Thursday, December 30, 2010

Discernego



This is not a Love Story.. I just want to share this thought na ilang araw ko napagisipan, wala lang, I just think na totoo na kahit anong gawin mo, meron at meron kang isang bagay na hinding hindi mo malalaman tungkol sa sarili mo.... Enjoy, sana magustuhan nyo


Sa Lahat ng nagbasa ng Entrance Exam, Lahat ng SBLS, From Love for Life to Reverie Dos, and sa mga nagmahal kay Super Luna, at sa mga nangulit sa late updates ng Fresh Start.... Maraming maraming Salamat Guys... Kayo ang nag iinspire sakin to still write... :) maraming maraming maraming salamat...

BLOG: www.gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com

_____________________________________________________________________________________


“People age, people claim that they have reached their self actualization, people asserts that they know themselves fully, but ones does not know that there would be at least one thing that they don’t know about their self, and never will they know”

“Dad? Don’t you miss her?” tanong ko sa Daddy ko

“Sino Anak?” tanong nya pabalik


“Si Mama” I answered

“Off course namimiss ko ang Mama mo, pero Drew anak, wala tayo magagawa, may rason ang Diyos kung bakit kinuha nya ang Mama mo”

Kaunti nalang, tutulo na yung mga luha ko, lagi ko inaalala, paano kaya kapag kasama ko ngayon si Mama? I grew up na wala na sya, paano ba naman namatay sya nung ipinanganak nya ako, she had a very serious case kung saan it’s either buhay nya o buhay ko lang ang pwede ipagpatuloy. Syempre I wanted to know kung ano nga ba kaya ang itsura ni Mama ngayon, pictures? Yung lang ang nakikita ko, I am 21 years old, ibig sabihin, that picture was taken 20 plus years ago or so. But ano magagawa ko, sabi nga nila, God takes away something from you for a reason, siguro yun yung maging matatag ako sa buhay even without a mom to grow up with.

“Oo nga pala Dad, are you attending my graduation?” tanong ko sa Dad ko

At last, after 5 years of hardwork, makaka graduate narin ako, matatawag narin akong Engr. Carl Andrew Dosanos, sarap ng pakiramdam, 5 years of intense calculations, drawings, and other engineering stuff, makakagraduate narin ako

“Oo naman Anak! Aakyat ba si Daddy sa stage?” tanong niya

“Medyo kinapos ako sa grades Dad eh, pero at least ga-graduate diba?” sagot ko

Haaay, simula kasi kinder ako, lagi ako nasa honors, nung Kinder ako, 1st honorable mention, nung Grade 6 ako, Salutatorian, and nung 4th year high school, umabot pa ng 2nd honorable. Pero ngayong college kahit Cum Laude di ko man lang naibigay sa tatay ko, sarap pa naman na aakyat yung parent mo sa stage para sya mismo magbigay sayo ng parangal, pero it’s okay at least I did my best

“Ahhh, okay lang yun anak! You’ve been good for the past 21 years, makatapos ka lang ng pag aaral ayos na sakin yun, maging maganda lang buhay mo, by the way, birthday mo rin ng araw na yun diba? Let’s celebrate narin” sabi nya

My Dad is the best, he acted as he was also my Mom, parang Doble responsibilidad ba, kahit na busy sya sa work, he make sure na papasok ako sa school na ayos ang itsura ko, nakakain ng breakfast at ang mga usual things na kailangan before going to school, he never made me feel na wala akong Mama. Pero syempre iba parin na kilala mo ang Mama mo diba? Pero di ko naman sinasabi na hindi nabigyang hustisya ng Daddy ko ang pagiging nanay sakin. Off course he did.

April 6 Graduation day na namen Birthday ko rin, pero walang nakakaalam sa school, only me and my Dad, I woke up at 10:00 in the morning, kasi kaialangan ko pa mag pa gupit ng buhok, mamili ng Bench Fix, mamili ng pabango kasi ubos na. I grabbed my phone and madami na agad ang nag text na exited na for the ceremonies mamayang 6 ng gabi, and a text from dad

“Anak! I left 500 dyan sa may counter sa kitchen, sabi mo papagupit ka eh, nagluto narin ako dyan para sa lunch mo, I’ll pick you up dyan ng 5:00 para sabay na tayo pumunta sa venue” sabi nya through text

