapter 1


_____________________________________________________________________________________

“Kuuuyaaaaaaaaa, Kuyaaaaaaaaaa! Kuyyyyyaaaa!” sigaw ko habang nakayakap sakin si Mama ko, at habang pilit na isinasakay ng Tatay ko ang naktatanda kong kapatid sa trycicle para ipamigay sa iba

“Maaa! Bakit po aalis si Kuya?” tanong ko kay Mama

“Anak! Hindi na natin kaya, nakapagdesisyon na kami ng tatay mo, ipaaampon muna naming ang kuya mo” sagot ni Mama ko sakin

-------------------------------------------------------------------------------------

“Iyak lang ako ng iyak nun habang nakikita ko na paalis si kuya ko saamin, wala akong magawa nuon kung hindi umiyak, kasi mawawala yung nagiisang tao na kasama ko maglaro araw araw” salaysay ko sa ka trabaho ko na si Jacob

“Ang hirap pala ng kabataan mo pare!” sagot ni Jacob sakin

“Oo, pero kaya nga eto, lahat ng ginagawa kong ‘to para sa kuya ko ‘to, pinilit kong iahon sila Mama at si Tatay sa hirap iniisip ko na baling araw makakasama ko ulet yung kuya ko” sabi ko

“I’m sure kung nakikita ka ng kuya mo, he’ll be proud of you” sagot nya

“Kung alam mo lang ‘pre, na araw araw tinatanong ko kila Mama kung nasaan si Kuya ko, hindi nila ako sinasagot, 19 years pare, 5 years old palang ako wala na si kuya ko, ngayon nagtatrabaho na ako, ni hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin, sa Facebook, search ako ng search sa Darwyn Dela Cruz, ang dami daming lumalabas, hindi ko alam kung saan ako magsisimula hanapin sya dun” sabi kong muli

“In God’s will pare, makikita mo din ang kuya mo” sagot niya sakin

Ako? Ako si Davidson Dela Cruz, 24 years old, isang Comm. Arts Graduate, nagtatrabaho sa isang malaking TV station sa Pilipinas, bilang isang crew ng isang talk show. Nagiisang bumubuhay sa pamilya ko, sana kasama ko ang kuya ko para dalawa kaming tumutulong sa pamilya namin, pero hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin, kung paano ako magsisimula, kung ano ang gagawin ko.

My work ended, bago umuwi shot muna with my bestfriend Jacob, na officemate ko din. Nagshot kami sa isang bar na malapit lang sa TV station na pinagtatrabahuhan namin.

“Pare pupunta nga pala dito yung tropa ko, ayos lang?” tanong ni Jacob sakin

“No problem pre, the more the merrier” sagot ko sakanya

Ilang oras dumating na ang tropa nya at I don’t know kung bakit that guy seems interesting, ang gwapo, ang ganda ng pangangatawan, at tantsa ko ay isa ring bisexual ‘to katulad ko

“Ahhh, Dave si Ron, Ron this is my bestfriend and ka-work si Dave” pakilala ni Jacob sakin sa tropa nyang si Ron na sobrang gwapo, sobrang sarap…. Ai! Malandi si kupal! Hahaha, ang gwapo nya putangina! Hahaha

“Hey! Nice to meet you pare” sabay abot ko ng kamay ko sakanya

“Ahhh, same to you pare” at sabay inabot nya rin ang kamay nya saakin at putangina, ang lambot ng kamay nya, parang feeling ko nakatitig sya saakin habang hinahawakan nya yung kamay ko, putangina, biglang nawala yung kuya ko na araw araw kong iniisip pag tinitignan nya ako

Wait wait! Hindi pwede, ang priority ko sa buhay is yung kuya ko… di ako pwede lumandi landi, pero sige na nga, ngayon lang. hahahaha

Mahabang kwentuhan, masayang tawanan, malupet na kulitan, iyun ang nangyari nung gabing iyun, ewan, ang bilis ko naka close si Ron, ang gwapo nya putakte, nawawala ako sa katinuan ko pag tumititig sya saakin

Maya maya puna ko nan a lasing na si Jacob, ang kulit kulit na eh, hanggang ayun! Sumuka na sya sa may gilid ng upuang inuupuan nya.

