Thursday, February 3, 2011

MODIFATE (6)- The Inevitable Truth




Okay.... eto na ang chapter 6... sana magustuhan nyo guys...as usual late nanaman ng ilanga hours yung post... hehehe... siguro nga super maapreciate nyo yung story kung nabasa mo lahat ng mga stories ko... hahaha wala lang. pero I make sure naman na maiintindihan without reading the other stories

NOTE: hindi ko pala sya napost kagabi Im so sorry, nakita ko naka draft lang.... Im so so so so sorry :( eto post ko na!
_____________________________________________________________________________________
"Death- that one appointment we all must keep and for which no time is set"


Biglang bumalik ang katinuan ko sa tunay na mundo ng tinapik ako ni Arvin sa likuran

“Best! Nakatulala ka! Baket?” tanong ni Arvin sakin

“Ahhhh, wala… may naalala lang ako… Arvin… alam mo yung story ko na REVERIE diba?” tanong ko kay Arvin

“Oo… yung sa mall, nadumugan ng kotse, tapos…” biglang napahinto si Arvin sa pagsasalita at parang naintindihan nya ang ibig kong sabihin “What…. The…. Heck….” Sabi ni Arvin

“Oo…. I know… diba?” tanong kong muli sakanya… bigla akong napatingin kay Andrei at hindi ko mapigil ang sarili kong itanong sakanya na “Is your name John Andrei David?” tanong ko sa bagong kakilala naming

“Paano nyo po nalaman?” laking gulat ni Andrei

“This is weird…. This is really weird…. Wait”

Tumakbo lang ako… papalayo, parang kung anong biro ‘tong nangyayari ngayon, what the FUCK! Bakit ganun? Bakit ganung ganun yung mga nangyayari, shit! Tangina talaga. Maya maya ay sumunod nadin saakin si Arvin at agad nya akong nakita na nakatayo lang at nakasandal sa kotse ko

“Hey! Wag mo masyado isipin Gab, maybe, coincidence lang…. o baka naman…. Basta… I’m sure hindi naman ganun yun, basta! Wag mo na isipin yun Gab” sabi ni Arvin sakin

“What the hell naman kasi Arvin, iyung iyun, kung ano yung nasa story, iyun din…. What the heck… putangina… Arvin, bakit ganun, bakit parang takot na takot ako… bakit parang…. Pa…rang…. Ahhhhhhhhh PUTANGINA!!!!” sabay napadulas nalang ako dahan dahan paupo, lumuhod si Arvin para yakapin ako at i-comfort, I wanted to cry pero sobrang natatakot ako, parang mas natatalo nung takot yung pagtulo ng mga luha ko

“Gab! Kung ano man yan, nandito lang ako para sa’yo… okay? Wag mo isipin yun… wag” sabi ni Arvin saakin

Itinayo nya ako ng parang bata at sumakay kami sa kotse papauwi… hindi ko alam kung ano ang iisipin ko… may konekta ba ‘to sa halos araw araw na napapanaginipan ko? What the fuck! Tangina talaga…

Wala ako sa sarili buong gabi, pinagsisilbihan ako ni Arvin na para bang utang nya saakin ang buhay nya… Hayyyy… hindi talaga ako nagkamali sa bestfriend ko…. Hindi talaga… Arvin Thank you… Thank you… thank you…. Salamat…

Hindi ko napansin na nakatulog narin pala ako…

Pagkagising ko nalang, nakatirik na sa muka ko ang araw, at nakaupo si Arvin sa sofa na di kalyuan sa kama at nakatingin saakin

“Hey! Good morning” sabi ni Arvin saakin

“Goodmorning… Thanks… kagabi…” pasalamat ko kay Arvin

“Tigilan mo nga ako Gab… bestfriend mo ako… di mo kailangan magpasalamat” sabi nya habang malalim na nakatitig sa mga mata ko at nakangiti. “Best! Check the time, 12 na… duty pa natin ng 2…” sabi ni Arvin

Agad naman akong naghanda ng sarili ko para sa duty ko… Shit bigla kong naalala yung nangyari kagabi, at bigla ko ring napansin na hindi ko napanaginipan yung lagi kong napapanag inipan, that is so weird, pero siguro nga coincidence lang yun… pero hindi ko alam kung bakit hindi mawala yung takot, hindi ko maiwasang isipin na may kababalaghang nangyayari sa buhay ko… hay…. Di bale sabi nga nila, iwanan mo lahat ng problema mo pag nasa duty ka… kasi ang mga pasyente ang priority mo.

