Monday, February 7, 2011

MODIFATE (7)- PseudoEnd




Damn na internet connection... wa kwents... sorry ngayon ko lang napost yung chapter 7.... :) sana magustuhan nyo :) This is for you guys... salamat sa lahat ng nagbubhos ng oras basahin yung mga works ko :) thank you po...

follow my blog: gabrielfads.blogspot.com
FB:gabifad@yahoo.com
_____________________________________________________________________________________
"If you are the cause of CHAOS.... You are also the answer to it..."



“Baliw ka ba?” sabi ni Kevin

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, I think na ayaw nya maniwala saakin, Putaragis, ano gagawin ko

“I’m serious, hindi ko rin alam kung anong nangyayari, please, kahit ako naguguluhan” sabi ko sakanila

“You’re Weird, sorry hindi ako nakikipagusap sa mga taong weirdo!” sabi ni Kevin sabay mabilis na umalis sa office na kinaroroonan naming tatlo nila Robi

“Ako I believe you po” sabi ni Robi


“Thank you…. Hindi ko din alam kung paano ko sosolusyunan ‘to, basta, nangyayari lahat ng mga yon” mangiyak ngiyak kong sabi kay Robi


“Here’s my number po, just text me mamaya, I really have to go kasi, may kailangan akong gawin, pero I really want to know what’s happening” sabi ni Robi

Umalis narin sya pagkabigay nya saakin ng number nya, he left me na nakatanga ako sa isang upuan, hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga ito ngayon, Si Lance, Si Karl, Si Jed, lahat ng mga character sa story ko na pinatay ko sa dulo, namatay din sa tunay na mundo… sa kaprehong istorya, sa kaparehong dahilan, at ang pakiramdam ko, kasalanan ko lahat, kasi lahat ng isunulat kong istorya, bigla nalang nagkakatotoo. What am I gonna do? Ngayong nandito na lahat ng clues na pwede ko hingiin, lahat as in lahat ng details sa story, iyung iyon, kung paano ko sila inisip, kung paano ko sila ginawa, ang hindi ko lang alam, kung paano sila nagkakatotoo. Fuck! I don’t know what to do.

Mabilis naman akong bumalik sa nurse station at naabutan ko si Arvin na nag pe-prepare ng medications

“Bino, putangina talaga…. Putangina best” pabulong kong sabi kay Arvin

“Huy! Nababaliw ka nanaman! Ano problema mo? May gwapo? Haha? Nagkakaganyan ka nanaman!” sabi ni Arvin saakin

“Best….” Sabi ko sakanya…. Agad naman akong naluha dulot narin sa mga kaganapan na hindi ko talaga alam kung bakit nangyayari. Putaninga, I wanted to cry, I wanted to let my emotions out. Imposible kasing co-incidence na eh, kasi hindi na pwedeng ganun lang, kasi na presenta na saakin lahat ng detalye, at kung ano ang nakasulat sa blog ko iyun ang mga nangyayari

“Hey, hey… What’s wrong…. Best” sabi ni Arvin sabay hawak sa may mga balikat ko at hinatak nya naman ako at iniupo sa isang upuan sa sulok ng station “Hey! Gab! What’s wrong…?” tanong nyang muli

“Best…. Best… nababaliw na ako…. Hindi ko alam… hindi ko alam…. “ patuloy pa din ako sa pag iyak dahilan na din na hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako eh hindi naman saakin nangyayari… nakakakonsensya lang… na ako! Ako! Ako ang dahilan kung bakit may mga taong umiiyak sa mundo, may mga taong namamatayan ng hindi dahil ginusto ng Diyos, kundi dahil lang sa mga simpleng istoryang isinusulat ko.

“What’s happening, di kita magets best… sabihin mo sakin… bestfriend mo nga ako diba? Diba? What’s wrong Gab?” tanong ni Arvin

“Arvin… naalala mo yung… yung pinuntahan natin… yung kay Jaenily?” tanong ko sakanya

“Oo… oh? What about that?” tanong nya naman pabalik saakin

Ipinaliwanang ko kay Arvin ang mga natuklasan ko kani kanina lang, yung pagkamatay ni Karl dahil sa cancer, si Karl yung model sa storya kong LOVE FOR LIFE. At yung nag cardiac arrest kahapon sa hospital na si Jed, na nasa istorya kong LET IT FALL.

