Sunday, January 16, 2011

FRAGMENTED 3/3- The E.N.D.



Since busy na ako mamaya... and baka may gawin eto po post ko na yung last chapter ng Fragmented.... Hahaha, I just did the final touches kasi isang upuan ko lang ginawa yung whole story, and nag edit lang ako ng mga typo... ayun sana magustuhan nyo yung last chapter...

And Thank you for reading it.... Continue reading my works po... Sana, Salamat sa continued support... :) I will always write para sa inyo

pa add nalang sa Facebook para sa mga updates ko for new story and pwede nyo po ako ululin... hahaha and pa follow nadin ng blog kasi nandun lahat ng mga stories ko, pag nahihirapan na kayo hanapin per part dito sa BOL you can always check my blog so you can read there....

FB: gabifad@yahoo.com
Link: http://www.facebook.com/profile.php?id=100000385141697
BLOG:
http://www.gabrielfads.blogspot.com/
_____________________________________________________________________________________


Haaaayyyyyyyy! Nagpapalusot pa! gusto lang akong makita nito, sige na nga. Halos tapos ko na rin naman ang trabaho ko kaya’t nagpaalam muna ako na bibili ako ng kape sa labas para makapanatiling gising at pupuntahan ko na rin si Ron doon


Pagdating ko sa Mini Stop ay nandoon si Ron at nakangiti sya saakin

“Hoy Mr. Palusot! Tinakot mo pa kami ni Jacob” seryoso kong sabi sakanya

“Seryoso yun Dave, may sumusunod sakin! Fuck him! Tangina talaga, nakaktakot yung itsura nya” sabi nya sakin

“Laki laki ng katawan mo natatakot ka dun” sabi ko sakanya

“Ron, ayoko mamatay, ayoko iwanan kita, gusto pa kita makasama” sabi nya sakin

Awwww…. Ang sweet naman nya, pero OA, as if naman may papatay sakanya

“Hoy tumigil ka nga! Para namang may death threat ka dyan” sabi ko sakanya

“Marami nga eh” sabi nya

“Naku! Tigilan mo ko Ron, bibili lang ako ng kape ah, tapos 10 mins. Yun lang! tapos bukas buong gabi sa’yo lang ako okay?” sabi ko sakanya

“Opo!” sagot nya saakin

“Ai oo nga pala, hindi kita na replyan kanina…. I Love you too Ron” nakangiti kong sabi sakanya

Di ko maipaliwanang ang ngiti ni Ron ng sabihin ko sakanya yun… basta ang sarap ng pakiramdam… Pagkatpos ay namili na ako ng kape ko at umupo kaming dalawa sa may mga bench sa labas…

“Namiss kita Dave” sabi nya saakin

“Ikaw din! Sobra! I’m sorry ah, may mga ibang kailangan talagang gawin eh, pero bukas, eto na! I promise you, I promise you I’m all yours” sabi ko sakanya

“Promise?” tanong nya sakin

“Promise….” Sagot ko

Wala syang pakialam, he kissed me in public, pero wala naming tao nung mga oras na yun na pwede kaming makita, pero paano kung merong makakita, hehehe ayos narin, ibig sabihin lang proud sya na ako yung kinikiss nya, arrruuuy! Kilig naman ako dun.

Ayun sabi ko 10 minutes lang, nakaka 20 minutes na ako, kailangan ko na bumalik sa trabaho, nagpaalam na ako kay Ron at kiniss ko nalang sya para hindi narin sya magtampo sakin

Pagbalik ko sa trabaho ay nagpa-pack up na pala sila, ay ganun? Bumalik pa ako, umuwi narin naman si Ron kaya uuwi nalang din ako para maka bonding ko naman ang kuya Darwyn ko. Pagkadating ko sa bahay ay nakaupo si kuya ko sa harap ng TV at agad ko naman syang binate ng magandang gabi at umupo sa tabi nya

“Kagabi pa kitang gustong maka kwentuhan kuya, di lang tayo nagkakaabot” sabi ko sakanya

“Ah, pasensya, medyo naging busy si Kuya ah” sabi nya sakin

“Okay lang yun, gusto ko lang naman makabalita sa’yo, kung kamusta ka na? tsaka kung ano nangyari sa’yo?” sabi ko sakanya

“Ahhh” sagot nya sakin

“San ka ba napunta kuya? Tagal kitang hinanap ah”

Ng biglang nag ring ang phone nya at agad nya naman sinagot yun. Hinintay ko na matapos ang usapan nila ng kausap nya at pagkatpos ay agad naming pumasok si Kuya sa kwarto at tila nagmamadali

“Oh? Bakit nagmamadali ka yata kuya?” tanong ko sakanya

“Ahh, tumawag yung barkada, hinahanap lang ako, pupuntahan ko muna sila” sagot nya sakin

I could not believe him! Pagkatpos kong hintayin yung pagkakataon na makausap ko sya, ngayon, isang tawag lang ng mga barkada nya, aalis na kaagad sya, hay! Parang ibang iba na si Kuya ko ngayon, parang iniisip ko na bakit nagkaganun sya, dati ako yung bunso nya, pero sabi nga nila…. people chance

Sobrang nadismaya lang ako. Gustong gusto ko sya makakwentuhan, tapos ganun nalang yung pagbalewala nya saakin. Wala nalang ako nagawa, umalis nalang sya ng nagmamadali, iniwan akong nakaupo sa sala, haaayyy!