Awwwww! Sobrang maalala talaga ng Daddy ko, may pera pa naman ako, pero nag-iwan pa sya, pero ayos din, hehehe

I fixed myself up, labas, at gawin ang mga kailangan kong gawin, I had my hair cut, nag pa facial narin para mamaya gwapings na gwapings sa graduation, Makita ko si crush ko na tumingin sakin at ngunite ayus na! after my facial mga 2 na ng hapos time to go home para makakain na rin para makapagready nadin mamaya. Then on my way out of the derma clinic nakasalubong ko si Ryan, which happens to be the hottest guy on our batch, crush ako nyan! Hahaha asa! Hindi ako malandi, hindi ako effem, hindi ako halata pero pag kaharap ko sya, ewan napapangiti ako, pero I know he takes that as a friendly smile, at tatanguan ko sya syempre.

“Oh pare kamusta?” tanong nya sakin

“Okay lang naman, eto exited na mamaya” sagot ko sakanya

“Haha, goodluck satin, oo nga pala happy Birthday” sabi nya

“Ahhh, salamat Salamat” sagot ko, Nyek!? At pano nya nalaman na birthday ko ngayon, hayaan mo nga, at least binate nya ako, and then he smiled at me na halos mahulog yung brief ko, hahaha, ang gwapo nya syet! Syet talaga. Hindi lang gwapo, sobrang talino pa, siya nga lang naman pala ang Suma Cumlaude ng batch naman, shet gwapo na matalino pa. pero sa mga usap usapan sa school, bi din daw sya pero hindi ko pa naman sinusubukan yung tatag ng kapangyarihan ko sakanya. Pero who knows, baka sakaling pag nalasing ako mamaya sa victory party edi tignan ko yung tatag nitong adik na to! Wahahahaha, sobrang hot nya shit!

“Ahhh oh sige pre, una na ako, may gagawin pa ako eh” sabi ko sakanya

Ayyyiiii inspired akong uuwi sa bahay, Drew! Drew! Analadi mo! Hahahaha pero bakit ba? Di naman ako bading kumilos ah, kahit magsalita, simpleng bi na naghahanap lang din ng kalinga sa katulad ko, ayun oh!

Pag dating ko sa bahay, nagayos ako ng sarili, kumain ako ng lunch kahit hapon na, nagayos ng sarili para sa graduation ko mamaya.

Time check! 4:30 na, unting ayos na lang sa buhok, put on my brown contact lenses, dahil hindi ako makakakita ng wala ang mga contacts ko. Ayan! Gwapo na! hahaha assume!

At exactly 5 dumating na si Daddy, narinig ko na ang busina sa labas, time to go! Si Daddy diretso galling sa trabaho pupunta na sa graduation ko.

“Gwapo talaga ng anak ko ah” puri ng tatay ko sakin

“’De wala po ako pera” pabirong sagot ko sakanya

“Eto talagang anak ko! Tara na nga at baka ma-late pa tayo”

Sumakay ako sa kotse, nagdrive si Dad patungo sa venue ng Graduation, at pagdating dun ay agad akong binati ng mg aka batch mate ko

“Congrats Drew!” sabi ni Marinel

“Congrats Din” sabi ko sakanya

“Drew Congrats” isang boses ang bumati sakin mula sa likuran ko at pagharap ko ay nakita ko si Ryan

“Uyyyy! Congrats din Pre” bati ko sakanya, nakangiti sya sakin at para bang gusto ko na hubarin yung suot kong long sleeves sa init

He was still smiling, nataranta ako, kaialngan ko talaga pumunta sa CR

“Dad! Punta po muna ako sa CR” sabi ko sa Daddy ko

“Oh Sige Anak! Andito pa sa kotse yung Toga mo, dadalin ko nalang, hintayin kita dito sa labas” sagot ng Dad ko

On my way sa CR, sobrang taranta, ewan, adik kasi yung si Ryan, sobrang pina tense ako, ang gwapo nya fuck! Hahaha tapos yung ngiti nya pa ewan! Tapos hindi ko napansin na may nakabanggaan na pala ako

(BLLLLAG)

“Sorry po Sir, Sorry po talaga” paumanhin ko sa nabunggo

Isang matandang lalaki ang nakabunggo ko at kasabay ko na napaupo sa sahig, parating si Ryan and parang Putangina naman oh! Ngayon pang nakahandusay ako dito, turned out Daddy nya pala yung nakasalubong ko

