Thursday, May 6, 2010

Entrance Exam- Part V

“When you love, make sure that the one you love will be the only person in the four chambers of your heart” Tama! Pag mahal mo ang isang tao, sya lang dapat, at wala ng iba. Hindi naman yata pwede na per chamber isang love, sa right atrium, may iba kang love, sa left ventricle may iba din, tapos may iba pa para sa left atrium at right ventricle, isa lang problema mo, napaka kati mo! Pero totoo walang chambers chamber, pag mahal mo ang isang tao, isa lang sya sa puso mo and di ka na maghahangad ng iba pa. Hala! parang tinamaan ako sa quote na yun ah!

“Andy nga pala, ako partner mo!” sabi nya

“Gab” sabi ko sakanya. Naktahimik lang ako buong time na katabi ko sya at nagpapaliwanag si Sir, (oo nga pala, pag partner kayo, kayo ang seatmates) damn! Natapos yung class ng tulala lang ako at hidi alam kung anong gagawin. (baliw na ata ako) Tapos na ang classes at sumama sakin si Arvin sa apartment para magpahinga ng kaunti bago sya umuwi ng Cavite. Pagakyat ng bahay, ang mga malalanding epal sa kabilang kwarto ay bumati pa saaming dalawa (if I know kay Arvin lang gusto mag Hi nun) Pagpasok sa kwarto ay alam kong napansin ni Arvin na malalim yung iniisip ko

“Gabi! Okay ka lang?” tanong nya

“Okay lang! baket?” Sagot ko

“Parang ang lalim ng iniisip mo eh”

“Wala to”

“Pag di mo sinabi ki-kiss kita”

Di na ko nakasalita pero di ko din naman intention na mag pa kiss pero he just kissed me and smiled at me, ayan! Bigla ako napangite nun kasi ang hot hot talaga ng smile nya grabe!

Inisip ko nalang na, crush lang naman yung kay Andy and di naman siguro kami magkakagustuhan, pero iniisip ko pa din yung tinititigan nya kasi ako. And take note! Hindi sya normal stare lang. Parang may laman at sabaw yung titig nya! Damn!

Umuwi na si Arvin and I was left all alone in my room, Gusto ko matulog pero and iniisip ko pa din, sa dinami dami naman ng blockmates ko, baket kaya sya yung binigay na partner sakin. Hay! Only heaven knows.

Days passed, Ganun padin kami ni Arvin, AT GANUN PADIN ako’t ilang na ilang dito sa aking crush/Partner na si Andy, but still I don’t know why. Prelims have passed and halfway na ng midterms, everything was flowing normally until isang araw sa Socio, Partner partner ang aming midterm requirement. The requirement was a research and report on the different theories in Sociology, Ipaliwanag ang kanilang theory, background of the theorist and kung possible ang kanilang ginawa. Parang ganun! Pero basta magulo pero di ko alam na matalino pala itong si Andy kaya after ibigay ni Sir ang task, pinaliwanan nya sakin yung gagawin. We started planning kung ano yung gagawin about the mattersince next week na ipapasa yun and next week na din ang reporting, YES! Hindi sya pwedeng gawin sa school kasi sobran haba! So kailangan, house work ito, AHEM! Mukang iba na ang iniisip nyo! Nope wala akong lust sakanya… hala! Nag volunteer nadin ako na kung ayus lang sakanya eh sa bahay nalang kami gumawa nun, pumayag naman sya. Mag start na kami mamaya para mabilis kami makatapos.

“Eto number ko para text mo nalang ako mamaya kung anung oras tayo magkikita and kung saan” sabi nya. We exchanged numbers para may communication kami pag natapos na yung class mamaya.

Haaaaaaayyyy! Tapos na ang class nakakapagod. Nag paalam na ako kay Arvin dahil dina sya makakadaan sa bahay kasi gabi na and malayo pa yung byahe nya. Pagdating sa bahay, I changed my clothes and nag snack ng kaunti kasi di pa naman ako gutom masyado for dinner. And for some fucked up reasons, hindi ko alam kung bakit na ko-concious ako sa itsura ko, nag ayos ako, nag face wash, nag kung ano ano, HINDI KO ALAM KUNG BAKIT. Damn! Dahil kay Andy ba ito? Hala! Hindi naman siguro. Pero anong masama? Hindi naman kami ni Arvin, pero ang down side is parang pinapaasa ko lang si Arvin. “I’LL WAIT” yun ang laging umuugong sa utak ko habang iniisip ko na may crush ako kay Andy. Hayyyyyyyyy!

A text came after 30 mins na makadating ako sa bahay. Galing kay Andy, and guess what? Naramdaman ko nanaman yung kilig na naramdaman ko nung unang nag text sakin si Arvin. Yung tipong kinilig kahit di naman nagsasalita yung text. SHIT!!! SHIT Talaga! Ang naiisip ko na lang, ano kayang gagawin ko pag na-inlove ako kay Andy, ang clear lang sa utak ko ngayon, alam ko na masasaktan ko si Arvin pag nangyari yun. Eto nga kaya yung reason kung bakit hindi pa maging kami ni Arvin, kasi dadating si Andy? Ano ba talaga. Kahit ako gulong gulo na! Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Arvin, pero parang may iba kay Andy.

