It’s been a while since my Last story, sa mga nakabasa ng mga stories ko, Entrance Exam from part 1 to 7 salamat sa mga oras nyo, for reading the first four offerings of SBLS, (LOVE FOR LIFE)(LIGHT RAIL LOVE)(LET IT FALL) and (LET IT FALL ON THE OTHER SIDE) thank you very much and I’m so sorry if ang tagal ko na hindi nakapag sulat, sa lahat ng friends ko sa FB alam kung bakit kaya sa mga hindi nakakaalam sorry sorry Well sana magustuhan nyo to. Have fun reading
___________________________________________________________________________________
“Love is somehow similar to dreams, good dreams make you smile when you wake up but nightmares gives you chills and anxiety, like love, right love inspires you to smile even with troubles around you yet after a wrong one, you thank yourself you finally woke up”
I Don’t hold the fate, but somehow, I don’t know why, they just come true…….
Sobrang hirap na hirap na ko huminga, nakikita ko yung sarili ko na nakahiga pero hindi ko alam kug bakit ayaw ko dumilat, sumisigaw ako pero walang boses na lumalabas sakin, nanannaginip nanaman ba ako? Bangungot nga na matatawag, hindi ako makahinga, ayan na! hirap na hirap na ako maka kuha ng hangin, hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko ng biglang may isang malakas na boses ang sumigaw at gumalaw sa katawan ko
“Drei,aba anak anong oras na DREI!” si nanay ko niyugyog ako, at nang makabagon sa isanng malagim na panagiip, agad kong niyakap si Mama para magpasalamat na ginising nya ako a sinabi ko sakanya na binabangungo nga ako.
Hindi ito ang unang beses na nanaginip ako ng masama, maraming beses na din pero iyon a siguro ang pinakamatindi, naalala ko ang lahat ng napapanaginipan ko, dahil sa Dream Book ko, isang noebook na kung saan sa lahat ng beses na nagkka panaginip ako ay isinusulat ko dito ang lahat ng mga naalala ko.
Dream book? Oo Weird kasi halos lahat ng napapanaginipan ko nangyayari sa buhay ko, hindi man sa araw na iyun, basta nangyayari at nangyayari lahat ng mga iyun, naalala ko na isang beses napanaginipan ko na nasusunog yung bahay ng besfriend kong si Jaely, at ayun pagkatapos ng 5 buwan, nasunog nga yung bahay nila, iyun angn pinakaunang malalang pangyayaring napanaginipan ko na nagkatotoo, kaya maraming beses na pag nananaginip ako ng masama ay sinasabihan ko yung mga taong nakita ko sa panaginip ko na lagi silang magingat, ayoko naman sabihin na nagkakatotoo yung mga panaginip ko! Ayoko magmukang freak ng school namin!
Pagkagising ko sinulat ko agad ang napanaginipan ko, Date ngayon at habang isinusulat ko ang panaginip ko, bigla akong tinawag ni Mama
“Andrei anak! Kumain ka na malelate ka na ano ka ba?”
“Bababa na po”
Pagkakain, eto nanaman, papasok nanaman ako sa course kong pilit ko lang tinatapos, kasi ayoko naman talaga maging Engineer, gusto ko talagang malaman yung sagot kung bakit ganito yung nangyayari sakin, bakit nagkakatotoo yug mga panaginip ko, kung may course ba para dun, edi sana yung na yung course ko ngayon. Pagpasok ko sa 1st period, Analytical Geometry, Hay ewan ko ba kung pano ako nakakasurvive eh hindi naman ako ganun kagaling sa Math, eto na si Jaely, bestfriend ko
“Bebe Drei, may scoop ako” bungad sakin ni Jaely
“Ano yun?” sagot ko
“Nanliligaw sakin si Val” sabi nya
“Si Val? Hala!” sagot ko, naalala ko na napanaginipan ko na pinagpupustahan ng Val na yun at ng mga barkada nya tong Best ko, pag napasagot daw panalo, parang ganun, ayan nanaman ako, alam ko na mali yung sabihin ko sakanya na ganito, ganyan pero di ko matiis si Best ko na mapagtitripan kaya gumawa ako ng paraan, alam ko hot sya pero alam ko din na pinagpupusahan lang nila sya!
