“Most of the time, you
just have to hold your head up high, think straight, blink away all the tears,
accept things as they are and say good-bye. Always appreciate what still
remains and just look forward for what's opt to come. A lot more surprises
awaits you.”
Yan ang advice sakin ng
bestfriend ko, original yan, kasi nga naman diba? how would you cope up sa mga
bagay bagay if you’re not letting yourself move on. Think straight, wag mong
iyakan, accept things as they are, at lastly, mag move on teh!
_____________________________________________________________________________________
Wala Na. Yung lang yung hinihintay kong sabihin nya sakin
para itigil ko na yung kahangalan ko sa patuloy na pagmamahal ko padin sakanya
kahit na may iba na syang mahal. And I’m glad nakuha ko yun, ayoko mag move on
hanggang hindi nanggagaling sakanyang wala na nga.
Most of you don’t know me, siguro may ilan ilan dyan na
nakakakilala sakin bilang si K.G.F., ako si Gabriel San Agustin, 23, TANGA, Hangal, and trying to
move on to the next chapters of my life.
I walked the streets of Lucena after that message na sinabi
nya sakin na “I don’t know kung kaya ko pa ibalik lahat ng pagmamahal natin
dati”
Oo nga pala ano? Pakilala ulet ako? Ako si Gabriel, 23,
brokenhearted, almost 2 years na sanang masaya sa piling nya, pero walang
nangyayari samin kundi lagi nalang away, selosan, iyakan, kaya ang naisip ko,
itigil na, pero hindi ko pala kaya, everytime makikipag break ako sakanya,
babalik at babalik padin ako sakanya. Ang sabi ko nga sakanya eh “I will only
stop loving you pag pagod ka na sakin, kaya sabihin mo lang sakin kung STOP na,
para may cue ako sa sarili ko na tama na nga.” And the moment he told me to “STOP”
na nga siguro, I almost died sobbing, I was stopping my tears from falling,
pero hindi ko mapigilan, I am trying my best to still send him a happy message
that I’m okay, that I’m gonna do well. Niloloko ko yung sarili ko at that
moment. Pero ewan ko, ayokong maramdaman nya na malungkot ako dahil ayaw nya
na, gusto ko alam nya na masaya ako sa kung anong naging desisyon nya, kasi nga
mahal ko sya, at irerespeto ko kung ano ba talaga yung gusto nyang gawin
I was walking the streets of Lucena, mga mata kong parang
bilasang isda sa palengke na nagluluha pa, my muscles feel weak, with my head
titled downwards, still sobbing, habang tumutugtog ang Chasing Cars sa
cellphone ko at nakatodo ang ingay na dumadaloy sa mga earphones ko.
What I’m feeling? hurt, pinagpalit, pero sabi ko, eh masaya
nga ako pag masaya sya diba? these debate on my mind keeped on until makarating
ako sa isang park na medyo malayo na sa bahay namin. Umupo sa isang swing,
pinunasan ang luha, tumingin sa buwan at pumikit nalamang
Next time na alam ko, bigla nalang may tumabi sakin at
hinawakan ako samay balikat ko
“Gab?” sabi ng boses
Binuksan ko ang mata ko at na surpresa ako ng nakita ko ang
isang kaibigan
“Ano ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya
“Pupuntahan ka sana, pero nakita na kita” sabi nya
“Paano mo nalaman na ako to?” tanong ko
“Sa Laki ng panga mo, at yung damit mong suot, alam ko na
ikaw yan” sabi nya
Oo nga pala, malaki nga pala yung panga ko inaamin ko,
masarap daw isigang sabi ng iba, pero proud ako dyan, dagdag appeal kaya yan.
Nagulat ako ng makita ko si Arvin ng mga oras na yun, alam kong wala akong
makakapitan sa mga oras na yun kung hindi si Kuya ko, si Chase, Carla, o si Ivan na nasa ibat-ibang panig ng
Pilipinas, nakasarado pa ang cellphone ko kasi ayoko maka receive ng kahit
anong text mula sa kahit sino, malayo sila saakin, kaya’t iba nalang yung ngiti
ko ng makita ko na kahit papaano eh saktong binigyan ako ni God ng makakausap
ng mga panahon na iyon.