“Okay ka lang Dad?” tanong ni Ryan sa daddy nito

“Drew? Ayos ka lang” tanong nya rin saakin

“Okay lang” sagot ko “Sir! Sorry po talaga” paumanhin kong muli sa tatay ni Ryan

“Ayos lang yun iho! Congratulations nga pala” bati sakin ng Daddy ni Ryan

“Dad! Si Andrew po, ka batchmate ko!” pakilala ni Ryan sakin sa Ama nya

“Ahhhh, Andrew po Sir” bati ko

“It’s very nice to meet you iho! Oh paano mauna na ako sa loob ano?” sagot ng Daddy ni Ryan

Pumasok na sa loo bang Tatay nya at ako naman shocked parin sa bungguan na nagyari

“San ka pupunta Drew?” tanong ni Ryan

“Ahhh mag CR lang sana” sagot ko

“Tara! Sama ako” sabi nya

Sabay nalang kami pumunta ng CR para narin makapag ayos ayos ako ng sarili ko

“Can you believe it Ga-graduate na tayo Drew” sabi ni Ryan sakin

“Oo nga eh, after 40 years, hahahaha” sagot ko “Kanina ko pa nga hinihinagan si Daddy ng Grad gift eh” dagdag ko

“Ahhh, ako nga makita ko lang na okay yung pamilya ko yun nalang yung grad gift ni God para sakin” sabi ni Ryan

“Baet naman talaga! Suma Cum Laude, dapat may reagalo yan!” pabiro kong sagot sakanya

“Ikaw? Ano reagalo mo sakin?” tanong ni Ryan sakin

“Ahhhh! Sige hahanapan kita, dapat nga ako may reagalo, Birthday ko ngayon” sagot ko sakanya

“Pwede bang ikaw nalang” sabi nya sakin

(……………)


TUNGANGA MOMENTS! Seriously? Ako? Eh putangina! Kahit sa’yo na talaga ako! Tangina keep me Keep me! Hahahaha

“Huy Pare! Joke lang, ito naman!” sabi nya sakin

“Ahhh! Joke ba yun? Kala ko seryoso!” sagot ko sakanya

“Adik ka talaga” sabi nya

Di ko napigilan yung sarili ko hintak ko sya na malapit sa pinto, sumandal ako sa pinto para siguradong walang ibang makakapasok sa CR, hinatak ko saya papalapit sa akin at tinitigan ko sya sa dalawang mata nya, at sabay hinawakan ko ang likuran ng ulo nya

“Pwede bang ito muna gift ko sayo at gift mo rin sa birthday ko” pabulong kong sinabi sakanya

Inilapit ko ang muka ko sakanya at hinatak ko sya papalapit saakin, I kissed him, Fuck! Di man lang sya nag resist, We were kissing na parang hindi na mauulit yung halik na yun, sobrang nag init yung buong katawan ko, he was touching my face, ohhh! Heaven, we both closed our eyes ng biglang may kumalabog sa pinto ng CR, thinking na nakalock ito. At biglang nahinto ang ginagawa namin.

Para kaming tangang dalawa na naghugas nalang ng kamay at normal na lumabas ng CR, FUCK NAMAN! Nahalikan ko si Ryan Crisostomo! Fuck! I’m the happiest being on Earth

Ayyy! Sandali late na kami for the ceremonies, nagupo nalang kami sa upuan na hinanda para sa mga graduates, at mejo malapit lang ang agwat naming dalawa ni Ryan Crisostomo tapos Dosanos, pero hindi kami magkatabi, pansin ko na tingin ng tingin sakin si Ryan, ngiti ng ngiti, ako naman kilig ng kilig parang tanga. Hanggang kailangan ko na umakyat sa stage para kunin ang diploma ko, kasabay ng iba pa. Pagkatapos ay maya maya pinarangalan na ang mga Cum Laude, Magna at Suma, And umakyat na sa stage si Ryan para bigyang parangal sya kasama ang Daddy nya, ng biglang may malakas na putok na nanggaling sa likuran ng venue, at ang susunod na alam ko nalang nagtayuan ang mga tao, nataranta, nagtakbuhan palabas, at iniwan ang duguang Tatay ni Ryan sa entablado, nakahandusay, nag alala ako sa Daddy ko kaya’t tumakbo ako para hanapin ko sya, habang natataranta ako sa pagtakbo ay may nabunggo ako na isang matandang babae, na nakabalot ng puting tela, napahiga sya kaya’t agad ko sya tinulungan patayo, ng nasiguro ko na na ayos na sya ay aalis n asana ako ngunit nagsalita sya