Tinext ko nalang si Ron, makikipagkita nalang ako sakanya, kailangan ko ring maglabas ng sama ng loob.

“Ron? Can we meet? Ngayon na?” text ko sakanya

“Sure! Oo naman, sunduin kita?” tanong nya saakin

“Nope, ah, punta nalang ako sa Eastwood? Kita nalang tayo dun” sabi ko sakanya

Nagbihis lang ako at mabilis naman akong umalis sa bahay, dismayado sa pagiwan sakin ng kuya ko. After half an hour nakarating din ako sa Eatwood and nandun narin si Ron ready to meet up with me

“Hey! I miss you” sabi sakin ni Ron

“Namiss din kita” then sabay bitaw ng isang killer smile

“Ahhh, ano gusto mo gawin? You want to drink? Kain? Or chill lang? sige lang, what do you want?” tanong nya sakin

“I want to forget the fact that I’ve waited for 19 years for something na akala ko magiging masaya ako pag dumating yung time na yun” sagot ko

“Ahhhh, so I’m not making you happy?” tanong nya

“No! No no! I think iba yung pagkakaintindi mo, hindi mo maiintindihan Ron” sagot ko sakanya habang pinipigilan ko yung luha ko na bumagsak sa mga mata ko

Inakbay nya yung isang kamay nya sa balikat ko at dahan dahan nya akong pinaupo at sabay umupo din sya at tumingin sya sakin habang ako nakatingin lang ng diretso at nakatitig sa kawalan

“Kung may problema ka, just tell me, kaya nga andito ako diba? Pwede mo ko iyakan! Pwede mo ko sabihan ng kahit ano, I will just listen, okay?” pagaalala nyang sabi sakin

Hindi ko alam kung bakit bigla kong naitanong sakanya ang isang bagay na sa tingin ko ay medyo maaga pa para tanungin ko sakanya pero hindi ko talaga alam kung paano ko nabitawan ang tanong na

“Ron, mahal mo ba talaga ako?” tanong ko sakanya

Then isang sandaling pananahimik ang nangyari, ewan ko kung bakit kinakabahan ako sa sasabihin nya, basta ewan ko, hindi ko alam kung bakit bigla nalang sya natahimik sa tinanong ko

“Diba nasabi ko na sa’yo yan? I Love you… I Love you Dave” sagot nya

Somehow na relieve ako sa sagot nya na yun, I really don’t know why, I am not expecting na sabihin nya sakin na Yes, kasi tatlong araw palang kami magkakilala, pero sobrang saya kung nung sinabi nya na Oo, Ako mahal ko na yata sya, mabilis kasi mahulog yung loob ko sa isang tao lalo na pag alam ko na mabait and yung may feeling of security na pag kasama mo sya, basta it’s like I’ve known him forever. Parang ganun yung feeling tapos nagsalita ulit sya

“…I Love you Dave, and you know what? You remind me of someone”

“Sino, Ex mo? ganun naman yung sinasabi ng lahat” tanong ko

“Not my ex, pero someone very special sakin” sagot nya

“Ahhh.. edi salamat, thank you… kahit may problema kami ni kuya ko, you made me smile” sabi ko sakanya

“No Dave…. Thank you…. Basta salamat” sabi nya sakin

“Para saan?” tanong ko sakanya

“Basta, Basta…. Hindi mo rin yun maiintindihan” sabi nya sakin

“I want to know kung bakit ka nag te-Thank you, bakit?” tanong ko uli

“Naalala ko kasi yung namatay kong kapatid dahil sa’yo” sabi nya sakin

“I’m sorry kung natanong ko pa” paumanhin ko sakanya

“No… no need to say sorry, nag te-thank you nga ako diba kasi naalala ko sya dahil sa’yo” sabi nya sakin

“Ako? Bumalik nya yung kuya ko, pero parang wala lang, parang ibang iba na sya ngayon, alam mo ba hindi ko tinatanggal yung picture naming dalawa dito sa wallet ko, nung dating nawala sya saamin, kasi I’m hoping na one day magkikita ulet kami, sya yung inspiration ko sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay ko” maiyak iyak kong sabi sakanya