“Gab? San tayo kita? Dito ako sa may Mini Stop sa may P.campa” I replied na hintayin nya ako dun sunduin ko nalang sya. Ewan ko ba bakit parang habang papalapit ako sa Mini Stop, kinakabahan ako, I don’t know why pero yung feeling na parang conscoius na coscious ka kung ano itsura mo pag harap mo sakanya. Parang ganun! Fuck! Ano nanaman ba to! Eto NA! ETO NA! ETO NA!!!!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!! I saw him na hindi sya naka school unform and hindi sya naka taas ang buhok nya (kasi sa school laging naka taas yung buhok nya) SHET! Sobrang attractive nya, yung fitted na shirt suot nya makikita mo yung chest nya na nakabakat sa shirt, he was wearing this super tight jeans na parang inaakit na tumingin ka sa baba. He was wearing flip flops, pati yung paa nya super sexy. Fuck! Seriously napahinto lang ako sa paglalakad and parang nakita ko sya na lumapit nalang sakin at tinapik nya ako

“Hoy! Okay ka lang?” sabi nya

“Oo! Parang nakita ko lang kasi yung Dad ko, nag hallucinate lang ako” (I even lied para itago)

“Nag dinner ka na?” he said

“Kaw ba?”

“Hindi pa! Gutom na nga ako eh, eh kaw?”

“Di pa din” kahit busog ako, sumama ako kumain sakanya. Ewan ko, the way he look that night just blew me off, shet! Ang gwapo gwapo nya pala which I could not appreciate pag naka uniform sya, nakataas yung buhok at naka backpack. Ngayong gabi, he made me feel so in love, Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Haaaaalllllaaaaaa!!!! We ate dinner sa malapit na kainan (Bute di sya maselan kumain, kahit sa tabi tabi lang okay lang) Nakapagusap din kami about personal matters, Nakilala ko sya, and eto yung kinagulat ko! Shet! That time palang inamin nya sakin na dati na inlove sya sa isang guy! Diba? Sobrang unexpected yung sasabihin nya yun kaagad saakin na hindi nya pa naman ako masyadong kilala, pero may mga ganun tao naman eh, mabilis makapag build ng rapport and mabilis magbigay ng trust sa iba. NAgulat ako nung tinanong nya ako

“Kaw Gab? Na inlove ka na ba sa isang guy?” Hindi ko alam seriously kung ano isasagot ko, I was speechless for a long moment and then nagsalita sya “Sorry kung medyo nailing ka yata sa tanong ko”

“Okay lang, pero…….. OO” SHET! Ayan nasabi ko na din sakanya! HALA!!!!

“Oo? Ahhh okay” He then smiled at me na parang ginasabi nya na it’s okay.
After eating, pumunta na kami ng apartment ko para sana masimulan na naming yung kailangan naming gawin. I looked at my phone, flood na! hala! Puro galing kay Arvin, Hindi ko alam pero for some reasons, hindi ko nireplyan yung mga texts nya. Pag dating naming, eto nanaman nag aabang ang mga ka-epalan sa kabilang kwarto na sila Jake at Kelvin, at ewan ko bakit wala yung James, bumati saakin ang mga loko at syempre para di masabihang masungit binati ko na din sila. Pagpasok sa room, I don’t know kung bakit naka tulala nanaman ako. May tumapik nalang sakin

“Hoy! Gab! Okay ka lang, nakatulala ka nanaman dyan”sabi ni andy

“Okay lang ako” sabi ko

“Tell me what’s wrong”kinulet nya ako para sabihin ko “BF mo yung si Arvin no?” dagdag nya. Hala! Pano naman nalaman ng lokong to yung samin ni Arvin… correction! Hindi ko sya BF, BFF ko sya, bestfriend ko lang yun

“Best Friend ko lang yun” sabi ko

“Best Friends? With benefits?” patawa nyang sinabi “Nakikita ko kaya na iba yung tingin nya sakin pag tinitignan kita” sabi pa nya. Hala! HALA! HALA! Di ko alam kung ano isasagot ko sakanya, pati ba naman yung pagtitig nya sakin inamin nya din! “Pag tinitignan kasi kita parang may something special sayo na gusto ko malaman kung ano” sabi nya. Putangina! Puta, Puta! Shet Kilig na kilig ako nung sinabi ko yun pero eto nanaman, umugong nanaman yung putaragis na “I’LL WAIT” sa utak ko. “Sana nga Best Friends lang kayo” he then looked deeply into my eyes and what a surprise na bigla nya nalang nilalapit yung muka nya sakin. Pucha! Ano gagawin ko? Susuntukin ko ba? O bibigay nalang ako?

SHET! Ano kaya mangyayari ?  kasalanan ba? O mag re-resist ako at sasapakin ko sya.. Ewan ko Ewan ko Ewan ko talaga

No comments:

Post a Comment