“Hinahanap mo ang tatay mo?!” sabi nya

“opo?” sagot ko

“alam mo ba kung nasaan sya? Ano ang ginagawa nya?” sagot ng matanda

“Ho? Hindi ko po kayo maintindihan!” sagot ko sa matanda

“Heto! At ipapakita ko sayo!” sabi nya

Ng biglang nagliwanag ang paligid, naging puti lamang ang nakita ko, hanggang sa sobrang lakas ng hangin ay tumaob ako at nawalan ng malay

Ng magising ako ay nasa venue parin ako ng graduation namin, iyun parin ang suot ko, walang katao tao sa loob, lumabas ako para malaman ko kung ano ang nangyayari, wala! Walang tao sa labas, kakaunti ang mga sasakyang mga dumadaan sa kahabaan ng daan, bakit parang kakaiba, ano ba to! Ang alam ko graduation day naming ngayon ng biglang may isang lalaki ako nakita at lumapit saakin

“Medyo napaaga ka yata anak, mamaya pang alas sais ng gabi ang kaganapan dito” sabi ng lalaki

“Ahhhh, oo nga po napaaga po yata” sagot ko

“Agad akong naglakad papalayo para makahanap ng taxi na sasakyan papauwi saamin, ng napatingin ako sa likod ko at gulat na nakita ang tumambad sa mga mata ko

“Maligayang Pagtatapos Batch 1989”

Putangina! Bakit batch 1989…. Puta! Putangina talaga! Nasaan ako! Agad akong nataranta at nagtanong sa mga nakasalubong ko

“Ahhhhm Anong date po ngayon” tanong ko sa isang ale na nakasalubong ko

“April 6 iho” sagot nya

“Anong taon po” dagdag ko

“Ano ka ba? Edi 1989, itong batang ito oh!” nagkakamot na sabi ng ale

PUTANGINA! Bakit 1989 ngayon, eh 2010 ahhh, fuck talaga! Anong ka hunghangan yung nagyayari!

“Richard!” may biglang tumawag samay likuran ko na para bang ako ang tinatawag “Hoy! Richard!” tawag nyang muli

“Ako?” tanong ko

“Oo ikaw! Pabalik ka na ba sa dormitoryo? Sabay na ako, Bagong gupit tayo ah” sabi ng lalaki

“WTF! Ano ito? Bakit Richard? Hindi Richard ang pangalan ko! Ako po si Andrew! Pero baka may kinalaman to kung bakit nandito ako! Kaya’t sumama nalang ako! Napagalaman ko na ang dormitoryong inuuwian pala nitong si “RICAHRD” ay ang dormitory sa loob ng eskwelahan namin, ibang iba ang itsura ng school ko nung 1989, whoa! Iba talaga! Pagpasok ko sa dorm ay hindi ko alam kung saan ako pupunta ng nakita ko ang kama na may nakalagay na Richard dito, malamang iyun ang kama ko, ay! Ni Richard pala

WAIT! Sino ba si RICHARD? Hahaha! Putchangina naman!

“Richard!” tawag nanaman ng lalaki sa akin

“Ha? Oh?” sagot ko

“Ano na? may nahanap ka ng solusyon?” tanong nya saakin

“Ha? Solusyon sa ano?” tanong ko

“Taragis naman oh! Dun sa kinuwento mo saakin nung isang araw, kung makatulo pa nga yung luha mo nuon ay! Halos pati ako ay maiyak na sa iyo ah!” sabi nya

“Ano ba yun Pre, hindi ko talaga maalala, sabihin mo sakin kung ano, medyo nagiging makakalimutin ako ngayon eh” sabi ko sakanya

Lumapit sya saakin at may sinabi ng pabulong!

“Yung ano! Yung dalawang dalagang nabuntis mo! Tapos yung isa may kasintahan pang iba! Iyun! Ulyanin ka utol!” sagot ng lalaki

HUWAT!? Ako nakabuntis? Putangina naman! Ano ba naman yan! Maglalakbay nalang ako pabalik ng 1989 may nabuntis pa ako. Ano ba?

