No more facebook. Decided to delete it a couple of months ago.
No more Twitter, it went off a long time ago too
Could not open my formspring. I forgot my password since I don't use that account that much
This is my last resort. I need to write about this shit. Or else I'd blow up.
I hate this feeling that I'm trying to sink in my system as of this moment.
YES! I admit, up to this very moment I still love that person. That's why I'm still trying to fix things, which in his view probably just me being friendly or whatever. I am trying to act as if I'm cool with the past, but guess what? I am not. Damn that.
I think the conversation was going well yesterday. He even told me that I am the only one that is making him smile. I don't know if he meant it from deep down but just by that, my whole day was made.
Not until earlier when he said he would just talk to me "later" which ended up in a freakin' 5 hours straight "WAIT LANG." I admit I missed him in that short period of time. Then he told me he was with his "CRUSH" that's why he was not able to talk to me for that 5 hours
I know I do not have any right to tell him, or ask, or whatever, or even to try to win him, or shit. Damn it, I hate the fact that he really does like the other guy. And here I am "UMAASA NANAMAN" as usual. Without no one to blame.
Then nagusap sila, and then he texted and then I asked, damn gabi, you really had to ask, and told me he just got off the phone with his "CRUSH" in defense to the few minutes he asked for.
Damn I have no right, pero nasasaktan ako, nagseselos ako, without him knowing, without me saying, WITHOUT ME EVEN THINKING NA TAPOS NA, WAG KA NA MAGSELOS, NAGMUMUKHA KANG TANGA HINDI KA NA KASI GUSTO.
Damn, help me move on, I don't know what to do :( This night sucks. BALLS!
AKO.SI.G.ANONYMOUS
Kahit sino ka pa man, kahit ano pa man ang kasarian mo, you have the right to LOVE and to be LOVED. :)
Saturday, August 10, 2013
Monday, May 21, 2012
MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 7
“Change is never easy, you fight to hold on, and you fight to let go”
_________________________________________________________________________________
Nung mga hapon na ay nagpaalam na din saakin si Arvin,
kailangan nya na din kasi umuwi nung mga oras na iyun, kailangan pa sya ng
Maynila.
“Alis na ko ah?” tanong nya saakin
“Oo naman! Sige lang! salamat ulet” sagot ko sakanya
Humawak lang sya sa pisngi ko at sabay pisil nya at sabay
lumapit ang mukha nya saakin at idinikit ang mga labi nya sa may lugar kung
saan lagi nya ako hinahalikan bago kami maghiwalay ng landas.
“Haha! Sige bye na” paalam nya saakin
“Ingat! Salamat ulet” paalam ko sakanya
Paglayo nya sa mukha ko ay nagulat nalang ako bigla biglaan
at mabilis nyang inilapit ang mukha nya saakin at idinikit nya yung mga labi
nya sa labi ko.
Putangina, I wanted to turn away sana, kaso I don’t know why
my head’s just staying still and just tolerating every move that Arvin is
making. He was kissing me na para bang it was the last time na makikita nya
ako, tipong pupunta na sa ibang bansa. The last time I felt that kiss was when
we were in Subic at ako yung mismong nagpumilit na humalik sakanya kasi ayoko
syang pakawalan nun. Ngayon ko lang ulet natikman yung halik nya. Ngayon ko
lang ulet naramdaman yung pakiramdam na may humalik sayong taong mahal ka
talaga.Ewan ko ba, halos 5 minuto lang yata ako nakapikit at dinaramdam ko lang
yung bawat lipat ng labi nya. Napadilat nalang ako nung napatigil sya at unti
unting lumayo at dahan dahan lang dumilat at tumitig sakin sabay bigay ng
pamatay nyang ngiti na lagi nyang ginagamit saakin. Ngumiti nalang din akong
pabalik sakanya, he was smiling like hell, as in, yung tipong ngingiti tapos
makikita mong pinipigil yung ngiti nya, sobrang cute! Ewan ko ba! AYAN NANAMAN
AKO! HOY GAB NGA!!!! GAAAB!!! GIIIISSSSSIIIINNNNG!!!!!
He then raised his hand and waved goodbye. Habang naglalakad
sya papalabas ng bahay eh tumitingin tingin sya palikod hindi ko alam kung
bakit, para nga syang tanga, pero ang cute lang, bago sya pumasok sa kotse,
tumitig muna sya saakin ng malalim at halos ilang minuto lang syang nakatayo sa
gilid ng pintuan ng kotse nya at nakatingin lang saakin, nang papasok na sya eh
bigla syang bumulong sa hangin habang nakatitig saakin, na halatang halata ang
mga katagang “I LOVE YOU GAB” sa pagbulong nya.
