“Change is never easy, you fight to hold on, and you fight to let go”
_________________________________________________________________________________
Nung mga hapon na ay nagpaalam na din saakin si Arvin,
kailangan nya na din kasi umuwi nung mga oras na iyun, kailangan pa sya ng
Maynila.
“Alis na ko ah?” tanong nya saakin
“Oo naman! Sige lang! salamat ulet” sagot ko sakanya
Humawak lang sya sa pisngi ko at sabay pisil nya at sabay
lumapit ang mukha nya saakin at idinikit ang mga labi nya sa may lugar kung
saan lagi nya ako hinahalikan bago kami maghiwalay ng landas.
“Haha! Sige bye na” paalam nya saakin
“Ingat! Salamat ulet” paalam ko sakanya
Paglayo nya sa mukha ko ay nagulat nalang ako bigla biglaan
at mabilis nyang inilapit ang mukha nya saakin at idinikit nya yung mga labi
nya sa labi ko.
Putangina, I wanted to turn away sana, kaso I don’t know why
my head’s just staying still and just tolerating every move that Arvin is
making. He was kissing me na para bang it was the last time na makikita nya
ako, tipong pupunta na sa ibang bansa. The last time I felt that kiss was when
we were in Subic at ako yung mismong nagpumilit na humalik sakanya kasi ayoko
syang pakawalan nun. Ngayon ko lang ulet natikman yung halik nya. Ngayon ko
lang ulet naramdaman yung pakiramdam na may humalik sayong taong mahal ka
talaga.Ewan ko ba, halos 5 minuto lang yata ako nakapikit at dinaramdam ko lang
yung bawat lipat ng labi nya. Napadilat nalang ako nung napatigil sya at unti
unting lumayo at dahan dahan lang dumilat at tumitig sakin sabay bigay ng
pamatay nyang ngiti na lagi nyang ginagamit saakin. Ngumiti nalang din akong
pabalik sakanya, he was smiling like hell, as in, yung tipong ngingiti tapos
makikita mong pinipigil yung ngiti nya, sobrang cute! Ewan ko ba! AYAN NANAMAN
AKO! HOY GAB NGA!!!! GAAAB!!! GIIIISSSSSIIIINNNNG!!!!!
He then raised his hand and waved goodbye. Habang naglalakad
sya papalabas ng bahay eh tumitingin tingin sya palikod hindi ko alam kung
bakit, para nga syang tanga, pero ang cute lang, bago sya pumasok sa kotse,
tumitig muna sya saakin ng malalim at halos ilang minuto lang syang nakatayo sa
gilid ng pintuan ng kotse nya at nakatingin lang saakin, nang papasok na sya eh
bigla syang bumulong sa hangin habang nakatitig saakin, na halatang halata ang
mga katagang “I LOVE YOU GAB” sa pagbulong nya.
He was still looking at me while he was driving away, parang
ulol nga syang nakangiti lang sa akin the whole time na nandun sya sa kotse nya
at kahit nung paalis na sya. SHET NAMAN! Eto nanaman ako, wag na! ayoko na ng
ganito, ayoko na talaga….
Umalis sya, pumasok lang ako sa kwarto, iniisip ko lang sa
sarili ko, ano kaya kung nahuhulog na nga ako sakanya? Anong gagawin ko? Paano
ko pipigilan yung sarili ko, ayoko na kasi eh. Ayoko na.
Lagi nalang ganito eh! Lagi kong sinasabi sa sarili ko na
ayoko na! pero lagi naman akong hindi bumibitaw. After that kiss, I felt guilty
for nothing, I know Sojeph won’t care, but I still got this feeling na kami
padin kahit hindi na, na para bang I am cheating on him even though wala na
kami, at wala na talaga sya pakialam sa kung ano man yung ginagawa ko sa
ngayon. Pero what the fuck! What the hell! Bakit ganito yung nararamdaman ko?
BAKET? Tanong ko lang sa sarili ko, bakit kaya?
Days past, it was just texting and phonecalls from Arvin,
and weird to say, wala akong nararamdam after the realization moment ko after
naming mag kiss. Wala talaga, WALA! My bestfriend’s even asking me like every
minute of the day na aminin ko na sakanya, kasi sabi nya alam ko namang
magagalit sya pero sana lang aminin ko, PERO WALA TALAGA EH! WALA! Hindi kami!
At hindi magiging kami ulet! Naka set na sa utak ko yun! Kasi ang tinatak ko
lang sa isip ko, I am not falling for this guy again, kasi ayoko na maramdaman
yung ganitong pakiramdam ng hindi stable yung emotions ko, na alam ko na I’m
longing for someone to love me. Maybe when I feel this pag maayos yung lagay
ko, yun siguro yung time na masasabi ko na, OO nga ano? Mahal ko pa pala talaga
sya! Pero ang alam ko lang sa sarili ko, I still love this guy na nakapagiba ng
perception ko about love. Etong taong nagpapangiti saakin araw araw dati,
gigisng ako to receive a text from this guy at mapapangiti nya na ako. We never
saw each other yet, kasi ayaw ng panahon, ayaw ng lahat, HINDI KO ALAM KUNG
BAKIT EVERYTIME NA MAGPAPLAN AKO MAKASAMA SYA LAGING MAY SAGABAL! LAGING MAY
PANIRA! Ang alam ko lang, at ang assurance ko lang sakanya, eh kasi nga we have
a mutual close friend to assure each other’s real.