“Best! Nandito lang ako okay? I’ll be with you the whole time, We’ll figure this out best” sabi ni Arvin sakin

“Thanks best, di ko na alam kung ano yung gagawin ko… Best… namamatay na sila isa isa… best…” umiiyak ko paring sabi kay Arvin

“Wait, mag out na tayo, we have to figure things out, we’ll solve this, I have a plan” sabi ni Arvin saakin

Nag out kami ng maaga sa duty namin at nagdahilan nalang kami na may emergency sa pamilya nila Arvin at pati sa amin, kaya’t kailangan naming mag undertime at umuwi ng 8:30 ng gabi

Pagkadating namin sa bahay ay umupo lang ako sa couch sa may sala at tumitig ako sa bintana patungo sa kawalan. Agad naman akong pinuna ni Arvin at hinawakan nya ang kamay ko

“Best! I know mahirap, pero… I want you to know that we’re in this together. Okay?” sabi niya saakin

“Thank you Arvin… Thank you….” Yun laang ang nasabi ko sakanya, ewan ko kung papaano nya ako matutulungan sa mga nangyayari ngayon pero nagpapasalamat nalang ako sa suporta nyang binibigay para kahit papaano ay mapagaan nya ang mga nararamdaman ko

“Best? Pahiram ako ng laptop” sabi nya saakin

“Bakit?” tanong ko sakanya

“Basta!” sabi nya

Ipinakuha ko naman sakanya ang laptop ko sa kwarto at pagkakuha nya ay agad syang kumonekta sa WiFi at nakita ko na tina type nya ang website ng blogspot ko.

“What are you doing?” tanong ko sakanya

“Titignan ko kung ano yung magagawa natin” sabi niya

“How? Paano? Ayoko na… ayoko na dahil sakin at dahil sa mga isinulat ko, may mga namamatay” sabi ko sakanya

“May naisip ako” sabi ni Arvin

“Ano?” tanong ko naman sakanya

“Hindi ba lahat lang ng nakasulat dito ang nangyayari, kasi diba may nauna ka pang story sa Love for Life? Tapos hindi mo na publish?” tanong ni Arvin saakin

“Yung Tremors” sagot k okay Arvin, oo nga, nauna pa yung storya kong tremors sa Love for life pero ang alam ko palang na namamatay ay si Karl, ang nasa storya kong Love For Life

“Iyun nga! Pero hindi naman nangyari diba? Kasi… wala sya sa blog mo… lahat lang ng naandito ang mga nangyayari” sabi ni Arvin

“Best! Hindi natin alam! Malay mo nangyari yung Tremors sa ibang parte ng Pilipinas! Or worst, sa ibang parte ng mundo… hindi natin alam best” sabi ko sakanya

“Pero Gab! Isipin mo! Bakit lahat ng mga namamatay, yung tadhana mismo yung nagpapakita satin na nagyari sakanila yun, ibig sabihin best! Gusto ng tadhana! May gawin tayo sa mga nangyayari, kasi ipinapakita nya satin lahat ngayon” payo ni Arvin

“Oh sige sige! Ano naman magagawa natin kung sakaling ganun nga?” tanong k okay Arvin

“Naisip ko, burahin natin yung mga storya sa blog! Baka iyun yung makatulong, baka huminto yung mga nangyayari” sabi ni Arvin saakin

Naisip ko na baka nga, bakit hindi namin subukan, namatay na si Karl, si Jed at si Lance, hihintayin ko pa ba na mamatay ang mga iba pang tao sa istorya ko. Hindi na… hindi na talaga

“Sige Arvin, kung yun yung naiisip mong paraan, subukan natin, para matapos na ito” sabi ko kay Arvin

Binura na naming lahat ng kailangan mabura, every single post ng mga istoryta sa blog ko ay binura namin, kasabay ng pagbura namin ng mga storya ay ang pag asa ng pagkabura ng mga masasamang nagaganap sa buhay namin.

