Thursday, May 6, 2010

SBLS-short bi love stories- LIGHT RAIL LOVE

“Destiny was not created by God, it’s created by those hopeless romantics, God do not call it Destiny, He calls it Fate” Malaki and difference ng destiny at fate, destiny? May mga nagsasabing soulmate ko yan, soulamate nya ako, we were destined for each other, pero hindi totoo yun kasi what they’re talking about is mere Fate, yung kung ano man ang nakalatag para sayo, at kung ano ang mga plano sayo ng Diyos na maykapal, never expect too much, expect less para mas Masaya ka sa kung ano man ang ibibigay sa iyo

Krrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnggggggggggggg! Shet! Tatlong beses ko na pala naka snooze yung alarm clock, supposed to be 6:30 gising na ko Hala! 6:50 na! I quickly jumped off my bed para maligo at magbihis para umabot ako sa klase ko ng 8:00, Nagmamadali ako pababa at kaliwaan ang Good Morning na maririnig mo, nice words to start my day. Paglabas ko ng bahay, ayan padin ang mga nagiinumang Out of school youths “Pareng Mico, inom muna” sabay tango lang ako at sumenyas na nagmamadali ako, sari sari ang makakasalubong mo bago ka makalabas ng lugar na yun, eto pa ang Baron Mommies, sa lakas ng signal lahat ng tsismis nasasagap “Mico, balita ko buntis daw girlfriend mo?” sigaw ni Aling Beth nagmamadali kong lakad at sagot “Aling Beth wala ho akong Girlfriend” sabay layas sa harapan nya, madadaanan ko din ang bahay ni Kate, isa sa mga Puke Girls, mga barkada ng babaeng laging naka puke shorts, si kate? Crush lang naman ako nyan, “Haaaaaiiiiii Miiiiiccccoooooo” isang mahabang bati niya, sinesyasan ko sya na nagmamadali ako at nag babye nalang ako sakanya.

Sa Wakas nakalabas sa compound naming mga mahihirap. Sakay sa Gil Puyat station ng LRT para makarating ng mabilis sa Doroteo Jose kasi malapit duon ang kolehiyong pinapasukan ko. Araw araw ay sumasakay ako ng LRT, kaya’t nagmamadali ako ay hinahabol ko ang 7:40, iyun ang oras na laging dumadating sa Gil Puyat station ang crush ko, hindi ko alam ang pangalan pero cute sya at malapit lang sa kolehiyong pinagaaralan ko ang unibersidad na pinapasukan nya, siguro mag 3 months na na pagdating ng 7:40, rush hour pa sa LRT ay lagi kaming nagkakasabay at laging sa dulo sya sumasakay kaya ako’y sa dulo nalang din, hindi ko alam kung napapansin nya pero lagi ko sya nakikita pero hindi ko alam kung alam nya ba na lagi kami magkasabay sumakay ng pampublikong tren na iyun. Pagtingin ko sa relos ay 7:45 na, pagakyat ko ng stasyon, tingin ako sa paligid pero wala, wala sya, paano ba naman late ako, malungkot nagsimula ang araw ko kasi nasanay ako na nakikita ko sya araw araw, as in Mondays to Saturdays ko syang kasabay ng LRT, palagay ko ay isang Architecture student sya o di naman kaya ay may relasyon sa kursong yon kasi lagi syang may dalang T-square at parang laging madaming malalaking papel na dala, laging nakataas ang buhok, mukang di nauubusan ng supply ng Gatsby wax, pero cute at gwapo naman sya sa ganung itsura nya. Pumasok at natapos ang araw ko ng malungkot ewan ko ba! Para akong tanga, hindi ko lang sya nakita tamlay na tamlay na ko buong araw.
Eto nanaman, dito nanaman ako sa area namin, kung saan bago ako makarating ng bahay, dami munang obstacles na dadaan, kung sa umaga bumibida ang Baron Mommies at Out of School youth na nagiinuman, sa gabi ay nasa labas na ng bahay sila Kate at ang buong barkada nilang Puke Girls, nakupo sa isang papag na madadaan ko na halos ipakita na kung ano ang di maaring makita ng normal na mata, “Miccccooooo! How was your day sweetie?” hinarang ako ni kaye habang naglalakad

