Thursday, May 6, 2010

Entrance Exam- Part 1

“Love has no boundaries” Yan ang pinaka favorite kong quote simula pa nung natututo ako magmahal. Kasi lagi kong iniisip, wala nga naman boundaries ang Love. Kasi ako…. AKO! Nagmahal ako ng kaparehas kong lalaki, I don’t see anything wrong with that, kaya nga lagi ko sinasabi sa sarili ko “Love nga eh diba?” Di naman kailangan na on the other gender, kailangan lang yung feelings na, mahal mo sya, mahal ka nya, Oh! Ano pa kulang? Hulaan ko Approval ng Parents (as usual)

By the way, Ako nga pala si Gabriel Marx De Vera, isang di hamak na Level III Nursing student sa Pamantasan ng Malayong Silangan sa ingles FEU or Far Eastern University, home of the Tamaraws! Medyo matangkad, na medyo maputi na medyo makulit, na medyo ma-ANO!... ayun na yun.

Bata palang ako, sabi ko gusto ko makaranas na mag mahal (ano ba yan tagalog na tagalog) Nagsimula ang text Grade 4 ata ako, so eversince addicted na ko mag type ng kung ano ano, Syempre hanap love!. Makipagtext kahit lima lang yatang Pilipino ang may Cellphone nuon. Pero medyo nauso na yung text Grade 5 so iyan dami daming ng katext, di pa uso unli, di pa uso immortal, di pa uso alltxt. 300 lang ang load at wala kang choice kundi piso isang text. Okay lang naman kasi nag eenjoy ka naman habang nagtetext. Kasi by text, nagkakaroon ka ng mga kaibigan na di mo naman classmate, di mo naman kapitbahay, taga Bataan ka sya taga Tugegarao! Oo! Madami akong katext nun. Kahit sino atang magtext dun nirereplyan ko maka text lang. So Years passed, wala! Coke lovelife lang naman ako, in short Zero. Madami nagsasabi na Gabi ang gwapo gwapo mo, Gabi ang hot hot mo, Gabi, Gabi, Gabi, oh! Bat di nyo ko ligawan?.. joke, lahat naman kasi ng nag ko-complinment sakin yung mga di ko naman gusto (choosy!). Gusto ko yung kaklase ko nung 3rd year high school, mabait, maganda (di pa ko bi nun) , malaki yung bumper, maputi, as in lahat nandun na, pero may isang problem, taken na pala si Ate (awwwwwwwwwww)… pero okay lang, di naman ako seloso… ahahaha.. So nawalan ako ng pag asang may magmamahal pa saking babae kasi madami nga akong barkadang babae pero lahat ng may gusto sakin di ko gusto. Lahat naman ng gusto ko kung hindi taken, maria clara, NBSB na strict pa ang parents in short! So ayun ang Boiling point ng aking love life naisip ko na pag kaya lalaki yung mahalin ko eh may babalik kaya saken? Hmmmmm bat di ko kaya I try
So syempre 4th year highschool, dami inaasikaso sa school, syempre, review sa UPcat, sa USTet, DLSUcet, FEUcat, at kung ano ano pang mga entrance exam sa bayan ng Pilipinas. Syempre di mo alam kung sang school ka mapupunta diba? Exams dito Exams doon, Hunting ng lalaki ditto, Hunting ng lalaki doon. Syempre todo porma pag exams, para pag may nakakita… hmmm oye! JACKPOT! Napaka desperado ko, pero despite na lalaki ang hinahanap ko, di parin nawawala yung lust ko sa mga babaeng nakikita ko, S#!T, mga galing ibang province. WooooW! Kung ikukumpara sa prutas ang harapan, siguro pwede na yung Watermelon! lols. Pero back to the Story, so ayun, FEUcat nun November 9, 2006, nag iisip ako ng pwede kong gawin para maka dagdag sa Pogi points sa mga makaksama ko sa exam, I was with my high school batchmates and we arrived at FEU manila, mga about 7 in the morning kasi nga 8 yung test namen, galing pa kaming probinsya no! Ayan na ang daming hot and crispy-ng Guys and Girls sa loob ng FEU di ko tuloy alam kung tutuloy ko pa ba pagiging straight ko or Bi padin! Ewan! Basta alam mo naman ito desperado! Ahaha, Ikot ikot muna kasi 7:00 palang 1 hour to go pa. Dumaan ako sa Bookstore sa loob ng campus bibili sana ng ID lace para if ever di ako mag decide sa FEU pumasok, edi may remembrance. So labas na ko ng bookstore, may isang parang katulad ko din na entrance examinee na kapapasok lang ng gate na medyo naguguluhan yata kung saan mage exam, Taena! Ang gwapo ang cute ang shet talaga! Nagulat ako papalapit sakin (Siguro dahil pareho kameng di naka uniform, siguro alam nyang mage exam lang din ako) then he talked (ang gwapo ng boses) “Mag Eentrance Exam ka din ba?” syempre sagot ako “Oo, kaw din?” then nagkamot sya “Alam mo ba kung san yung NB 203?” “Oo papunta na nga din ako dun” (syempre alam ko kasi bago ko pumunta bookstore, iniwan ko muna yung bag ko sa mga kaklase kong exited! Naghihintay sa labas ng classroom na pag eexaman namen. Tapos ngumite sya (shet laglag panga ko) “Sabay na tayo” sabi nya “Tara” sabi ko. Then! di nama n maiiwasan mag ka kwentuhan habang di pa kami nakakarating ng NB 203, and then I asked him “taga san ka?” “Taga Cavite” sabi nya. Then he asked “kaw taga san ka?” .. then I answered na taga Bataan ako. “Arvin nga pala!” sabi nya, oo nga naman kanina pa kami naguusap ngayon ko lang naisip na di nya pa ko kilala at di ko pa sya kilala. Then I shaked his hand (t@ngna talaga di ko mapigilan sarili ko) “Gab” sabi ko. Then ayun, kwento kwento, medyo nagkaka tawanan na, kasi ako masayahin naman ako eh, kaya ko magpatawa, mahilig din naman ako tumawa sa mga biro ng iba, at mabilis ako maka gaan ng loob sa mga nakikilala ko, yung tipong pag nagging close na kayo, parang ang hirap ng pakiramdam na mag hihiwalay kayo. I can consider na “Close” na din naman kami at that 45 mins na nagka kwentuhan kami. (di naman kasi ako kilos maarte, di mo din naman ako mapapagkamalang bi, di kasi halata sakin) So inisip ko na may chance na bi din si Arvin (asa naman ata ako) eh kasi ako di naman halata pero bi ako, kaya ayun, di tuloy ako makapag isip nung test na kasi iniisip ko na pagkatapos namen mag test, uwi na kami ng Bataan tapos uwi nadin sya ng Cavite,

“hhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyy” nakakainis kasi gusto ko pa sya makasama, Grabe ata yung tama ko sa isang to! Buti nalang magkatabi yung computer na pinag examan namen (ang sosyal nga pala ng FEUcat, computerized lahat, sosyal! Hahaha)
Natapos na yung exams then eto na, ayoko na! magkakahiwalay na kami, then the worse part, nagmamadali sya umalis kaya simpleng bye lang yung nasabi nya tapos kumaripas na pababa nung hagdan! Ayun 45 minutes buo yung araw ko pero 20 hours yata akong malungkot kasi naiisip ko sya (alam mo yung feeling na yun) Ay Grabe! Grabe! Ahhhhhhhhhhhhh. Then kinabukasan, check ako ng Friendster (uso FS nun diba? FB na ko ngayon e) hala, may 2 friend request, pag open ko na pa syet nalang ako sa computer shop (tangna nakakahiya) ayun naalala ko pa IamARVIN pa yung pangalan ng FS nya (ang baduy) pero okay lang gwapo naman sya. Eh ako full name syempre para reachable ng ibang may kilala sakin. Syempre accept agad ako then nag message agad ako “Pano mo nalaman tong F.S. ko ha? Hehe Bilis mo umuwi FEU ka ba aaral pag pumasa ka?” sabi ko. Then ayun log out ako then nung gabi nung day na yun, dumating na ang kapatid ko galling trabaho, so ako hiram ng laptop kay ate para maki internet. Saktong sakto, may message ako sa FS, syempre sino pa bang mag rereply kundi si Arvin ko! Ang sabi nya “Nakita ko kasi tina type mo nun sa computer nung nag eexam tayo hinanap kita kasi di ako naka pag paalam ng maayos, tsaka gusto ko may kakilala na ako sa FEU pag first day (kung di nyo kasi matatanong, Nursing din sya), ayun, text mo lang ako pag pumasa ka sa FEU kasi ako pag pumasa sure na FEU na ko eh, kaw ba? Sabihin mo sakin Gab ah.” Tangina di naman nagsasalita yung message pero kinilig nlng ako bigla. Freak! Nakakinis. November palang, sana June na. Syempre nagreply ako “Oo naman pag pumasa ako sa FEu nadin ako, text mo ko pag pumasa ka, tapos sabay nadin taoym ag enroll” binigay ko through message yung number ko. Syempre, ako kung ano anon a tumatakbo sa isip ko. Kung ano anong mga naiisip ko na pwede mangyari dahil feeling ko (at napaka feeling ko) na kahit papano, may pagnanasa sya sa kagwapuhan ko (ahahaha, confident)… Pero di naman sa pagmamayabang, papable naman ako di nga lang ako mapalad sa Love.

