Friday, November 12, 2010

Fresh Start- 8: A New World




I'm So So So So SORRY for the hyper mega super LATE na update, medyo nag crash yung laptop ko, pinaayos ko pa kay Chase! Hahaha, and Thank you sa mga nangungulit sa FB, tanung ng tanong kung sino ang mga tao sa istorya, hingi ng Facebook di pwede gagarutihin nila ako isa isa.... Pero Eto since okay na at na-type ko na yung latest update, kasi nawala yung dati kung tinype na hanggang chapter 12 na! so back to chapter 8 ako.... eto para sainyong lahat Love lots... :) hehe Thank you guys!

_____________________________________________________________________________________


Buti nalang hindi ko pa nalabas yung mga gamit ko galing Manila, buti nahablot ko pa bago ako lumabas ng bahay namin. Basta nagiisip ako kung san ba ako pwedeng pumunta. Syempre una kong maiisip si Ivan, kasi malapit sya. Pero sabi ko, madali nila ako makikita dun. Saan? Saan ako pupunta? Ahhhhhh!

Nasa Olongapo na ako ng bigla kong naisip si Tita Anita sa Bataan. Shiyet! Oo nga pala, pag pumunta ako dun hindi nila sasabihin na nandun ako. Kasi kung sa bahay namin sa Bataan ako pupunta sigurado susumbong ako nung madaldal na caretaker ng bahay naming dun. At least meron na ako mapupuntahan.

After an hour nakarating din ako sa Bataan at kinakabahan ako sa gagawin ko. Pero mabait naman si Tita Anita ko, kaya sigurado she won’t let me down katulad ng Rexona!. Wow pagdating ko sa harap ng bahay nila, wala paring kakupas kupas, Donya talaga sa Bataan, hehehe. Ang laki ng bahay nila, pero dadalawa yung kwarto, para sakanya at sa pinsan kong nasa Qatar na si Anna.

Sinalubong naman ako ni Tita ko at bumati sakin ng masigla

“Gabi! Napadalaw ka yata?” sabi ni Tita

“Oo nga po Tita, kasi ano eh….. hehe, medyo ano po…. Kasi…” sagot ko

“Oo! Alam ko, nasabi na sakin ni Mama mo, and sabi nya nga kung ditto ka daw tutuloy, eh wag na kita paalisin, wag ka daw mag alala, hindi nya daw sasabihin kay Daddy mo” Sabin i Tita

Wow! Gulat ako nun na alam na pala ni Tita yung nangyari, ang bilis talaga ni Mama ko. Pero ibig lang sabihin nito naiintindihan ako ni Mama, siguro din hindi nya na ako pinigilan kanina, alam nya naman na wala akong katarantaduhang gagawin, mabait naman ako ah, pero it’s nice to know na suportado naman pala ako ni Mama kahit papaano.

Gulat ako na may isang napakagandang babae na lumabas sa pintuan nila TIta, and parang pamilyar sakin. Holy Shit! Hahaha si Anna, ang pinakamaganda kong pinsan sa lahat. Shet at umuwi pala ang pinsan ko na ito dahil nag hiwalay sila ng asawa nya sa sa Qatar, at ang mas malupet, ayaw ibigay sakanya yung anak nila. Kawawa naman si Pinsan ko. Ang ganda ni Anna, ngayon napatunayan ko tuloy na bi lang talaga ako. Hahahaha ganda sarap tirahin. Joke! Hahahaha, pinsan ko yan para tuloy akong tanga nun.

“Insan, Balita? Gwapo mo ngayon ah” sabi ni Anna sakin

“Hala ka insan, mag salamin ka nga lumalabo yata mata mo” sagot ko. Awww. Gwapo daw ako. Ganyan naman talaga pag kapamilya, angatan lang ng iba pang kapamilya. Hahaha

“no Joke Insan, paano nung huli kita nakita totoy na totoy ka pa!” sabi nya

“Eh paano, papakasal ka dun pa sa Qatar! Edi hindi tuloy kami nakapunta!” sagot ko saanya

“Nako Insan wag mo na nga ipaalala yun at baka iyaan kita ng bongga dito” sabi nya… “Oo nga pala? Bakit nga pala nag away kayo ni Tito Art?” tanong nya

“Ahhhh… yan naman yung wag mo tanungin. Ako naman yung iiyak sayo!” pabiro kong sagot sakanya

Nagkamustahan lang kaming dalawa ng pinsan ko ng biglang dumating si Tita ko galing kusina para bigyan ako ng juice.

“Oh Eto Gabi oh uminom ka muna” sabi ni Tita

“Ahhh, salamat tita” sagot ko

“Oo nga pala, okay lang ba sa’yo na dun ka muna sa dorm tumira, kasi umuwi to ngayon si Anna, ay nakakahiya naman kung makikisama ka kay Anna dyan” sabi ni Tita

Ito talagang si Tita, meron kasi siyang dalawang dormitory, sobrang ganda dun, halos parang bahay lang din, pero parang luxury, hahaha, masarap tumira, nakakahiya naman ako na nga lang nakikitira dun pa sa dorm nila ako titira

“Ahhh. Okay lang po yun Tita, wala pong problema” sagot ko

Pwede nadin pero ayoko ng masyado maraming kasama sa kwarto, tsaka ayoko ng masungit! Hahaha, lintek choosy pa ako! Hahaha, pero kung san naman ako ilagay ni Tita wala naming problema, syempre, makikitira na nga lang ako.