“Okay lang naman pagod” sagot ko

“Ayyy ganun?” “Oh sige uwi ka na para makapag pahinga kana” sabay yakap sakin para maka chancing! Ahahaha joke, yuck! Amoy na amoy ko yung mga pabangong panghalay na inispray nila every 5 seconds nang di mawala yung amoy nila habang niyayakap ako ni Kate, nagpaalam na ako para makauwi na din ako ng bahay, kung matindi na ang inis ko pag nadadaanan ko ang grupo nila kate, mas naririndi ako pag naabutan ko ang mga Ampli Gays, putang mga bakla kalalakas ng mga boses, “Papa Mico, pa kiss naman” sabi nung isa, nginingitian ko nalang pero di ako humihinto, baka sakmalin pa ko nung mga nun, Bisexual lang ako hindi ako Totally Bading no!

As usual pagdating sa bahay pahinga na, kain, ligo, at tulog, usual routines ng mga mahihirap. Nagising ako ng maaga kinabukasan kasi ayoko na malate pa ulit sa Gil Puyat station at baka hindi ko makita si Crush ko. Kaya maaga palang nag almusal ako ng tinapay at kape, Naligo sa banyo naming nilulumot, at nagbihis ng unipormeng araw araw kong sinusuot, 7:35 palang ay nasa station na ko ng Gil Puyat, waiting for Mr.Archi na umakyat ng station. As my watch turned 7:40 tinignan ko ang hagdanan ng mga umaakyat at Boom! Ayun na si crush, sobrang unexplainable yung ngiti ko nung mga oras nay un, namiss ko sya kasi wala sya kahapon, As usual, sakay kami sa dulo ng train, at bababa kami pareho sa D.Jose, siksikan ang mga tao ng nauna na syang bumaba kasi may kinukuha pa ako sa bag ko ng biglang may nahulog nangaling sa may bag nya, isang naka tuping papel na malaki ang nakita ko, hinabol ko sya para ibalik ang papel ngunit nung nagmamadali ako pababa ay nung paliko na ako bigla ko syang nabunggo at napahiga kaming dalawa, sumabog yung gamit ko dahil naiwan kong bukas yung gamit ko.

“Sorry” sabi ko sakanya
“That’s okay!” sabi nya “Okay ka lang ba?”
“Oo okay lang ako, ikaw ba?”
“Yap I’m okay,”
“Aii oo nga pala hinahabol kita nahulog kasi yan sa bag mo eh, babalik ko sana kaya nagmamadali ako” paliwanag ko
“Ui Thanks thanks kaya din ako aakyat sana ulet kasi titignan ko kung nahulog nga yan” sabi nya. Sininop ko muna ang mga nagtalsikang notebook Ballpen at Wallet ko sabay nagpaalam sa kahihiyan ko sakanya, pero ang bango bango nya nung nabangga ko sya, sobrang bango! Nasa klase ako and hindi padin matanggal sa utak ko yung mga nangyari kanina sa D.Jose