Sabay kinuha ko yung wallet ko at balak ko sanang ipakita sakanya ang picture naming dalawa ng kuya ko ng pagdukot ko ng wallet ko ay nabitawan ko ito at nahulog sa lapag at nagkaliunsingan ang mga baryang naiwan sa wallet at natanggal ang atm at I.D. ko sa trabaho

“Ai pucha! Haha” sabi ko. Sabay baba ko para kunin ang mga nahilog na gamit ko

“Hala! Di ka nagiingat” sabi nya sakin. At tinulungan nya ako na kunin ang hindi ko napulot na atm at I.D ko

Nagulat ako ng pagkalagay ko ng mga pinulot ko sa wallet ko ay nakatitig si Ron sa I.D. ko at parang gwapong gwapo sa picture nito (Haha joke)

“Oi! Ron? Bakit?” tanong ko sakanya

“Ikaw ba to?” tanong nya sakin na parang gulat na gulat sa I.D. ko at sa gwapo ng picture nito (pinilet!)

“Oo, baket” sagot ko sakanya

“David….” Mahinang bulong nya habang unti unting may mga luha na lumalabas sa mga mata nya

“Uy! Bakit ka umiiyak?” tanong ko sakanya

“David…..” binubulong nya parin ang pangalan ko habang nasa mga kamay nya ang I.D. ko at hawak hawak nya ito ng mahigpit… tumingin sya sakin at kitang kita ko na lumuluha ang mga mata nya at awang awa ako sakanya, hindi ko alam kung ano ang problema nya. Ng biglang dalawang magkasunod na malakas na putok na nanggaling sa likuran namin ang narinig ko

Napatingin ako sa likod at nagkakagulo na ang mga tao, ng muli kong pagtingin kay Ron ay dahan dahan na itong bumabagsak sa kinauupuan nya patungo sa lapag, gulat ako ng makita ko na pag bagsak nya ay duguan ang likod nya at may dalawang tama ng baril.

“RON!!!!..... RON!!!!!.....” sigaw ko…


“TULONG!!!! TULUNGAN NYO KAMI………………..” sigaw ko

“RROOONNNN!!!” sigaw kong muli habang pilit ko sya itinatayo para madala agad sa hospital, hindi ko alam kung paano ko sya ililigtas, ang isang bala ay tumama sa kaliwang parte ng likod nya at kung hindi sya swertehin, baka tumama pa yun sa puso nya

PUTANGINA NAMAN!

“TULUNGAN NYO KAMI………TULONG!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw kong muli habang umaagos na ang mga luha ko

Maya maya ay may dalawang lalaki na tulong sakin para buhatin ko si Ron, nagmagandang loob sila na isakay sya sa kotse nila para dalhin sa hospital. Pagkadating namin sa hospital ay agad syang dinala sa emergency room at umupo lang ako samay upuan sa labas ng emergency room, hinihintay kung ano pa ang maaaring mangyari. Maya maya ay lumabas ang isang nurse sa Emergency Room, at tinanong ko ang kalagayan ng pasyente na kapapasok lang

“Nurse! Nurse, kamusta na po yung pasyente… yung nabaril po? Yuuungg. Yung… kapapasok lang?” tanong ko sa nurse

“Ahhhm Sir, DOA na po, wala napong pulso pag dating nya, na declare napong Dead on Arrival”

What? Patay na si Ron, hindi ko alam yung gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko kokontakin ang mga magulang nya, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa sarili ko na wala na yung taong nagpapasaya sakin sa ngayon, yung taong mahal ko, yung nagpahalaga sakin sa maikling oras na kasama ko sya. Habang umaagos ang mga luha ko ay lumabas na ang Doktor at hinahanap ang kasama ni Ron

“Kayo po ba yung kasama ni John Ronald Cuevas?” tanong ng Doktor

“Opo” maikling sagotko


“I’m sorry po sir, natamaan po ng bala ang puso nya, dumating po sya dito sa hospital, wala na pong pulso ang pasyente, wala na po kaming magagawa, kaano ano nyo po ba sya?” tanong sakin ng Doktor

“Kaibigan po” sagot ko

“Ahh, may nakuha kaming mga number sa cellphone nya at natawagan narin naming yung mga magulang nya, papunta na sila, ipapalabas ko nalang sa nurse yung mga gamit nya, pwede bang pakibigay mo nalang sa Nanay at Tatay nya ano?” sabi ng Doktor

“Opo!” sagot ko sakanya habang hindi ko parin matanggap ang nangyayari ngayon

Maya maya ay lumabas ang nurse dala dala ang cellphone, wallet, panyo at susi ng kotse ni Ron.