After 30 minutes, naligo lang si Tita at nagbihis at agad naman kami tumungo sa dormitoryong titirahan ko. Malapit lang din naman sa bahay nila. Kaya’t wala namang problema. Wow pagdating naming dun. Nagbago lang ang kulay, pero ganun padin, sobrang ganda padin, at pagpasok naming ay talagang binati pa sya ng lahat ng mga nagbabantay dun. Doyang donya. At pumunta kami sa kwarto kung saan nya ako papatirahin. Pagpasok naming ay Wow, ang laki ng kwarto so inexpect ko na madami ang nakatira dun.

“Ayan Gab, pasensya ka na ah, dito lang kasi yung hindi marami yung boarders, sa ibang kwarto ang dami ng tao” sabi ni Tita

“Okay lang naman po Tita kahit saan” sagot ko

“Ayan! Mabait naman yung kasama mo dyan, tsaka malinis sa kwarto, bali isa lang siya dito, ayan ikaw yung makakasama nya” sabi ni Tita

“Ahhh, Thank you po talaga Tita” malaking pasasalamat ko

“Oh paano Gab. Mauna na kami sa’yo” paalam ni Tita ko saakin

“Ahhh, sige po Tita” paalam ko din kay Tita ko

“Ai! Oo nga pala ito oh, ipinapabigay ni Mama mo yan sa’yo” inabutan ako ni Tita ko ng 4000 pesos na binigay daw sakin ni Mama ko, wow! Pera! Akala ko hindi ako kakain ngayon gabi, hahaha joke, pwedeng pwede naman ako makikain kina Tita ko anytime “At pag may kailangan ka, tawagan mo lang lang ako, o kaya pumunta ka sa bahay” sabi pa ni Tita “Tsaka may pagkain naman sila na hinahatid sa kwarto dito, pag di mo gusto, punta ka lang sa bahay okay?” huling paalala ni Tita ko sakin

“Ahhh, Salamat talaga tita! Sobrang sobrang salamat” laking pasasalamat k okay Tita

Umalis na sila Tita at ako naman, unpack na ng gamit ko, at pagkatapos humiga sa kamang tutulugan ko. Iniisip ang nagnyari sa buong araw na ito, si Arvin, si Daddy, ang pagbalik ni Andy, at si Ivan. Ewan! Bakit ganito yung mga nangyayari sakin. Nagpapakatotoo nalang naman ako sa tatay ko, ayoko naman ideny sakanya kasi kitang kita nya na hinahalikan ko si Arvin. Hayyyyy, namimiss ko si Kuya ko.

Biglang may nagtext at pagkatingin ko ay si Chase. Pagbukas ko ay lintek! Hayup! GM lang pala,

“Just got home… Haha! I miss Bataan” sabi sa text

Naisip ko tuloy na pumunta sa bahay nila.. Oh bakit hindi! Taga bataan sya, tsaka ayos naman kami kaya nagreply ako.

“Chase! Dinner?” tanong ko sakanya

“Ha? Wala ako sa Manila, di mo narecieve message ko?” tanong nya

“Narecieve! Andito ako sa Bataan” sagot ko sa text

Gulat naman ang reply nya pero agad naman akong nagbihis para narin makapunta sakanila, sabi ko ay mamaya ko nalang ipapaliwanag ang mga nangyari. Kaya’t eto drive nalang muna ako, buti madaming gas yung kotse ni Ate, no problem sa mga drive drive. Medyo malapit din naman yung kala Chase, mga 30 mins. Drive lang.

Habang nasa byahe, anu ba yan text ng text ang mga mahal ko sa buhay. Hahaha

Si Kuya nagtext “Musta kana Gab?”

Si Ivan nagtext “Gab! Can we meet, dinner lang tayo, alam ko marami nangyari ngayong araw”

At ang lintek na Arvin na yan nagtext haha nalintek pa tuloy “Sorry Gab ah, kamusta? What happened?”

