Monday, February 7, 2011

MODIFATE (7)- PseudoEnd




Damn na internet connection... wa kwents... sorry ngayon ko lang napost yung chapter 7.... :) sana magustuhan nyo :) This is for you guys... salamat sa lahat ng nagbubhos ng oras basahin yung mga works ko :) thank you po...

follow my blog: gabrielfads.blogspot.com
FB:gabifad@yahoo.com
_____________________________________________________________________________________
"If you are the cause of CHAOS.... You are also the answer to it..."



“Baliw ka ba?” sabi ni Kevin

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, I think na ayaw nya maniwala saakin, Putaragis, ano gagawin ko

“I’m serious, hindi ko rin alam kung anong nangyayari, please, kahit ako naguguluhan” sabi ko sakanila

“You’re Weird, sorry hindi ako nakikipagusap sa mga taong weirdo!” sabi ni Kevin sabay mabilis na umalis sa office na kinaroroonan naming tatlo nila Robi

“Ako I believe you po” sabi ni Robi


“Thank you…. Hindi ko din alam kung paano ko sosolusyunan ‘to, basta, nangyayari lahat ng mga yon” mangiyak ngiyak kong sabi kay Robi


“Here’s my number po, just text me mamaya, I really have to go kasi, may kailangan akong gawin, pero I really want to know what’s happening” sabi ni Robi

Umalis narin sya pagkabigay nya saakin ng number nya, he left me na nakatanga ako sa isang upuan, hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga ito ngayon, Si Lance, Si Karl, Si Jed, lahat ng mga character sa story ko na pinatay ko sa dulo, namatay din sa tunay na mundo… sa kaprehong istorya, sa kaparehong dahilan, at ang pakiramdam ko, kasalanan ko lahat, kasi lahat ng isunulat kong istorya, bigla nalang nagkakatotoo. What am I gonna do? Ngayong nandito na lahat ng clues na pwede ko hingiin, lahat as in lahat ng details sa story, iyung iyon, kung paano ko sila inisip, kung paano ko sila ginawa, ang hindi ko lang alam, kung paano sila nagkakatotoo. Fuck! I don’t know what to do.

Mabilis naman akong bumalik sa nurse station at naabutan ko si Arvin na nag pe-prepare ng medications

“Bino, putangina talaga…. Putangina best” pabulong kong sabi kay Arvin

“Huy! Nababaliw ka nanaman! Ano problema mo? May gwapo? Haha? Nagkakaganyan ka nanaman!” sabi ni Arvin saakin

“Best….” Sabi ko sakanya…. Agad naman akong naluha dulot narin sa mga kaganapan na hindi ko talaga alam kung bakit nangyayari. Putaninga, I wanted to cry, I wanted to let my emotions out. Imposible kasing co-incidence na eh, kasi hindi na pwedeng ganun lang, kasi na presenta na saakin lahat ng detalye, at kung ano ang nakasulat sa blog ko iyun ang mga nangyayari

“Hey, hey… What’s wrong…. Best” sabi ni Arvin sabay hawak sa may mga balikat ko at hinatak nya naman ako at iniupo sa isang upuan sa sulok ng station “Hey! Gab! What’s wrong…?” tanong nyang muli

“Best…. Best… nababaliw na ako…. Hindi ko alam… hindi ko alam…. “ patuloy pa din ako sa pag iyak dahilan na din na hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako eh hindi naman saakin nangyayari… nakakakonsensya lang… na ako! Ako! Ako ang dahilan kung bakit may mga taong umiiyak sa mundo, may mga taong namamatayan ng hindi dahil ginusto ng Diyos, kundi dahil lang sa mga simpleng istoryang isinusulat ko.

“What’s happening, di kita magets best… sabihin mo sakin… bestfriend mo nga ako diba? Diba? What’s wrong Gab?” tanong ni Arvin

“Arvin… naalala mo yung… yung pinuntahan natin… yung kay Jaenily?” tanong ko sakanya

“Oo… oh? What about that?” tanong nya naman pabalik saakin

Ipinaliwanang ko kay Arvin ang mga natuklasan ko kani kanina lang, yung pagkamatay ni Karl dahil sa cancer, si Karl yung model sa storya kong LOVE FOR LIFE. At yung nag cardiac arrest kahapon sa hospital na si Jed, na nasa istorya kong LET IT FALL.

