“The only time you run out of chances is when you stop
taking them”
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
“Gab?” sabi ni Arvin with his soft voice
I just bluntly stared at him for 10 seconds or so, I just
hugged him and I muttered “thank you”
The smile I saw with Arvin at those moments are just
precious, those were the smiles that I saw 8 years ago, those were the same “makalaglag-brief”
smiles of him. Yeah! I forgot about the whole situation for a while. Just
seeing one of my closest friends na ex ko din, the reason of me being a bisexual, his smile just made me realize I am not physically alone in this sorrowful shit of
mine.
I pulled him up to his feet, smiled at him and asked him to
have a drink at our place
“Sure” yun lang ang sinagot nya. We went to his car and
drove to a nearby store and bought some liquors and drove straight home para
makapag chill sandali.
When we got home, we headed to my room to change clothes,
and just take a bath before drinking, that moment nakita nya nanaman akong
nakahubad at pinagnasahan
“Laki talaga katawan ng hon ko” sabi nya
Habang nakatalikod, bigla nalang nanlaki yung mata ko sa
narinig ko, Hon? Syota? Kapal ng mukha ah, seriously at that moment, hindi
padin bumabalik sakin yung feelings, may unting weirdness pa pag tatawagin nya
akong ganun, pero knowing him, I know it was just a joke
“Ano tawag mo sakin?” tanong ko sakaya
“Hon” sagot nya
“Hon? Syota mo ko?” patawa kong tanong sakanya
“Haaayyy…. How I wish” sagot nya
Ayan nanaman sya, weird, lagi nalang syang ganyan, pero this
time it was different, kasi sinasabi nya sakin yun na alam nyang wala ng
someone special sakin. I haven’t told you guys yet, Arvin is a
RELATIONSHIP-WRECKER kind of guy. Pag alam nyang may someone special ako,
pupunta agad sya sakin and try to win my heart back, iyun lang yung isang bagay
na hindi ko maintindihan sakanya dati, na kung bakit pag alam nyang magkakaroon
ako ng bago, pipigilan nya lagi, gusto nya walang iba, parang ganun, I don’t understand,
minsan nga naiisip ko, kung ayaw nya ba ako sumaya, o hanggang ngayon ba
nandyan padin yung feelings, hindi nawala, pareho lang kaming natatakot I admit
sa mga sarili naming na kaya pa naming ayusin, wala lang chances kasi pareho
kaming nag iba ng direction.
Isa lang naman yung taong naging ka relasyon ko na hindi nya
kinayang pigilan ako, yun nga si Sojeph, sa sobrang mahal ko yung taong yun,
pinaglaban ko yung feelings ko sakanya, realizing Arvin is not important in the
picture, kasi I’m happy being with Sojeph alone. Pero I remembered how he cried
to me that moment na sinabi ko sakanya na hindi ko kayang iwan si Sojeph for
him and how I love Sojeph more than how I loved him in the past, that is the
only moment na nakita ko sya na ganun naging kalungkot sa harap ko, na parang
habang mabigat yung pakiramdam nya sa harap ko, umiiyak, eh ramdam na ramdan ko
yung bawat luhang bumabagsak sa mga mata nya. Ewan ko.
“How you wish? Ganun? Di na pwede uy, pag ex, ex na, you had
your chance Arvin, tama na yun” sabi ko, kahit na ang bigat sa loob kong
sabihin sakanya, ewan ko, yun ang nasabi ko.
“Ahhhh, I was joking Gab, wag mo seryosohin” sagot nya
Conversation ended, we were both silent inside the four
corners of my room, I just took my towel, went to the shower room, and
freshened myself up. After that, paglabas ko eh nakita ko sya na nakapikit na
Medyo naiba yung mood ko at that moment, I remember going
out of the room only saying na “tara na” in a soft voice.
“Pahiram ako shirt” pagpigil nya sakin sa paglabas ko
“Kuha ka dyan, tapos sunod ka nalang sa labas” sagot ko
sakanya
Kinuha ko yung ice dispenser, got tongs, 2 glasses and kuha
ng dalawang sausage sa cabinet, at lumulutang yung isip ko sa sinabi nya
kanina. What if Arvin’s serious, what if gusto nya nga ako makabalikan? What if
he really wishes that? Malay ko ba kung anong pakay nya kung bakit sya nandito
ngayon, ewan ko! Basta ang alam ko lang hindi na tama na balikan ko pa sya, the
same way na hindi na tama kung ipupursue ko pa yung last relationship ko.
Nasaktan na ako once, I would not be dumb enough to fight again, kung sila na
mismo ang nagsabi sakin na wala na ngang chance. I am never the cause of
break-ups from my relationships, I may have been asking for it, pero hindi ko kaya
panindigan, sasabihin kong “ayoko na”, “tama na to” pero after some days, or
even just a day without those past realtionships of mine eh ako mismo yung
gagawa ng paraan para magkabalikan kami. Pero pag sakanila na nanggaling yung
mga salitang yun, hindi ko alam kung bakit sa sarili ko iba na yung dating,
parang hindi na talaga, ayoko na din kasi sya na mismo yung nagsabi sakin na
ayaw nya na.