“Sir, eto na po yung gamet ni Mr. Cuevas” sabi ng Nurse

Pagkakuha ko ay naghintay nalang ako na dumating ang mga magulang ni Ron para maibigay ko narin ang mga gamit nya sakanila, hindi ko naman naiwasan na buksan ang wallet nya at tignan kung may makikita akong picture, gusto ko lang sya makita kahit sa picture lang, hindi ko alam kung bakit

Pagkabukas ko ng wallet nya ay nakabungad dito ang mga ATM nya, mga I.D. nya pero may napansin ako na lumang ID na nakasuksok sa isang bahagi ng wallet nya, natawa ako kasi pareho pala kami ng school na pinuntahan nung elementary kami, yun nga lang, nung grade 1 siguro sya ay hindi pa ako nagaaral kaya hindi siguro kami nagkaabot, pagkatingin ko sa picture ng I.D. nya nayun ay biglang tumigil ang mundo ko

Kilalang kilala ko ang mukha ng nasa picture na yun. Hindi ako magkakamali, kamukha? Imposible, alam ko kung sino yun. Ayoko na tumingin sa pangalan kasi ayoko na makita kung ano yung pangalan na nakalagay duon pero hindi nakaiwas ang mata ko na makita ang pangalang nakasulat duon na

Darwyn Dela Cruz

Putagina naman! Bakit nasakanya yung I.D. ng kuya ko nung Elemtary, hindi ko mapaliwanag kung bakit nandun yun, ng maya maya pa ay nakita ko si Mama at si Tatay na nasa Ospital din

“Ma? Bakit nandito po kayo?” tanong ko sakanila

“Ahhhh… Anak… I’m Sorry” sabi nya

“Bakit po Ma? Bakit po?” tanong ko habang hindi na natigil ang pagiyak ko simula kanina pa

“Nagsinungaleng kami sa’yo, yung kinilala mong kuya, hindi sya si Kuya Darwyn mo” sabi ni Mama sakin

“Huh? Eh sino yun? Nasan ang kuya ko?” tanong ko sakanya

“Anak ng Tatay mo yun, sa ibang babae, itinago namin sa’yo yun kasi baka hindi mo matanggap” sabi ng Mama ko

“Mama naman eh, Ma! Bakit?........... Bakit??” tanong ko sakanya

“Anak, I’m sorry… tumawag samin si Mrs. Cuevas, sila yung nakapagampon sa kapatid mo, na nandito nga daw ang kuya mo” sabi nya

Bigla akong natulala ng mga ilang Segundo… hindi ko alam kung tanga ako o ano, Si Ron? Si Ron? Si Ron ang Kuya Darwyn ko? Bakit?............ bakit kailangang ganun?

“Bakit ngayon nyo lang sinabi Ma? Bakit?........ bakit… alam nyo na pala kung nasaan asi Kuya eh” sabi ko

“Hindi anak, hindi ko alam, ngayon lang ulit nakipagusap samin si Mrs. Cuevas, hindi ko talaga alam anak kung nasaan ang kuya mo” sabi nya saakin

“Ma…. Wala na sya…. Patay na….” malungkot na sabi ko kay Mama ko habang awang awa ako sa sarili ko as dami nan g luhang nailabas ko

Madami ding tanong na naiwan sakin na hanggang ngayon hindi ko maisip isip, bakit sabi sakin ni Ron patay na ang kapatid nya? Siguro sinabi nung lintek na umampon sakanya na patay na ako. Tapos bakit kialangan mangyari to? Buong buhay ko ang gusto ko lang, makasama ang kuya ko….. At Bakit John Ronald na ang pangalan nya? Siguro pinalitan? Ewan? Basta alam ko sya ang kuya ko… Naiinis ako kung bakit hindi ako naniwala nung sinabi nya na may sumusunod sakanya at may mga death threats sya… PUTANGINA sana naprotektahan ko sya…. Sana buhay pa ang kuya ko ngayon

Oo nga, pinagbigayan ako ng Diyos na makasama ang kuya ko, hindi ko nga lang alam na sya na pala yun, I never expected na pwede palang magkasabay ang Best at Worst sa buhay natin…. Best 3 days ko yun na kasama ko ang kuya ko and at the same time Worst days nadin kasi hindi ko nalaman na sya ang kuya ko, Ni hindi ko nasabi sakanya kung gaano ako nagpupursigi para sakanya… para balang araw makasama ulit namin sya.. Ngayong wala na sya, parang nawalan narin ng gana ang buhay ko.

What’s worse than knowing that the one that you love died?

Knowing that the one dream that you wanted your whole life, the reason on why you are not giving you’re life up, and the one thing that keeps you going, is now gone…. FOREVER…....


.......END

1 comment:

  1. awww kua gab super kakaiyak ang chpater na ito ngayon lng nya nalaman ang kua nya cnasabi ay sya narin pala yun ... huhuhu well good job kua super ganda ng story u poh =)

    ReplyDelete