After 3 days pwede nang icheck ang results ng exams sa FEU through internet. So bago pa man din ako gumising that day, may isang unregistered number na nagtext, (Si Arvin na to sabi ko) tapos sabi, “Rachelle H*^&$* po, bago ko pong number” Yots! Kala ko si Arvin na huhu, so inat inat na muna ko, Sunday kaya nandya si Ate ko, so alam na! Di na ko mag ko-computer shop para lang maka pag net! Hehe, So ako naman check muna nang F.S., nothing new wala man lang nag comment, wala man lang kahit ano. Okay so punta nako sa website ng FEU, to check kung pumasa ako, Ayun! Wapak! Pumasa ako, weeeeeeeeee! Ang galing ko, kasi may bumabagsak din kaya sa Piyu napatunayan ko hehe, isa sa mga klasmeyt ko bumagsak ng Nursing, syempre Qouta course ang Nursing sa FEU. Ayun Masaya ako kasi pag pumasa si Arvin dun nadin sya, tapos magkaka sama kame, tapos ayun magkaka inlovan, tapos magbubuo ng pamilya, tapos magkakaroon ng maraming anak (ay! Ilusyon ampota! Hahaha) After 30 mins or so, tentenenen! May nagtext, number lang (eto sure na ko na si Arvin, sabi “Gab, pumasa ako! Kaw ba?” reply naman agad ako “Oo, ako din, so kelan tayo enroll?” (exited) ahahaha, so ayun pinayagan naman ako ni Mama mag FEU kahit gusto ko sa San Beda, gusto ko sana mag Law, pero never mind, ahaha gugustuhin ko ang Nursing kahit anong mangyari. So Set na yung date, April 13 daw kami enroll (syempre naalala ko 3 days pagkatapos ng birthday ko kami nagenroll eh!) pero wag exited may Graduation pa kong hinihintay.
Holidays passed, Christmas, New Year, Valentines, hayyy can’t wait for April, kamusta naman February ko, napaka lamig tae! Kala ko after 4 months na lage kameng nagkakausap ni Arvin eh may mararamdaman na sya sakin, pero wala. WALA! Nakakainis WALA!... Wala nga ba talaga? O ayaw nya lang sabihin?.. Graduation na YEAH! So syempre eto na yung bunga ng pinaghirapan ko ng apat na taon sa High School, nagulat ako kasi alam ko na alam ni Arvin na graduation ko nung araw na yun, sabi nya sa text “Best (bestfriend na daw kami sabi nya, 4 months na nga din naman), punta ko ng Bataan ngayon, sama ako kila Mamao (nag babargain kasi sila Mama nya, di naman ganun ka laki yung kita pero at least marangal), meron kasi silang Bargain ngayon dyan, pwede manuod graduation mo?” tangna tagal na namen mag kakilala ngayon ko lang naramdaman na parang may something sa text nya nayun Hayup yung pakiramdam. Wahahaha.! Syemre Oo ako agad, yung venue kasi nung graduation namen si yung “Loius” yan ang laging venue ng mga kung ano anong ka eekekan sa school, eh saktong sakto ba naman katabi lang nun yung bargainan, tapat ng palengke, ayun so sabi ko sige punta nalang sya ng Loius then, ako kinakabahan kasi after 4 months ngayon lang ulet kami magkikita. Tapos di ko alam kung ano pang susunod na mangyayari. 4 pm na, one hour to go Grad. Ceremony na. tapos 30 mins to go nandyan na sya! Wahahaha. Ano kaya sasabihin ko? Ano kaya una kong gagawin? Ngngitian ko ba sya, tatanguan, tatapikin… ano ba? Gulong gulo ako that time kasi alam ko malapit na sya.