Wala naman ako magawa, mamaya nalang sila replyan at baka mabunggo ako sa dinadrive ko. Okay, maya maya ay dumating nadin ako sa bahay nila Chase at sinalubong naman ako ng isang pilyong ngiti ni Chase

“Oh! Kamusta? Bakit andito ka? Hahaha” patawang bati ni Chase

“Mahabang istorya eh Bespren” sagot ko

“Mahaba haba ba? San Mig Light na ba to?” tanong nya sakin

“Hindi! Wag! Ayoko malasing” sagot ko sakanya

Nagkakwentuhan din naman kami ni Chase at nagulat sya sa lahat ng nangyari ngayong araw na to, and syempre, kahit ako nagulat din sa mga nangyari, pero nagulat ako sa nalaman ko ng gabing iyun. Gulat na! nakaktuwa din naman

“Edi panu ba yan? May kayosi na ako sa Bataan?” tanong ni Chase

“Oo! Basta pag kakauwi mo Manila, diretso ka na sa Balanga, para lagi tayo mag aadik” pabiro kong sabi

“Ha? Di na kailangan” sabi ni Chase

“Bakit?” gulat na tanong ko

“Eh kasi sa balanga na ako magaaral eh” sagot nya

HUUWAT????? “Hala? Bakit?” tanong ko sakanya

“Bagsakers” sagot nya

Shit! Bumagsak sya? Anu ba yun! ? yan kasing si Chase, tamad eh, matalino naman! Acctually, sobrang talino nyan kung mag aaral lang at magsisipag. Adik kasi! Hahaha, hayst! At least may kasama na ako sa Bataan ngayon.

“I miss you Chase” sabi ko sakanya

“Kaw din na miss kita!” sabay isang matamis na ngiti ang ibinigay nya sakin

Awwww sobrang cute nya naman ngumiti! Basta! Ano ba yan eto nanaman ako!

“So kalian ka mag eenrol? Pasukan na next week ah?” tanong ko sakanya

“Sasamahan mo ba ako?” tanong nya sakin

“Oo naman! Ikaw pa!” sagot ko sakanya

“Oh samahan mo ako bukas! Mag eenroll ako” sabi nya sakin

Okay! May lakad na ako bukas, ano ba yan? Sya mag eenroll! Ako hindi! Hayyyy! Buti pa sya tuloy parin ang pag aaral nya. Naisip ko tuloy, ano na kaya mangyayari sakin, isang sem nalang magiging ganap na graduate na ako. Hay! Hirap si Daddy kasi naghahawak ng pera sa bahay namin, kaya sakanya nanggaling ang tuition at allowance ko. Eh ngayon kaya? Hayyy!

We had dinner at their house, hehe favorite ko naming adobo yung ulam! Wow! Hehehehe. After eating I wanted to ask Chase kung pwede ba ako makitulog sakanila pero bigla nya yata ako naunahan

“Gusto sana kita patulugin dito kaso kasama ko si Tito ko sa kwarto ko, kaya, nakakhiya naman sa’yo” sabi nya

“Okay lang yun, sa dorm nalang ako” sagot ko sakanya

“Bukas ah” sabi nya “kahit mga 2 na ng hapon” dagdag pa nya

“Oo! Anytime para sa’yo” sabi ko sakanya

Nakangiti akong nagpaalam kay Chase, uwi na ako sa dorm para narin makapagpahinga si Chase, at mag eenroll pa sya bukas. Namiss ko yang si Chase, at least ngayon kahit araw araw makakasama ko sya. Paano na sila ni Kaye? Ewan ko lang ah. Hahahaha eto nanaman ako nangdedemonyo nanaman ako.

Pagdating ko sa dorm ay agad naman ako naligo. (shet! Buong araw ako hindi nakaligo) kaya sarap maligo, pagkatapos maligo ay (Zzzzzz) nakatulog agad ako.

Pagkagising ko. Check ng phone. Alas 9 palang ng umaga. At andami nading nagtext. Andyan padin si Ivan, si Kuya, Si Ate ko, Si Mama, at isang unknown na number

“Dito ako Jolibee, punt aka dito bilis” sabi ng unknown na number.

Naisip ko nab aka nakitext si Chase, iba yung number eh, pero ang bilis naman nya nakapunta dito sa Balanga, eh an gaga aga pa, 2 ang usapan namin, baka naman may sasabihin, ewan, basta parang importante, kaya’t agad akong nagibihis lang at nag drive papunta sa Jolibee

Pagdating ko at pagpasok ng Jolibee agad ko naman syang hinanap

“Gab!” may biglang tumawag samay likuran ko

Wow! What is he doing here? Bakit nandito to! Hehehe, pero it was nice to see him, ano kayang purpose nya kung bakit ang aga aga nya na nasa Bataan, eh ang layo pa ng pinaggalingan nito.

(to be continued...)

2 comments:

  1. Nice nman! ang swerte mo pa rin Kuya Gab... May back-up ka lagi... Ur mom is always there for u, mxadong baby ng mama... hehehe.. ang dami mong characters sa story, di nman namin nakikita... Kaya cguro kinukulit ka ng mga fans mo, ayan tuloy.. pati pinsan mong c Anna isinama mo pa.. Pati ako iniimagine ko anong itsura nyan, eh nasa lahi nyo pla ang artistahin ehhh.. heheheh... di aako galit ahh.. naaaliw ako sa mga chapters.
    Keep it up Gab...
    (Good thing naayos na yang laptop mo.. suggestion lng, save a copies of ur stories on ur USB flash disk...)
    ~jai ;)

    ReplyDelete
  2. nice story....sana maranasan ko din ang mga yan..hehe

    ReplyDelete