He was still looking at me while he was driving away, parang
ulol nga syang nakangiti lang sa akin the whole time na nandun sya sa kotse nya
at kahit nung paalis na sya. SHET NAMAN! Eto nanaman ako, wag na! ayoko na ng
ganito, ayoko na talaga….
Umalis sya, pumasok lang ako sa kwarto, iniisip ko lang sa
sarili ko, ano kaya kung nahuhulog na nga ako sakanya? Anong gagawin ko? Paano
ko pipigilan yung sarili ko, ayoko na kasi eh. Ayoko na.
Lagi nalang ganito eh! Lagi kong sinasabi sa sarili ko na
ayoko na! pero lagi naman akong hindi bumibitaw. After that kiss, I felt guilty
for nothing, I know Sojeph won’t care, but I still got this feeling na kami
padin kahit hindi na, na para bang I am cheating on him even though wala na
kami, at wala na talaga sya pakialam sa kung ano man yung ginagawa ko sa
ngayon. Pero what the fuck! What the hell! Bakit ganito yung nararamdaman ko?
BAKET? Tanong ko lang sa sarili ko, bakit kaya?
Days past, it was just texting and phonecalls from Arvin,
and weird to say, wala akong nararamdam after the realization moment ko after
naming mag kiss. Wala talaga, WALA! My bestfriend’s even asking me like every
minute of the day na aminin ko na sakanya, kasi sabi nya alam ko namang
magagalit sya pero sana lang aminin ko, PERO WALA TALAGA EH! WALA! Hindi kami!
At hindi magiging kami ulet! Naka set na sa utak ko yun! Kasi ang tinatak ko
lang sa isip ko, I am not falling for this guy again, kasi ayoko na maramdaman
yung ganitong pakiramdam ng hindi stable yung emotions ko, na alam ko na I’m
longing for someone to love me. Maybe when I feel this pag maayos yung lagay
ko, yun siguro yung time na masasabi ko na, OO nga ano? Mahal ko pa pala talaga
sya! Pero ang alam ko lang sa sarili ko, I still love this guy na nakapagiba ng
perception ko about love. Etong taong nagpapangiti saakin araw araw dati,
gigisng ako to receive a text from this guy at mapapangiti nya na ako. We never
saw each other yet, kasi ayaw ng panahon, ayaw ng lahat, HINDI KO ALAM KUNG
BAKIT EVERYTIME NA MAGPAPLAN AKO MAKASAMA SYA LAGING MAY SAGABAL! LAGING MAY
PANIRA! Ang alam ko lang, at ang assurance ko lang sakanya, eh kasi nga we have
a mutual close friend to assure each other’s real.
Sojeph? He was the one I was talking about. Less than 2
years nya din ako napasaya. And honestly hanggang ngayon? He is still making me
smile kahit na alam kong may iba na syang mahal, hindi ko alam kung bakit
ganito yung takbo ng utak ko, basta ang alam ko lang, hindi ko pa sya ma let
go, kahit sinabi nya na sakin na TAMA NA! Hindi ko padin magawang tumigil, pero
ang pinakakinagulat ko, hindi ko na pinaglalaban.
Alam ko sa sarili ko na pag nagmahal ako, kahit ano gagawin
ko just to fight for that love that I have, pero bakit sakanya hindi ko na sya
magawang ipaglaban, siguro kasi nga HINDI NA AKO MAHAL! May mahal na ngang iba
diba? BAKIT? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, hindi ko alam kung bakit
sya nagsawa sakin. Hindi ko na mapaglaban yung sarili ko, kasi napakalayo ko
para gawin yun, at may iba ng laman dun sa puso nya. Ayoko ng maging sagabal sa
kung ano man yung sayang nararamdaman nya.
