Saturday, May 19, 2012

MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 6


 

“Don't let past relationships ruin your future happiness, scars remind us of where we've been, not where we are going”

________________________________________________________________________________

Wash up, I was smiling the whole time while nakatayo sa loob ng shower area, ewan ko ba kung bakit ganun nalamang yung ngiti ko nung mga oras na yun.

After washed up I went out and saw Arvin, still wearing the same shirt, same shorts, and still with the same old sleeping face of him na alalang alala ko pa dati nung lagi ko pa sya katabi matulog, iba na lang siguro yung pakiramdam ngayon, kasi magkaibigan nalang kami. Ayan sya, tulog na tulog na at kulang nalang eh maghilik sa sobrang lasing, hahaha, parang di naman ako kilala, alak lang pala, patibayan pala ang gusto nya eh, edi ibibigay ko

I wore my shirt, put on my brief and boxers then dahan dahang humiga sa kama. Napatingin lang ako sakanya nung mga oras na yun. Looking at that same face that I was seeing couple of years ago, bigla nalang akong nalungkot na isipin sa nasayang naming samahan dati. Bakit kaya ginagawa sakin ng tadhana to, bakit pilit nya binabalik tong mga bagay na to sakin, bakit kahit pilit ko kalimutan yung mga bagay na naging parte naming ni Arvin dati eh hindi ko makalimutan.

Hindi ko na napansin na unti unti ko na palang nailalapit ang kamay ko sa pisngi nya, hindi ko alam kung bakit, basta bigla ko nalang naisipang hawakan ulit yung mainit nyang pisngi na dati eh bago matulog eh pinipisil ko at pagkagising sa umaga eh yun agad ang una kong tinitignan sakanya. Ng medyo tumagal ng nakahawak ako sa mukha nya ay bigla syang napagalaw at bigla ko nalang tinanggal ang kamay ko at baka magising ko pa sya dahil sa pagkagigil ko sa pisngi nya.

Ewan ko ba, basta ang alam ko ng mga oras na iyun, ay napikit ako na nakangiti ako. Nakalimutan pansamantala ang bigat na dinadala ko sa loob ko

……….

I woke up na wala na si Arvin sa tabi ko, naghanap agad ako ng sulat nya, o kahit text man lang na nagpaalam, pero wala, baka siguro hindi na sya nakapagpaalam dahil sa himbing ng tulog ko.

Napaisip tuloy ako, kasi everytime umaalis sya kikiss lang sya sa bandang cheeks ko near my eyes, bago man lang sya umalis, kahit nung hindi na kami, laging bago kami maghiwalay eh naging habit nya nan a humalik samay upper part ng pisngi ko. Haaaay, medyo lumungkot ako ng mga oras na yun. Siguro dahil di man lang sya nakapagpaalam ng maayos saakin.

Napatingin ako bigla sa orasan at bigla nalang din napatayo sa kama ko, alas 10 na pala, hindi ko pa napapainom ng gamot si lola ko, hindi ko pa din napapakain, sigurado ako na umalis na kaninang umaga pa si pinsan ko para sa trabaho nya.

Mabilis akong lumabas para mapainom ang gamot kay lola, at para makapagpakain na din naman. Ng papapalapit ako sa kwarto kung nasaan ang aking lola ay laking gulat ko na naririnig ko ang tawa ni lola ko. Matagal ko ng hindi naririnig na masaya si lola ko, siguro ay nanonood ng palabas sa telebisyon na napatawa nalang sya.

Mas nagulat ako ng pagkabukas ko ng kwarto ay nakita ko si Arvin na nakaupo sa tabi ng lola ko at nakahawak sa mga kulubot nitong kamay at yung ngiti ni Lola ko nung mga oras na yun. PRICELESS. Sobrang PRICELESS, gusto ko na nga mapaluha right there and then pero naisip ko baka naman isipin nila baliw ako, bigla nalang akong luluha sa harap nila

“Vin! Kala ko umuwi ka na?” tanong ko sakanya

“Hindi, di naman ako uuwi ng di ako nagpapaalam, para kang bago ng bago” sagot nya “naisip ko na din dalawin muna si lola bago ako umalis, hinihintay kasi kita magising, eh nakita ko na may schedule ng meds dito, pinainom ko na din si lola, pinakain ko na din kanina” sabi nya

Gusto ko tuloy mapanganga nung mga oras na yun kasi sa totoo lang, mahirap pakainin si lola ko, hindi basta basta sumusubo nalang, kasi nahihirapan na din siya lumunok pa minsan, nakita ko na ubos na ubos yung nasa plato na nasa gilid ng kama nya.

“La! Mukhang naubos nyo pagkain nyo ngayong” nakangiti kong papuri sa aking lola

Kita kong hirap na din magsalita si lola pero pinipilit nya magsalita

“Etong.. si… pogi…. Makulet…” natatawang nahihirapang sabi ng lola ko

Ewan ko ba kung bakit ngiting ngiti si lola ko noon, basta yung mga moment na yun eh priceless talaga para saakin.

