Wednesday, January 26, 2011

MODIFATE (1)- An overview on Nurse Gab



This story is inspired by a reader na nag comment sa FB ko, salamat salamat po... :) and sana magustuhan nyo po... Sana subaybayan nyo... :)

And this story is me.... except for the fictional essence... salamat guys... hope you'll like this one, medyo overview muna sa characters and matagal pa ang twist... hahaha kaya enjoy muna bago maexite :)

_____________________________________________________________________________________


"Life gives you challenges for a reason... and as a reward, it teaches you life-long lessons... to be better... and stronger"


“Dadating ang araw… Parating na…. Humanda ka na…. Humanda ka… BWAHAHAHA…. BWAHAHAHA…. BWAHAHAHAHAHA”

“Ahhhhhhhhhhhhh” malakas kong sigaw na halos magising ang lahat ng residente sa tinitiran kong condominium.

Shet! Iyun nanaman….? Ilang araw natin akong nagigising sa isang malagim na panaginip na kagaya nun. Hindi ko maintindihan kung ano yung gusto iparating sakin nun, nanginginig ako, hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, marahan akong tumingin sa paligid ng lamig na lamig ko ng kwarto dahil na rin sa lakas ng aircon, walang kahit sino, walang magtatangkang tumawa ng ganun ka demonyo para lang takutin ako. Fuck, everytime na nangyayari ito sakin, hindi ko alam kung bakit takot ang nararamdaman ko, ilang ulit narin ako binubulabog ng pangitaing iyon, pero ang lagi ko lang ginagawa ko ay baliwalain at ituloy ang araw araw na buhay ko.

Ako si John Gabriel Escobar, isang nurse sa isang pribadong hospital, adik man sa paningin, masarap naman maglambing, yan ang lagi kong sinasabi sa kanila, isang makulit na nilalang, mahilig magbitaw ng mga jokes, kahit minsan korni na, I am also fond of making stories, mahilig ako mag blog, kasi by that nalalabas ko ang emo side of me. NGSB…. At NBSB, kawawang bi, I ever had a girlfriend before kasi ayoko pa, at nung handa na ako magmahal, somehow pag nakakakita ako ng kapareho ko ng kasarian, ayan! Kilig, patay na, pero hindi ko parin naman pinapatay ang pagiging lalaki ko, kasi may mga panahon din na pag may nakita akong babae, may mga oras na gusto ko na syang ihiga sa kama at patikimin ng galing ko (haha! May experience?) Oo na! ako na ang VIRGIN sa lahat ng bagay, hindi ako umiinom, hindi ako nagyoyosi, lalo naming hindi ako nag da drugs, oo! That’s the plain truth

Isa lang naman gusto ko simula pa nung nagtrabaho ako dito, yun ay yung magkagusto sakin si Arvin, ang bestfriend kong nurse din sa kaparehang Ospital na pinagtatrabauhan ko, sya ang tumayong pamilya ko, kasi simula nung 18 years old ako, wala na akong pamilya, namatay si Mama, si Daddy, si Ate, sa isang aksidente, isang malagim na aksidente na bumago sa buong buhay ko, tatlong taon akong nag-aral sa kolehiyo na walang pamilya na magtatayo sa’yo pag lugmok na lugmok ka na sa mga pinapagawang requirements sa school, walang nag tutulak sa’yong gawin ang lahat ng kaya mo para maging proud sila sa’yo, walang sumusuporta sa bawat parangal na nakukuha mo sa eskwela.

Simula nung namatay sila ay hindi na ako umuuwi sa bahay namin, kung saan ngayon nakatira ang mga kapatid ng Mama ko, natuto ako na maging independent sa isang condominium unit na binili ng Lola ko para sa Daddy ko dati nung nagaaral pa sya sa Maynila, na ngayon ay ako naman ang tumitira nang pag aralin ako sa Maynila ng mga magulang ko, ang kaibahan nga lang, pag dating ng sabado linggo, wala na akong uuwian pang pamiya sa probinsya. 3 taon din ako pinag-aral ng Lola ko, ang Mama ng tatay ko, umasa sakanilang suporta hanggang sa nakatapos ako, at kahit ngayong nakatapos ako, magpapadala ako ng pera sakanila pero ibabalik nila sakin at sasabihing gamitin ko nalang para sa pang araw araw ko, pinagtrabahuhan ko daw yun kaya gastusin ko, ang point ko lang naman ay gusto kong ibalik ang tulong nila saakin, pero sa sobrang yaman naman ng Lola ko, pang kendi lang siguro nila ang isang taong sahod ko sa pribadong Ospital na ‘yon.