Lunch time nang kasama ko ang mga kabarkapips ko sa school, Si Jake, ang pinaka makapal kong barkada na kung sino sino yung kinakausap na babae, Si Janice, ang hottie ng barkada, Si Carla, ang pasaway na nanay sa barkada, high school palang mommy na ito, papunta kami sa Jolibee sa Recto para kumain ng lunch, Magbabayad na ako sa counter kinuha ko yung wallet sa bag ko ng mapansin ko na parang kumapal yata yung wallet ko, and parang naging orig yung wallet ko na nabili sa quiapo, tumambad sa mata ko pagbukas ko ang dalawang buong 1000 pesos at ang 1x1 picture ng lalaking pamilyara sa mata ko. “Putangina” sigaw ko sa Jolibee, nakakahiya pero nagulat ako kasi parang wallet nung crush ko yung nasaakin, hindi nakakapagtaka na may posibilidad na nagkapalit kami ng wallet dahil sa pagsabog ng gamit ko at napahiga din sya at maaring nahulog din ang wallet nya at nagkapalit kami, hindi din nakakapagtaka dahil parehong pareho ang hitsura ng wallet namin, ang kaibahan nga lang, imitation yung akin, pinambayad ko muna ng pagkain yung pera dahil wala talaga akong dala at sabi ko’y ibabalik ko nalang pag nagkakita ulet kami, at hindi naman malayo na magkita ulet kami dahil araw araw naman talaga ay nagkikita kami sa terminal. Paguwi ko sa bahay ay hindi naman sa pagiging pakialamero pero na curious lang ako kung ano ba laman ng wallet nitong crush ko, Okay, ID nung high school, Isang non-pro na lisensya ng LTO, mga coupons sa iba ibang shop pero napatigil ako ng makita ko ang mga solo shots na litrato na nakaipit sa may isa sa mga suksukan ng wallet, pero may isang picture na may nakahalik sa pisngi nyang isang gwapong lalaki din, nagulat ako dahil napaisip ako sa kasarian ng isang ito. So may posibilidad din na bading o bisexual pala ito, wee!!! Nakakatuwa baka kasi magustuhan nya din ako (sige asa pa). Hindi ako makatulog dahil exited ako na magkita na kami bukas para maisauli ko ang wallet nya.

Pagkagising ko ay exited na agad ako na bumaba at makapasok sa school, Ibang iba ang aura ko ngayong araw na to, parang masayang Masaya ba lahat ng makasalubong ko ay binabati ko, si Aling Beth, ang mga nagiinumang kabataan, pati si Kate na lagi ko lang sinesenyasan ay nabati ko din ng Good Morning, time check? 7:30 na at nasa station na ako ng Gil Puyat hinhintay na mag 7:40 kasi eto na ang oras na hinihintay ko, Sa wakas 7:40 na at naamoy ko na ang pabango ni John Michael Estrella, at tumpak, ayan na at papaakyat na sya ng hagdan agad ako tumakbo papalapit sakanya at nginitian ko sya at ngumiti naman sya pabalik
“ Nagkapalit pala tayo ng wallet kahapon. Pasensya na ah” sabi ko sakanya
“Oo nga eh, magkaparehong magkapareho kasi hindi ko nga napsin eh” sabi nya
“Ai, nagalaw ko nga pala yung 100 na nasa wallet mo wala kasi akong dala kahapon except dun sa nakita ko sa loob, eto oh” inaabot ko sakanya ang isang daan na nagastos ko sa wallet nya
“Ehh! Wag na okay lang yun, salamat nalang at nabalik yung mga importanteng gamit sakin sa wallet na yan” sagot nya. Ipinipilit ko ibigay ngunit ayaw nya tanggapin yung 100 na inaabot ko. Nagpalitan na kami ng wallet at sabay nadin kaming tumayo sa LRT (rush hour daming nakasakay kasi Baclaran palang puno na yan) medyo nagka kwentuhan ng kaunti, nagpalitan ng number at nalaman kong isang street lang naman pala ang pagitan ng bahay nya at ng bahay namin.
“Free ka this lunch? Mga 11?” tanung nya
“Oo! Baket?” sagot ko
“Okay lang ba kung I treat kita ng lunch?” alok nya sakin
“Nyek! Nakakhiya naman! Sabay nalang tayo kahit di mo na ako treat” sabi ko
“Ayoko! Treat kita kasi binalik mo yung wallet ko, mahalaga sakin to eh” pangungulit nya
“Sige na Sige na” sabay ngiti sakanya.

“11 ah, samay Yellow Cab sa Morayta” sabi nya, Shit! Sa sobrang hirap ko ngayon lang ako makakakain sa ganung lugar, pero hindi ako exited sa pagkain, exited ako dahil makakasabay ko sya mag lunch mamaya. Hindi ako makapagisip sa klase ang iniisip ko lang ay ang mga ngiti nya sa akin kaninang magkasama kami. Ayan na 11 na labasan na sa 1st class ko. Nagpaalam ako sa mga barkada ko na kasabay ko kumain ang isang kaibigan at kantsaw agad ang inabot ko sa mga lintek na mga yun.