As of this day that I am writing this, It has been 10 days since he told
me to stop. Maybe not 10 days pag na publish ko na to. Pero 10 days as of now na sinusulat ko to
Sampung araw na pala akong wala sa tali, parang aso na
pinakawalan na pero nagiikot padin na walang alam kung paano mabubuhay magisa
lalo na kung wala yung taong nagalaga sakanya, nakakasama ng mga lumang
kaibigang aso sa labas pero hinahanap padin ang amo nya, parang asong palaboy
na walang nagmamayari, sampung araw nagiisip kung paano ba mabubuhay na wala
sya. Kasi sinanay ka nya na lagi lang syang nandyan, magpapakain, magpapainom,
hihimasin ka, papaliguan, pero ngayon, wala, gusgusin ka nalang na aso na
palibot libot kung saan saan, hindi naghahanap ng bagong magaalaga, pero
gustong gustong bumalik sa may-ari, pero hindi alam kung paano. Siguro nga
natahulan ko sya sa mga oras na wala sa lugar, na wala sa mood, siguro nga
nakagat ko sya ng napakadaming beses na para malaman kung kaya nya ba itolerate
yung mga matatalim kong ngipin kahit alam nya na masakit. Ngayong huling kagat
nya, siguro nasaktan na sya ng sobra, kaya hindi na kinaya, o baka nakahanap na
sya ng mas magandang aso, na hindi sya tatahulan sa mga oras na hindi tama, na
hindi sya kakagatin kahit anong galit ng aso na iyun. Na hindi sya iiwan sa
kahit anong problema man ang harapin nya.
Napakapangit na metaphor oo! Ikumpara ba naman ang sarili sa
aso. Pero may point naman siguro ako. Sana.
Nag activate ako ng FB ko isang lingo pagkatapos ng lahat ng
mga pag eemo ko sa kwarto ko, matapos lahat ng luhang nalabas ko. Mga oras na
yun gusto ko sana ipaglaban, gusto ko sana sya kausapin, kasi kahit anong udyok
sakin ng lahat ng tao sa paligid ko, wala eh, mahal ko padin sya, Sobrang mahal
ko padin sya.
Online sya, Online ako. WALA! I asked before I even opened
my facebook, sabi ko. Please Lord, isang sign lang, isang sign lang, status or
anything, kahit mauna lang sya mag message sakin okay na, kasi alam nyang
namimiss ko sya. Kahit anong makita ko, I will really try to win him back.
After a few hours wala padin, papansin sa status, kasi
nakikita ko na online sya, but still doesn’t seem to care. I thought to myself,
I know him naman kahit papaano and throughout the course na kami, alam ko naman
paminsan kung paano nagwowork yung utak nya. Is he waiting for me to message
him? Or am I assuming again na he’s waiting for me to message him.
As usual. Hindi ko din natiis.
“Goodmorning po” sabi ko
He replied a few minutes after “Kagulat naman, when did you
reactivated?” tanong nya
“Kanina lang po” sagot ko
“Ahhh, gnun ba.
Musta na? sensya kung di naka reply agad, nanunuod ako ng
Fairy Tail eh” sagot nya saakin
Di naman sya ganun katagal nagreply pero wala lang, natuwa
ako sa message nya, na iyan nanaman ako, assuming nanaman! Pero napapangiti ako
eh, bakit ba?
We did catched up with each other. About sa kung anong
nangyayari sakanya, about sa work na inaaplyan nya, about everything siguro
except the guy that he loves right now. Ewan ko ba? I am dying to type “SOJEPH
MAHAL NA MAHAL PADIN KITA” sa chatbox pero I just can’t seem to. I don’t know
why, natatakot? No! Bakit ako matatakot? BAKIT?
Siguro natatakot nga ako, pero hindi sa ma reject nanaman
pero natatakot ako na baka naawa lang sya sakin, o baka makasira pa ako ng
relasyon nila nung bago nya. EWAN KO BA? Hindi ako ganitong tao, kasi pag mahal
ko yung isang tao, ipaglalaban ko sya alam ko sa sarili ko yun. Pero bakit
ganun? Hindi ko masabi sakanya kung ano ba talaga yung nararamdaman ko, kahit
ayaw na ng lahat ng tao sa paligid ko HINDI KO PADIN SYA MAKALIMUTAN! HINDI
PADIN.
After that wala na. Eto nanaman ako, balik nanaman sa
pagiging emo ko. Walang magawa, wala ng mailuha, nalabas ko yata lahat eh.
DEACT. for the Nth time
I just don't find facebook useful for me anymore. I got my phone here, nandito na ulet naman yung laptop ko para makasama kong magsulat ng mga stories ko, may mga tao pa akong napapasaya kahit papaano sa mga binabasa nila dito, mabigyan ko ang sila ng kaunting aliw masaya na ako. So hindi lang lang naman facebook ang way para maka communicate ako, madaming madaming ways pa. :) I'm vying for a fresh start, Palit number nalang muna ulet, buti may 30 pesos pa ako :))
Saturday, May 19, 2012
MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 6
“Don't let past relationships ruin your future happiness,
scars remind us of where we've been, not where we are going”
________________________________________________________________________________
Wash up, I was smiling the whole time while nakatayo sa loob
ng shower area, ewan ko ba kung bakit ganun nalamang yung ngiti ko nung mga
oras na yun.