“Hooouuuyyyy! Besprend! Break ngayon…. Ulutin ko ha? Break! Ano ginagawa sa break pre?.... Kumakain! Type ka nanaman ng type dyan sa laptop mo!” pansin saakin ni Arvin habang tahimik lang ako na nagtatype sa cafeteria at nagsusulat ng autobiography ko

“Eh kasi naman po! Busog pa ako! Basta! Naiinis padin ako dun sa lintek na Ron na yun!” sagot ko kay Arvin

Ahhhh, si ron nga pala, isa sa pinakamahanging tao na makikilala mo sa mundong ibabaw. Putangina! Hindi ko alam kung bakit ganun yung taong yun, pinanganak na mayabang, hambog! Lintek! Di pa lamunin ng lupa, nakikita ko lang naman sya everytime na naasign kami ni Arvin na maging medics sa mga Photoshoots nila, yung hospital naman affiliated sila dun sa clothing company na pinagtatrabahuhan nya.

“Oh! Si ron nanaman pinagiinitan mo! Sulat ng sulat, tara kumain muna tayo” yaya nya saakin

“Eh naman kasi! Napakayabang! Napakayabang! Hay!” sagot ko

“Best! Tara na … kain na! kain na!.... ayiii.. kakain na ‘yan, tara na!” parang tangang aya saakin ni Arvin

“Tara na” sumangayon nalang muna ako para matigil na ang pangungulit, mamaya nalang ulit ako magsusulat ng storya ko pagkatapos naming kumain

Umorder muna ako ng siopao at isang serving ng siomai at ayun, solve na ako sa ganung pagkain lang.

“Oh? Yan nanaman kakainin mo? Kaya di ka tumataba eh, try mo mag noodles boi! O kaya man… ahhhh, kahit ano! Wag yung puro siomai at siopao ka araw araw” sabi ni Arvin

“tsk…. Nako! Tigilan mo nga ako ngayong araw Bino, at wala ako sa tamang mood, kulit kulitin mo pa ako hahalikan kita” pabiro kong banat sakanya

“Ahhhh…. Silence…. Yun nalang… Hahahaha” sagot nya sabay tawa ng malakas na halos marinig ng buong cafeteria

Haaay! Kung alam mo lang Arvin kung gaano kita kagusto… Aaaaaaaaaaaahhhhhhrrrrrrggg! Arvin! Huy! Mahal kita! Hahahaha, adik lang eh no? basta, ayoko naman magtapat sakanya, sya nalang yung nagpapasaya saakin, ayoko na mawala pa sya saakin, ayoko! Ayoko! Ayoko!

“Maiba ako Gab? Tapos mo na yung story mo about dun sa photographer?” tanong ni Arvin sakin

“Ahhhh, matagal ko na natapos yun ah, na publish ko na nga din sa blog eh” sagot ko sakanya

“Oh yeah? Bakit di mo kinukwento sakin? Yung story?” sabi nya

“Ahhh, di mo naman kasi pinapa kweto eh” sagot ko sakanya

Mahilig kasi sa mga stories si Arvin, minsan yung mga storyang ginagawa ko pinapakwento nya saakin at minsan ang lintek iiyak pa sa harap ko, haha, wala lang, he’s so cute pag teary-eyed na sya, and nakikita ko yung weak side ng best ko, basta ang alam ko, he just enjoys the essence of my stories, iyun lang.

“Ahhhm! Sige sige, bawi ako! Kwento ko sa’yo tonight? Sa place ko ikaw mag stay tonight?” tanong ko sakanya

“Hmmmmmmmmmm…. Basta wag mo ko rape-in” pabiro nyang sabi

“Tangna mo! Di ako ganun, baka ikaw” pabiro kong balik sa kanya

“Hmmmm, pwede…. Hahahaha” sabay halakhak nanaman nya ng sobrang lakas

I know he’s kidding. Alam ko na Bisexual sya kasi hindi nya naman dine-deny sakin yun eh, the only problem is… hindi nga ako yung gusto nya, ayaw nya kasi sa gwapo…. Hahahaha joke!

After our 2-10 shift, sabay na kaming umuwi sa condo, pero bago dumeretso ay dumaan kami sa paborito kong kainan pagkatapos ng walong oras na pagaalaga ng mga may sakit sa hospital, sa McDo, para bumili ng Cheeseburger and upsize ang fries at drinks, Yep! Sarap… Umorder din si Arvin ng Mcflurry at chicken nuggets. Drive through nga lang pala para kakain kami habang naglalambingan sa kwarto (I wish)… Oo nga pala, may promise ako sakanya na kukwento ko sakanya yung Love for Life, yung story na matagal nya na kinukulet na ipabasa ko sakanya, well! Kukwento ko nalang sakanya, with no laptop in front of me, walang kopyang babasahin, just straight from the author’s mouth.