Palabas na ako ang I saw Arvin, going out of my room,
wearing a shirt that he gave to me as a gift nung first mothsary namin, na nasa
pinakatagong parte ng cabinet na lalagyan ng mga damit ko.
“Naalala mo to Gabi?” tanong nya sakin
Patay malisya ko nalang sinagot yung tanong nya “Ha? Anong
meron sa shirt na yan?” tanong ko sakanya
“Hindi mo na talaga naalala?” tanong nya sakin
“Hindi talaga Arvin, ay nako! Tara na, matutunaw yung yelo”
iyun nalamang ang naisagot ko sakanya
I just fastly walked out of the house papunta sa kubo sa
gilid ng bahay. I opened the lights and nilagay lahat ng mga dalahin ko samay
table. Pagdating ni Arvin eh medyo naiba yata ang mood nya. I just sat down and
took a bottle of beer at binuksan, poured it out sa baso, nilagyan ng yelo at
sumandal nalang sa isang parte ng kubo.
Ang tahimik, nanibago ako, kasi hindi ganyan si Arvin pag
kasama ko sya, never was there a moment na pareho kaming tahimik, lalo na sya,
except nalang sa mga oras na magkagalit kami. Wala na akong nagawa and I broke
the silence
“Tahimik mo yata Arvin?” tanong ko sakanya
Napatingin nalang sya saakin at ngumiti nalang sya sakin.
“May problema ka ba?” tanong kong muli
“You really don’t remember this shirt?” tanong nya sakin
with his lament face
Ahhhhhhhhhhhhhhhhh…….. nako naman! Hanggang ngayon pala eh
iyung lintik na Tshirt padin na yun yung sinisibangot sibangot nya. Okay! If he
wants to know… okay…. Naalala ko pa!!! alalang alala ko pa yung mga ngiti ko
nung mga oras na binigay mo yan, o kahit na yung mga oras na suot ko dati yan,
ikaw lang naalala ko, kahit hanggang ngayon, na halos hindi ko na sya masuot
dahil medyo maikli na sya, pero everytime suot ko sya, lagi lang si Arvin yung
naalala ko. Naalala ko pa na proud sya kasi binili nya yun sa ipon nyang
allowance, lalo pa’t may kamahalan ang tshirt na iyun, dahil sa Topman nya pa
binili and mga estudyante palang kami nung mga oras na yun, sobrang tipid nya
sa allowance just to buy me a gift nung unang monthsary namin.
“Alam ko yan Arvin, it was your gift for me nung unang
monthsary natin dati, you bought it with your own allowance, and you gave it to
me nung nasa Jolibee tayo kumakain ng Champ tapos umiinom ng Pineapple juice,
ano? Gusto mo sabihin ko pa kung ano suot mo nun, kung ano style ng buhok mo at
kung anong saya ko nung mga oras na yun? Gusto mo” mahaba kong sagot sakanya na
medyo naiinis na
Bigla syang napangiti at parang gusto ng matawa sakin, naka
ngiti na parang asong ulol
“Sige nga sabihin mo sakin kung anong naalala mo nun” sagot
nya
“Ayyy nako nga Arvin” painis kong sagot sakanya
Ahhhhhhhhh, naiinis ako nung mga oras na yun, joke, hindi ko
alam, kinikilig ata ako, what the fuck, I just came from a sad ending of a
story eto nanaman ako, what the hell ba Arvin? What the HELL BA? Gusto nya
malaman edi sige, bago pa nya matapos yung tanong nya na cut ko na sya
“Hindi mo lang naaala……”
“You are wearing a black polo na checkered na may buttons na
parang metal na kung ano, that is your favorite polo that time, your hair is
brushed up, yun yung mga oras na first time ko nakita yung buhok mo na ganun
yung ayos, you just arrived nung mga oras na yun galing sa Cavite kasi pinauwi
ka ni Mama mo pagkatapos ng klase natin kasi nga may ipapabigay sya sayo sa
tita mo, pakiramdam ko nung mga oras na yun? SOBRANG SAYA!! Kasi ikaw yung
kasama ko, kasi sa simpleng dinner, na kumpleto mo yung araw ko” I uttered
He was just smiling at me the whole time na sinasabi ko yun,
then bigla syang napakamot ng ulo
“Ikaw na….” papuri nyang sabi sakin…. “You really remembered
all of this..” dagdag nya
“Yup” maikling sagot ko sakanya. In your face Arvin, akala
ko nakalimutan mo na, magaling kaya ako sa mga ganyang gabay, kala mo ah
“Eh eto naalala mo pa” bigla nyang sabi, at bigla syang
lumapit sakin at hinawakan yung mukha ko at unti unti lumapit sa mukha ko to
kiss me
NO!
A BIG NO!! I would not let him kiss me again. Iniiwas ko ang
mga labi ko sakanya, I removed his hand from my face at hindi naman sya
nagpumilit, he just turned away and went back to his seat sa tapat ko.
“Sorry” sabi nya sakin
Hindi ako makapagsalita nung mga oras na yun…. What I felt
was just awkward… What the hell talaga Arvin, ano nanaman ba yung problema mo
saakin, bakit ganyan nanaman yung pinaparamdam mo sakin, bakit? BAKIT?????
BAKIT????
(Itutuloy...)
You got a sharp memory sir gabriel XD
ReplyDelete