Simple lang pala ang solusyon ng lahat, isang bura lang pala, ganun lang kadali, nabuhay muli kami ng normal ni Arvin, pumapasok sa duty, hinihintay kong muli ang pagkakaroon ng photoshoot nila Ron, kasi matagal ko na syang hindi nakikita, sandaling ginulo ng pagkakataon ang buhay ko at ni Arvin pero I’m glad this is over

Ganun parin ang buhay namin ni Arvin, araw araw magkasama kami sa duty, nag aassist sa mga doctor, nagbibigay ng alaga namin sa mga taong nangangailangan nito.

“Gab!” sigaw saakin ni Arvin

“Yeah?” sigaw ko pabalik

“Tara dito” sabi ni Arvin saakin

Pumunta ako kay Arvin at nadatnan ko sa kwartong kinroroonan ni Arvin ang dalawang lalaki na mukhang mag syota at ang isang may edad na babaeng nakahilata sa kama, ang alam ko ay Gastro Enteritis ang kaso ng babae

“Oh? Bakit Arvin?” tanong ko sakanya

Hinatak ako ni Arvin palabas ng kwarto at nakangiti sya saakin

“I heard the two guys talking” sabi ni Arvin saakin

“Oh ano pinaguusapan?” tanong ko sakanya

“Narinig ko na Mico pareho tawag nila sa isa’t isa” sabi ni Arvin

“Oh? Ano naman?” tanong ko sakanya

“Yung story mo na LIGHT RAIL LOVE, diba Mico pareho pangalan nila, ang narinig ko rin na pinaguusapan nila yung pagbalik nung isang Mico galing sa ibang bansa, at sa masayang pagkikita nila” tsismis ni Arvin

“Tsismoso! Oh? Bakit nanaman? Ang storyang LIGHT RAIL LOVE ay kasunod ng LOVE FOR LIFE, so siguro ngayon lang natin nalaman na nangyari yung story ko sakanila” sagot k okay Arvin

“Yun yung point ko! Hindi lang yung mga namamatay yung nagkakatotoo, pati yung mga storya mong may happy ending” sabi ni Arvin

I then gave a small smile and thought of the thing na sinabi ni Arvin… Akala ko nung una lahat lang ng mga namamatay ang mga nagkakatotoo, pero pati pala yung mga happy ending na storya ko, nagkakatotoo din pala. It was nice to know that, kung alam ko lang na ganun yung nangyayari, edi yung mga storyang may namatay lang yung dinelete namin ni Arvin, siguro mas masaya yung pakiramdam ng may mga taong ako naman yung dahilan ng pagkatagpo nila sa mga tunay na magmamahal at mamahalin nila


Everything’s alright…. Everythings back to Normal….



















That’s what I thought….

It was after at least 2 weeks I received a text from Robi

“Sir! This is Robi, I want to know sana kung ano yung mga nangyayari, I really don’t know, I brought Kevin and Andrei, and I think you know Andrei too, naikwento nya sakin na nag meet na kayo, I think may alam din kayo about sa kaso ni Andrei, please meet us up sa may Tomas Morato” sabi ni Robi

Kinabahan ako sa text ni Robi, I was thinking kung ano ba nangyayari sakanila, alam na alam ko yung nangyari sa LET IT FALL ON THE LOVE FOR REVERIE kong storya, isang mash-up ng buhay ni Kevin sa LOVE FOR LIFE, Robin g LET IT FALL at Andrei ng REVERIE, tatlong taong nawalan na minamahal dahil lahat sila binawi na ng Diyos na maykapal, and sad to know silang tatlo yung tatlo sa mga tao na pinaiyak ko, binigyan ko ng problema, nasaktan ko… I thought tapos na ‘tong lahat, I thought nawala na lahat ng mga masasamang nangyari dahil sa binura na namin lahat ng storya sa blog ko…

… Pero Mali pala ako… hindi pala ganun kadali yung solusyon

Thursday, February 3, 2011

MODIFATE (6)- The Inevitable Truth




Okay.... eto na ang chapter 6... sana magustuhan nyo guys...as usual late nanaman ng ilanga hours yung post... hehehe... siguro nga super maapreciate nyo yung story kung nabasa mo lahat ng mga stories ko... hahaha wala lang. pero I make sure naman na maiintindihan without reading the other stories

NOTE: hindi ko pala sya napost kagabi Im so sorry, nakita ko naka draft lang.... Im so so so so sorry :( eto post ko na!
_____________________________________________________________________________________
"Death- that one appointment we all must keep and for which no time is set"