After washed up I went out and saw Arvin, still wearing the
same shirt, same shorts, and still with the same old sleeping face of him na
alalang alala ko pa dati nung lagi ko pa sya katabi matulog, iba na lang siguro
yung pakiramdam ngayon, kasi magkaibigan nalang kami. Ayan sya, tulog na tulog
na at kulang nalang eh maghilik sa sobrang lasing, hahaha, parang di naman ako
kilala, alak lang pala, patibayan pala ang gusto nya eh, edi ibibigay ko
I wore my shirt, put on my brief and boxers then dahan
dahang humiga sa kama. Napatingin lang ako sakanya nung mga oras na yun.
Looking at that same face that I was seeing couple of years ago, bigla nalang
akong nalungkot na isipin sa nasayang naming samahan dati. Bakit kaya ginagawa
sakin ng tadhana to, bakit pilit nya binabalik tong mga bagay na to sakin,
bakit kahit pilit ko kalimutan yung mga bagay na naging parte naming ni Arvin
dati eh hindi ko makalimutan.
Hindi ko na napansin na unti unti ko na palang nailalapit
ang kamay ko sa pisngi nya, hindi ko alam kung bakit, basta bigla ko nalang
naisipang hawakan ulit yung mainit nyang pisngi na dati eh bago matulog eh
pinipisil ko at pagkagising sa umaga eh yun agad ang una kong tinitignan
sakanya. Ng medyo tumagal ng nakahawak ako sa mukha nya ay bigla syang
napagalaw at bigla ko nalang tinanggal ang kamay ko at baka magising ko pa sya
dahil sa pagkagigil ko sa pisngi nya.
Ewan ko ba, basta ang alam ko ng mga oras na iyun, ay
napikit ako na nakangiti ako. Nakalimutan pansamantala ang bigat na dinadala ko
sa loob ko
……….
I woke up na wala na si Arvin sa tabi ko, naghanap agad ako
ng sulat nya, o kahit text man lang na nagpaalam, pero wala, baka siguro hindi
na sya nakapagpaalam dahil sa himbing ng tulog ko.
Napaisip tuloy ako, kasi everytime umaalis sya kikiss lang
sya sa bandang cheeks ko near my eyes, bago man lang sya umalis, kahit nung
hindi na kami, laging bago kami maghiwalay eh naging habit nya nan a humalik
samay upper part ng pisngi ko. Haaaay, medyo lumungkot ako ng mga oras na yun.
Siguro dahil di man lang sya nakapagpaalam ng maayos saakin.
Napatingin ako bigla sa orasan at bigla nalang din napatayo
sa kama ko, alas 10 na pala, hindi ko pa napapainom ng gamot si lola ko, hindi
ko pa din napapakain, sigurado ako na umalis na kaninang umaga pa si pinsan ko
para sa trabaho nya.
Mabilis akong lumabas para mapainom ang gamot kay lola, at
para makapagpakain na din naman. Ng papapalapit ako sa kwarto kung nasaan ang
aking lola ay laking gulat ko na naririnig ko ang tawa ni lola ko. Matagal ko
ng hindi naririnig na masaya si lola ko, siguro ay nanonood ng palabas sa
telebisyon na napatawa nalang sya.
Mas nagulat ako ng pagkabukas ko ng kwarto ay nakita ko si
Arvin na nakaupo sa tabi ng lola ko at nakahawak sa mga kulubot nitong kamay at
yung ngiti ni Lola ko nung mga oras na yun. PRICELESS. Sobrang PRICELESS, gusto
ko na nga mapaluha right there and then pero naisip ko baka naman isipin nila
baliw ako, bigla nalang akong luluha sa harap nila
“Vin! Kala ko umuwi ka na?” tanong ko sakanya
“Hindi, di naman ako uuwi ng di ako nagpapaalam, para kang
bago ng bago” sagot nya “naisip ko na din dalawin muna si lola bago ako umalis,
hinihintay kasi kita magising, eh nakita ko na may schedule ng meds dito,
pinainom ko na din si lola, pinakain ko na din kanina” sabi nya
Gusto ko tuloy mapanganga nung mga oras na yun kasi sa totoo
lang, mahirap pakainin si lola ko, hindi basta basta sumusubo nalang, kasi
nahihirapan na din siya lumunok pa minsan, nakita ko na ubos na ubos yung nasa
plato na nasa gilid ng kama nya.