Ayan 30 mins have passed then may nagtext “San ka Best? Dito ko sa labas, papasok ba ko?” Di ko na sya nireplyan tapos tumakbo na ko palabas (partida naka formal attire ako nyan) tapos nakita ko na sya shet! 4 months palang lalong naging hot tong si Best ko. Syet Syet Talaga! Ang Gwapo gwapo ni Arvin ko. Tae! Di ako nakasalita! Nakngite kasi sya sakin! Tapos ngumite nalang din ako. Sobrang di talaga ako makaimik that time tapos sabi nya “Kinakabahan ka na? Congrats nga pala!” syempre pahalata ba ko? Nagsalita nadin ako, sabi ko “Medyo lang naman, haha, tara pasok tayo malapit na din magsimula yung Ceremony”. Pumasok na kami and nagka kwentuhan muna bago ako pumila para sa Grad March, kinikilig ako kasi nag abala sya na puntahan ako sa isa sa mga important events ng buhay ko! Lols naman! Nakakaramdam tuloy ako ng kung ano ano! Di ko ma explain kung ano. Basta iyun na yun! Then ayun, pag akyat ko ng stage para makuha ko yung diploma ko, hinahanap ko sya then ayun, nakangiti sya sakin, Nginitian ko din naman sya. Ano ba to? Hanggang ngitian nalang ba to ha? Lintek (demanding) ahaha

Ayan tapos na graduation, picture picture muna tapos yun pinakilala k okay Mama ko pati kay Dad, sabi ko bestfriend ko sa Cavite, na makakasama ko sa FEU, ayun so, ayun ang First picture namen na magkasama. Nung nadevelop nga di ko tinatangal yung mata ko dun eh! Ahahaha. Anyway, So tapos na yung lahat ng ka ekekan dun, tinanong ko sya kung anong oras sya aalis, eh nagsasarado ang bargain hanngang 12 ng gabi, parang night market. Ganun! Kasi may something yata nung araw na yun, di ko alam kung fiesta at hanggang gabi ang bargain usually gang tanghali lang, pero pabor naman! Syempre sama ko muna sa grad party ko si Arvin, pakilala ko sa mga barkada ko. Grad party sa bahay lang naman namen. Okay lang! ahaha. Okay naman kila Mama, ayun drive pauwi sa bahay naming napakalaki, As in napakalaki! Pero di naman kaliitan hehe, malinis and maganda naman pintura kahit maliit bahay namen! May second floor din naman, pero maliit padin. So dumating na kami sa bahay, on the way palang mga barkada ko, may mga kaklase din ako na pupunta siguro kun I sa-sum up ko mga 15 kami lahat lahat kasama na kami ni Arvin! Kwentuhan, Ululan! At kung ano ano pang gagawin, syempre una kong gawin bihis para presko naman. Sinama ko muna si Arvin sa kwarto syempre hiya hiya pa tong si best ko! Ahahaha

Pasok na kami sa kwartong kasya lang ako. Tapos kuha ko ng pamalit, Syempre tanggal muna ng long sleeves, medyo pa kita ng konting skin sa best ko naka sando lang kasi ako. Tapos nahihiya ako kaya sabi ko Pikit ka magtatangal ako ng Pants eh! Sabi nya bakit daw? Pareho naman kami lalaki? Edi ayun bahala na nagtangal na lang ako sa harap nya pero may tapis ng towel ko. Magsusuot na sana ako ng shorts then bigla nyang sinabi “Best, gusto mo rin ba ako?” Gusto rin? Gusto rin? Anong ibig sabihin nun? Gusto nya ko? Kasi gusto rin eh! Hala! Hala talaga! Di ako makasuot ng damit ko natulala nalang ako sa kanya. “Is that a Yes?” sabi nya pa, eto naman ako si Tanga di nagsasalita, tapos lumapit sya sa kin and then sabi nya “kasi ako gusto kita, I like you!” Fuck talaga! And then shet! Shet He kissed me, as in siguro kung I re-rate ko 10/10 na yun Fuck! Di ko First time pero first time ko sa Guy! Hala! Ang sarap pala pag pareho kayong aggressive, nakakdagdag ng heat. Hyperthermia ako ng mga panahong yon! Rrrrrrrrrr scorching! As in! Siguro naman, sa way ng pag ka kiss ko sakanya, nasagot ko na din yung tanong nya sakin, I tried to level up the heat, tinaas ko ng konti yung shirt nya, then di naman ako nabigo!.. tinangal nya yung sando ko while he was still kissing me. Naka lock naman yung pinto kasi nga magbibihis ako kaya di ako nagworry na may makakakita. Tapos puta may biglang kumatok! “Anak nandyan na yung mga kaklase mo” etong si Nanay ko Istorbo! Hala! Then ayun, na udlot! Rrrrrrrrrrrrrr!