Biglang bumalik ang katinuan ko sa tunay na mundo ng tinapik ako ni Arvin sa likuran

“Best! Nakatulala ka! Baket?” tanong ni Arvin sakin

“Ahhhh, wala… may naalala lang ako… Arvin… alam mo yung story ko na REVERIE diba?” tanong ko kay Arvin

“Oo… yung sa mall, nadumugan ng kotse, tapos…” biglang napahinto si Arvin sa pagsasalita at parang naintindihan nya ang ibig kong sabihin “What…. The…. Heck….” Sabi ni Arvin

“Oo…. I know… diba?” tanong kong muli sakanya… bigla akong napatingin kay Andrei at hindi ko mapigil ang sarili kong itanong sakanya na “Is your name John Andrei David?” tanong ko sa bagong kakilala naming

“Paano nyo po nalaman?” laking gulat ni Andrei

“This is weird…. This is really weird…. Wait”

Tumakbo lang ako… papalayo, parang kung anong biro ‘tong nangyayari ngayon, what the FUCK! Bakit ganun? Bakit ganung ganun yung mga nangyayari, shit! Tangina talaga. Maya maya ay sumunod nadin saakin si Arvin at agad nya akong nakita na nakatayo lang at nakasandal sa kotse ko

“Hey! Wag mo masyado isipin Gab, maybe, coincidence lang…. o baka naman…. Basta… I’m sure hindi naman ganun yun, basta! Wag mo na isipin yun Gab” sabi ni Arvin sakin

“What the hell naman kasi Arvin, iyung iyun, kung ano yung nasa story, iyun din…. What the heck… putangina… Arvin, bakit ganun, bakit parang takot na takot ako… bakit parang…. Pa…rang…. Ahhhhhhhhh PUTANGINA!!!!” sabay napadulas nalang ako dahan dahan paupo, lumuhod si Arvin para yakapin ako at i-comfort, I wanted to cry pero sobrang natatakot ako, parang mas natatalo nung takot yung pagtulo ng mga luha ko

“Gab! Kung ano man yan, nandito lang ako para sa’yo… okay? Wag mo isipin yun… wag” sabi ni Arvin saakin

Itinayo nya ako ng parang bata at sumakay kami sa kotse papauwi… hindi ko alam kung ano ang iisipin ko… may konekta ba ‘to sa halos araw araw na napapanaginipan ko? What the fuck! Tangina talaga…

Wala ako sa sarili buong gabi, pinagsisilbihan ako ni Arvin na para bang utang nya saakin ang buhay nya… Hayyyy… hindi talaga ako nagkamali sa bestfriend ko…. Hindi talaga… Arvin Thank you… Thank you… thank you…. Salamat…

Hindi ko napansin na nakatulog narin pala ako…

Pagkagising ko nalang, nakatirik na sa muka ko ang araw, at nakaupo si Arvin sa sofa na di kalyuan sa kama at nakatingin saakin

“Hey! Good morning” sabi ni Arvin saakin

“Goodmorning… Thanks… kagabi…” pasalamat ko kay Arvin

“Tigilan mo nga ako Gab… bestfriend mo ako… di mo kailangan magpasalamat” sabi nya habang malalim na nakatitig sa mga mata ko at nakangiti. “Best! Check the time, 12 na… duty pa natin ng 2…” sabi ni Arvin

Agad naman akong naghanda ng sarili ko para sa duty ko… Shit bigla kong naalala yung nangyari kagabi, at bigla ko ring napansin na hindi ko napanaginipan yung lagi kong napapanag inipan, that is so weird, pero siguro nga coincidence lang yun… pero hindi ko alam kung bakit hindi mawala yung takot, hindi ko maiwasang isipin na may kababalaghang nangyayari sa buhay ko… hay…. Di bale sabi nga nila, iwanan mo lahat ng problema mo pag nasa duty ka… kasi ang mga pasyente ang priority mo.

Sabay kaming pumasok ni Arvin, wala na ang pagkalutang ng utak ko, ready to take care of my patients, fresh, mamaya ko nalang poproblemahin yung mga problema ko. Pagdating sa Hospital ay agad naman kaming nag take ng Vital signs ng mga pasyente at nag charting, nagbigay ng meds, ward nurses lang ngayon hahaha, pa easy easy muna ng malayo sa ER.