“Whoi! Jacob! Kasi naman eh!” bulyaw ko sakanya

“Haha! Pare kaya ko pa…. aaakkoo pa!” sagot ni Jacob habang halatang halata na isang ihip mo lang ay bibigay na sya

“I think we better go Dave” sabi ni Ron “Tara hatid ko na kayong dalawa”

“Wag na! ayos lang ako! Hatid mo nalang si Jacob” tanggi ko sakanya

“Daveeee…. Ahhh, wag nyo ko iwanan… ahh, di ko kaya” ingit ni Jacob

“Ahhh, eh, pano yun? Sa bahay mo kami? Ahhh… magstay? Ganun?” tanong ko kay Jacob

“Sige na pare…. Shit! Di ko talaga kaya….” Makaawa ni Jacob saamin

“Oh sige na sige na! Pagbigyan ang lasing” sabi ni Ron “Oo na! tara na Dave, iuwi na natin to! Baka mapaaway pa tayo dito! Hahaha!” pabirong dagdag ni Ron

Sumakay kami sa kotse ni Ron pauwi sa bahay nila Jacob…. First time ko pumunta dun at pagdating namin, woooow! Ang laki ng bahay nila, tapos sya lang nakatira dun, yung parents nya kasi nasa probinsya nila, tapos wala syang kapatid, hay! Tignan mo nga naman pag lumaki ka sa isang pamilyang mayaman. Eh kami? Bahay namin, yung kasya lang kami ni Mama at Tatay ko, tapos mas masaya sana kung nandun si Kuya ko, pero kaya nga ako nagpupursigi diba? Para pag nagkita na kami ni kuya ko, kaya ko ng maipagmalaki sakanya na asensado narin kami, at yun ay dahil sakanya, sa kuya Darwyn ko, sya ang dahilan ng lahat ng ito.

“Oh! Tara buhatin na natin to Dave” aya ni Ron sakin

“Tara” sagot ko sakanya

Marahan naming binuhat ni Ron si Jacob, nakaakbay ang kaliwang braso ni Jacob sa kanang balikat ni Ron at ang kabila ay nakaakbay sa balikat ko.

“Ayos ka lang dyan bro? mabigat si Jacob no! takaw nito eh” pabirong sabi ni Ron

“Haha! Ayos lang ako! Baka ikaw nga yung nabibigatan dyan eh” sagot ko sakanya

“Ahhh, so ako pa ngayon?” sabi nya

Ng biglang binilisan nya ang paglalakad para ipakita sakin na hindi sya nahihirapan, hindi naman ako nagpatalo, sumunod ako sa bilis ng paglalakad na at nginingisian ko sya sa bawat hakbang naming dalawa. Ng makarating sa kwarto ni Jacob ay sabay din kaming humiga sa kama at sabay na tumawa ng malakas habang naghahabol ng hininga.

“Oh? Why are you panting?” tanong ni Ron sakin

“Ha?” tanong ko sakanya

“Bakit ka hinihingal?” tnaong nyang muli

“Haha! Yun ba yung panting? Haha, pasensya naman” sagot ko “Kapal! Ikaw din naman hinihingal” dagdag ko

Ewan ko kung bakit habang nakahiga ako sa kama at mabilis ang pagtibok ng puso ay hindi ko alam kung bakit napapangiti ako ng walang dahilan, naiisip ko yun pagtingin ko sakanya habang naguunahan kami sa pagbuhat kay Jacob, yung pag ngiti ko sakanya habang para kaming tangang naguunahan, hay! Putakte, hindi ako lasing pero bakit parang ang perpektong perpekto … ang gwapo nya! Tapos ang adik ko! Kasi alam ko naman na bisexual ako, pero hindi naman yung lantaran, ai nako basta! Sobra na yung paglalandi ko ngayong gabi, sobrang ngiti na yung naibigay ko, tama na baka diretsohin ko yang lintek nay an, hubaran ko yan eh! Hahaha just kidding.

Tumayo na sya sa pagkakahiga nya at umupo sa may dulo ng kama at sabay tumingin sakin

“Ah! Oo nga pala? Is it okay kung dito rin ako mag stay for the night?” tanong ni Ron sakin

“Ha? Eh bakit ako tinatanong mo? Eh bahay nila Jacob to? And sabi nya wag daw NATIN syang iwan diba? Ibig sabihin tayong dalawa” sagot ko sakanya

“Tayong dalawa?” sabi nya habang nakatitig ng malalim sa mga mata ko, whoa! Parang umakyat yata yung dugo ko sa paa sa may ulo ko, bakit tumititig sya sakin! Putakte! Syet wag mo ko tignan, gustong gusto ko na tumayo sa kamang kinahihigaan ko ngayon pero ewan ko kung bakit hindi ako makatayo at tumitig nalang ako sakanya at pinigilan ang sarili ko at sumagot

“Oo! Tayong dalawa daw ang magbabantay sakanya! Kaya wag ka na umuwi!” sagot ko kay Ron