So ayun, paalam na aking mahal, kay hirap sabihin (arruyy emoticon ako nito!) Nagmotor nalang kame hinatid ko sya sa parents nya, then pinakilala ako ni Arvin, ewan may iba talaga samen, hay nag bye nalang ako kahit inasam ko na sana nNagbihis nako para maasikaso ko naman ung mga bisita ko! And I can feel na naiilang sya sakin. I don’t know why. Parang nagiba bigla yung best ko. Ewan may something na naiba nalng bigla! Past 9 na din yun so ilang hours nalang babalik na si Arvin sa may bargain kasi nandun yung sasakyan nya pauwi. So kwentuhan sa baba, tawanan,mabilis naman naka close ni Arvin yung mga barkada ko, pero di ko padin ma shake off yung feeling na may iba between saming dalawa after nung incident nay un! So after a few hours of daldalan and stuff. 11:45 na kailangan ko na syang ihatid dun. atuloy yung kanina.Ano pa n ga bang magagawa ko? Edi uwi na! hay hayyyyyyyyy talaga. Paguwi ko, tuloy ang kwentuhan (strict kasi sila Mama, bawal uminom sa bahay kaya may plan B kami punta kames a apartment nang kabarkada ko, magisa lang kasi sya dun kaya ayun, dun ko ibubuhos yung pag iisip ko about dun sa nangyari sa aming dalawa. Time check 1 na yata nun paalis na kami sa bahay then pinaalam ako ng mga klasmates ko na may overnight kami sa bahay, parang yearend party lang ganun! May nagtext at alam kong si best ko yun sabi nya “I’m sorry alam ko naramdaman mo na medyo naiba ako, di ko kasi alam kung ano mararamdaman ko, kasia di ko alam kung gano mo tinake yung ginawa naten kanina, ayoko mawala pagiging bestfriends natin, I’m sorry, kung di mo man nagustuhan yung ginawa ko kanina. I’m sorry Gab I don’t want loose you” edi ako naman isip ng sasabihin ko, gusto ko ma comfort ko sya at parang masabi ko nadin na gusting gusto ko yung nangyari. And ni reply ko “Di mo ba naramdaman yung affection? I won’t kiss back kung di kita gusto, din a nga yata gusto, mahal na yata kita” I was waiting na magreply sya pero wala! Kahit isang text wala! Hindi ko alam kung ano ba mararamdaman ko that time kasi hindi ! ako mapa lagay kung ano ba talaga ako sa kanya! Trip ba to? Ano ba to ha?

So syempre overnight! Dun ko binuhos lahat as in lahat! Agaw ako ng agaw ng tagay ng iba para lang malasing ako. Para makalimutan ko muna kahit sandal lahat lahat na yun. Ang sakit kasi gusto ko malaman kung ano ba talaga! So tapos na ang session bangag na lahat. Siguro ako ang may pinakamaraming nainom kasi nga lahat yata sila naagawan ko ng tagay once or twice! Shet gusto ko na matulog gusto ko na mahiga pero di kaya ng tyan ko. Ayan Magaling na bata. Hyper Emesis ako dun sa sahig, sukang suka in tagalog! I woke up tanghali na. Syempre ugali na yun, pag gising ano gagawen tingin sa Cellphone. Gulat naman ako pag tingin ko Flood as in Flood, 45 messages yata galing sakanya, 20 sa iba, basta 60+ yung messages ko pag gising tapos halos kanya lang lahat! Inangkin ba naman yung inbox ko! Pero okay lang syempre yun nga gusto ko eh, kinakabahan pa ko habang binubuksan ko yung messages nya. Jusko!pare pareho ang laman! Pero parang tinurok sa veins ko yung message nya. “Mahal din kita, Gab, Gusto ko maging akin ka, selfish na kung selfish, I want you to be mine” hala! Ako naman kilig to da max ampota.!
Dyan nagsimula ang First True Love ko! Mahirap mang isipin na sa katulad ko pala ng kasarian makikita yung matagal ko nang inaasam sa opposite gender na makuha ko.


More to come…. Enrollment pa…. freshemen years, soph years, my life in Manila, hanngang ngayong Jr. Years…..

To be continued….

1 comment:

  1. wow as in wow, interesting ang kwento mo pare!

    ReplyDelete