“Aiii Tol! Mauna na muna ako, tinatawag ako ni Honeypie ko! Nag iwan ng mensahe dyan kay Boy kanina nung wala ako, tara tol” sabi ng lalaki

Putangina naman, lalo kong hindi nalaman kung bakit nandito ako! Putangina naman! Paano ako makakawala dito sa nakaraan

“Sino ka?” biglang may lalaking sumigaw saakin

Pag tingin ko sa tumawag ay parang humarap ako sa salamin ng makita ko sya, mas mahaba nga lang ang buhok, sa tingin ko, sya ang sinasabi ng mga tao dito na si “Richard”

“Sino ka? Anong ginagawa mo sa kama ko, bakit kamuka kita?” tanong nya

Natawa naman ako sa tanong nya Bakit kamuka nya daw ako… malay ko! Hahaha

“Hindi ko din alam, hindi ako si Richard pero tinatawag nila akong Richard, ikaw? Si Richard?” tanong ko

“Oo! Pasensya, baka napagkamalan ka lang nila, sigurado si Tonyo yung nagdala sayo dito no?” tanong nya

Si Tonyo? Yung lalaking makulit siguro yun, yung may alam sa kwento ni Richard

“Wait, di ko talaga maintindihan eh, basta! Richard pwede ba kita makausap?” tanong ko sakanya

Naisip ko nung mga panahon na yun ay kaya baka nandito ako ay para tulungan si Richard, sa problema nya, baka misyon ko yun, pero magulo parin saakin kung bakit kailangan ay ako pa ang tumulong sakanya, pero ano magagawa ko, kailangan ko maghanap ng paraan para makabalik sa dati

Kinausap ko si Richard patungkol na rin sa problema nya at mabilis naman na gumaan ang loob saakin ni Richard, nagkwento sya patungkol sa dalawang babaeng nabuntis nya, harsh! Yung isang nabuntis nya may boyfriend pang iba, at inilihin nilang dalawa sa boyfriend nung babae yung nangyari, ang sakit sa boyfriend nung babae

“Manganganak na nga yata ngayon yung isa” bigla nyang sabi sakin

“Ha? Talaga? Eh yung isa?” tanong ko

“Medyo mga tatlong buwan pa” sagot nya

“Eh paano yun?” tanong ko sakanya

“Hindi ko din alam eh” sagot nya

“May tatanong ako sayo Richard” sabi ko sakanya

“Ano yun?” tanong nya

“Hindi ba Artemio pangalan mo?” tanong ko

“Hindi!” sagot nya

Mali pala yung iniisip ko, all this time I thought he was my Dad, kasi kamukang kamuka ko, and alam ko parehas kaming school na pinagaralan ni Daddy, dito rin, and halos kamukang kamuka ko si Richard, nagbaka sakali lang ako na siya ang tatay ko, baka sakaling isa sa mga nabuntis nya ay si Mama, gusto ko sana Makita ang Mama ko.

“Pwede ba samahan mo ako sa hospital? Gusto ko siya Makita at yung anak namin, kahit hindi alam ng kasintahan nya na ako ang ama ng bata” sabi nya

Sinamahan ko naman sya at pagdating naming dun ay may mga umiiyak na tao sa ospital

“Sino yung mga yun?” tanong k okay Richard

“Ha? Alam ko Mama nya yang umiiyak, bakit umiiyak?” tanong nya pabalik saakin

Ng titigan ko ang babaeng umiiyak ay biglang parang may hawig sya picture na nakikita ko sa bahay, parang kamukang kamuka nya ang Lola ko

“Richard? Anong pangalan nung nabuntis mo na nanganganak ngayon?” tanong ko

“Alicia” sagot nya

……………………………. WTF……………………………………….. that’s my mom’s name

“Nurse, ano pong nangyari sa pasyente? Bakit po sila umiiyak?” tanong ni Richard

“Ahhhm, Post Partum Hemorrhage po Sir, masyadong madaming naubos na dugo nung nanganak sya”

Umiiyak si Richard Bigla at napatingin sya saakin, at pati ako napaiyak, Syet naman! Nanay ko yun eh! Ibig sabihin, si Richard? Siya nga ang tatay ko? At Oo nga, Birthday ko nga pala ngayon.