Pagpasok ko sa yellow cab ay nakaupo na sya sa isa sa mga lamesa duon sabay ngiti sa akin

“kala ko nang indian ka na eh” pabiro nyang sabi
“ikaw pa! eh lakas mo sakin” pabiro ko ding sagot (pero deep inside di mapigilang mangiti)


Namili na sya ng lunch at nagkakwentuhan kami dahil alas 2 pa naman ang susunod kong klase at alas 3 pa ang sakanya, nalaman ko na sya lang pala magisa dito ang natira, patay na pala ang tatay nya at nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanyang nanay, normal ang kwentuhan ng bigla may lumabas sa bibig kong hindi ko inaakalang maitatanong ko

“Boyfriend mo yung nasa picture sa wallet mo?” tinanong ko
“Ha? Nakita mo pala yun! Ex ko” sagot nya. Hindi ko ineexpect na ganun nalang nya kabilis nasabi yung katotohanan, Ayyyy certified! Bi nga ito! Masaya ako kasi may pag asa nap ala ako sakanya. Sabay hirit nya din ng isang malupet na tanung
“Ikaw? Single ka ngayon?”
“Oo eh, matagal na” sagot ko. He smiled at me na para bang may gustong iparating sakin
“Lagi kitang nakikita uma-umaga sa LRT, halos araw araw yata kasabay kita sumakay, at lagi ka ding sa dulo” sabi nya sakin. Nagulat ako kasi alam nya din pala na lagi nya akong nakakasabay. Kaya siguro hindi narin siya nag alinlangan na makukuha nya ulet ang wallet nya.
“Ikaw nga rin eh, hindi halos araw araw…. Araw Araw talaga” sabi ko habang nginingitian ko sya
“Ang cute mo pala pag nakangiti no?” sabi nya habang nakangiti “Kasi lagi kang nakasibangot pag magkasabay tayo eh” dagdag nya
“Ganun?” sabi ko “Wag mo nga akong bolahin baka maniwala ako” sabi ko
“hindi kita binobola” sagot nya naman.
“Ikaw Michael ah! Tigilan mo ako” sabi ko sakanya
“Mico nalang tawag mo sakin” sagot nya. Shet! Mico din nickname nya? Shet! Ang cute naman! Pareho kami ng nickname!
“Oh? Ako din Mico tawag mo sakin” sabi ko
“seryoso?” tanong nya
“Oo, yung kaya nickname ko” sagot ko. We laughed over it at parang nahuhulog lalo ang loob ko sakanya kasi nagpapakita na sya ng motibo sa akin
“Malapit ka lang naman sa bahay eh diba? Wala kasi ako kasama sa bahay this week eh, wala sila Tita”
“Baket may mumu ba sa bahay nyo?” tanong ko
“Wala naman gusto ko lang na may makausap ako sa bahay” sabi nya
“Game! text mo lang ako kung nasa bahay kana okay? Turo mo sakin yung daan puntahan kita” sabi ko sakanya.

We became the closest friends and we always enjoys each other’s company, We sometimes get too daring and try something new with each other, We comfort each other in times of needs, Di naman kami film pero bakit parang nadedevelop na kami sa isa’t isa. Pwede ko nang masabi na It’s complicates na ang lagay namin sa ngayon, naghihintayan na magsabi ang isa na mahal nya ang isa, kasi ako ayoko magsalita ng mahal ko sya kasi natatakot ako na mawala yung friendship namin. It was all unexpected kung paano nya sinabi sakin ang nararamdaman nya. It was my birthday and I was with all my friends and he treated us, naginom kami sa isang acoustic bar nagulat ako ng may ina announce ang vocalist ng isang banda. “To Mr. Michael Francisco, Happy Happy Birthday from Mico” tinawag nung vocalist si Mico para kumanta ng isang kanta nagulat ako sa mga sinabi nya sa harap ng lahat ng tao
“Para kay Mico ko, I Love you and Happy Birthday” kinilabutan ako ng may halong kilig habang kinakanta nya ang “When I met you” at unti unting sumasapak sa tainga ko ang mga lyrics ng kanta, “You give me a reason for my being, and I love what I’m feeling, you give me a meaning to my life, Yes! I’ve gone beyond existence, and it all began, when I met you” sobrang lamig ng boses ni Mico at hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa mga barkada ko yung mga pinagsasabi ni Mico sa harap, Flattered na may kasamang hiya parang ganun pero I realized, bakit kailangan ko mahiya, eh Masaya ako sa nararamdaman ko…