“Best! Nandito lang ako okay? I’ll be with you the whole time, We’ll figure this out best” sabi ni Arvin sakin

“Thanks best, di ko na alam kung ano yung gagawin ko… Best… namamatay na sila isa isa… best…” umiiyak ko paring sabi kay Arvin

“Wait, mag out na tayo, we have to figure things out, we’ll solve this, I have a plan” sabi ni Arvin saakin

Nag out kami ng maaga sa duty namin at nagdahilan nalang kami na may emergency sa pamilya nila Arvin at pati sa amin, kaya’t kailangan naming mag undertime at umuwi ng 8:30 ng gabi

Pagkadating namin sa bahay ay umupo lang ako sa couch sa may sala at tumitig ako sa bintana patungo sa kawalan. Agad naman akong pinuna ni Arvin at hinawakan nya ang kamay ko

“Best! I know mahirap, pero… I want you to know that we’re in this together. Okay?” sabi niya saakin

“Thank you Arvin… Thank you….” Yun laang ang nasabi ko sakanya, ewan ko kung papaano nya ako matutulungan sa mga nangyayari ngayon pero nagpapasalamat nalang ako sa suporta nyang binibigay para kahit papaano ay mapagaan nya ang mga nararamdaman ko

“Best? Pahiram ako ng laptop” sabi nya saakin

“Bakit?” tanong ko sakanya

“Basta!” sabi nya

Ipinakuha ko naman sakanya ang laptop ko sa kwarto at pagkakuha nya ay agad syang kumonekta sa WiFi at nakita ko na tina type nya ang website ng blogspot ko.

“What are you doing?” tanong ko sakanya

“Titignan ko kung ano yung magagawa natin” sabi niya

“How? Paano? Ayoko na… ayoko na dahil sakin at dahil sa mga isinulat ko, may mga namamatay” sabi ko sakanya

“May naisip ako” sabi ni Arvin

“Ano?” tanong ko naman sakanya

“Hindi ba lahat lang ng nakasulat dito ang nangyayari, kasi diba may nauna ka pang story sa Love for Life? Tapos hindi mo na publish?” tanong ni Arvin saakin

“Yung Tremors” sagot k okay Arvin, oo nga, nauna pa yung storya kong tremors sa Love for life pero ang alam ko palang na namamatay ay si Karl, ang nasa storya kong Love For Life

“Iyun nga! Pero hindi naman nangyari diba? Kasi… wala sya sa blog mo… lahat lang ng naandito ang mga nangyayari” sabi ni Arvin

“Best! Hindi natin alam! Malay mo nangyari yung Tremors sa ibang parte ng Pilipinas! Or worst, sa ibang parte ng mundo… hindi natin alam best” sabi ko sakanya

“Pero Gab! Isipin mo! Bakit lahat ng mga namamatay, yung tadhana mismo yung nagpapakita satin na nagyari sakanila yun, ibig sabihin best! Gusto ng tadhana! May gawin tayo sa mga nangyayari, kasi ipinapakita nya satin lahat ngayon” payo ni Arvin

“Oh sige sige! Ano naman magagawa natin kung sakaling ganun nga?” tanong k okay Arvin

“Naisip ko, burahin natin yung mga storya sa blog! Baka iyun yung makatulong, baka huminto yung mga nangyayari” sabi ni Arvin saakin

Naisip ko na baka nga, bakit hindi namin subukan, namatay na si Karl, si Jed at si Lance, hihintayin ko pa ba na mamatay ang mga iba pang tao sa istorya ko. Hindi na… hindi na talaga

“Sige Arvin, kung yun yung naiisip mong paraan, subukan natin, para matapos na ito” sabi ko kay Arvin

Binura na naming lahat ng kailangan mabura, every single post ng mga istoryta sa blog ko ay binura namin, kasabay ng pagbura namin ng mga storya ay ang pag asa ng pagkabura ng mga masasamang nagaganap sa buhay namin.

Simple lang pala ang solusyon ng lahat, isang bura lang pala, ganun lang kadali, nabuhay muli kami ng normal ni Arvin, pumapasok sa duty, hinihintay kong muli ang pagkakaroon ng photoshoot nila Ron, kasi matagal ko na syang hindi nakikita, sandaling ginulo ng pagkakataon ang buhay ko at ni Arvin pero I’m glad this is over

Ganun parin ang buhay namin ni Arvin, araw araw magkasama kami sa duty, nag aassist sa mga doctor, nagbibigay ng alaga namin sa mga taong nangangailangan nito.