Eto nananan, magiting na tagapagtangol ng mga naaapi sa panaginip ko, gumawa kami ng paraan para makapag spy, at boom! Naka eavesdrop kami ng infos na pustahan nga yun, si Val at ang muka nya? Namaga sa kamay ni Best.
Madami na akong pannaginip na nagkatotoo pero isa na lang ang hindi, napaniginipan ko na may isang lalaki na humahalik sa mga labi ko at parang nagugustuhan ko naman, Yuck! Fuck! Kadiri, hindi ako bading, bi, o kahit anong malapit dun. Pero anong magagawa ko nangyayari lahat ng napapanaginipan ko, sana hindi yun! Naalala ko pa na sobrang lamig nun at parang nasa isang kwarto kami ng kulay blue ang pintura ng buong kwarto, I’m sure, hindi ko kwarto yun kasi puti lang ang kwarto ko, at parang ako pa nga yung humalik dun sa lalaki, di ko makita yung muka nung lalaki, hindi ko alam kung ano itsura kaya nagtataka talaga ako sa panaginip ko na yun.
Alam ni Jaeli yung dream book ko pero hindi nya alam na lahat ng nakasulat dun nagkatotoo na except nga dun sa halikan. Pero hindi nya binubuksan yon. Tapos na yung klase, sinama ko muna si Jaeli sa bahay para tumamay at magpatulong sa mga ibang domeworks na hindi kaya ng utak ko, naghahanda ako ng pagkain para saming dalawa sa kusina at nasa kwarto si Jaeli, ng nagulat ako na lumabas sya ng kwarto ko ng dala yung bag nya, at parang galit na galit,
“Bebe Je? San ka pupunta” tanong ko
“Sinungaling” “Makasarili ka pala” sigaw nya sakin, hinabol ko sya at niyakap ko sya at tinanong ko kung anong problem nya “Ano ba problema?” tanong nya
“Problema? Tanong mo dun sa dream book mo” sagot nya
“I’ll explain Je” sagot ko
“Yung nasusunog yung bahay naming, yung mahuhulog ako sa hagdanan,, yung mapapahiya ako sa klase, yung panloloko ni val, yung pagkamatay ni Keith, Yung pag bebreak naming ni Ken, lahat yun napanaginipan mo? Ha? Bago mangyari? Di mo man lang sinabi sakin, maiintindihan naman kita eh”
“Sorry, ayoko lang isipin mo na weird ako! Je naman!”
“Bestfriend mo ko Andrei! Bestfriend mo ko, kilala mo ko hangang sa times 100 to the 100th power ng buhay ko, maiintindihan kita” Niyakap ko nalang sya at nag sorry ako, hindi ko alam na ganun pala nya ko katangap, at least ngayong alam nya na! may mapapagsabihan na ako sa mga problema at kung ano man yung paparating na maari mangyari.
Dumaan ang ilang araw, puro masasayang panaginip ang napapanaginipan ko, everytime na nagkakaroon ako ng panaginip ko, agad kong sinasabi kay Jaeli. Isang araw nagtext si Jaeli sakin
“Drei, samahan mo ko kala Tita ko, dumating kasi galing sa U.S. pinapasamahan nya yung pinsan ko mage enroll satin, papatulong daw”
Sinamahan ko si Jelai sa bahay ng tita nya at agad sumalubong sa pinto ang isang lalaking kinaingitan ko, sobrang puti, sobrang gwapo, lakas ng appeal, at mukang mabango, pero pinoy na pinoy yung dating, insecure? Sige na sya na yung gwapo.
“Dyan si tita merly?” tanong ni Jaeli sa lalaki
“Ahh pasok kayo dyan si Mama sa loob, ikaw si Jaely?” tanong na lalaki
“Oo” sagot ni Jaeli
“Di naman sinabi ni Mama na sobrang sexy at ganda ng pinsan ko!” sabi ng lalaki at sabay tawa
“Nyek! Ganun?” sagot ni Jaeli
“Lance insan! Di mo pa nga pala ako kilala!” pakilala ng lalaki
“Ay insan! Si Andrei, bestfriend ko” pakilala ni Jaeli sakin. Agad kong inabot ang kamay ko para makipagkilala, sobrang kinis ng kamay nya, ang bango, wala akong masabing iba, nakakabading, pero hindi ako nababading kasi hindi ako bading! Hindi ako bading hindi ako bading, hindi talaga! Hindi talaga! Promise, Hindi ako bading! Ang gwapo nya syet! Bakit ganun yung naramdaman ko nung ngumiti sya sakin, shet! Pucha! Pucha talaga!