Since that day, everything changed, hindi kami pero parang iba na yung treatment naming sa isa’t isa, months passed, ganun padin the closeness remains and the feeling stays, pero walang commitment, ang sarap pala ng ganung pakiramdam, present ako sa graduation nya, nandun sya nung graduation ko, Masaya na sabay kami nakatapos ng pagaaral, pero one event shook my world nang magkausap kami ni Mico ko ng seryoso
“Mico! Aalis na nga pala ako next week kukunin ako ni Mama, dun daw ako mag wowork eh” sabi nya sa akin. Hindi ko mapigilan na may tumulong luha sa may mga mata ko, at hindi ko rin mapigilan na malungkot, Si Mico ko? Aalis? Kakayanin ko ba? Pero ano pa bang magagawa ko eh nandito na yan, hindi ko naman sya pwede pigilan kasi pamilya nya na ang kakalabanin ko.

“Oh! Edi mabuti pala! May trabaho na naghihintay sayo dun” sabi ko, habang naluluha,
“Wag ka umiyak, di naman ako mawawala sayo eh, I’ll text you everyday, I’ll call you everyday kung kaya ko” he promised me na hindi sya mawawala sakin, promise nya na lagi sya magtetext sakin kahit nandun na sya. Nangako din sya sakin na ako padin si Mico nya, na wala syang iba, ako parin, ako lang.

Hinatid ko sya sa Airport para kahit sa huling pagkakataon man lang ay makasama ko sya, inaya nya ako sa CR para umihi lang pero pag dating naming dun, hinawakan nya yung muka ko habang di nya napigilan na tumulo yung luha sa mata nya
“I’ll miss you Mico, I Love you, wag mo ko kakalimutan ah, promise mo din sakin na ako lang Mico mo! Ha?” he told me, nilapit nya yung muka nya sa akin at dahan dahan nyang dinikit ang mga matatamis nyang labi sa akin, I was crying habang hinahalikan ko sya, iniisip kung paano ako mabubuhay araw araw ng hindi ko nakikita yung inspirasyon ko. He was kissing me na parang iyun na ang huling beses na magkikita kami sa buong buhay namin.
Nagpaalam na sya habang papasok sya sa Airport, I waved goodbye habang basing basa padin ang mga pisngi ko sa luha, umuwi ako at pinili ko na mag isa nalang muna sa bahay. Hindi nya nga sinira ang pangako nya, pagdating na pagdating nya palang nag text agad sya sakin, sinasabi nya na sobrang lamid daw, na namimiss nya ako, na Masaya daw sya na magkasama sila ng Mama nya.

Couple of months passed and ganun padin ang set up, Text sya araw araw at nagkakausap din kami paminsan minsan, ilang buwan palang pero iniisip ko kung anon a kaya itsura nya, wala naman kasi akong Friendster, di kami nag kakachat, wala ako Facebook (mahirap lang ako walang pang computer) namimiss ko na si Mico ko
Dumating din yung araw na nawalan kami ng connection. I was waiting for a call or text everyday pero wala, Nagtampo ako pero ano bang magagawa ko eh malay ko ba kung nagsawa na sya sakin or what. Nagdecide yung family namin na umuwi sa probinsya namin, duon naghanap ako ng trabaho, sobrang underemployed ako dahil wala sa linya ng kurso ko ang naging trabaho ko, naging waiter ako sa isang fast food chain sa probinsya naming, ayus kasi at least may kinikita kahit papaano. Natuto nadin ako na wag muna umasa sa kahit ano mula kay Mico, pero yung feelings? Andito padin eh, pero pinipilit ko padin maging Masaya kasi paano ako makaka move on sa buhay ko kung lagi kong iisaipin yun. Basta ang alam ko Mico will always be in my heart. I spend my time sa trabaho ko bilang waiter, nabubuhay ko ang pamilya ko sa kahit ganung paraan lang. Masaya naman kahit papaano, maraming umaaligid pero hindi pwede, lagi kong sinasabi sa sarili ko na may Mico na ako at kuntento ako kahit matagal na kaming walang connection sa isa’t isa.