Sabay kaming pumasok ni Arvin, wala na ang pagkalutang ng utak ko, ready to take care of my patients, fresh, mamaya ko nalang poproblemahin yung mga problema ko. Pagdating sa Hospital ay agad naman kaming nag take ng Vital signs ng mga pasyente at nag charting, nagbigay ng meds, ward nurses lang ngayon hahaha, pa easy easy muna ng malayo sa ER.

Ng mag 6 na ng gabi ay nag aya na si Arvin na kumaen kami ng dinner, as usual sa canteen ng hospital, descent naman yung lasa ng pagkain, masarap, kaya okay narin na nadun kami, order ng chicken Adobo, 2 rice, at sprite na 12 oz. Haaay solb na ako dito. Habang kumakain kami ni Arvin ay todo ang ngiti nya saakin na para bang nangiinis…

“Oh? Ano nanaman yung nginingiti ngiti mo dyan?” tanong k okay Arvin

“Hahaha!” at tumawa lang ang loko

“WHHHAAAT?” pabirong pagalit na tanong ko sakanya

“Ang ingay nyo kasi” sabi nya

“Ha? Ano?” tanong ko sakanya. Ano nanaman yung pinagsasabi nitong kupal na to!

“Kagabi, bago ako dumating, rinig na rinig kayo sa hallway” sagot nya

“Hala! Ano yun?” tanong kong muli sakanya na parang nag tatanga tangahan

“Painosente! Hahahaha” sabi nya sabay halakhak ng malakas

“Oh? Inggit ka?” hindi ko na ideneny sakanya dahil bestfriend ko naman sya, oh sige na sya na yung nakarinig, nakakahiya rinig pala sa labas yung ungol ko tsaka ni Ron, hahaha, putakte, speaking of Ron, hindi parin sya nag tetext, naiinis na ako, text ako ng text di naman nag rereply, baka busy? Baka may ibang gusto? Baka hindi nya na ako gusto? O baka nawala phone? O baka ewan, syet naman! Bakit di pa sya nagtetext…. Iiiiihhhhhhhhh

“Ayiiiii! Sarap mo mag moan best” pabirong sabi nya “Hahahaha”

“Inggit! Di mo kasi ako natikman!” sagot ko sakanya

“Got no plans” mayabang nyang sagot

“Bleh! Inggit” pangungutyang sabi ko

Pagkatapos naming mag asaran at kuamin ng hapunan ay umakyat na kami para narin makapagtrabahong muli… Eto nanaman Vital signs, bigay ng medications, Mag charting, mag regulate ng IV, mag ayos ng mga nag back flow, hala! Basta, maya maya ay may isang lalaki na napansin ko na nakatayo samay harap ng station namin, agad ko naman syang nilapitan kasi gwapo, ay joke lang, kasi mukhang may kailangan

“Ano po yun Sir?” tanong ko sa lalaki

“Ahhhh, san po ba kumukuha dito ng death certificates?” tanong ng lalaki

“Ahhh tara po samahan ko kayo” sabi ko sakanya

Cute! Sige nga samahan ko, baka ma-develop, hahaha joke, sinamahan ko nalang sya kung san nya makukuha yung death certificate at tinanong naman sya ng staff dun kung kalian namatay ang pasyente

“Kagabi lang po” sabi ng lalaki

“Ahhh pangalan po?” sabi ng naka duty na staff nurse

“Jedrich Sarmiento po” sabi ng lalaki

Pagkatapos ay may isa nanamang gwapong lalaki ang pumasok sa may office na yun at mukhang may aayusin din doon