“La! Mukhang naubos nyo pagkain nyo ngayong” nakangiti kong
papuri sa aking lola
Kita kong hirap na din magsalita si lola pero pinipilit nya
magsalita
“Etong.. si… pogi…. Makulet…” natatawang nahihirapang sabi
ng lola ko
Ewan ko ba kung bakit ngiting ngiti si lola ko noon, basta
yung mga moment na yun eh priceless talaga para saakin.
“Sige na…. pogi,,, at kumain na… kayo ni apo” nakangiti
paring sabi ni lola ko
Pagkatapos nuon eh humalik si Arvin sa noo ni lola ko at
niyakap nya ito at sobrang sweet nya nung mga time na yung kay lola, ewan ko,
nagpapa impress yata si loko. Pagkatapos eh lumabas na din kami para makakain
na kami ng agahang dalawa. Habang naghahanda ako ng kakainin naming eh hindi ko
matiis itanong sakanya kung paano nya napangiti ang lola ko ng ganun
“Saya ni lola ngayon ah, ano ginawa mo dun? Jinoke joke mo ano?” tanong ko kay Arvin
“Hindi” sagot nya
“eh ano ginawa m okay lola?” tanong kong muli sakanya
“Syempre una nagpakilala muna ako, tapos eh sabi ko sakanya
habang tulog ka pa eh ako muna mag aalaga sakanya, tapos medyo kinuwentuhan ko
habang sinusubuan ko sya, para di nya napapansin na kumakain na sya kasi
nakatutok lang siya sa sinasabi ko sakanya” sagot ni Arvin
“Salamat ah” nakangiti kong pasalamat kay Arvin
“Ano ka ba? Si Lola yan, mahal mo yan, kaya mahal ko din
yan” sagot nya sakin
Awwwwwww…. Napakasweet talaga nitong mokong na to. Pero
seryoso, napahanga nya ako sa ginawa nya kay lola ko
“Salamat, kala ko kasi umalis ka na” sabi ko sakanya
“Wag ka nga thank you ng thank you dyan Gabriel” sagot nya
saakin
“Bakit lakas makatawa ni lola kanina?” seryoso kong tanong
“Sinabi ko kasi na mahal ko yung apo nya” sagot ni Arvin
Natahimik naman akong bigla at parang napaisip kung binibiro
lang ba ako nito o seryoso to sa mga pinagssabi nya saakin.
“Parang tanga, Seryoso?” medyo kunwareng naiinis kong tanong
sakanya
“Oo, bakit? Eh kung sa mahal talaga kita eh” seryoso nya
namang sagot saakin
“Arvin nga!!!” naiinis kong sagot sakanya “iyun lang
tatawanan agad ni lola?” pasunod ko pang tanong sakanya
“Oo nga! Sabi pa nga nya, paano daw yun, eh pareho tayong
lalaki” sabi ni Arvin “Ang sabi ko lang sakanya eh ang pagmamahal naman po
lola, wala pong pinipili yan, babae ka man, lalaki, straight o bi, karapatan mo
yun” sagot nya saakin sabay halkhak ng malakas
“Oy! Patented yung quote na yan ah” sabi ko sakanya
Oo nga pala, kung titingin kayo sa header ng blog ko, iyun
ang tagline ko. Kasi naman diba? kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, kahit ano
kasarian mo, you do have the utmost right to love, kasi hindi naman namimili ng
gender ang love eh, basta alam mo na mahal mo sya, MAHAL MO SYA!
“Ni rephrase ko na nga para di ako makasuhan” sagot ni Arvin
“Kahit na, buong thought akin din” sagot ko sakanya
“Ano po ba yung ikakaso mo sakin Mr. San Agustin?” tanong
nya saakin “Possession of illegal Love and Obsession?” dagdag nya pa
“tarantado ka talaga” patawa kong sagot sakanya
Hindi ko nalang pinapahalata sakanya na kilig na kilig na
ako sa mga pinagsasasabi nya saakin. Hay nako Arvin, bumabalik na masyado lahat
yung pakiramdam ko, TAMA NA! Ayoko na ng ganito…
(Itutuloy...)
Wednesday, May 16, 2012
MUTILIATED: A vye for a fresh start, Chapter 5
“Destiny is not a matter of
chance, it is a matter of choice; it is not a thing to be waited for, it is a
thing to be achieved."