“Gab!” sigaw saakin ni Arvin

“Yeah?” sigaw ko pabalik

“Tara dito” sabi ni Arvin saakin

Pumunta ako kay Arvin at nadatnan ko sa kwartong kinroroonan ni Arvin ang dalawang lalaki na mukhang mag syota at ang isang may edad na babaeng nakahilata sa kama, ang alam ko ay Gastro Enteritis ang kaso ng babae

“Oh? Bakit Arvin?” tanong ko sakanya

Hinatak ako ni Arvin palabas ng kwarto at nakangiti sya saakin

“I heard the two guys talking” sabi ni Arvin saakin

“Oh ano pinaguusapan?” tanong ko sakanya

“Narinig ko na Mico pareho tawag nila sa isa’t isa” sabi ni Arvin

“Oh? Ano naman?” tanong ko sakanya

“Yung story mo na LIGHT RAIL LOVE, diba Mico pareho pangalan nila, ang narinig ko rin na pinaguusapan nila yung pagbalik nung isang Mico galing sa ibang bansa, at sa masayang pagkikita nila” tsismis ni Arvin

“Tsismoso! Oh? Bakit nanaman? Ang storyang LIGHT RAIL LOVE ay kasunod ng LOVE FOR LIFE, so siguro ngayon lang natin nalaman na nangyari yung story ko sakanila” sagot k okay Arvin

“Yun yung point ko! Hindi lang yung mga namamatay yung nagkakatotoo, pati yung mga storya mong may happy ending” sabi ni Arvin

I then gave a small smile and thought of the thing na sinabi ni Arvin… Akala ko nung una lahat lang ng mga namamatay ang mga nagkakatotoo, pero pati pala yung mga happy ending na storya ko, nagkakatotoo din pala. It was nice to know that, kung alam ko lang na ganun yung nangyayari, edi yung mga storyang may namatay lang yung dinelete namin ni Arvin, siguro mas masaya yung pakiramdam ng may mga taong ako naman yung dahilan ng pagkatagpo nila sa mga tunay na magmamahal at mamahalin nila


Everything’s alright…. Everythings back to Normal….



















That’s what I thought….

It was after at least 2 weeks I received a text from Robi

“Sir! This is Robi, I want to know sana kung ano yung mga nangyayari, I really don’t know, I brought Kevin and Andrei, and I think you know Andrei too, naikwento nya sakin na nag meet na kayo, I think may alam din kayo about sa kaso ni Andrei, please meet us up sa may Tomas Morato” sabi ni Robi

Kinabahan ako sa text ni Robi, I was thinking kung ano ba nangyayari sakanila, alam na alam ko yung nangyari sa LET IT FALL ON THE LOVE FOR REVERIE kong storya, isang mash-up ng buhay ni Kevin sa LOVE FOR LIFE, Robin g LET IT FALL at Andrei ng REVERIE, tatlong taong nawalan na minamahal dahil lahat sila binawi na ng Diyos na maykapal, and sad to know silang tatlo yung tatlo sa mga tao na pinaiyak ko, binigyan ko ng problema, nasaktan ko… I thought tapos na ‘tong lahat, I thought nawala na lahat ng mga masasamang nangyari dahil sa binura na namin lahat ng storya sa blog ko…

… Pero Mali pala ako… hindi pala ganun kadali yung solusyon

4 comments:

  1. I want to post this sana sa Facebook wall mo, pero nahihiya ako: "Just because you don't have a valentine doesn't mean you're not loved."

    I guess i still don't have the courage to make you feel special :-)

    ReplyDelete
  2. Being single, doesn't mean to be alone. It means to wait for someone while laughing with others. Stay happy! I will always wish for your happiness :-)

    ReplyDelete
  3. I know that you're not at your best state right now. If you would allow me, I would like to give you a friendly hug. Just to ease the loneliness inside you :-)

    http://www.arfamilies.org/health_nutrition/aging/hugs.pdf

    ReplyDelete
  4. wala pa po ba next chapter?
    plz post n po. tnx

    akie

    ReplyDelete