Kahit sino ka pa man, kahit ano pa man ang kasarian mo, you have the right to LOVE and to be LOVED. :)
Sunday, April 10, 2011
Frames of Time (2)- Tomorrowland
sorry guys! :( kasi sobrang sobrang sobrang sobrang Busy.... :) pero ginagapang ko talaga ang FRAMES of TIME... hehehe sorry talaga... pero eto para sa mga naghahanap, chapter 2... :) THANKS GUYS :)
by the way... eto nga pala yung link sa chapter 1 para sa mga hindi pa nakakabasa
FRAMES OF TIME- CH.1 ()
BLOG:
FB:
_____________________________________________________________________________________
Walang katao tao sa loob ng unibersidad namin, naglakad ako na Malabo labo pa ang paningin ko, parang medyo mahina ang tuhod ko, may epekto din pala yung nainom ko kanina, sa pagikot ko ay nakita ko ang isang janitor na naglilinis sa isang pasilyo doon. Agad ko naman syang nilapitan at parang gulat syang makita ako na nasa eskwelahan at naka uniporme parin
“Kuya! Bakit wala na pong estudyante? Na cancel po ba yung klase?” tanong ko sa janitor
“Ha? Linggo ngayon.... namali ka yata ng pasok… Sira yata yung Bodar mo” magulong sagot nya
“Ano po yun?” tanong ko sakanya
“Alin?” tanong nya pabalik saakin
“Yung Bodar?”
“Nako yung Bodar ba? Yun yung…..” naputol ang pagsasalita nya ng may nagring sa bulsa nya. What the hell, janitor ba sya? sosyal, naka iPhone si kuya, wow! Kahit ako walang ganun kamahal na phone. Naglakad sya papalayo at pati na rin ako, naglakad nalang palabas sa eskwelahan at iniisip ko na dalawang araw ba akong nakatulog sa loob ng storage room na iyun?
Habang naglalakad ako papalabas ay iniisip ko kung ano na ang gagawin ko, paano ko aayusin ang buhay ko, paano ko pipigilan ang lalo pang pagkalat ng sex video ko! Shit! Halos umapoy na yung utak ko kakaisip kung ano ang gagawin ko! Weird, 2 days na siguro akong pinaghahahanap sa dorm namin, kamusta na kaya si Popong, ano kaya ginagawa nya ngayon, agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa bag at boom! Empty bat. Na ako! Nice, habang papalapit ako sa labasan ng eskwelahan ay parang naiba ang gate ng unibersidad namin, at parang may kakaibang nangyayari sa labas ng eskwelahan namin, parang kakaunti lang ang mga tao sa labas ng school na dati ay halos hindi mahulugang karayom ang mga nagsisisiksikan doon! Ano ito? Epekto parin ng mga putanginang kemikal sa katawan ko, hindi pa sapat na dalawang araw akong walang malay sa mainit at madilim na storage room na yun. Kung ako kasi ang papipiliin mo, sana hindi na nga ako nagising! Sana nga hindi nalang ako nakabalik sa kamalayan, sana ay nilamon nalang ako ng lupa! Sana ay namatay nalang ako.
Nagiisip parin habang naglalakad, nakatingin lamang sa daang tinatahak ko palabas ng gate ng eskwelahan, naglalakad pero tulala kakaisip, hanggang sa laking gulat ng mga mata ko ng hatakin ko ang gate, pagkaapak ng kanang paa ko sa labas ng eskwelahan at pagsilay ng mga mata ko sa mundo sa labas ng aking eskwelahan ay parang malaking pagbabago ang nangyari sa dating napakagulong daan, dating mga may nagbebenta ng mga kung ano ano pagkalabas mo, may mga naglalako ng mga kung ano ano rin! Paglabas ko ay nakita ko ang maraming bagay na alam ko ay nung pumasok ako ng eskwelahan nung byernes ay wala doon! Mga naglalakihang screen sa harap ng eskwelahan namin, mga magagarang kotse na ngayon ko lang nakita. Mga luxury car na taxi ngayon, ano ang nangyari saakin, nakatulog lang ako ng dalawang araw, ganito na ang nangyari sa mundo!
Nasaan ako? Hindi ito ang iniwan kong mundo, hindi ito ang Pilipinas na alam ko! Nasaan ako, bakit ganito, nakahinto lang ako sa gitna ng daan, tingin ng tingin sa paligid, nagkalat ang naglalakihang screen na kung anu anung mga advertisement ang pinapakita
Hindi kaya….
Nasa ibang panahon ako…
Laking gulat ko ng nagflash sa malaking screen sa harap ko ang “Today’s Updates” nan aka flash sa screen. Nakalagay dito ang temperatura sa araw na ito, ang mga weather updates, kung saan uulan, kung anong oras na at ang ikinagulantang ko ay ng nabaling ang mga mata ko sa pinaka ibaba ng screen, nakalagay ang date sa araw na ito
March 29, 2061
What the fuck? Bakit ako nasa 2061? Prank ba to sa isang TV show? Sumikat na nga ba ako dahil sa video ko? Nasaan ako? Kung totoo man ang nakalagay na date dun sa screen, bakit ganito parin ang itsura ko, imposibleng limampung taon ako nakahiga sa storage room ng eskwelahan namin at nakatulog lang duon, ano yung storage room na yun? Time machine? What the fuck! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung ano ang iisipin ko, basta ang alam ko, this is so weird, why am I here? What am I doing in this place?