“Artemio, wala na siya” sigaw ng umiiyak na babae sa isang lalaking nakayakap dito

Shit! Ayun si Daddy! Kayakap ni Lola, Fuck! At eto naman yung tunay na tatay ko, umiiyak sa harapan ko, naka uniform si Richard nuon at napatingin ako sa I.D. nya ng walang dahilan. Wala lang, napatignin lang ako, hindi ko alam kung bakit.

Biglang nagliwanag nalang ang paligid ko at wala akong nakita kung hindi liwanag, nakaksilaw, nakatakip ang mga braso ko sa akin. Shit Ang liwanag talaga, pumikit nalang ako dahil sa sobrang silaw ko

Napadilat ako ng narinig ko ang isang malakas na putok na nanggaling sa likuran ng venue, at ang susunod na alam ko nalang nagtayuan ang mga tao, nataranta, nagtakbuhan palabas, at iniwan ang duguang Tatay ni Ryan sa entablado, nakahandusay, nag alala ako sa Daddy ko kaya’t tumakbo ako para hanapin ko sya. Bigla kong naala ang nangyari sakin bago ko pang muli marinig ang putok ng baril, isa lamang ba iyong panaginip? Ng biglang may isang matanda na naalala ko ay naka bangga ko, nakita ko sya harapan ko, at ngumiti sya saakin.

“Ano? Nakita mo ba sya?” tanong nya

“Totoo po ba yung mga nakita ko?” tanong ko sakanya

“Anak” narinig ko ang malakas na sigaw na nanggaling sa likuran, at boses yun ni Daddy

Tumakbo papalapit si Daddy saakin at niyakap ako

“Buti naman at ligtas ka” sabi nya saakin

Ng tumingin muli ako sa matanda ay wala na ito sa likuran ko

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa mga oras na iyon, totoo ang mga nangyari sa nakaraan, hindi ang Daddy ko na to ang tunay kong ama, pero wala naman akong naging pagsisisi na sya ang binigay sakin ng Diyos.

“Dad? Sila Ryan po!” mabilis kong sabi kay Daddy

Tumakbo kami sa entablado at nanduon parin ang Tatay ni Ryan at siya, wala man lamang nag lakas loob na tumulong sakanila, siguro ay dala narin ng takot na nadama sa putok ng baril na nakaabala sa pinakamahalagang araw ng buhay estudyante naming lahat

Agad naming tumulong si Daddy na buhatin ang ama ni Ryan at nagtulong kaming tatlo na maisakay ito sa kotse at madala ito sa Hospital. Pag dating ay agad itong sinakay sa stretcher para dalin sa Emergency Room. Katabi ko si Ryan habang kinukuhanan sya ng mga impormasyon ukol sa kanyang ama

“Ano po ang buong pangalan ng pasyente Sir?” tanong ng nurse

“Richard Gallardo Crisostomo po”

Bigla kong naalala ang nangyari kanina, ang tila panaginip na nangyari habang nasa Graduation ceremony kami, ang pag balik ko sa nakaraan, bago ako bumalik sa katinuan ay nakita ko ang suot na I.D. ng lalaking nakilala ko roon na nagngangalang…

RICHARD G. CRISOSTOMO

There are things in life na kahit anong gawin mo ay hindi mo malalaman, there are these hidden secrets that you will never know about yourself, na kahit gaano mo alamin, hinding hindi mo malalaman.

Ikaw? Anong sikreto ng buhay mo? Alam mo ba?

7 comments:

  1. Kuya Gab!
    Nice ang story.. magandang gawing short film.. tapos ikaw ang bida.. hehehe..
    Good ur back on writing again.. Keep it up!
    Ingat! ;)

    ReplyDelete
  2. Kuya Kirbs, idol pa rin gumawa ng story. :) Super like!!!

    ReplyDelete
  3. Uy, kaanu-ano kita Lanz? ahihihi...

    Kailan ulit kasal natin Gabriel?

    ReplyDelete
  4. Nice story.....may nadagdag na sa mga iniidolo kong writers....si Mike, si Dalisay and now si Gabriel.....

    ReplyDelete
  5. Nalito ako bigla. Pero naka-agapay naman sa story. Ok na ok. Kelan ang karugtong?

    ReplyDelete
  6. magkapatid pla ang nag halikan. hehehehe!! ang ganda ng storya sayang nag end kaagad.

    ReplyDelete