Sojeph? He was the one I was talking about. Less than 2
years nya din ako napasaya. And honestly hanggang ngayon? He is still making me
smile kahit na alam kong may iba na syang mahal, hindi ko alam kung bakit
ganito yung takbo ng utak ko, basta ang alam ko lang, hindi ko pa sya ma let
go, kahit sinabi nya na sakin na TAMA NA! Hindi ko padin magawang tumigil, pero
ang pinakakinagulat ko, hindi ko na pinaglalaban.
Alam ko sa sarili ko na pag nagmahal ako, kahit ano gagawin
ko just to fight for that love that I have, pero bakit sakanya hindi ko na sya
magawang ipaglaban, siguro kasi nga HINDI NA AKO MAHAL! May mahal na ngang iba
diba? BAKIT? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, hindi ko alam kung bakit
sya nagsawa sakin. Hindi ko na mapaglaban yung sarili ko, kasi napakalayo ko
para gawin yun, at may iba ng laman dun sa puso nya. Ayoko ng maging sagabal sa
kung ano man yung sayang nararamdaman nya.
As of this day that I am writing this, It has been 10 days since he told
me to stop. Maybe not 10 days pag na publish ko na to. Pero 10 days as of now na sinusulat ko to
Sampung araw na pala akong wala sa tali, parang aso na
pinakawalan na pero nagiikot padin na walang alam kung paano mabubuhay magisa
lalo na kung wala yung taong nagalaga sakanya, nakakasama ng mga lumang
kaibigang aso sa labas pero hinahanap padin ang amo nya, parang asong palaboy
na walang nagmamayari, sampung araw nagiisip kung paano ba mabubuhay na wala
sya. Kasi sinanay ka nya na lagi lang syang nandyan, magpapakain, magpapainom,
hihimasin ka, papaliguan, pero ngayon, wala, gusgusin ka nalang na aso na
palibot libot kung saan saan, hindi naghahanap ng bagong magaalaga, pero
gustong gustong bumalik sa may-ari, pero hindi alam kung paano. Siguro nga
natahulan ko sya sa mga oras na wala sa lugar, na wala sa mood, siguro nga
nakagat ko sya ng napakadaming beses na para malaman kung kaya nya ba itolerate
yung mga matatalim kong ngipin kahit alam nya na masakit. Ngayong huling kagat
nya, siguro nasaktan na sya ng sobra, kaya hindi na kinaya, o baka nakahanap na
sya ng mas magandang aso, na hindi sya tatahulan sa mga oras na hindi tama, na
hindi sya kakagatin kahit anong galit ng aso na iyun. Na hindi sya iiwan sa
kahit anong problema man ang harapin nya.
Napakapangit na metaphor oo! Ikumpara ba naman ang sarili sa
aso. Pero may point naman siguro ako. Sana.
Nag activate ako ng FB ko isang lingo pagkatapos ng lahat ng
mga pag eemo ko sa kwarto ko, matapos lahat ng luhang nalabas ko. Mga oras na
yun gusto ko sana ipaglaban, gusto ko sana sya kausapin, kasi kahit anong udyok
sakin ng lahat ng tao sa paligid ko, wala eh, mahal ko padin sya, Sobrang mahal
ko padin sya.
Online sya, Online ako. WALA! I asked before I even opened
my facebook, sabi ko. Please Lord, isang sign lang, isang sign lang, status or
anything, kahit mauna lang sya mag message sakin okay na, kasi alam nyang
namimiss ko sya. Kahit anong makita ko, I will really try to win him back.
After a few hours wala padin, papansin sa status, kasi
nakikita ko na online sya, but still doesn’t seem to care. I thought to myself,
I know him naman kahit papaano and throughout the course na kami, alam ko naman
paminsan kung paano nagwowork yung utak nya. Is he waiting for me to message
him? Or am I assuming again na he’s waiting for me to message him.
As usual. Hindi ko din natiis.
“Goodmorning po” sabi ko
He replied a few minutes after “Kagulat naman, when did you
reactivated?” tanong nya
“Kanina lang po” sagot ko
“Ahhh, gnun ba.
Musta na? sensya kung di naka reply agad, nanunuod ako ng
Fairy Tail eh” sagot nya saakin
Di naman sya ganun katagal nagreply pero wala lang, natuwa
ako sa message nya, na iyan nanaman ako, assuming nanaman! Pero napapangiti ako
eh, bakit ba?
We did catched up with each other. About sa kung anong
nangyayari sakanya, about sa work na inaaplyan nya, about everything siguro
except the guy that he loves right now. Ewan ko ba? I am dying to type “SOJEPH
MAHAL NA MAHAL PADIN KITA” sa chatbox pero I just can’t seem to. I don’t know
why, natatakot? No! Bakit ako matatakot? BAKIT?
Siguro natatakot nga ako, pero hindi sa ma reject nanaman
pero natatakot ako na baka naawa lang sya sakin, o baka makasira pa ako ng
relasyon nila nung bago nya. EWAN KO BA? Hindi ako ganitong tao, kasi pag mahal
ko yung isang tao, ipaglalaban ko sya alam ko sa sarili ko yun. Pero bakit
ganun? Hindi ko masabi sakanya kung ano ba talaga yung nararamdaman ko, kahit
ayaw na ng lahat ng tao sa paligid ko HINDI KO PADIN SYA MAKALIMUTAN! HINDI
PADIN.
After that wala na. Eto nanaman ako, balik nanaman sa
pagiging emo ko. Walang magawa, wala ng mailuha, nalabas ko yata lahat eh.