_______________________________________________________________________________
After 30 minutes lang kaming
nakatahimik, tingin tingin sa mga phone namin, habang tumutugtog yung “LOVE
UNCOMPROMISED” in Jason Castro, ewan ko, medyo may pagka sexy kasi yung tone
nung boses ni Jason dun, tapos yung lyrics pa eh, “I’ll make you up and then
I’ll dress you down, and I’m gonna kiss you all over this time” na minsan
natatawa ako nung mga times na may nangyayari samin ni Arvin, ang pangit na
iyun yung mga naalala ko nung mga oras nay un, pero ewan ko ba kay Jason
Castro, bad influence. Hahahaha, reggae na, bad influence pa.
After nung mga mag-iisang oras na
and nakak 7 bottles na nga din ako eh tumayo nalang bigla si Arvin, and
nagpaalam sya saakin
“I have to go Gab, thanks” paalam
nya saakin
Gabi na! lasing pa sya, what I
was really expecting is dito sya matulog. HINDI PARA MAKASEX ko sya, pero para
safe sya, baka mamaya kung mapaano pa yan, Manila pa uuwi tapos lasing na
lasing. Medyo malayo.
“Seryoso? Uuwi ka pa?” tanong ko
sakanya
“Ahhh, wala lang, I just want to
go home, para hindi nadin ako makaistorbo dito sayo” parang tanga nyang sagot
saakin
Ay nako nga Arvin nagpapaawa
nanaman ang loko! If I know gusto nya lang pilitin sya
“Magstay ka na please? Baka
mapaano ka oh” sagot ko naman sakanya
“Wag na, I can drive, I really
gotta to go” sabi pa nya na parang groggy na ang boses
Amp! Pa hard to get naman masyado
ngayon to! Nako pag may nangyari pa dito sa lokong to ako pa may kasalanan.
“ARVIN! Wag nga matigas yung ulo mo! Baka mapaano ka sa
daan” sabi ko sakanya na medyo mataas na yung boses
He the looked to his right and he looked disappointed at
that moment then bigla ulet syang humarap saakin na nakita ko na naiinis sya
“GAB KAYA KO YUNG SARILI KO! UUWI NA AKO” galit nyang sigaw
sakin
Sabay talikod at lumakad papalayo sakin…
“Hon…” mahina kong tawag sakanya. I really don’t know kung
bakit ko sya tinawag na ganun that time, siguro para lang mapakalma ko yung
emosyon nya, pero ewan, I had no intentions whatsoever na tawagin sya ng ganun,
basta, siguro sa sobrang gusto ko na kumalma sya at making saakin, napahinto
naman sya sa kinakatayuan nya at bigla nalang yumuko ang ulo nya at tumingin
sya saakin. “Wag kana umalis Vin….. please?” makaawa ko sakanya “Ayokong may
mangyari sa’yong masama” dag dag ko pa
Bigla nalang syang naglakad papalapit saakin at niyakap nya
ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong intension na o ang ibig
sabihin nya sa yakap nya na iyun.
“Wag mo naman ako pagisipin lalo Gab, I just want to know
kasi eh” he told me
“Hindi ko kasi alam… yun yung totoo Vin” sagot ko sakanya
“Basta, just know that andito lang ako pag kailangan mo ako”
a sweet reaply from him
“Thank you”
I remembered him being like that nung una naming kilala,
bumabalik nanaman yung dating Arvin na una kong nakilala, na nawala simula nung
naging kami. Ewan ko ba, namimiss ko tuloy sya nung bestfriend ko palang sya,
pero alam ko naman na mahirap na ibalik yung mga times na yun, kasi nalamatan
na, pero sana lang, maibalik ko yung mga panahon na masaya kami sa isa’t isa sa
mga simpleng bagay bagay na gusto namin.
After that talk we finished the remaining bottles, and then
we just laugh at those times na mga naalala namin back when we were in college.
After Drinking, I had this great smile, I forgot about my problems that moment,
bukas nalang yang mga lintek na problemang yan, basta nag enjoy ako sa gabing
ito, at di ko hahayaang masira ng kahit sino ang gabing ito.
(itutuloy…)
CHAT
I activated my FB to check what's happening... Actually waiting for a chat from him... pero wala eh, kaya ako na ang nauna...
I don't know what to do.... :( I don't KNOW!!!! FUCK !!!!
I don't know what to do.... :( I don't KNOW!!!! FUCK !!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)