Ng mag 6 na ng gabi ay nag aya na si Arvin na kumaen kami ng dinner, as usual sa canteen ng hospital, descent naman yung lasa ng pagkain, masarap, kaya okay narin na nadun kami, order ng chicken Adobo, 2 rice, at sprite na 12 oz. Haaay solb na ako dito. Habang kumakain kami ni Arvin ay todo ang ngiti nya saakin na para bang nangiinis…

“Oh? Ano nanaman yung nginingiti ngiti mo dyan?” tanong k okay Arvin

“Hahaha!” at tumawa lang ang loko

“WHHHAAAT?” pabirong pagalit na tanong ko sakanya

“Ang ingay nyo kasi” sabi nya

“Ha? Ano?” tanong ko sakanya. Ano nanaman yung pinagsasabi nitong kupal na to!

“Kagabi, bago ako dumating, rinig na rinig kayo sa hallway” sagot nya

“Hala! Ano yun?” tanong kong muli sakanya na parang nag tatanga tangahan

“Painosente! Hahahaha” sabi nya sabay halakhak ng malakas

“Oh? Inggit ka?” hindi ko na ideneny sakanya dahil bestfriend ko naman sya, oh sige na sya na yung nakarinig, nakakahiya rinig pala sa labas yung ungol ko tsaka ni Ron, hahaha, putakte, speaking of Ron, hindi parin sya nag tetext, naiinis na ako, text ako ng text di naman nag rereply, baka busy? Baka may ibang gusto? Baka hindi nya na ako gusto? O baka nawala phone? O baka ewan, syet naman! Bakit di pa sya nagtetext…. Iiiiihhhhhhhhh

“Ayiiiii! Sarap mo mag moan best” pabirong sabi nya “Hahahaha”

“Inggit! Di mo kasi ako natikman!” sagot ko sakanya

“Got no plans” mayabang nyang sagot

“Bleh! Inggit” pangungutyang sabi ko

Pagkatapos naming mag asaran at kuamin ng hapunan ay umakyat na kami para narin makapagtrabahong muli… Eto nanaman Vital signs, bigay ng medications, Mag charting, mag regulate ng IV, mag ayos ng mga nag back flow, hala! Basta, maya maya ay may isang lalaki na napansin ko na nakatayo samay harap ng station namin, agad ko naman syang nilapitan kasi gwapo, ay joke lang, kasi mukhang may kailangan

“Ano po yun Sir?” tanong ko sa lalaki

“Ahhhh, san po ba kumukuha dito ng death certificates?” tanong ng lalaki

“Ahhh tara po samahan ko kayo” sabi ko sakanya

Cute! Sige nga samahan ko, baka ma-develop, hahaha joke, sinamahan ko nalang sya kung san nya makukuha yung death certificate at tinanong naman sya ng staff dun kung kalian namatay ang pasyente

“Kagabi lang po” sabi ng lalaki

“Ahhh pangalan po?” sabi ng naka duty na staff nurse

“Jedrich Sarmiento po” sabi ng lalaki

Pagkatapos ay may isa nanamang gwapong lalaki ang pumasok sa may office na yun at mukhang may aayusin din doon

“Miss dito po ba yung kuhanan ng Death certificates?” tanong na kadadating lang na lalaki

“Opo! Dito po Sir, pangalan po?” tanong ng Nurse

“Karl john Ronquillo po” sabi ng kadadating na lalaki

Bigla ko nanamang naisip yung mga stories ko, yung Love for life at yung Let it fall, kaparehas nanaman ng pangalan, pero nga pala yung sa Reverie coincidence lang naman talaga siguro yung, imposible naman na yung dalawang lalaki na to ay nagngangalang Kevin at Robi. Imposible

Nataranta ako hindi ko alam kung bakit


Parang gusto ko tanungin sakanila yung pangalan nila…


Parang may nagtutulak saakin na gawin ko yun


Hanngang hindi ko na mapigilan ang sarili ko



“Kayo si Kevin tska si Robi?” tanong ko sa dalawang lalaki

“Oo” sabay naman nilang sagot

“Paano mo nalaman?” tanong nung Robi

“Ahhh, basta…. Ahhhh shit! Tangina…. Can we talk?” tanong ko sa dalawa

“Sorry marami pa akong gagawin eh Kuya, pasensya na po “ sabi ni Kevin

“Sorry din may kailangan pa ako ayusin” sabi naman ni Robi

Ahhhhh, ano ba yan, kailangan ko malaman kung sila nga itong dalawang ito, at bakit parang nangyayari nanaman ang coincidence daw na nangyari last night kila Andrei…. Shet!