Then parang biglang bumalik ang muwang at atensyon nya sa tunay na mundo

“Ahhh… oo nga! Sorry sorry! I didn’t hear that” sagot nya

“AI putcha! Wala akong damit, hihiram nga muna ako kay Jacob” sabi k okay Ron

“Ahhh, wag na! Meron akong extra shirt dito! 2 naman, tig isa nalang tayo, may boxers din ako, okay lang ba sa’yo? Na Boxers lang pamalit mo sa jeans mo?” tanong ni Ron na parang natataranta

“Ahhh, thanks! Oo naman ayos lang yun, bakit ba puro boxers yang dala mo? Yan ba suot mo sa trabaho!?” tanong ko sakanya

“Ahhh! Underwear model po kasi ako! And eto lagi kong suot po, kaya po eto lang ang dala ko” sagot nya saakin

“Wow! Talaga? Nice, gusto ko ring magmodel, kaso wala naman akong abs” sabi ko sakanya

“Pag may free time ka, sama ka sakin sa gym, papalabasin natin yan! Qualified na qualified ka nga maging model eh” masayang sabi sakin ni Ron

“Ahhh, ikaw nga, gwapo na, maganda yung built ng katwan, malakas appeal, matanngkad, mabait, masarap kasama, magalign magpatawa…” then he cutted me

“Wait? Ano ba yang dinedescrive mo? A perfect guy o ako?” tanong ni Ron sakin

“Why? Eh para sakin, you’re perfect” sagot ko sakanya

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto at biglang wala nalang kumibo saaming dalawa, pinikit ko muna ang mga mata ko sa kahihiyan, baka sa mga sinabi ko naturn off sya sakin, isipin nya na bisexual ako, baka mali yung pagkakainterpret ko sa gender preference nya, baka hindi sya bisexual, habang nakapikit ako, iniisip ko kung anong sasabihin ko kapag idinilat ko ang mga mata ko, at habang nagiisip ako ay biglang may isang malbot na kamay na humawak sa kaliwang pisngi ko, pag dilat ko ay nakahiga na sya samay kabilang parte ng kama at ang ulo nya ay nakadikit sa ulo ko at ang kamay nya nakahawak sa muka ko.

“Ahhh? Bakit Ron?” tanong ko sakanya

“Thank you sa compliment Dave, pero marami akong flaws, marami mali sa buhay ko, I can’t be perfect katulad ng sinasabi mo” sabi nya sakin habang dahan dahan syang dumadapa at dahan dahang lumalapit sa mukha ko

“Sabi ko naman para sakin nga diba? Doesn’t mean na counted yung iba, kasi on my opinion, you’re perfect” sabi ko sakanya habang nakatitig ako sa nakabaligtad nyang muka na mga dawalang pulgada nalang ang layo sa mukha ko

“Edi Thank you! So pwede ko rin bang sabihin na para sakin perfect ka din?” tanong nya

“IF you wish!” nakangiti kong sagot sakanya habang unti unti na akong pumipikit dahil nakita ko na unti unti nya naring nilalapit ang mukha nya saakin. Shet! He’s gonna kiss me, yun lang naiisip ko habang nakapikit ako at hinihintay ko na dumikit ang labi nya saakin.

Pansamantalang kumalma ang utak ko sa mga ibang iniisip ko pero kasabay nito ang paginit ng buong katawan ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko, paglakas ng kaba sa dibdib ko.

Fuck! Nahulog na nga ba ako ng ganun kabilis kay Ron?

Nararamdaman ko na ang lalo pang paglapit ng mga labi nya saakin ng biglang nag ring ang phone ko.

(I……. had……. The time of my liiiiifee…… and I never felt this way before…. And Iswwweear this is Truu u u) Shet! The time pa yung alert tone ko… haha wala lang… Then I looked at the phone at ayun, bakit kaya tumatawag si Mama kong istorbo!

“Anak! Nasaan ka na ba?” tanong ng Mama ko

“Ahhhhmmm, baka hindi po ako makauwi ngayon eh ‘Ma? Dito po ako sa bahay ng ka trabaho ko!” sagot ko kay Mama ko

“Ganun ba? O sige, kanina ka pa naman hinihintay ng Kuya Darwyn mo”

WHHHHHHHHHHHHATTT??? Si Kuya ko? Si Kuya Darwyn ko? Fuck! Nasa bahay na namin sya? Hindi ko alam kung ano pipiliin ko! Yung sinagot ko yung tawag ni Mama ko o yung sanang paghalik sakin ni Ron! Hahaha joke, syempre, hindi naman ako nagsisisi na sinagot ko yung tawag ni Mama. Hindi ko talaga alam kung iiyak ako o ngingiti ako! Basta sabay na nagawa ko yun sa sobrang saya ko.

Si Kuya ko! Si Kuya ko! Umuwi na sya sa amin….

No comments:

Post a Comment