Wednesday, May 16, 2012

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 4



Isang maikling Chapter IV para sa lahat

“Second chances do come your way. Like trains, they arrive and depart regularly. Recognizing the ones that matter is the trick”

______________________________________________________________________________

Habang nagpapaliwanag si Arvin saakin tungkol sa mga bagay na dating nangyari ay nakatitig lang ako sakanya, hindi ko alam kung anong sinasabi nya, walang pumapasok saaking impormasyon nung mga oras na iyun. Nakatitig kay Arvin, luhaan, walang marinig kundi ang baso ng alak na tinatawag ako, “Inumin mo ako Gab” iyun lang ang nadidinig ko, walang iba, hindi ko alam kung bakit ganun nalamang ang nangyari saakin nung mga panahong iyun. Isang bagay lang ang nagbalik saakin ng presensya sa mundo, pagkatapos inumin ang isang punong bote ng Redhorse, sabay kong nadinig ang sinabi ni Arvin na

“Gab, I’m sorry for hurting you a million times, but please believe me that I still love you, up until this moment na sinasabi ko to”

I was shock to hear that, hindi ko padin alam kung ano ang iisipin ko sa mga bagay na pinagsasasabi nya saakin. Gusto kong isipin na totoo nga siguro yung mga sinasabi nya, o epekto lang ba to ng pagkasawi ko sa isang taong mahal na mahal ko padin. Hindi ko alam, kasi ang lagi ko nga sinasabi, when you love, hindi pwedeng dalawa yan, siguro hindi love yung sa isa, it could be another thing, basta hindi pwedeng magmahal ng dalawang tao ng sabay. HINDI!

“Gab……” mahinang bulong ni Arvin “Can we try this again?” dagdag nya

SHET NAMAN! Hindi ko alam yung isasagot ko, kahit nga yung nararamdam ko para kay Arvin hindi ko alam eh, ang alam ko lang, hanggang sa mga oras na iyun, masakit padin yung samin ng huli ko.

“Arvin, di ko alam….” Sagot ko sakanya

“Hindi mo na ako mahal?” tanong nya sakin

“HINDI KO ALAM” pasigaw kong sagot sakanya

Clouded, that is how I would describe my mind at that moment. FUCKED UP pwede na rin.

As I looked towards his way, bigla nalang nagiba yung aura nya, napatigil sya sa pagsasalita, biglang lumugkot yung itsura nya, nakayuko lang sya, hawak yung bote ng redhorse, with his right arm on left shoulders. What is he thinking as of the moment, I have no clue. Basta bigla syang tumahimik.

Uminom lang ako hanggang sa magsalita na syang muli. Pero hindi padin sya nagsasalita siguro ay may 30 minuto na ang nakararaan. Hanggang sa hindi ko na kinaya at ako na mismo ang humingi ng paumanhin sakanya

“Sorry Arvin” sabi ko sakanya

“Ha? Bakit?” tanong nya sakin ng mahina nya pading boses at malungkot na mukha

“Kasi alam kong ilang milyong beses na din kitang nasaktan” paliwanag ko

“Remember what you told me dati? Na I am worth every pain na nararamdaman mo? Ganun din ako ngayon gab, you are worth every pain na nararamdam ko, sobrang worth it” sagot nya

“How did I became worth it?” tanong ko sakanya

“Kasi dati minahal mo ko ng walang doubt, na hindi ko pinahalagahan, na hindi ko pinansin, pero minahal mo padin ako, hanggang sa napagod ka na siguro, pero I still remained special para sayo, you know ano nalang yung pinaghahawakan ko ngayon? Yung friendship natin. You are worth it kasi you are very forgiving, you are worth it kasi pag nagmahal ka todo, you are worth it because you are so special para sakin” sabi nya

I felt at that moment na parang ang sakit din pala ng pinagdaan niya, akala ko dati wala man lang sya kahit konting sakit na nararamdaman, pero ngayon, ilang years na yung nakalipas after ng break-up namin, I was so surprised na sabihin nya sakin yung mga bagay na yun. Na ilang taon nya din ako sinubukang i-win back, sigur nawalan lang sya ng chance nung napunta na ako kay Sojeph.

“Arvin, sorry, alam mo naman na katatapos lang nung samin ni Sojeph diba?” pa safe kong sagot sakanya, ewan ko ba kung bakit pinipigilan ko muna yung sarili ko nung mga oras na yun. Pero aaminin ko, I still feel something for him, maybe nawala lahat nung nakilala ko si Sojeph, pero bumalik lahat after ko maramdaman yung mga bagay na sinabi nya sakin nung mga oras na yun.

“Naalala mo pa dati?.... yung hinihintay ko na maging ready ka to get in a relationship with me?” tanong yan sakin

“Oo naman” maiyak iyak ko ng sagot sakanya

“Ganun ulet… I’ll wait Gab, I’ll wait” malungkot nyang sabi saakin

“Paano yung someone special mo ngayon? Paano yung ka room mate mo na gusto ka? Yung lalaking sinasabi mo na gusto mo dati? Diba nga tinatanong mo ko dati kung kaya ko na ba na wala ka? Kasi gusto mo na I pursue yung taong nagpapasaya sayo dati? Pano sila Arvin?” seryosong itsura ko habang nagtatanong sakanya

“I tried to love them, katulad nung binigay ko sa’yo dati, pero iba ka Gab, hindi ko alam kung anong pinakain mo sakin, bakit hanggang ngayon di ko sila kayang mahalin katulad ng nakasanayan kong pagmamahal sayo dati. Ikaw lang kasi lagi hinahanap ko Gab eh, ikaw lang” sagot nya sakin.

-Moment of silence-

Oo na naparami ng anghel ang dumadaan sa gitna naming kanina pa, ano ba yan? Shot, sige lang, gusto ko malasing nung mga oras na yun, titignan ko kung gaano pa katibay yung emotions ko pag lasing na ako. Usually kasi when I’m drunk, madami akong nasasabi na mas totoo kesa sa mga sinasabi ko pag wala ako sa impluwensya ng alcohol! Tangina tong si Arvin eh, ang lakas makapag pa emo lalo ng gabi ko…
(itutuloy…)

No comments:

Post a Comment