“Please! Kahit sandal lang, please lang” sabi ko sakanila

Pumayag naman nila na hingin ko ang oras nila kahit sandal lang at tinanong ko ang mga tanong na hindi ko alam kung bakit gusto kong itanong sakanila

“Your Kevin right? Isa kang Photographer?” tanong ko kay Kevin

“Oo, wow! Manghuhula ka ba? Kanina pangalan ko! Ngayon profession ko?” tanong niya

“No… no… basta… Boyfriend mo si Karl right? And he died because of cancer? Nagkakilala kayo sa isang shoot nyo for a clothing company, tapos you fell in love with each other?” tanong ko sakanya

Hindi naman nakasagot ang lalaki at tumingin lang saakin na parang nagtataka, I did not waste my time I asked Robi about some other stuffs about sa story ko na Let it fall

“Your Robi? Right? And you hated the rain…. Dati? Pero Jed made you realize na kailangan natin ang ulan… and then he died out of a heart failure…? Right?” tanong ko sakanya

Sanadaling tumulala saakin si Robi at parang nagtataka na alam ko ang mga bagay bagay na iyon. Then after sometime he spoke

“How did you know that?” nagatatakang tanong ni Robi

“It’s hard to explain, pero…. Sobrang hirap talaga, baka hindi kayo maniwala sa sasabihin ko…. Lahat ng nangyayari sainyo… naisulat ko na sa Blog ko…” seryosong sabi ko sakanila

Sandaling bumalik lahat ng mga problema ko saakin.. Shit what is happening? Bakit lahat ng mga namatay sa mga naisulat ko sa Blog ko, namatay nga, at hindi lang yun, lahat ng characters na kasama nung mga namatay na iyun, totoo, what the hell…. Hindi ko maintindihan lahat ng ‘to, I want to get crazy pero hindi ko magawa... I’m already too crazy para maging crazy pa lalo… PUTANGINA…

Ano yung nangyayari… Hindi ko maintindihan…


(to be continued....)

Tuesday, February 1, 2011

MODIFATE (5)- The Start Of The END



Sorry sabi ko pa naman sa teaser eh 9:00 ng gabi... sorry sobrang late, may inasikaso pa akong ibang ieedit... ETO NA! ang simula ng lahat... simula ng pagbabago... :) sana magustuhan nyo, at sana abangan nyo ang huling 4 or 5 chapters ng MODIFATE< di ko kasi maayos yung segmenting ng Chapters, kaya 4 or 5 siguro ang natitira...

Here it is.. enjoy

_____________________________________________________________________________________

"Death is inevitable... but Life- it's the tricky bit where unexpected things happens

“Surprise, I’m back” masayang bati ni Arvin

“Oh? Bat ka bumalik?” tanong ko sakanya

“Ayos na! yung emergency! Syempre papabayaan ko ba kayo ni Ron dito, eh alam ko naman na hate mo yan” sabi nya sakin

“Hmmmm… nako Bino! Lintek ka talaga! Puta! Hahahaha” pabirong inis ko sakanya

Ayun! Putangina! Sarap na eh, di ko man lang nadilaan yung leeg nya, fuck, yun yung hinihintay ko kanina pa, puta! Puta! Puta! Tigas na tigas parin ako hanggang ngayon, buti hindi tumitingin sa baba si Arvin, hahaha

“Oh Arvin buti nakabalik pa” sabi pa ni Ron, hmp! Plastic, alam ko nanghihinayang ka na di mo man lang nakita yung etits ko! Hahaha

“Oo! Iiwanan ko ba naman kayong dalawa!” nangiinis na sabi nya…

Ayun! Masayang masaya ang gabi, ni hindi ko man lang mahawakan si Ron kasi lagi sila nagkukwentuhan ni Arvin… Ayun na eh, hahaha, ayun na talaga eh… hahahaha puta naman kasi oh!