After half an hour, nakarating narin kami sa place ko, baba ng bag, hubad ng halos kulay dirty white ko nang polo, at ng kakulay nitong pantalon, natira ang puting sando at boxer na nagsilbing panloob ko. Naghubad din si Arvin ng polo nya pero hindi nagtanggal ng pantalon (sayang) hahaha, sabagay, ilang beses ko na rin naman nakita yung bulge nya dun, hindi nga lang yung actual, hahaha, hmmmm, pwede narin yung size, mapagtyatyagaan, hahaha, hay! Alam ko naman na hindi ko makukuha yun. Hmp! Unless lalasingin ko sya yung tipong di na sya nakakdilat at di narin nakakaramdam, hahaha, ano bay an! Ang libog ko Puta! Hahaha

“Best? Pahiram ako ng tshirt? Tsaka shorts? Okay lang?” sabi ni Arvin sabay bitaw ng isang malaking ngiti

“Wag na! Tanggalin mo nalang yan, kala mo naman pagnanasahan kita” sabi ko sakanya

“Ahhhh! Ganun pala yung gusto mo ah! Sige!” sagot nya saakin

Tumitig saakin ng malalim si Arvin at naglabas ng isang mapanglokong ngiti at dahan dahan nyang tinataas ang T-shirt na suot suot nya, nagsimula sa isang gilid ng T-shirt nya at sabay kagat-labi at lalo pang naging mukang adik yung titig nya saakin. Agad naman akong sumakay sa kalokohan nya at marahang ipinahid ang dila ko sa mga labi ko at sabay ngiting mapangloko din ang binigay ko sakanya. Nagibang bigla ang tingin nya saakin, at makaraan ang mga 5 segundo, bigla syang dumila saakin

“Bleh! Ito? Gusto mo? Hahaha di mo makukuha to!” pabiro nya nanamang banat saakin

“Di ko kailangan yan Arvin! Mas masarap pa ako sa’yo, kakainin ko nalang yung sarili ko!” pabiro ko rin naming balik sakanya

“Haha! Tama na nga ‘tong kalokohan na ‘to! Tara kain na tayo best!” sabi niya

“Wait!” sagot ko sakanya. Agad naman ako pumasok sa kwarto ko at kumuha ng damit ko para narin makapagpalit ako, ikinuha ko na rin ng masusuot si Arvin at baka sabihin nya eh gusto ko nga syang makitang naka brief lang. Pagkalabas ko ay ibinato ko sakanya ang ipapahiram na damit at tumawa ako

“Oh ayan! Hahaha, magpalit ka na nga at baka ma-ano pa kita dyan!” sabi ko sakanya

“San? Sa harap mo gusto mo?” pabiro nyang tanong

“Ai nako! Dun ka sa CR, yak! Kadiri, wala akong balak makita yan!” sagot ko sakanya

Hahaha, joke dito ka nalang magpalit bilis! Hehehe joke ulet, hmp! Magpalit ka na nga lang sa CR Arvin at baka di ko pa mapigilan yung sarili ko pag dito nagpalit yang lintek na yan! Hahaha!

Pagkatapos magpalit ng damit ni Arvin ay agad kaming kumain at sabay na nagkulitan sa gitna ng pagkain namin. Ng maalala ni Arvin ang pangako ko sakanya kahapon

“Nga pala! Kala ko kukwento mo sakin yung sa photographer?” tanong nya sakin

“Ahhhh, gusto mo ba ngayon na?” tanong ko sakanya

“Hmmmmm, ayos lang, sarap mo magkwento eh… nakakawala ng problema” pabola nyang banat

“Hala! Bola mo! Hahaha, pero sige, this story is called Love for Life, it’s about a guy who was changed by the person that he loves…

Haaay…. Simula ito ng isang mahaba habang kwentuhan…. Ayus lang, eh yung taong gusto ko naman yung kinukwentohan ko… Sana kahit papaano ma inspire ko sya sa story ko…

3 comments:

  1. New here.. Mas maigi magbasa dito, mahrap.kasi sa Bol hahanapin pa un story.. Hehe.. Tuwing kelan po kayo nagpopost?

    ReplyDelete
  2. Depends po kung may bagong story... pero pag meron, usually naman everyday yung posting kasi nakaready na for posting yung mga stories, I make sure kasi consistent ang publishing para hindi mainis yung readers, so I write at least mga 5 or 6 chapter before I publish the 1st chapter... ayun salamat po

    Yun po yung reason kung bakit ginawa ko talaga yung blog... hindi para maging famous pero para mas madaling makita ng mga readers yung mga magkakadugtong na stories ko and yung mga ibang mga short stories.. :) salamat po

    ReplyDelete
  3. ang galing galing mo talaga,.. tama nga yung nasa kwento mo nakakadala magkwento.. =))) hahahah nakakatuwa.. idol talaga kita

    ReplyDelete