“Andrei pare” yung lang nasabi ko at ngumiti lang sya sakin at sabay pinapasok nya kami.
Sinamahan namin sya sa school para mag enroll, kumain kami pagkatapos at everyday, kasama na naming sya ni Bestfriend, after school sa bahay namin, sa mga gala, sa mga gimik, basta sa lahat, When I see Lance, ewan ko parang sya yung kahalikan ko dun sa panginip ko, pero kung sya yun, hindi pwede kasi hindi sya bading, hindi sya bi. Sana may mapanaginipan ako tungkol sa kanya. Sobrang naging close din kami ni Lance,
Isang beses na nagkasakit si Jaeli, hindi pumasok, kaming dalawa ng ni Lance yung natirang magkasama, umuwi kami sa bahay para matapos naming yung homework. Pagod na pagod ako, kaya nagulat ako pagpasok ko ng kwarto ang baho, bagong pintura yung kwarto ko, di ko na pinansin at nagpasenya nalang ako sa baho na dala ng kwarto ko kay Lance.
“Okay lang ba Lance? Tulog muna ako sandal, napapagod ako eh!” tanong ko
“Sige Walang problema! Gisingin nalang kita para matapos mo na din to”
Naktulog na ako at pagkatapos ng isang oras may yumuyugyok sakin
“John Andrei David! Gumising ka na! Tatapusin mo pa yung Trigo mo! Anong petsa na! alas 7:00 na nang gabi”
Nagising ako sa sigaw ni Lance sakin, gumawa nalang ako ng homework, nung natapos kami ay kumain lang kami ng dinner at nagpaalam nadin sakin si Lance at baka hanapin na sya sa bahay nila
Kinabukasan, nasa klase na si Jaeli, nagka kwetuhan kung anung mga nangyari nung wala sya, nagkabiruan, pagkatapos ng klase naglalakad kami pauwi kami nakasalubong naming ang isang babaeng sobrang pamilyar sa mga mata ko, si Carmi, ex ko, nagkamustahan, matagal na kasi akong walang girlfriend, si Carmi yung huli ko at sya yung pinakamahal ko sa lahat, habang naguusap kami nakikita ko yung mata ni Lance na parang umiiwas at parang naiinis, ano yun? Paramdam? Paramdam? Bago kami maghiwalay ni Carmi, nagpaalam pa at kiniss ako sa labi, nalihis yung mata k okay Lance at parang naiinis sa nakikita nya pagkatapos
“Jaeli, una na ko, nagtext sakin si Mama, umuwi nadaw ako” sabi ni Lance
“Hindi ka na sasama kina Andrei?” tanong nya
“Hindi na! nagmamadali eh” sagot nya, papalayo sya na ibang iba yung aura nya, parang galit na parang ewan! Ewan ko ba!? Nagseselos? Bakit? Kami? Meron nangyayari sa pagitan namin? May past kami? Bakit sya ganun?
Sumunod na araw parang ilag sakin si Lance, ilag samin ni Jaeli, hindi ko alam kung bakit, kaya nung nagkaroon ng pagkakataon, kinausap ko sya, umaalis sya pag kakausapin ko sya, hinabol ko sya at hinwakan ko yung kanang kamay nya
“May problema ba Lance?” tanong ko
“Wala!” sagot nya
“Wala? Eh bakit mo kami iniiwasan?” sagot ko
“Hindi mo na kailangan malaman” sagot nya
“Lance! Kaibigan mo ko! Mahalaga ka sakin, anong problema?” tanong ko ulet
“Sa bahay! Ewan! Basta! Wala ako sa trip nagaaway si Mama tsaka si Dad ko, ano gagawin ko? Naiinis ako!” kahit alam ko na hindi iyun yung rason kung bakit at ramdam na ramdam ko na ako yun, ewan ko ba! Basta alam ko na alibi nya lang yun para hindi nya masabi yung gusto nya sabihin sakin. Kung nagseselos man sya o naiinis! Niyakap ko nalang sya kasi patulo na yung luha sa mga mata nya, habang niyayakap ko sya ewan ko kung bakit parang naluha nadin ako, gusto ko kasi na sabihin nya sakin na gusto nya ako, kasi ako? Gusto ko sya.