Nakatulog narin kami after a while, magkatabi kami ni Arvin matulog, at si Ron nakatulog nalang sa may couch sa loob ng kwarto.

“Andyan na….. Andyan na……….. BWAHAHAHA BWAHAHAHAHAHA”

Nagising nanaman ako sa kaparehong panaginip na ilang gabi na sunod sunod ko nang napapanaginipan, fuck naman! Ano ba yun? seriously I don’t know

Pagkagising ko ay agad ko namiang hinanap si Ron, awwww bakit wala na sya, tapos saka ko lang napansin na andami na palang nagtext sa phone ko, pagkabukas ko ng inbox ay nakita ko ang 3 messages mula kay Ron, at yung iba, deadma nalang

“Gab, I hv 2 go, d n kta ngxng, kxe lam q nmn, l8 ndn tau nk2log, thanks” sabi sa isa nyang text

“I’m going 2 davao btw, c u soon nlng, my emergency lng dn eh” sabi sa isa nya png txt

At ang hindi ko kinaya, ang huling text nya sakin, hayyyy…. Sabi ko na nga ba…. Sabi ko na nga ba….



ASSUMING NANAMAN AKO!

“xori bout last nyt, d q intnxon yun, ndla lng aq, xori tlga, I wnt us 2 b frends, nd un lng gx2 q, bka po ngexpect k… im xori if im 2 showee, gnun lng aq sa lhat”

SHIT! No way, bakit ganun, pangit ba ako? Bakit lahat sila hindi ako gusto? Bakit lahat sila hindi ako kayang mahalin? Bakit lahat ng taong hinanda ko na sarili ko, wala lang pala talaga, putangina! Assuming kasi ako, masyado na, masyado na talaga, but there’s something, hindi ko alam kung ano, basta, there’s something kay Ron na alam ko hindi yun yung ibig sabihin ng text nya. O baka eto nanaman ang pagka assuming ko, basta! Alam ko he likes me, alam ko yun, I have to find a way para malaman ko kung ano ba talaga, kasi marami naming reasons kung bakit masasabi nya yun, baka nahihiya, ayaw ma turn off ako, o kaya man hindi lang ready, o kaya man akala nya kami ni Arvin, FUCK! I have to know kung ano ‘to!

Pumasok kami ni Arvin ng alas 2 ng hapos para sa 2-10 naming shift, naligo, nagbihis nanaman ng all white na pag uwi mamaya dudumi din naman, sumakay sa kotse, papunta sa hospital, at pagkadating palang namin, ay ang dami ng naendorse saming trabaho. Haaayyy! Namimiss ko si Ron, Fuck!, namimiss ko sya… haha parang tanga lang eh no

Bandang alas 5 ng hapon ay may nag bigay ng DNR order para sa isang pasyente, ayaw nadin ng pasyente na mahirapan siguro, kaya nag pasya ng Do not Resusitate, hayyy, ayun bandang 6:30 ng gabi ay namatay nadin yung pasyente, normal lang! ilang beses nadin ako naabutan ng namamatay sa shift namin, di ko na nga mabilang, dapat pala nag rerecord ako, para masaya lang

May nag cardiac arrest din ng bandang 8:00 ng gabi, ayun, tigok, kawawa naman.

It’s almosts 10 kaya nag ayos narin kami ni Arvin para makauwi na kami… hay hanggang ngayon hindi parin nagtetext sakin si Ron, kalungkot naman

“Best, sasamahan mo ko?” tanong ni Arvin sakin

“Hala ka! Saan?” tanong ko sakanya

“Dun s aka-meet ko!” sabi nya, sabay ngiti sakin

“Oh? Nice, sige sige” sagot ko…. Sige sige…. Kahit nasasaktan ako, joke, wala ka na ekis ka na, may bago na kong love, hahaha parang bata

Ewan ko kung saan ako dadalin ni Arvin, basta sumama nalang ako, titignan ko kung mas worth it ba yung ipapalit nya saakin, hahaha joke, syempre ako ang bestfriend, dapat makita ko yung future girlfriend nya. We drove over to some place in Manila, na wala talaga akong idea kung saan, first time ko makita ang lugar na yun, tagong tago sa mundo, hahaha

Huminto si Arvin sa isang kanto doon at nakita ko na may babaeng nakangiti na di kalayuan samin, imposibleng nakita nya kami, kasi tinted yung kotse, hahaha, ewan, baka baliw