“Anong probema?” tanong ni Arvin
“Huh? Wala” sagot ko
“Hoy! Ex-boyfriend mo ko gago, alam ko pag may problema ka o
wala, kahit itago mo yang luha mo, alam ko may nararamdaman kang iba dyan” sabi
pa nya
Nagiisip nga ako nung mga oras na yung kung sasabihin ko ba
kay Arvin lahat, o itatago ko muna sa sarili ko, seriously, hindi ko alam.
“Ewan ko Arvin, nasasaktan nanaman ako ng walang dahilan”
sagot ko sakanya
“Oh baket nanaman?” tanong nya
“Tanga ng ex-boyfriend mo eh” sabi ko sakanya
“Eh minahal mo nga ako eh, tanga ka nga” sabi nya
Arvin’s always like that, alam ko na masakit sya magsalita
pero palabiro lang sya, that same moment na sinabi nya yun, napangiti nalang
ako bigla, hindi ko alam kung bakit.
Si Arvin nga pala, sya yung rason kung bakit naing bisexual
ako, you may have known him from my previous stories, pero sya lang naman yung
taong nakalimutan ko dahil dun sa huling taong minahal ko, lupet no? lahat ng
nakarelasyon ko, sinubukan ni Arvin akong agawin ulet sakanila, dun sa huli ko
lang na boyfriend hindi kinaya, iba yung pagmamahal ko dun eh. Kahit ganun
kalaki yung tyan nya o kahit pwede ng tatakan yung eyebags nya, mahal na mahal
ko yun. Pero wala na eh, hindi na pwede, kasi wala namang pupuntahan.
“Alam ko na” sabi nya
“Sige nga? I elaborate mo sakin kung ano yung reason? Pakipaliwanag
sakin kung bakit? Pakisabi sakin kung anong mali ko? Kung anong problema sakin?”
Napatingin lang sya sakin, I saw that sad eyes na lagi ko
nakikita sakanya pag alam ko na nasasaktan sya. And I felt like everything went
back to where it started. I don’t know. What I feel is hindi na tama kung
paulit ulit nalang akong ma fall sakanya. I just got hurt, tama na muna to, wag
mo naman ako pahirapan buhay! Wag na si Arvin, ayoko muna. Nagpatay malisya
nalang ako sa mga maamo nyang mata at sa gwapo nyang mukha kahit naka sad-look
pa sya
“Is it over?” sabi nya
.....
.....
“Oo” maikli kong sagot sakanya
He kneeled down near to the swing na inuupuan ko, he hugged
me kahit alam nya na madaming taong makakakita, dadaan o manghuhusga na may
dalawang lalaking nagyayakapan sa isang park, pero ginawa nya. Bigla nalang
akong napangiti, hindi ko alam, matagal ko na din syang di nayayakap, alam ko
na pag lasing ako eh pinagtitripan nya ako, pero never pa nya ako ulet niyakap
ng ganito na hindi ako lasing, at ng maraming tao sa paligid.
“Why are you hugging me?” tanong ko kay Arvin
Then nag let go sya and sabi nya
“Sorry”
Nag flash back bigla sakin nung unang beses nya ako niyakap
after ng graduation ko nung highschool! It felt like that, all the moments we
shared bumalik lahat saakin, pero sana hindi yung feelings, I don’t want to get
messed up again, I don’t want to fall for him again.
(itutuloy....)
(itutuloy....)
I have read almost all of your stories specially your autobios, and nag improve skills mo sa writing lalo ngayon sir, napaka personal ng pagkakasulat yet nakakarelate kaming lahat ng mga readers mo.
ReplyDeleteNaalala ko tuloy si Sir Arvin sa Entrance Exam, you guys were so happy there, sana maulet, next chapter XD