I have to know kung anong nangyayari saakin, grabe! Hindi ko alam kung anong una kong gagawin! Hindi ako mapakali, ibang iba ang mundo na ito, hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari, ang naisip ko muna ay bumalik muna sa dormitoryong iniwan ko limampung taon na ang nakakaraan, naglakad, na parang normal na araw lamang ito, hindi ko parin maalis sa sarili ko na tumingin sa kakaiba kong paligid, ibang iba na pala ang mundo pagkatapos ng limampung taon, akala ko dati ay maghihirap ang buong Pilipinas, pero sa inobasyong nakikita ko ngayon ay para bang nag evolve ang Pilipinas, o kahit itong Maynila lang pala, mga naglalakihang screen na kahit saan ka pumunta, may makikita ka, magagandang daanan, ang mga overpass, underpass, at iba pang daan ay ibang iba na rin, parang gawa sa matigas na matigas na salamin ang gilid at ang lapag na dadaanan mo ay parang gawa naman sa plastic na transparent at sobrang tigas na kahit yata mabigat na nilalang ang dumaan ay hindi masisira, sa ilalim ay may mga , at parang mamahalin, basta! Ito na ang kakaibang Maynila pagkatapos ng 50 years, mukhang pangmayaman!
Pagkadating ko sa dorm namin dati ay ibang iba na din ang itsura nito! Mas mataas, kung dati ay tatlong palapag lamang ito, ngayon ay mas mataas pa sa sampung palapag, paano ko nalamang iyun yun? Iyun parin ang pangalan ng dorm eh, nagbakasakali ako na yung susi ko ay gagana parin sa room 308, kung saan dati akong nakatira, ngunit pagkapasok ko ng gate, may parang receiving area, at may isa pang pinto at bubuksan ko n asana ito ng may bigla nalang may nagsalita na parang nanggaling kung saan
“Transient?” tanong ng boses
“Ahhhh… hindi po, dating resident” sagot ko
Napagtanto ko na merong camera at speakers kung saan duon nanggagaling ang boses.
“Hindi po naka register ang Bodar mo sa residents namin” sabi ng boses
Bodar? Anu ba yung lintek na Bodar na yan?
“May bakante pa po ba?” tanong ko
“Punta ka nalang dito sa office namin sa room 101, pagpasok mismo ng pinto dyan sa harap mo, eto na ang office, para mabuksan mo yung pinto, paki swipe po yung bodar mo sa sensor sa pinto” sabi ng boses
What the hell! Putakteng Bodar na yan! Kanina ko pa naririnig yung lintek nay an!
“Wala po akong Bodar? Ano po ba yun?” sabi ko sa boses
Biglang may binata na lumabas sa pintuan sa may receiving area ng dorm at mukhang iyun ang kausap ko pa kanina sa speakers ng dorm
“Wala kang Bodar?” tanong ng lalaki
“Ano po ba yun?” tanong ko sakanya
“You’re funny, hindi mo alam yung Bodar?” tanong nya
“Ahhh… galing kasi ako sa ano… sa ibang bansa… eh… hindi ko alam kung ano yun” sagot ko
“Ha? Saang bansa? Eh buong mundo gumagamit na ng Bodar” sabi ng lalaki
“Sorry! Hindi ko talaga alam yun” sabi ko sakanya
“Okay ganito nalang, patingin ako ng kamay mo” sabi ng lalaki
Inabot ko naman kaagad ang mga palad ko sakanya at hinawakan nya ito, at tila ba may kinakapa kappa sa paligid ng mga palad ko, at bigla syang napatingin saakin, at parang weirdong weirdo ang pagkatingin nya saakin
“Bakit po?” tanong ko sa binate
“Wala ka ngang Bodar!” sabi nya
“Ahhhh… Oo nga… po…. Wa…la… talaga eeh….” Natataranta kong sagot
“Imposible… saang mundo k aba galing? Tao ka ba talaga? Bakit wala kang Bodar” sabi ng lalaki
Hindi ko alam nung mga oras na iyun kung anong kahangalan nanaman ang isasagot ko sakanya, PUTANGINANG BODAR yan! PUNTAINGA!!! Kanina pa ako hinahunting ng hinayupak na Bodar na yan!
Nandito parin ako kung nasaan ako kanina pa… Sa harap ng lalaking ito na kanina pa ako hinahanapan ng isang bagay na hindi ko naman alam kung ano, napaka weirdo ng mundong ito, bakit ba ako nandito? Tanginang time machine…. O kung ano man yung hayop na kwarto ng mga janitor nay un ang nagdala saakin sa mundong ito… Ano ba ang dahilan kung bakit nandito ako sa 2061…. Ayoko na… ibalik nyo na ako sa 2011…. O kung hindi man patayin nyo nalang ako!
(Itutuloy....)
Subscribe to:
Posts (Atom)