“Miss dito po ba yung kuhanan ng Death certificates?” tanong na kadadating lang na lalaki

“Opo! Dito po Sir, pangalan po?” tanong ng Nurse

“Karl john Ronquillo po” sabi ng kadadating na lalaki

Bigla ko nanamang naisip yung mga stories ko, yung Love for life at yung Let it fall, kaparehas nanaman ng pangalan, pero nga pala yung sa Reverie coincidence lang naman talaga siguro yung, imposible naman na yung dalawang lalaki na to ay nagngangalang Kevin at Robi. Imposible

Nataranta ako hindi ko alam kung bakit


Parang gusto ko tanungin sakanila yung pangalan nila…


Parang may nagtutulak saakin na gawin ko yun


Hanngang hindi ko na mapigilan ang sarili ko



“Kayo si Kevin tska si Robi?” tanong ko sa dalawang lalaki

“Oo” sabay naman nilang sagot

“Paano mo nalaman?” tanong nung Robi

“Ahhh, basta…. Ahhhh shit! Tangina…. Can we talk?” tanong ko sa dalawa

“Sorry marami pa akong gagawin eh Kuya, pasensya na po “ sabi ni Kevin

“Sorry din may kailangan pa ako ayusin” sabi naman ni Robi

Ahhhhh, ano ba yan, kailangan ko malaman kung sila nga itong dalawang ito, at bakit parang nangyayari nanaman ang coincidence daw na nangyari last night kila Andrei…. Shet!

“Please! Kahit sandal lang, please lang” sabi ko sakanila

Pumayag naman nila na hingin ko ang oras nila kahit sandal lang at tinanong ko ang mga tanong na hindi ko alam kung bakit gusto kong itanong sakanila

“Your Kevin right? Isa kang Photographer?” tanong ko kay Kevin

“Oo, wow! Manghuhula ka ba? Kanina pangalan ko! Ngayon profession ko?” tanong niya

“No… no… basta… Boyfriend mo si Karl right? And he died because of cancer? Nagkakilala kayo sa isang shoot nyo for a clothing company, tapos you fell in love with each other?” tanong ko sakanya

Hindi naman nakasagot ang lalaki at tumingin lang saakin na parang nagtataka, I did not waste my time I asked Robi about some other stuffs about sa story ko na Let it fall

“Your Robi? Right? And you hated the rain…. Dati? Pero Jed made you realize na kailangan natin ang ulan… and then he died out of a heart failure…? Right?” tanong ko sakanya

Sanadaling tumulala saakin si Robi at parang nagtataka na alam ko ang mga bagay bagay na iyon. Then after sometime he spoke

“How did you know that?” nagatatakang tanong ni Robi

“It’s hard to explain, pero…. Sobrang hirap talaga, baka hindi kayo maniwala sa sasabihin ko…. Lahat ng nangyayari sainyo… naisulat ko na sa Blog ko…” seryosong sabi ko sakanila

Sandaling bumalik lahat ng mga problema ko saakin.. Shit what is happening? Bakit lahat ng mga namatay sa mga naisulat ko sa Blog ko, namatay nga, at hindi lang yun, lahat ng characters na kasama nung mga namatay na iyun, totoo, what the hell…. Hindi ko maintindihan lahat ng ‘to, I want to get crazy pero hindi ko magawa... I’m already too crazy para maging crazy pa lalo… PUTANGINA…

Ano yung nangyayari… Hindi ko maintindihan…


(to be continued....)

3 comments:

  1. Gab, :( itong chapter na ito. Malungkot na di ko mawari at walang excitement. Mabuti pa yung sinundan nito talagang parang halos la...an ka na. LOLz.

    ReplyDelete
  2. CV's comment

    ako natatawa, hehehehe
    kasi si ron ma********* tapos ma ******* kasi aaanuhin ni 6@8 ung nae $^^%^%^ nya sa $%^$%#$ nya hehehehe

    ReplyDelete
  3. ang next ba na mangyayari... mamamatay si ron?..
    kc nmn nagkakatotoo yung mga kwento nyo...

    prince mc

    ReplyDelete