Dumaan pa ang mga araw, mas lalo ko sya nakilala, halos lahat ng pwede ko malaman tungkol sakanya halos alam ko na, at lahat din naman ng pwede nya malaman sakin alam nya narin.
Natapos yung sem, at nakuha na naming yung mga grades naming ng naisipan naming na mag celebrate dahil pasado kaming lahat. Lumabas kami to drink, para mag chill at sulitin yung sembreak, nagpunta kami ng acoustic bar na sikat sa lugar namin, at sa gitna ng inuman, inudyok ni Jaeli si Lance na kumanta sa harap kasi maganda pala yung boses ni Lance, hindi ko naman kasi sya naririnig kumanta. Syempre medyo tipsy natong si Lance ko (Lance ko? Haha) ayun pumayag na sya. Pag akyat sa stage, at pag tunog ng intro ng kakantahin nya.
“This is for someone whom inspires me to continue breathing, to the one who puts the smile on my face everyday, one day! I’ll gather my guts until I get enough to tell you what I feel” sabi nya. Isang sobrang gandang kanta ni Colby Calliat, ang ganda nung kanta kahit sya yung kumakanta, hindi ako nag assume pero sana nnga para sakin yung kanta na yun. Tumatak sa utak ko yung mga linyang
“I don’t know but, I think I may be falling for you, dropping so quickly, maybe I should keep this to myself, wait ultil I know you better, I am trying not to tell you but I want to, I’m scared of what you’ll say, So I’m hiding what I’m feeling, but I’m tired of holding this inside my head”
Assume? Hindi naman ako nag aassume? Nag wiwish ako! Na ako nga yun, bakit kasi ngayon kung kalian kailang ko ng panaginip ko wala naman! Ano ba yan? Pagkatapos nya kumanta, inusisa ko sya
“Ayiiii! May nagiinspire sakanya! Share mo naman dyan Lance” sabi ko
“Haha! Wala Epal lang yung kanina para lang may meaning yung kanta” sabi nya
“Insan! Sino yan ha? Kilala ko ba yan? Mas maganda ba sakin yan?” tanong ni Jaeli
“Hay nako insan! Kilala mo yan! Kaso dim as maganda sayo, basta!” sagot ni Lance
Boom! Ako yan! Ako yan! Assuming na kung assuming, taragis, ako yan! Hayyy. Di nya masabi sakin? Kalian pa? pag may iba na ako? Ako nalang kaya magsabi na gusto ko sya? Hindi pwede, natatakot din ako, baka mawala lang sya sakin, hindi ko muna siguro sasabihin hanggang di pa ko siguradi na ako yun! Hayyyyyy! Ano ba yan? Ang bading ko! Shet! Ilang buwan din yung dumaan, walang nangyayaring pagbabago, wala padin syang sinasabi sakin, wala din akong sinasabi sakanya. Gusto ko na sabihin na gusto ko sya, pero di ko maalis yung takot na baka mawala sya. Baka magiba tingin nya sakin, baka hindi naman ako yung gusto nyang kantahan nung gabing yun, hay! Ewan Ewan! Ewan ko!
Favorite ni Jaeli yung Death Cab For Cuties, kasi gwapo daw yung mga members kaya pumuta kami sa isang mall kung saan nag tour yung Death Cab, nanood kami ng concert, sigaw ng sigaw si Jaeli, at pakatapos bonding moment, kain ng dinner at ikot sa mall, natapos yun ng gabing yun at nagpalano din ako nung araw na yun, na I’ll take the risk to tell him kung ano ba yung nararamdaman ko, bahala na! ang mahalaga, masabi ko sakanya kung ano yung nararamdaman ko. Bumubwelo ako habang kumakain pero nung gusto ko na sabihin may bigla naman tumawag kay Lance, si Mama nya, pinapauwi na sya di ko alam kung bakit, gagamitin yata yung car na dala namin, kaya ayun tinapos nalang naming yung kinakain namin, at ako? Nagplano nanaman ako kung pano ko sasabihin sakanya, pag labas naming ng Mall, sobrang lakas pala ng ulan hindi ko napansin.