Naglalakad ako papunta sa simbahan, Martes ng umagang umaga para magpasalamat sa lahat ng blessings na natatangap ko, hindi pwede ng hapon kasi may pasok ako ng alas 9, nang may malakas na boses na tumawag sa pangalan ko na parang nanggaling sa isang kotse na nakasalubong ko “Mico!!!!” malaki at matipuno ang boses pero parang sobrang pamilyar ng boses nya sakin, paglingon ko ay nakita ko ang isang mukhang alam na alam ko kung sino ang nagmamayari. Napatigil ako sa paglalakad at bigla nalang ako napangite habang papalapit ang lalaki sa akin, tumatakbo sya papalapit sa akin habang tigas na tigas lang ako sa kinakatayuan ko, nang makalapit ang lalaki ay niyakap nya ako at bumulong sya sa akin. “I miss you Mico ko” bulong nya “Im sorry kung hindi kita nacontact, hindi ko saulo number mo tsaka….” Pinigil ko sya habang nagsasalita at sinabi ko lang na

“Okay lang yun, I miss you so much Mico ko” iyun lang ang nasabi ko. Nawala pala yung cellphone nya at wala na syang numbers ng kahit sino sa Pilipinas, hinahanap nya daw ako sa internet pero wala syang makita sa kahit anong saite para macontact ako, sumulat na nga sya sa bahay naming pero sa kasamaang palad ay lumipat na kami sa probinsya namin. “Anong ginagawa mo nga pala dito?” tanong ko

“May project kami dito, ako yung nag dedesign ng bahay nung kaibigan ng Mommy ko, I just arrived sa Pilipinas last week, pinutahan kita sa inyo hindi ka na daw dun nakatira at di daw nila alam kung san ka lumipat” paliwanag nya
“Sorry ah, kung nahirapan ka dahil sakin” sabi ko
“Walang problema, mahalaga, nakita kita dito ngayon, alam mo ba kung gaano ako kasaya?” I just hugged him again sa sobrang ka miss ko sakanya.
“Are you free this lunch? Mga 11?”

“May pasok ako eh, trabaho kasi eh”….. ...




...“Pero ano ba naman yung mag absent ako kahit isang beses para sayo”


Sobrang unpredictable talaga ng buhay, mga bagay na di mo inaasahan bigla nalang bubulaga sayo, alam ko hindi destiny tong nangyari nato, this is fate, we are fated to see each other again. We were fated to be together again. We were fated to Love each other parang yung pagkakataon lang na lagi kaming magkasabay sumakay ng LRT, parang yung pagkapalit naming ng wallet, hindi yung destiny or coincidence, lahat yun ay nakaplano na sa tulong ng Diyos na maykapal, This is my Fate. Ang makasama ko ulet si Mico at maipagpatuloy naming kung ano yung nasimulan namin.

_____________________________________________________________________________________

Thanks guys for rading the second part of SBLS, Sorry kung hindi nag fofocus sa sex yung kwento, Story-oriented kasi ako, gusto ko ma touch ko yung mga puso nyo sa paraang alam ko, iyun ay magsulat ng puro love stories kahit walang sex involved. Pero thanks parin for appreciating kahit walang involved na Making love.  Thanks guys for inspiring me to write. Kayo ang aking lakas (NoyNoy??) haha

-Gabriel

3 comments:

  1. sus naman maganda at kakaiba nga kwento mo dude! i love it! more more!!!! lab u

    ReplyDelete
  2. Do you believe in fate?

    ReplyDelete