“Best! Ayun sya oh!” sabi sakin ni Arvin

“Ahhh, ganda!” yun lang nasabi ko, hahaha pahiya ako, sya nga pala, siguro naramdaman nya na si Arvin yun, ewan, edi sya na nga, sya na ang maganda, sya na ang bida, hahaha joke, sobrang ganda pala nung future girlfriend ni Arvin, wala lang. Lumabas na kami ng kotse para I meet yung babae at pagkababa ay agad bumeso si Arvin dito

“Ahhhh, si Gabriel nga pala, bestfriend ko” pakilala sakin ni Arvin sa babae nya

“Gab, this is Jaenily, yung babe ko, hahaha” pakilala nya naman sa babae nya sakin… hahaha muntanga lang

MUNTANGA- mukang tanga hahaha

“By the way, ano nga palang problem bakit di ka nakapunta ng Morato” tanong ni Arvin sa babae

“Kasi nga, may problem dito, namatay yung pinsan ko eh” sagot ng babae

“Aw! Sama naman nun, sorry, baka naiistoorbo ka namin” sabi ni Arvin

“No! okay lang, I want you to meet my best friend din naman eh, nandun sya sa burol” sabi ng babae

Naglakad kami ng di kalayuan ng makarating kami sa isang bahay na may tolda, yes! Tama! May patay nga, nakaburol sa bahay, oo, sa bahay kasi hindi pwede sa daan, hahaha muntanga nanaman. Wow, mukhang mayaman yung namatay, ganda ng bahay, ang laki. Pinapasok kami ng babae ni Arvin sa bahay ng pinsan nila at umupo lang kami sa isang tabi at naguusap si Arvin at yung Jaenily, naglilibot libot lang ang mata ko sa kapaligiran habang busy na nagkukwentuhan ang dalawa, nakita ko yung asong nag sesex, yung mga nagiinuman sa gilid, yung nagsusugal sa may di kalayuan, yung mga naglalaro ng sakla, iba talaga ang tradisyon ng burol ng pinoy, mayaman na nga, may mga ganito paring pangyayari. At napalihis yung tingin ko sa pangalan ng pinaglalamayan naming ngayon

“Lance Angelo Reyes”, 19 years old, wow! Ang bata pa nung namatay, kawawa naman, marami pang pwedeng mangyari sa buhay nya namatay na kaagad, maya maya lang ay may isang lalaking nakaitim ang lumabas sa bahay

“Bespren, san ka galing” tanong ng babae ni Arvin sa gwapong lalaking lumabas

“Ahhh, CR lang bestpren, sumama ng unti yung… ano ko.. haha” sabi ng lalaki

Agad naming tumayo si Jaenily para ipakilala saamin ang bestfriend nya

“Ahh, Arvin, Gab, this is Andrei, bestfriend ko” pakilala nya

“Nice to meet you po” sabi nung Andrei

Naalala ko tuloy yung kwento kong REVERIE, yung lalaking nananaginip ng mga bagay na nagkakatotoo, wala lang, they have the same name, Andrei at Lance, hahaha, wala lang coincidence lang, hahaha muntanga nanaman.

“Kawawa nga si pinsan eh, kakauwi lang nyan last year dito sa Pinas, namatay na agad sya” sabi ni Jaenily

“Ano bang kinamatay nya” tanong ni Arvin

“Na dumugan sya ng kotse, ayun… buti nga ‘tong si Andrei, hindi napuruhan eh, magkasama silang nadumugan ng kotse, pero si Andrie nakaligtas”

Natulala ako for a while habang sinasabi ni Jaenily yun, coincidence? What the heck! Eh eksaktong eksakto yung nangyari dun sa Lance na nakaburol ngayon dun sa Lance na nasa istoryang REVERIE na sinulat ko, that can’t be true, kahit yung supporting details andun, si Andrei, yung mahal ni Lance, si Jaely, yung bestfriend ni Andrei, which is Jaely nga lang yung pangalan nung babae sa story ko. Naalala ko na umuwi nga pala si Lance galing ibang bansa sa story ko kaya sila nagkakilala ni Andrei…

What the heck, that is so weird… so so so….. so weird…..

(to be continued...)