“Sige na…. pogi,,, at kumain na… kayo ni apo” nakangiti paring sabi ni lola ko

Pagkatapos nuon eh humalik si Arvin sa noo ni lola ko at niyakap nya ito at sobrang sweet nya nung mga time na yung kay lola, ewan ko, nagpapa impress yata si loko. Pagkatapos eh lumabas na din kami para makakain na kami ng agahang dalawa. Habang naghahanda ako ng kakainin naming eh hindi ko matiis itanong sakanya kung paano nya napangiti ang lola ko ng ganun

“Saya ni lola ngayon ah, ano ginawa mo dun? Jinoke joke mo ano?” tanong ko kay Arvin

“Hindi” sagot nya

“eh ano ginawa m okay lola?” tanong kong muli sakanya

“Syempre una nagpakilala muna ako, tapos eh sabi ko sakanya habang tulog ka pa eh ako muna mag aalaga sakanya, tapos medyo kinuwentuhan ko habang sinusubuan ko sya, para di nya napapansin na kumakain na sya kasi nakatutok lang siya sa sinasabi ko sakanya” sagot ni Arvin

“Salamat ah” nakangiti kong pasalamat kay Arvin

“Ano ka ba? Si Lola yan, mahal mo yan, kaya mahal ko din yan” sagot nya sakin

Awwwwwww…. Napakasweet talaga nitong mokong na to. Pero seryoso, napahanga nya ako sa ginawa nya kay lola ko

“Salamat, kala ko kasi umalis ka na” sabi ko sakanya

“Wag ka nga thank you ng thank you dyan Gabriel” sagot nya saakin

“Bakit lakas makatawa ni lola kanina?” seryoso kong tanong

“Sinabi ko kasi na mahal ko yung apo nya” sagot ni Arvin

Natahimik naman akong bigla at parang napaisip kung binibiro lang ba ako nito o seryoso to sa mga pinagssabi nya saakin.

“Parang tanga, Seryoso?” medyo kunwareng naiinis kong tanong sakanya

“Oo, bakit? Eh kung sa mahal talaga kita eh” seryoso nya namang sagot saakin

“Arvin nga!!!” naiinis kong sagot sakanya “iyun lang tatawanan agad ni lola?” pasunod ko pang tanong sakanya

“Oo nga! Sabi pa nga nya, paano daw yun, eh pareho tayong lalaki” sabi ni Arvin “Ang sabi ko lang sakanya eh ang pagmamahal naman po lola, wala pong pinipili yan, babae ka man, lalaki, straight o bi, karapatan mo yun” sagot nya saakin sabay halkhak ng malakas

“Oy! Patented yung quote na yan ah” sabi ko sakanya

Oo nga pala, kung titingin kayo sa header ng blog ko, iyun ang tagline ko. Kasi naman diba? kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, kahit ano kasarian mo, you do have the utmost right to love, kasi hindi naman namimili ng gender ang love eh, basta alam mo na mahal mo sya, MAHAL MO SYA!

“Ni rephrase ko na nga para di ako makasuhan” sagot ni Arvin

“Kahit na, buong thought akin din” sagot ko sakanya

“Ano po ba yung ikakaso mo sakin Mr. San Agustin?” tanong nya saakin “Possession of illegal Love and Obsession?” dagdag nya pa

“tarantado ka talaga” patawa kong sagot sakanya

Hindi ko nalang pinapahalata sakanya na kilig na kilig na ako sa mga pinagsasasabi nya saakin. Hay nako Arvin, bumabalik na masyado lahat yung pakiramdam ko, TAMA NA! Ayoko na ng ganito…


(Itutuloy...)

4 comments:

  1. Ang bilis naman! nagulat ako! after nung Ch5, here it is, sakto pala yung time ko magbasa, naabutan ko pa to! KINILIG ako Sir! Sobang kinilig ako! POSSESSION OF ILLEGAL LOVE AND OBSESSION! sweet ni Arvin :))))))))))))))


    -Nardie

    ReplyDelete
  2. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh kua gab! Arvin is totally back @.@ ang sweet sweet padin as usual

    ReplyDelete
  3. Buti naman at nakakakilig tong chapter na 'to. Ang lulungkot kasi ng past chapters e. Update ka na ulit author!! :D

    -Popoy Fabian

    ReplyDelete
  4. @nardie: sakto ka pala eh, ayan, maya maya nandyan nadin yung 7th :)

    @jhai: is he? he is always sweet alam nyo lahat yan, sometimes too good to be true na... haha joke

    @Sir Popoy: back to emo na yan sa chapter 7 hehehehe, joke lang po, I just tell my story, either emo or nakakakilig, sana po nagustuhan ny0 :)

    ReplyDelete