“Dito lang kayo ah! Kunin ko yung kotse ikot ko nalang dito okay?” sabi ni Lance, hihintayin nalang naming sya kasi pag sumugod kami, basa kaming tatlo, sweet naman! Sya lang basa, hahaha!
“Ingat ha?” sabi ko sakanya. Sumugod na sya sa ulanan, wala pang isang minuto na nakaalis si Lance may narinig kaming malakas na pagkaskas ng gulong sa daan, isang malakas na tunog na parang may nahagip na kung ano yung kotse kaya pinipilit na tumigil, nagkagulo yung mga tao, naglapitan kung saan narinig ang tunog, hindi ko alam pero sabi ng sarili ko tumakbo ako dun, hinatak ko si Jaeli, sobrang daming taong nakapalibot sa lugar, sa gitna ng ulan, hinawi ko lahat ng mga taong madadaanan ko hindi ko alam kung bakit at habang papalapit ako sa kotseng nag biblink yung headlight, ewan ko kung bakit kinakabahan ako, nakita kong hindi kotse ni Lance yun pero ewan ko kung bakit, nang makarating kami sa harap. Isang malagim na imahe ang tumambad sa mga mata ko, Si Lance nakahiga sa daan, duguan, hindi ko alam ang gagawin ko, isinisigaw ko ang pangalan nya pero walang lumalabas na boses sa bibig ko, tumutulo yung mga luha ko sa gitna ng ulan, sinisigaw ko yung pangalan nya pero wala padding lumalabas na boses ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko
“Drei!!!!”
“John Andrei David! Gumising ka na! Tatapusin mo pa yung Trigo mo! Anong petsa na! alas 7:00 na nang gabi”
Nagising ako sa sigaw ni Lance sakin. Pag gising ko nagulat ako na basa ang unan ko, basa ang mata ko ng luha
“Oh bakit ka umiiyak” tanong ni Lance
Ngumiti nalang ako at niyakap ko sya, sobrang higpit na yakap, ayoko sya pakawalan, natatakot ako sa kung ano ang pwede mangyari. Inilapit ko yung mga labi ko kay Lance, ayoko na magsayang ng panahon, kung kayak o, sisimulan ko na ngayon, pumikit ako at pinaubaya ko na kay Batman, kung ano man ang mangyari pag hinalikan ko sya, pag tangal ko ng mga labi ko sakanya tumingin ako sa paligid, di ko naalala na bago ako matulog, ay amoy na amoy ang pintura, sa sobrang pagod ko kanina bagong pintura nga pala ang kwarto ko, at alam mo ba kung anong kulay?
Itanong mo sa Dream book ko…
Isang masamang panaginip nanaman ang nagyari, isang mahabang panaginip na kailangan ko ilagay sa Dream book ko, isang panaginip na kakatakutan ko nanamang dumating, isang panaginip na sana hindi magkatotoo, isang panaginip na magiging leksyon nanaman sakin, ano nga ba natutunan ko? Wag ko daw sayangin yung oras ko, kung kaya ko sabihin ngayon, bakit hindi diba? Siguro binigay sakin ng Diyos na maykapal yung ganitong kakayahan hindi para baluktutin ko ang tadhana ngunit para magkaroon ako ng mga leksyon sa bawat panaginip na mapapanaginipan ko.
Wooh ganda ng story, nkk bitin :)
ReplyDelete:D great!
ReplyDeletenice one Gab. Galing nman. nakaka inspire mag sulat pag ganito ang mababsa mo lagi.
ReplyDeleteKeep it up..
@MR. Anonymous:
ReplyDeleteThanks po sa pagbasa.. :)
@Gboi:
THanks sa pagbasa Gboi, don't worry kayo din nagiinspire sakin (readers) para mag continue na magsulat :) thanks
nice story.. nga pla gagamitin kong status ung lines ng story huh.. keep it up gabi :D
ReplyDelete@Anonymous.. :) no problem thank you po sa appreciation
ReplyDeleteAng ganda nmn.nak
ReplyDeleteWalang halong kabastusan..sana kung my karelasyon man aq..i hope 'll be lyk dat(katotoo)hndi ung kakayahan niyang managinip ng future hahah
ReplyDelete